Isla Verde #4: Too Far Away

By cinnderella

3.8M 117K 28.9K

WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFEC... More

Too Far Away
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
To: Readers

Kabanata 12

66K 2.6K 895
By cinnderella


Kabanata 12


"Sabi ni Bronson ay 'di ka nagseseryoso sa babae at meron kang babaeng pinagkakaabalahan rito. You're busy with your needs," I said shyly.

Hindi ko talaga matanggap ang nadinig kong iyon, pakiramdam ko ay magpupuyos ako sa galit dahil doon. Naiinis ako na baka nagpaikot ako kay Cali sa sandaling buwang nagkakasama kami.

Kung may iba man siya ay hindi niya dapat ako paikutin, doon nalang siya sa babaeng pinagkakaabalahan niya.

Hindi tama iyon, lalo na sa akin na madaling mapaikot. Inaamin ko iyon, Cali is nothing but a good and gentleman man to me. I find him sweet and easy to be with. Everytime I'm with him feels fair, kahit pa mayaman siya at malayo kami.

Suminghap siya, hinapit niya agad ang aking balakang para mailapit sa kanya. Kinulong niya ako sa gitna ng kanyang mga binti habang nakahawak sa magkabilang balakang ko at tinitigan ako.

Ngumuso lang ako miski kabado sa aming posisyon.

"Bronson is an asshole. Hindi niya alam na ikaw ang pinagkakaabalahan ko rito at 'di dapat siya nagsalita ng ganoon sa harapan mo." he whispered.

Namilog ang mga mata ko sa kanya.

"Ako?"

My heart is racing. Hindi ako makapaniwala at parang hindi kapani-paniwala iyon! Pero kapag naiisip ko na kami ang magkasama sa buong maghapon ay maaring totoo.

Damn, bakit kapag sa iba ko nadidinig iyon ay hindi ko maisip na kami ang magkasama ni Cali at bakit ko naiisipang may iba siyang babae, gayong ako ang hinahatid-sundo niya.

But then, who knows when I was in school, right? Paano kung may iba siya kapag hinahatid niya ako ay doon siya diretso?

His brow shot up. "Sino ba ang kasama ko sa araw-araw? Sino ang hinahatid-sundo ko at kasama buong maghapon?"

I knew it! He used it!

Napasinghap ako.

"Pero hindi naman kita nakikita oras-oras, hindi naman tayo magkasama sa araw-araw."

Which is true, paano kapag hindi kami magkasama? Paano kapag nasa Maynila o ibang lugar siya? Hindi naman siya nasa paningin ko bawat oras. He could do anything whenever I'm not around.

He groaned softly, natawa siya at napakamot ng bahagya sa kanyang makapal na kilay. Tinulak niya pa ako palapit sa kanya, pinagsiklop ang kanyang dalawang kamay sa aking likuran para maikulong ako.

"We can change phones," he chuckled.

Napangiwi agad ako at umiling.

Wala naman akong cellphone dahil hindi importante iyon para sa akin... noon. Ngayon ay parang kailangan ko nga, sakto kaya ang ipon ko roon? Magkano ba ang cellphone? Kailangan kong magtanong kay Myla.

"Wala akong cellphone, pero bibili ako dahil may naipon naman ako." ngumuso ako.

Ni hindi nga ako marunong gumamit noon, si Myla ay may cellphone pero hindi ko naman naitanong kung paano iyon gamitin dahil wala akong interes sa mga ganoong bagay.

Pero ngayon mukhang kailangan kong aralin para sa sinasabi ni Cali.

Humalakhak siya at marahang napamura. He took his phone out, hindi ko alam ang mga itsura ng cellphone pero iyong kanya ay may kalakihan at kulay pula na tila mansanas na may kagat sa likuran.

"Here," nilahad niya sa akin ang cellphone. Hindi ko agad iyon nakuha kaya hindi ko tinanggap at tumitig lang doon. "Take my phone, sa'yo na 'to. We'll text anytime you want and I'll tell you everything I'm doing."

Kinuha niya ang kamay ko at nilagay roon ang cellphone na pula, halos sakupin noon ang aking palad at mas malaki pa.

Damn! I don't know how to use this! Nakakahiya.

"Pero..."

"No more pero." he chuckled and tucked my hair behind my ear, hinila niya ang braso ko habang abala ako sa pagtitig sa cellphone sa kamay ko.

Tatanggapin ko ba ito? Pwede sigurong bayaran ko na lang, kung ganoon? Hindi ko naman ito pinaghirapan kaya hindi ko dapat tanggapin ng libre.

Inamoy niya ang aking buhok, pumindot siya sa cellphone at nagbukas iyon. Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ang aking litrato roon na nakapikit habang nakangiti ang labi.

Ito iyong araw na nasa burol kami at dinarama ko ang simoy ng hangin sa itaas. Shit, my heart! I feel so damn fluttered! Bakit siya my ganito at sa cellphone pa talaga niya.

Ngumuso ako, ang init ng pisngi ko.

"Madali lang 'yan, I'll teach you some other time. Pag tumunog mamaya, just accept button on the screen. Tatawag ako. Iyon lang muna ang kailangan mo." sabi niya sa malambing na tono habang nakatuko ang ilong sa aking buhok.

"Wala kang gagamitin." sabi ko at binalik ang cellphone niya. "Bibili na lang ako, Cali. Isa pa, hindi dapat ako tumanggap ng ganito sa'yo ng libre. 'Di ako naghirap sa bagay na 'to."

He closed his eyes and a small smile plastered on his red lips, he licked his lower lip and opened his eyes to see me.

"You're too ideal, baby." he whispered sweetly. "I can fucking give you the world, please, take this phone. I want to text with you all the time, ayoko ng may doubts ka sa mga gawain ko sa oras na hindi tayo magkasama."

Huminga ako ng malalim, hindi napigilan ang pagngiti kaya ngumuso agad ako sa kanya. Tinitigan ko ang kanyang mukha na tila parating seryoso pero maamo ang mga mata kapag nakatitig sa akin.

"Hm, oh, sige? Basta sabihin mo sakin kung magkano 'to para mabayaran ko kahit paunti-unti at paano ka? Wala ka ring gagamitin?"

Napailing siya at ngumuso para pigilin ang kanyang ngisi.

"Hindi na, Ashiel." he sighed. "Yup, I have spare at home. I'll call you immediately when I get home, for now, let me take you home."

Cali held my hand as we went out of the restroom, uminit ang pisngi ko. Mabilis kong kinalas ang kamay namin, his forehead creased and turned to me.

Huminga ako ng malalim.

"Makikita nila t-tayo." huli na nang matanto ko na ayaw nga pala niya ng ugali kong ganito.

Pero hindi ko na mababawi iyon dahil nakitaan ko na siya ng pait habang nakatitig sa akin, kinabahan tuloy ako. Pero hindi naman kami pwedeng makita na dalawa, maguguluhan sila.

"You're at it again, Ashiel." he mumbled. "Let me hold you anywhere."

Umiling agad ako. "Cali, maguguluhan sila a-at makikita tayo ni Allis-"

Umigting agad ang panga niya at matiim akong tinitigan. My heart raced and I know I should stop talking.

"The hell I care," he hissed, hinilamos ang kanyang palad sa mukha. "Damn, baby. You should stop being like that."

Hindi ako nakapagsalita, pumikit ako ng mariin at huminga ng napakalalim. Hinayaan ko siya nang muling hawakan ang aking kamay at pinagsiklop ang aming mga daliri. Hinigit niya ako kaya napasabay na lang ako sa paglakad niya.

"We're going home now." aniya sa malamig na tinig.

Napasinghap ako at tiningnan siya.

"Hindi pa uuwi si Myla. Siya ang kasabay ko." I said quietly.

"Then, we'll take her."

I just sighed.

Hindi ko maiangat ang aking mukha nang makalabas na kami at nadinig ko na ang tawanan ng kanyang mga kaibigan na nag uusap-usap.

Halos mamutla ako nang matahimik sila roon, umangat na ang tingin ko ngayon para matingnan sila. Kahit naman ayaw ko ay kailangan ko silang pakiharapan.

I squeezed his hand, he smiled at me and dragged me into his friends. Namataan ko agad ang mga mata ni Cyprian na nakangising aso ngayon sa kapatid.

Bronson looks shocked, ganoon din ang ibang kaibigan. Allison quickly averted her eyes on our intertwined hands, kumunot ang noo niya at agad nagalit ang mga mata nang angatan kami ng tingin.

"Oh! Wow!" Lay gasped, amused. Miski si Patriz ay gulat ang mga mata, nakabilog iyon at nakaawang ang kanyang labi.

"Shell? W-What! My gosh! Is this true?" gulat niyang tanong.

Nagningas sa init ang aking pisngi, mahigpit ang hawak ni Cali sa aking kamay na nanghihina at parang mapapabitiw na sa kaba.

"How dare you!" sigaw ni Allison, nagmartsa agad papalapit sa aming harapan at animo'y sasapakin na ako.

Nanlaki agad ang mga mata ko sa kaba. Napaatras pa ako para lang maiwasan at malayuan siya ng distansya. Mukhang kaya niyang manakit sa akin dahil lang kay Cali.

"Allison," Mariing sambit ni Cali ang nagpahinto sa kanyang paglapit pa lalo sa akin.

Allison looked caught off guard, suminghap siya at tumitig kay Cali ng mapait at galit.

"Cali! What the hell! Ano ito? Ano 'yan!? Ngayon mo lang nakilala ang malanding 'yan, 'di ba? Dito lang sa birthday ni Bronson?" halos lason na sigaw ni Allison.

My heart hurt. Malandi? Damn! Hindi ako katulad ng Mama ko, hindi ako ganoon. Pero bakit ang sakit pakinggan? Lalo na sa taong hindi naman ako lubos na kilala.

"Allison!" mariing saway ni Cyprian.

Cali's jaw clenched. "You're the flirt here, Allison. Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Ashiel."

"What!?" Allison hissed. "Damn it! Sino ba 'yan? Bakit ba siya narito? Hindi ba para kay Bronson? Sinama siya rito para may regalo kay Bronson!"

"Hoy! Hindi ganyan si Ashiel!" sigaw din ni Myla.

"Allison!" saway ni Lay at Patriz.

What? Regalo kay Bronson? Ako? Ni hindi nga kami nag-usap ng matagal noon at wala akong interes sa mga lalaki!

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Cali sa akin, halos mapangiwi ako sa sakit noon at parang madudurog ang mga daliri ko kapag nagpatuloy.

"Cali-" I gasped.

"You bitch! Malandi ka! Nilalandi mo si Bronson at ngayon si Cali!"

"Shut the fuck up, Allison! I went here to fetch Ashiel, wala siyang nilalandi at hindi siya lalandi kanino man!" mariing sabi ni Cali.

Humalakhak si Allison.

"Says who? Kaya nga narito 'yan, para kay Bronson! Siya ang may birthday, hindi ikaw, Cali. Ganyan na pala ang mga tipo mo ngayon? Pangregalo sa kaibigan!"

"Tumigil ka, Allison!" sigaw ni Patriz.

"Feelingera ka! Hindi malandi ang kaibigan ko at para sabihin ko sa'yo, si Cali ang baliw sa kanya! Hatid-sundo pa siya ni Cali na kinababaliwan mo sa eskwela!" sigaw din ni Myla sa nanunuyang tinig.

"Yabang nito! Hindi kami narito para iregalo si Shell kay Bronson, bruhilda ka! Payakap-yakap ka pa kay Cali, 'di ka naman pinapansin! Tanggapin mo na lang na pinagsawaan ka lang dahil pakawala ka!" mabilis ang paghinga ni Myla sa inis.

"Myla!" gulat kong saway. "Myla, ayos lang ako."

Nanlalaki ang mga mata ni Allison sa litanya ni Myla, mabilis siyang sumigaw at sumugod kay Myla. Hindi naman nagpatalo si Myla dahil nanatili siyang nakatayo para salubungin si Allison.

"How dare you say that!" sigaw ni Allison. "Ang kapal ng mukha ninyong magkaibigan! Nanggulo lang kayo rito! Malalandi kayo! Maruruming probinsyana!"

Fuck.

Nakita ko ang pag-angat ng kamay ni Allison, mabilis kong kinalas ang hawak ni Cali sa akin para daluhan si Myla. Ako ang nasampal ni Allison dahil nakita niya agad ang pagkalas ko kay Cali at mas galit siya sa akin.

"Fucking bitch!" sigaw ni Allison, ngumisi siya dahil sa ginawa.

Nangilid agad ang luha ko. Huminga ako ng malalim sa sakit noon, Myla held my arm quickly.

"Shell!" sambit niya at saka hinawakan ang pisngi ko. Tumango lang ako para sabihing ayos lang.

"Oh my God!" singhap ni Patriz at tinakbo si Allison para awatin.

"No! Let me go! Hindi pa sapat 'yan!" sigaw ni Allison.

Agad nagmura si Cyprian at tumingin kay Cali, umiling siya roon. Hindi ko matingnan si Cali dahil natulala lang ako habang nangingilid ang luha.

"Caspian..." nanaway na agad ang tinig ni Cyprian sa 'di ko makuhang dahilan.

Hinawakan ko ang aking pisnging uminit dahil sa sampal na malakas ni Allison, gulat ang reaksyon ng mga nakatunghay sa amin. Halos mawalan ako ng dugo nang makita ko si Cali na mabilis hinaklit ang braso ni Allison, bakas ang sakit sa mukha ni Allison.

"Cali!" sigaw niya sa sakit.

"You dare to fucking hurt her!" Cali gritted his teeth. "Fuck, Allison! Wala kang karapatan." mariing aniya habang nagpipigil manakit ang isang kamay.

Gulat si Allison sa galit ni Cali, panay ang piglas niya pero lalo lang siyang nasasaktan dahil sa sobrang higpit ng hawak nito.

"Caspian Alistair!" muling saway ni Cyprian.

Bakas ang galit sa mukha ni Cali na talagang ikinagulat ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero nagalit siya dahil sa pananakit ni Allison sa akin.

"C-Cali." sinubukan kong lumapit pero nanginginig ako sa sobrang takot.

This is the first time I saw him that mad. Natatakot ako, ayaw ko ng ganyan siya. Noong una iyong sa tricycle driver ay galit siya pero hindi ganito iyon kalinaw sa akin dahil madilim roon at hindi ko nakikita ang kanyang mukha.

Pumula na ang braso ni Allison, nag-umpisa na rin siyang umiyak dahil doon. Walang magawa ang kanyang mga kaibigan para kalmahin siya kahit anong saway nila roon. Para bang takot silang lumapit sa ganoong galit ni Cali.

"Cali! Nasasaktan ako!" iyak ni Allison. "You are hurting me because of some bitch! Damn it!"

"Caspian!" sambit ni Cyprian, lumapit na siya para awatin ang kapatid pero hinawi agad siya ni Cali.

My eyes widened. Pumikit ng mariin si Cyprian at suminghap.

"Cali!" muli kong tawag. "Cali, I-I'm okay."

Umigting ang kanyang panga pero unti-unting lumambot ang galit sa mga mata niya. Pabalya niyang binitiwan ang braso ni Allison at mabilis akong hinakbang para higitin papaalis sa lugar.

Mabilis ang paghinga ko dahil sa kaba habang hila niya, hanggang sa makalabas kami ng hotel ay hindi siya nagsasalita. My heart is racing, hindi ko alam kung anong gagawin para kalmahin siya.

Nang makarating kami sa parking area sa labas ay agad niyang pinatunog ang sasakyan roon at binuksan ang frontseat, pumikit ako ng mariin at kinalma ang aking sariling paghinga.

"C-Cali..." tawag ko sa kanya, hindi pa pumasok sa sasakyan.

"Get in." namamaos niyang sabi.

I cupped his cheek, hindi siya makatingin sa akin at baka parin ang galit sa mukha pero ang mga mata ay malamlam na ngayon. Alam kong kalmado na siya.

"Cali, I'm okay. Please, calm down." I said gently.

"She hurt you, I'm sorry..." huminga siya ng malalim at hinawakan ang aking kamay na nasa pisngi niya. Dinala niya iyon sa labi.

Kumalabog ang dibdib ko agad. I gasped softly, he looked at me and sighed heavily. Hinawakan niya ang pisngi kong nasampal ni Allison, he gently caressed my cheek.

"I'm sorry, baby..."

I shivered. Shit.

"C-Cali, ayos lang talaga. Hindi naman ikaw ang may kasalanan."

His jaw clenched, tinitigan pa ako ng ilang saglit bago bumuntong hininga at tumango. Ngumiti ako at pumasok na sa sasakyan, humilig siya para ayusin ang aking seatbelt.

His manly scent filled my nose, napahinga ako ng malalim at sinandal sa headrest ang aking ulo habang nakatitig sa kanyang seryosong mukha. Pagkatapos noon ay inangat na ang tingin sa akin.

"I want..." hindi ko maituloy ang sasabihin dahil sa hiya.

Tumaas ang kanyang kilay.

"Hmm?"

"Hug..." I bit my lower lip.

He looked amused, umawang ang labi habang nakatitig sa akin. Hiyang hiya naman ako dahil sa gusto, hindi ko na napigilan. I want to hug him, mapapakalma ako noon.

Marahan niyang kinalas ang seatbelt at 'tsaka hinila ang aking kamay para ilagay sa kanyang batok, I gasped and slowly snaked my arms around his nape. Ang kanyang mukha ay diretso sa aking leeg, he sniffed there and heaved a sigh like its calming him, too.

Tumindig ang balahibo ko sa bawat paghinga niyang ramdam ko roon. Huminga ako ng malalim at mas niyakap siya.

"I..." he trailed off. "I... miss you."

Ngumuso ako at pinigilan ang ngumiti. Hindi ko alam kung tama ba ang ngumiti dahil sa dami kong natanggap na matalim na salita ngayong gabi...

But with Cali, I will never stop smiling. Kahit makita ko lang siya ay napapangiti na ako. Hindi iyon mapipigilan kahit na ano pang madinig ko.

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 144 6
Complexity of Us Sequel
16K 351 122
Chat Novel #5 Serafina Beatrice Evalingesta have a long time crush to a handsome man named Dexter Leoxx Gonmaza. She became a stalker just to know a...
92.3K 3.9K 33
He is off-limits. He has always been off-limits to her. Too bad, she's never been good at following the rules. After her failed attempt at happiness...
1.5M 58.6K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...