Isla Verde #4: Too Far Away

By cinnderella

3.8M 117K 28.9K

WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFEC... More

Too Far Away
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
To: Readers

Kabanata 16

60.4K 2.3K 289
By cinnderella


Kabanata 16


Five words... and it's breaking me.

Stay away from my son, mother of Cali's voice echoed my ear.

Layuan mo ang anak ko, again... it's breaking me. Sa tagalog o sa ingles, limang salita na sobrang sakit ng epekto sa akin.

Bakit kaya ganoon ang mayayaman? Bakit hindi pwede maging masaya ang mahirap sa kanila na wala naman ibang intensyon? Totoong gusto ko si Cali, hindi ko iyon ipagkakaila.

Wala akong pakealam kung mayaman pa siya o hindi. I simply like him, his attitude, the air when he's around, everything about him. His smile and laugh, his dark and mysterious eyes while looking at the blue.

Kapag kasama ko siya hindi ko maramdaman na magkaiba kami, na mataas siya at mababa lang ako dahil hindi siya ganoong klase ng tao. Bakit kung kailang masaya ka ay 'tsaka ka lulungkot? Pwede pala iyon?

Binato ko ang papel na nakalukot, makalat na ang kwarto ko dahil sa mga papel na lukot roon. Hindi ako makapagconcentrate sa aking design na ginagawa para sa project.

Paulit-ulit na lumilipad sa aking isip ang lahat ng sinabi ng ina ni Cali, ang mga insultong sinabi ni Allison at ang pagpapalayo nila sa akin kay Cali.

Bakit ako? Hindi ko matanggap na lalayuan ko si Cali. Mas matatanggap ko pa kung si Cali ang pagsabihan nila na layuan ako, tatanggapin ko iyon ng buo dahil siya ang lumayo.

Masakit man, pero pag siya na ang lumayo ay wala na akong magagawa.

Tumulo ang mga luha sa pisngi ko, muli kong nilukot ang papel na walang kwenta kong disenyo. Bumukas ang pintuan, umayos agad ako at pinalis ng pasimple ang luha.

Jella entered my room. Kahit kailan ay hindi pumasok si Jella sa kwarto ko dahil ayaw niya at marumi daw, kaya sorpresa ito para sa akin.

Wearing her serious face, she looked at me and the scratch papers in my bed. Huminga ako ng napakalalim at tumingin lang sa kanya.

May sasabihin ba siya?

She sighed.

"Sabi ni Mama ay huwag na paratingin ang nangyari kila Nanay at Tatay, alam mo naman ang sakit ni Nanay lalo na kapag tungkol sa'yo." seryoso niyang sinabi.

Sinara niya ang pintuan sa likuran at tumuloy pa sa harapan ng kama ko. Kinabahan agad ako.

Alam ko naman iyon, gusto ko ring hilingin kay Tita iyon kahapon pero dahil hindi siya nagsalita at si Jella tungkol sa nangyari kahapon nang makauwi sila Nanay ay hindi na ako nagsalita at napanatag na ang loob ko dahil doon.

Hangga't maaari ay ayaw kong mag-alala sila sa akin, hindi naman sila iyong tipo ng tao na papalayuin ako kay Cali pero hindi maiiwasan na mag-alala sila sa akin dahil doon.

Tumango ako. "Opo, Ate."

Kumunot ang noo niya at tinitigan ang aking mukha. Kinuha niya ang isang papel na nasa paanan niya at binuklat iyon, huminga siya ng malalim nang makita.

"Huwag mong isipin ang mga 'yon, Ashiel. Mag-aral ka at magfocus sa ginagawa mo, hindi sila ang bumubuhay sa'yo kaya hindi mo dapat pinapapansin. Kung pwede din ay sabihin mo kay Cali para magkalinawan kayong dalawa."

Tumango lang ako.

"Salamat."

Hindi ko sasabihin kay Cali iyon, hindi pwede. Ayaw kong makagulo pa sa kanilang pamilya, pero hindi ko rin siya iiwasan sa ngayon. Kahit huling beses lang...

Kahit isang beses na lang ulit, sana mapagbigyan akong makasama siya. Natatakot ako, oo, lalo na sa banta ng kanyang Mama pero isang beses lang naman ang hiling ko. Huling beses lang, isang araw, buong oras.

Sobrang sakit. Hindi ko alam na masasaktan ako ng ganito kaaga, ang tagal na naming magkakilala ni Cali kaya talagang hindi ko alam kung paano ako iiwas sa kanya pagtapos ng huling beses pag balik niya.

Pinatay ko ang cellphone na bigay ni Cali nang araw na iyon, nilagay ko sa isang box na may mga papel at sulat para sa kanya. Tuwing magkasama kami ay sinusulat ko sa maliit na papel ang date at highlight ng araw namin kapag magkasama at natatapos ang buong araw.

Nilagay ko lahat iyon sa box, ang cellphone naman ay ibabalik ko kapag nagkita kami. Iyong box ay wala akong balak ibigay sa kanya, akin lang iyon para maalala ko ang lahat kapag iniwasan ko na siya.

Sumunod na araw ay nagpasa ako ng disenyo sa aming propesor na nagpagawa sa akin para daw sa kanilang bahay. Sa kasamaang palad ay hindi niya nagustuhan iyon kaya pinagawa ulit ako ng panibago.

Hindi na ako umangal, binigyan naman niya ako ng isang linggo para tapusin iyon kapalit ng bumababa kong grade sa kanya. Wala talaga akong magagawa para lang makabawi doon.

Wala akong gana nang makauwi ng bahay pagkatapos ng klase, bago pumasok sa bahay ay nilapag ko ang bag sa kahoy na upuan at kinuha ang walis tingting para maglinis ng bakuran.

Mukhang wala pang tao sa loob, kung meron man ay baka si Jella at Jessa lang. Sila Tita ay maghapon sa trabaho, ganoon din si Nanay at Tatay kaya mamaya pang alas-sais ang uwi nila dito.

Hinto sa pag-aaral si Jessa dahil gusto daw munang magpahinga, si Jella naman ay tapos sa dalawang taong kurso na HRS at kung minsan ay nagluluto siya sa karenderya ni Aling Betcha at nagtitinda din siya ng leche flan. Si Jessa ay third year college at ako naman ay second year college na.

Konti lang ang mga dahon na nagkalat kaya hindi na ako inabot ng ilang minuto sa paglilinis roon, I inhaled sharply while walking towards the door. Pinihit ko ang door knob noon at binuksan na.

Halos magulantang ako nang makitang nakaupo si Cali sa aming sofa, kung saan umupo ang kanyang Mama kahapon.

Wearing his formal white long sleeves folded till his forearm, dark slacks and a pair of black shoes. His air is screaming power and authority even in just sitting effortlessly there, nakadekwatrong upo.

Nanlaki ang mga mata ko, my mouth parted while looking at him. Kumalabog ang puso ko. His brow shot up as he opened his dark eyes and it directed at me immediately.

My heart ached. I want to run and hug him tight for missing him so much pero habang tinititigan ko siya ngayon ay malinaw sa akin na hindi siya dapat narito. Hindi siya para sa akin at malayo kami. Masyado siyang mataas para sa katulad ko.

Huminga ako ng malalim, pinigil ang lahat ng emosyon at ngumiti ng malapad sa kanya. Hindi siya gumanti ng ngiti, seryoso lamang ang mga mata at pinapakita noon na may nagawa akong kasalanan.

Huh?

"Cali!" I said happily.

I'm really happy and sad at the same time, pain never leave me the day his mother went here. Patuloy iyon sa dalawang araw hanggang ngayon, masakit lang. Masaya lang dahil narito siya at nakikita ko.

Pormal na tumayo siya, hindi nawawala ang kaseryosohan at galit sa mga mata kaya kinabahan ako at lalong dumoble ang sakit na nararamdaman dahil doon.

Huminga ako ng malalim at hindi iniwasan ang kanyang matiim na titig sa akin. Sumulyap siya sa aming pintuan pero bumalik rin agad sa akin.

"M-May problema ba?" kabadong tanong ko.

His forehead creased as he jaw clenched.

"May problema ba?" he whispered. "Ikaw ang dapat na tanungin ko, Ashiel."

Suminghap ako.

Ano ba iyon? Nalaman ba niya ang pagpunta ng ina niya rito? Ang pang-iinsulto ni Allison? Ganoon na rin ng kanyang Nanay?

"W-Wala, Cali." giit ko.

"I can't fucking call you!" he said hoarsely.

My eyes widened, my chest is pounding so fast.

"What's wrong?" he whispered.

Malaki ang hakbang niya at agad nasakop ang aming pagitan. Nalanghap ko agad ang mabangong amoy niya. Ang kaba ay dumoble sa pagalapit niya. Hinawakan niya ako sa siko sa malambing na paraan.

"What's wrong, Ashiel? Galit ka ba? May nagawa ba ako?" he whispered gently.

Tumindig ang balahibo ko. My mouth dropped, tiningala ko ang katangkaran niya at nakita ko ang maamong mga mata na mahirap titigan sa huling pagkakataon. Sa huling araw.

Kunwaring natawa ako at mabilis umiling.

"Wala, Cali. Tinabi ko ang cellphone, ibabalik ko kasi sayo 'yon."

Kailangan kong ibalik sa kanya iyon, lalo na't ngayong pinamukha sa akin nila Allison na ang mahihirap ay yaman ang habol sa katulad ni Cali. Ayokong tumanggap ng ganoong bagay mula kay Cali, tama naman. Hindi ko iyon sariling pera.

"Bakit mo ibabalik?" he drawled.

Ngumiti ako. "Wala, Cali. Mas gusto ko kasing sakin galing ang cellphone, makakabili naman ako. Nabilang ko na ang ipon ko."

Mabilis kumunot ang noo niya, dumausdos pababa ang kanyang malaking kamay sa aking kamay para ipagsiklop iyon. I want to smile but pain is powerful.

"How can we talk while I'm away? Damn! I thought there was something wrong between us. Sana ginamit mo muna at sinabi ko naman na hindi na kailangan, 'di ba? That's yours." malamyos niyang sambit.

He crouched and sniffed on my hair, ang isang braso ay pinalupot sa aking baywang para mayakap. Malungkot na napangiti ako, pagbibigyan ko ang sarili sa huling pagkakataon.

"Okay lang, Cali. Tara!" kumalas ako at hinila siya mula sa magkasiklop naming kamay para lumabas. "Date tayo!"

Tumawa ako. I felt him stiffened kaya hinarap ko siya pagkalabas ng bahay. His lips are apart while looking at me with amusement in his eyes.

"Bakit?" tawa ko.

His eyes narrowed. "Date, Ashiel? Saan mo natutunan 'yan? Nakipagdate ka ba habang wala ako? May nagyaya ba sayong magdate?"

Humalakhak ako at hindi makapaniwalang tinitigan siya. Seryosong seryoso siya at nag-iigting ang panga sa inis, umiwas siya ng tingin dahil sa pagtawa ko.

"Nagdate kayo ng Ran!" akusa niya.

Mas lalo akong tumawa, sa inis niya ay binitiwan niya ang aking kamay kaya nagulat ako.

"Cali! Hindi! Ba't naman ganyan ang naisip mo!?"

His lips pursed, pinasadahan niya ng kanyang daliri ang buhok at matalim na bumaling sa akin. Kinagat ko ang labi ko.

"Hindi kami nagdate, promise! Ngayon lang ako makikipagdate, sayo. Hindi mo naman ako inaaya kaya ako na ang mag-aaya."

Muli kong hinawakan ang kamay niya, the warmth of his hand is giving me so much emotions. Gusto kong maiyak na baka ito na ang huling beses na mahahawakan ko ang ganitong klase ng kamay. Ang kamay niya.

He groaned harshly and cursed, ilang saglit pa ay siya mismo ang nagsiklop sa aming mga daliri. Pinunan ang bawat puwang sa aking kamay.

"Let's date, then." he drawled. "Hindi pa pala date ang ginagawa natin sa araw-araw..."

Humalakhak ako at umiling.

"Date 'yon, pero itong ngayon ay special date! Happy ka na?"

He chuckled huskily, inangat niya ang kamay ko para mahalikan ang likod ng palad noon. I smiled a bit and looked at our hands while walking.

Mukhang wala siyang dalang kotse ngayon, pero naglakad ba siya na ganyan ang suot? Mukha siyang artistang naligaw sa ganitong lugar.

Halos lahat ay mabalian ng leeg dahil sa paglingon sa amin, lalo sa kanya. Nakita ko pa si Wena sa kanilang bakuran na nanlalaki ang mga mata habang nakatitig kay Cali.

"Cali, wala kang dalang sasakyan?"

He smirked and shook his head.

"Nagpahatid lang ako kay Zafkiel." aniya.

Tumango ako. "Ganyan ang suot mo, 'di bagay sayong maglakad ngayon."

"Can't help it, you worried me. Wala na 'kong panahon umuwi pa. I want to see you, first before everyone."

My heart hurt. Damn it. Bakit hindi kasi kami pwede? Bakit kasi iiwas ako? Bakit kasi pinapaiwas ako? Bakit ako matatakot sa banta ng kanyang ina?

Ang sakit naman ng ganitong lagay. Sana hindi ako mahirap, sana hindi ganito ang buhay ko. Sana pantay kaming dalawa, sana sa susunod ganoon na para bagay na kami at hindi na tututulan ng iba.

"I want to take you to Manila..." he mumbled hesitantly.

Napasinghap ako, ang kanyang mga mata ay nakatingin ngayon sa aming kinakain na naging paborito niya. Ang calamares at fried isaw, marahang nilalaro niya ang stick noon.

"Bakit naman?"

"I want you to see what's around there, para hindi ka mag-isip ng kahit na ano. Mukhang mapapadalas kasi ako sa Manila," he sighed heavily.

Mas magiging madali sa akin iyon 'di ba? Bakit ako nalulungkot? Bakit ang sakit? Mas madali nga kung ganoon ang mangyayari. Siya ang mawawala dito sa Isla Verde at malalayo kami sa isa't isa.

"Ayos lang, Cali. Naiintindihan ko naman."

Pumikit siya ng mariin at hinawakan ang aking kamay na nasa lamesang bato, marahan niyang hinaplos ang likuran ng palad ko at panay ang buntong hininga. Hindi siya makatingin sa akin.

"I don't want that." he said. "I am missing you so bad, Ashiel. Kahit naiintindihan mo o hindi. I'll talk to Cyprian about this, I promise..."

Umangat ang tingin niya sa akin ngayon, nakaramdam ako ng kakaibang sakit na may kasamang guilt. Umiwas ako ng tingin dahil sa pagsikip ng dibdib ko, tinanaw ko ang kabundukan.

I'll treasure this moment with him, narito kami sa paborito naming lugar kung saan walang ibang makakapunta. Walang ibang nakakaalam, walang tututol sa amin.

How can I tell him to stay away from me? How can I avoid him? Paano ko gagawin ang lahat ng iyon? Ang sakit, naiisip ko palang ay kakaibang sakit na.

Pumikit ako ng mariin at dinama ang simoy ng hangin, the time is ticking so fast. Kulay kahel na agad ang kalangitan at alam kong ito na ang huling pagsasama namin dito sa burol.

Marahang nilingon ko si Cali, ang mukha niya ay nasa aking balikat. Nakapikit ang mga mata at parang dinarama rin ang oras na ito. His iron arms are wrapped around my tiny waist, I'm sitting in between his thighs habang magkasiklop ang aming mga kamay na nasa hita ko.

Tinitigan ko siya habang nakapikit siya, yumuko siya ng konti para magpatak ng halik sa aking balikat. Napangiti ako ng malungkot at huminga ng malalim.

I watched the sun goes down. Unti-unting dumilim ang kalangitan at ang mga ilaw mula sa mga gusali sa ibaba ay nag-agawan sa pagkinang.

"Anong pangarap mo, Cali?" tanong ko sa tahimik na tinig.

He hummed huskily.

"Wala na, I have everything, noon." he chuckled. "Ngayon, ikaw ang kulang."

Kumalabog ang dibdib ko. Huminga ako ng malalim, hinawakan ko ang lahat ng emosyon na kumawala.

I chuckled weakly.

"Ganoon?" untag ko. "Sino ang best friend mo?"

"I have for best friends," aniya. "Zafkiel, Matthew, Clay and Spiral."

Namilog ang mga mata ko.

"Talaga? Si Spiral Roscoe?"

Naramdaman ko ang pagmulat niya, nakatitig siya ngayon sa akin kaya pinili kong sa kalangitan lamang manatili ang tingin.

"Yeah." he said. "Why? You like him?"

"Like!" I scoffed. "Like agad? Nagtanong lang. Napag-usapan kasi siya ng mga kaibigan ko."

He chuckled. "So, you're curious about him..." inis niyang sambit.

"Hoy, hindi, ah! 'Di lang ako makapaniwala na magkaibigan pala kayo. Si Zafkiel at Matthew lang kasi ang alam ko." giit ko habang nakanguso.

He groaned, kumalas siya sa akin at tinitigan ako. Napatingin din ako sa kanya dahil sa biglaang pagkilos. Nakabusangot ang mukha niya at bahagyang nakatulis ang nguso.

"Kailan mo ba 'ko sasagutin?" marahas niyang tanong.

I was damn surprised. Hindi ko inasahan iyon! Mas lalong nadepina ang kabog ng puso ko ngayon dahil sa sakit at pait.

"I want to kiss you so bad..." he said ruthlessly.

Bawat minuto ay kinabisado ko sa isip, ang kanyang pagyakap. Ang kanyang posisyon ngayon at ang kanyang mukha.

I will push him away...

I will avoid him...

I will break everything between us... the next day.

Huminga ako ng malalim at lumapit ng bahagya, I gently cupped his cheek. Tumitig ako sa kanyang seryosong mga mata at may pag-aalinlangan ngayon. Para bang gustong umiwas at may nagpipigil.

Ngumuso ako para pigilan ang ngiti, I leaned closer, his eyes widened when I started kissing him. Pumikit ako at mas lalo siyang hinalikan, he was stunned for a while but gave in.

Humawak siya sa aking baywang para hapitin ako palapit. Suminghap ako.

Hindi ko ito makakalimutan at hindi ko hahayaang mawala sa alaala ko.

Damn, it hurts so bad.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 65K 41
Sahara Israel's life is in Manila and it's been uprooted for her mother's love life, at least that's what she thinks. She had to leave her friends an...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
2.7M 105K 56
The S #3 She was the most innocent and purest Serrano... until she wasn't. Alister Santiesteban is the name that Hyon wrote in the back of her notebo...
628K 42.1K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...