The Miserable Bride

By Youngbaeloves

3.7M 48.3K 2.6K

(Filipino/English) Love is kind. Love is not selfish or rude. Love keeps no record of wrongs. Dyanne Carmela... More

The Miserable Bride
TMB #1
TMB #2
TMB #3
TMB #4
TMB #6
TMB #7
TMB #8
TMB #9
TMB #10
TMB #11
TMB #12
TMB #13
TMB #14
TMB #15
TMB #16
TMB #17
TMB #18
She does
TMB #19
TMB #20
Teaser #21
TMB #21
TMB #22
TMB #23
TMB #24
TMB #25
TMB #26
TMB #27
THIS IS NOT AN UPDATE
TMB #27
TMB #29
TMB #30
TMB #31
TMB #32
PREVIEW TMB #33
TMB #33
Must Read
TMB #34
TMB #35
TMB #36
TMB #37
TMB #38
TMB #39
TMB #40
TMB #41
TMB #42
TMB #43
TMB #44
TMB #45
Dyanne Mariano-Alvardo
Giovanni Miguel Alvarado
Until We Get There

TMB #5

82.8K 1.2K 33
By Youngbaeloves

Chapter 5

Malapit ng mag-eleven ng gabi pero wala parin si Gio. Kanina pa siya umalis. Ilang beses ko narin siyang tinatawagan pero hindi rin siya sumasagot. Nag-aalala na ako.

Pang-ilang beses ko nang tawag ito. Nag-riring pero hindi naman nya sinasagot.

Napag-isip isip kong i-track ung cellphone number nya. At sa bar ng hotel ako dinala ng tracker ko.

Walang wild na tugtog. Malamyos lang ang mga notang lumalabas sa speaker. Luminga ako para hanapin si Gio. May karamiha din kasi ang tao sa loob.

Nang mahinto ang paningin ko at na-i-spot-an ko siya na nasa mismong counter. At may kasama siyang babae..

Sumikip agad ang pakiramdam ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala. He’s accusing me of infidelity, but here he is! Alicia Trinity Gardencias is freaking here!

Gusto kong silang lapitan pero para akong inugatan sa kinatatayuan ko. Gusto kong sabunutan si Ally! Gusto ko! Gustong gusto!

Pero.. alam kong mali un. Mahal nila ang isa’t isa. Ako naman talaga ang hadlang dito.

Kumbaga sa fairytales sila ung bida ako ung kontrabida.

Ung kontrabida na kahit kalian hindi magkakaroon ng happy ending. Forever kontrabida.

 

Mabilis akong umikot para bumalik na sana sa kwarto namin pero pagtalikod ko ay tumama ang noo ko sa isang matigas na bagay. “I—I’m sorry.” Umiwas ako ng tingin at iiwas na sana pero hinawakan ako nung nakabunggo ko sa braso.

“Wait, miss okay ka lang ba?” Hindi ako nakasagot kasi umiiyak na ako. Ang sakit lang e. Nakakainis naman ‘tong si Kuya! Tinanong pa ako lalo tuloy akong naiyak!

Humagulgol ako ng iyak kasi naiinis ako! Pagkatapos nya akong sabihan na nanlalaki ako ay eto siya ngayon kasama ung ex nya!

“Wait, miss. Wag kang umiyak baka akala nila pinapaiyak kita.” Hinawakan nya ako sa balikat at tinapik tapik. Iginiya nya ako paupo dun sa may isang table.

“O, tol? Sino nanaman yang pinaiyak mo?” Tanong ng isang di pamilyar na boses.

“Nabunggo ko, bro. E ewan ko, biglang umiyak e. Tinanong ko lang kung ayos lang ba siya.” Aniya habang tinatapik tapik parin ako.

“Miss, ano bang pangalan mo? May masakit ba sayo? Bakit ka ba umiiyak?” Sunod sunod nyang tanong pero hindi ko sinagot kahit isa.

“Tol, kuha ka ngang tubig o.”

“Sige, teka.”

“Miss, anong problema? Bakit ka ba umiiyak? May nasabi ba akong masama?” Hinawakan nya ako sa baba at itinaas ung mukha ko.

“Teka, ikaw ung nasa pool kanina ah. Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nung asawa mo?” Medyo tumahan na ako nang abutan ako ng tubig.

“Miss, ano bang pangalan mo?” Tanong parin nung lalaki kanina.

Pinunasan ko ung mata ko at tumingin sa kanya. “I’m Yannie.”

“I’m Harvey.” Inilahad nya sa akin ang kamay nya. Nahiya naman akong hindi tanggapin kaya kinamayan ko na sya. “This is Harley. He’s my twin brother.”

“Hi. Sorry sa abala.” Yumuko ako ng bahagya at saka tumayo.

“Ah.. Ano sige.. Sorry sa abala.. Mauuna na ako.”

Nang malapit na ako sa elevator ay sumigaw ulit iyong si Harvey. “Yannie, wait!” Pero huli na ang lahat kasi nakasakay na ako ng elevator kaya hindi nya na ako nahabol. Naiiyak parin ako. How could he!

At talaga sa duration pa ng honeymoon namin siya nagpakita ha! At ang kapal ng mukha ng lalaking yon! Akala ko pa naman ay okay na kami kanina, tapos ganito? Pinapunta nya pa iyong ex nya dito sa Ilocos!

Nang makapasok ako sa unit at kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa pero wala. “Hala. Baka naiwan ko dun sa lalaki.” Mabilis akong lumabas at sumakay ng elevator.

Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa 5 floor na ako ay nagulat ako ng makalabas ako. May nagsusuntukan sa tapat nung kabilang elevator. Pero nagulat ako ng makitang si Gio iyon at si Harvey! Oh my God!

Mabilis akong lumapit at nakitang napupuruhan na ni Gio si Harvey! “Oh, my God! Gio, stop!” Lalapitan ko dapat si Gio pero naunahan ako ni Alicia. This goddamn bitch! Ang kapal talaga ng mukha!

“Oh, my God! Harvey, okay ka lang ba?” Si Harvey nalang tuloy ang pinuntahan ko. Putok ung kaliwang side ng labi nya at may pasa na sya sa kanang pisngi.

“Ano bang problema mo, Giovanni! Bakit bigla bigla ka nalang nanununtok!” Galit na asik ko kay Gio. Tumawa sya ng sarcastic.

I hate liars.” Parang demonyo syang ngumisi at umalis doon. Syempre sumunod naman ang aso nyang si Alicia.

“Crap! Bro, okay ka lang ba???” Lumapit din si Harley sa amin.

“Oh my God! Harvey, I’m so sorry! Ano ba ang nangyari?”

“Shit. Ang sakit ng side ko.” Impit na ungol ni Harvey habang hawak hawak ang side nya.

“Kasi naiwanan mo ung phone mo. Sinigaw ni Harvey ung pangalan mo at hinabol ka nya sa may elevator kaso sarado na. E nandyan pala ung asawa mo ayun binigwasan agad si Harvey.”

Damn that asshole! Siya pa ang may ganang gumawa ng gulo!

“Oh, God! I’m so sorry, Harvey! Halika sa ospital!” Inalalayan ko si Harvey na makatayo. Base sa nakikita ko ay kailangan nya talagang dalhin sa ospital.

“Omg. I’m so sorry Harvey!” Naiiyak nanaman tuloy ako!

“Wag ka nga umiyak.” Nakuha pa nyang tumawa. “Siraulo ung asawa mo. Ano nakita mo dun?”

“Long story. But first, dadalhin muna kita sa ospital.” Tinulungan ako ni Harley na isakay ang injured na si Harvey sa sasakyan nila.

Nang makarating kami sa ospital ay nalaman naming na may dalawang rib fracture si Harvey at minor bruises. Siraulo iyong Giovanni nayon!

“Ah, Yannie. Eto pala ung phone mo. Kanina pa kasi nagvvibrate.” Nang ibigay nya sa akin ay nakita kong naka-flash sa screen ang pangalan ni Gio.

Sinagot ko ung tawag pero hindi ako nagsalita.

(Where the hell are you!?)

(Dyanne! Ang sabi ko nasaan ka!)

“Wag mo nga akong sigawan! Di ako bingi! Ikaw kanina pa ako naiinis sayo! Ano bang pinaglalaban mo ha!? Kanina okay tayo, tapos biglang inis ka sakin! Ano ba! Sino ba ang buntis sa ating dalawa at maka-moodswing ka jan e daig mo pa ako!”

(Wag mong baligtarin ang sitwasyon, Dyanne! Nasa ka ba! Bumalik ka na nga dito!)

“You listen to me, asshole! Hindi porket mahal kita itotolerate ko ‘tong ginawa mo! Nandamay ka ng inosenteng tao! Ano bang problema mo! Pinakialaman ba kita! Kahit na nakita kong kasama mo si Ally?! Hindi diba! Mas pinili kong tumalikod nalang at umalis!”

(Wag mo nga ibalik sa akin! Umuwi ka na at maguusap tayo!)

Gigil na pinatay ko ung tawag at huminga ng malalim. “Buntis ka?” Tanong ni Harley. Tumango ako.

“Okay ka lang ba? Wag mo i-istress ang sarili mo.” Inabutan nya ako ng tubig pero tinanggihan ko.

“Sorry, pero kailngan ko na talagang umalis. Kailangan kong sample-an ung halimaw na lalaking yon! Nasa hotel pa ako hanggang bukas. Hahanapin ko nalang kayo. I’ll pay for the damage. Pakisabi kay Gio, sorry talaga!”

Tumango lang si Harley at sinabing mag-ingat ako. Sumakay ako ng taxi at bumalik na nang hotel. Gigil na gigil na akong pagsasampalin ang Giovanni na iyon! Napakasama talaga ng ugali nya!

Nang makarating ako sa floor ng hotel room naming ay agad akong pumasok sa loob.

Agad na napatingin sa akin si Gio. Nakaupo siya habang nakahalukipkip sa single couch na talagang ihinarap nya sa pinto. Mabilis siyang tumayo at lumapit sakin. Pero ng makalapit na sya ay mabilis ko syang sinampal. “How dare you!”

Hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso. “Wag mong baligtarin ang usapan dito, Dyanne!”

“Anong wag! Bakit mo naman dinamay ung taong nananahimik lang! Nagmagandang loob lang naman ung tao na ibalik ung cellphone ko tapos galit na galit ka na ha! Sinabunutan ko ba si Ally kanina? HINDI DIBA!” Huminga ako ng malalim kasi naiiyak na ako. “KAHIT GUSTONG GUSTO KO NANG LUMAPIT SA AKIN AT SABUNUTAN SYA AT SAMPALIN KA PINIGIL KO UNG SARILI KO! GIO, ANG KAPAL NG MUKHA MO! ALAM KO NAMAN NA KAHIT KAILAN HINDI MO AKO MAMAHALIN PERO WAG MO NAMAN AKONG BASTUSIN!” Hindi ko na napigil. Naiyak na ako. Doble dobleng sabi na kasi ung nararamdaman ko e.

“Wag mo naman akong.. wag mo namang ipamukha sa akin na.. hindi mo ako kayang mahalin.. Saka konting konsiderasyon naman.. Honeymoon natin. This is supposed to ours. Pero bakit nandito siya?” Iyak ako ng iyak. Nahihirapan na akong huminga kakaiyak pero nakatayo lang siya dun at tinitingnan ako.

“Kung kaya ko lang turuan ung puso kong sana iba nalang ang minahal.. Ginawa ko na. Akala mo ba natutuwa ako dahil kasal tayo ha? Hindi. Hindi ako natutuwa. Wala naman akong mapapala e. Oo, may tatay ung anak ko. Pero mabubuhay naman sa kasinungalingan ung bata na akala nya nagmamahalan ung mga magulang nya. “ Naiyak nanaman ako kasi naawa ako sa baby. Paano na lang kung hindi pa naming matagalan ang isa’t isa at maghiwalay kami? I will never let that happen!

Nakaupo na ako sa sahig at iyak ako ng iyak.

“Hindi ko pinapunta dito si Ally. Siya ang lumapit sa akin at hindi ako.” Un lang ang sinabi nya at tinalikuran nya ako at pumunta sya ng cr.

How insensitive! Humiga nalang ako at itinulog ung sakit na nararamdaman ko.

Nagising ako kinabukasan. Pakiramdam ko mag-isa lang ako sa kwarto.. Pero nang lumingon ako sa veranda ay nakita kong half-naked na nakatalikod doon si Gio. May tuwalya lang na nakapaikot sa beywang nya. Naninigarilyo siya habang nakatingin lang sa labas.

Pinagmasdan ko lang sya. Magiging masaya rin kaya kami pagdating ng araw? Napahawak tuloy ako sa singsing ko. I don’t want that day to happen that one of us is going to let go. That one of is going to resent one another. I don’t want that to be me.

 

 

Nagyaya na akong umuwi.. Kasi pakiramdam ko hindi narin naman kami mag-e-enjoy hanggang Friday pa dapat kami dito. Pero Wednesday palang ngayon.

Papunta na kaming airport ngayon, naayos ko na ung ticket namin kagabi at icclaim nalang ngayon ung bago. Unlike ng magpunta kami dito, wala na sa akin ung bag. Mabuti ang nakaramdam na ‘tong isang ‘to.

Naiinis parin ako sa lalaking ‘to. Hindi ko maintindihan ang ugali nya! Hot and Cold! Sala sa init at sala sa lamig!

Tahimik kaming dalawa sa loob ng plane. Hindi ko siya kinikibo, hindi rin naman nya ako kinikibo. Hindi ko nalang pinansin dahil sasama lang naman ang loob ko e. Tumingin nalang ako sa bintana para naman kahit papaano malibang ako.

Pero ano bang nakalibang sa ulap?

Nang makarating kami sa city ay hindi daw siya sasamang umuwi sa akin dahil may emergency daw sa office. Tumango lang ako at sumakay sa kay Mang Jerry.

“San tayo, hija?”


“Sa bahay nalang po muna.” I’m exhausted both from the travel and the fight.

“Saang bahay, anak? Kala Gio o sa bahay ninyo?”

“Sa bahay po namin.”

“Okay, sige.”

Tahimik ang bahay? Nasan kaya sila? “Mom?” Lumakad ako papuntang patio naming sa likod nang  bahay at tama nga ako. Andito sila. Maging ang mga in-laws ko ay narito rin.

“Yannie!” Agad na tumayo si Mommy at yumakap sa akin. “Bakit ang aga nyo namang nakabalik?”

“Uhm.. May emergency daw po sa office.. Saka ano.. Masama po pakiramdam ko.” Pagdadahilan ko.

“Problema sa office? How come na hindi nakarating sa akin? At nasaan ba si Giovanni?” Tanong ni Tito Fred habang nakakunot ang noo.

“Nasa office po.”

“Hinayaan ka nyang umuwi mag-isa?” Ani Tita Mychelle na para bang aatakihin. Tumayo si Tito Fred at mukhang tinatawagan si Gio.

“Giovanni? Where the hell are you? Bakit mo hinahayaan mag-isa ang asawa mo? Get your ass in here!”

“Ah, dad hindi na po kailangan..” Pigil ko pero ibinulsa nya na ang kanyang cellphone.

“He should learn how to manage his priorities. May asawa na sya at hindi dapat puro trabaho ang inaasikaso nya. Nako, Mychell pagsabihan mo nga yang anak mo.”

“Dad, it’s okay.” I excused myself para mag-bihis. Nanlalagkit kasi ako sa suot ko. I stripped of my clothes at naglublob sa bath tub.

I bet nakipagkita lang si Gio kay Ally kaya un umalis.

Kilala ko lang talaga si Ally kasi schoolmates kaming lahat noon highschool at collage. Magkaklase kami ni Ally at senior naming si Gio.

Yep, Ally and I used to be friends. Pero nagbago ang lahat ng iyon ng isang araw ay mabalitaan kong nag-ddate si Ally at si Gio. Nagalit ako kay Ally kasi, we’re like sisters! At alam nyang hindi nalang pambatang crush ang nararamdaman ko para kay Gio pero hindi nya manlang ako sinabihan. Ever since that moment, hindi ko na siya pinansin. She’s just a stranger to me.

At kung paano nangyari ang baby ay mahabang kwento.

You are my first romance, and I’m will to take the chance..

 

Napaigtad ako ng upo sa bathtub ng marinig kong nagriring ang phone ko mula sa labas ng bathroom. Isinuot ko ung robe ko at lumabas para tingnan. Pero nagulat ako ng hawak hawak ni Gio ang phone ko.

Nasa loob sya ng kwarto ko..

“What are you doing here??” Lumingon naman siya at ibinaba ang cellphone ko.

“I’m fetching you.” Lumakad sya at hinawakan ako ng pulso.

“What!? Are you serious! Naka-robe lang ako!” Pinasadahan nya ako ng tingin at saka lang binitawan ung kamay ko.

“Five minutes.” Aniya at lumabas. What the hell is wrong with that guy!? Bigla bigla syang papasok dito sa kwarto ko at sasabihin ganon?! Baliw na ba siya!

Nag-banlaw ako ng mabilis at nag-toothbrush. Nag-suot ako ng kulay blue na dress at nag-flats at saka lang ako bumaba ng patio. Nakaupo na silang lahat dun at parang ako nalang ang hinihintay.

May isang vacant seat sa tabi ni Gio kaya malamang ay doon ako uupo. “Yannie, okay ka na ba? Magpunta kaya kayo ng doctor?”  Ani Tita Mychelle

“Oo nga, anak. Hindi pa kayo nagpuputa doon simula ng malaman nating buntis ka.” Sabi naman ni Mommy.

“Ah.. Sige po..”

“Magpunta na kaya kayo ngayon?” Suggest ni Tita Mychelle naglingunan silang lahat sa amin ni Gio.

“Fine.” Walang habas nyang sagot at hinawakan ako sa kamay at iginiya paalis ng patio. Wala akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya.

“Sino ang OB mo?” Baling nya sakin.

“Si Dra. Sta. Rina, alam mo ung clinic nya?” Tumango lang ito at tahimik na nag-drive.

“Gio.. can we atleast.. just be friends for the baby? Let’s just…  be civil with each other.” Kahit masakit ay kailangan ko iyong tanggapin. Alam kong sooner or later ay mangyayari ang kinatatakutan ko. He’s not happy. Sino ba naman ang matinong tao ang mag-s-settle sa isang bagay na hindi naman nagpapasaya sayo? Of course you’ll find something else.

Continue Reading

You'll Also Like

92.2K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
2.5K 244 34
šŒšØš§š­š¢šÆš¢š„š„šš š’šžš«š¢šžš¬ #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer...
1.2M 18.8K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...