MAYWARD fanfic: Lihim (comple...

By ghetotzkie

217K 11.5K 2K

This story is dedicated to all MayWard fans.. Spread MayWardnatics and spread love.. P.s: Para sa mga malilig... More

Introducing: MayWard
Chapter 1- May May
Chapter 2- Utot
Chapter 3- Miss Makulit at si Mister Sungit
Chapter 4- Gym/Canteen
Chapter 5- Marco!
Chapter 6- The Mystery Girl
Chapter 7- Test paper!
Chapter 7.2 - Part 2/ Sino?
Chapter 8- Lito
Chapter 9- Kaibigan
Chapter 10- Library
Chapter 11- Operation #1 IWAS
Chapter 12- Operation #2 Match Maker
Chapter 13- Miss Campus 2016 (part 1)
Chapter 13- Miss Campus 2016 (part 2)
Chapter 13- Miss Campus 2016 (last part)
Chapter 14- Camera
Chapter 15- Kristine
Chapter 16- I'm sorry
Chapter 17- Mcdonalds
Chapter 18- Unknown Number
Chapter 19- Pitik
Chapter 20- Text Message
Chapter 21- Vivo and Kiss
Chapter 22- Kuya???
Chapter 23- Tsokolate!
Chapter 24- Stay away..
Chapter 25- Trip (part 1)
Chapter 25- Trip (part 2)
Chapter 25- Trip (last part)
Chapter 26- Apply ng work
Totz Epz!
Chapter 27- Kidnap!
Chapter 28- Bakit?
Chapter 29- Takbo
Chapter 30- Saving Her (part 1)
Chapter 30- Saving Her (part 2)
Chapter 31- Gising..
Chapter 32- Dagat/Puntod
Lihim 2- Chapter 1- Simula..
Lihim 2: Chapter 2- Got new job!
Lihim 2: Chapter 3- Mystery Guy..
Lihim 2: Chapter 4- Edwardo..
Lihim 2: Chapter 5- Hurt
Lihim 2: Chapter 6- Miss Secretary
Lihim 2: Chapter 7- The Girlfriend..
Lihim 2: Chapter 8- Lasing..
Lihim 2: Chapter 9- San Martin (part 1)
Lihim 2: Chapter 9- San Martin (part 2)
Lihim 2: Chapter 9- San Martin (part 3)
Lihim 2: Chapte 10- The bestfriend..
Lihim 2: Chapter 11- pool
Lihim 2: Chapter 12- The talk
Lihim 2: Chapter 13- Sugat..
Lihim 2: Chapter 14- La Union (part 1)
Lihim 2: Chapter 14- La Union (part 2)
Lihim 2: Chapter 14- La Union (last part)
Lihim 2: Chapter 15- Pagbabalik..
Lihim 2: Chapter 16- The fight (part 1)
Lihim 2: Chapter 16- The fight (part 2)
Lihim 2: Chapter 16- The fight (part 3)
Lihim 2: Chapter 16- The fight (last part)
Lihim 2: Chapter 17- Two years later..
Lihim 2: Chapter 18- Home..
Lihim 2: Chapter 19- Kontrata
Lihim 2: Chapter 20- love letter..
Lihim 2: Chapter 21- breakfast..
Lihim 2: Chapter 22- Jealous!
Lihim 2: Chapter 23- First day of being couple..
Lihim 2: Chapter 24- Opisina..
Lihim 2: Chapter 25- End??
Lihim 2: Chapter 26- Happy Monthsary!
Lihim 2: Chapter 27- Wakas (part 1)
Lihim 2: Chapter 27- Wakas (last part..)
Special Chapter
Pa-epz si Totz!
Lihim 3: Chapter 1- Simula..
Lihim 3: Chapter 2- Amaya..
Lihim 3: Chapter 3- Ulan..
Lihim 3: Chapter 4- Little sissy..
Lihim 3: Chapter 5- Calls..
Lihim 3: Chapter 6- Paulo..
Lihim 3: Chapter 7- Kopya..
Lihim 3: Chapter 8- Pregnant (part 1)
Lihim 3: Chapter 8- Pregnant (part 2)
Lihim 3: Chapter 8- Pregnant (part 3)
Lihim 3: Chapter 9- Hospital
Lihim 3: Chapter 10- Conde..
Lihim 3- Chapter 11- Opisina..
Lihim 3: Chapter 13- Bunyag 1
Lihim 3: Chapter 13- Bunyag 2
Lihim 3: Chapter 13- Bunyag 3
Lihim 3: Chapter 14- Dakip
Lihim 3: Chapter 15- My Dearest Friend
Lihim 3: Chapter 16- Magkapatid...
Lihim 3: Chapter 17- End???
Lihim 3: Chapter 18- Dalamhati...
Lihim 3: Chapter 19- MayWard..
Lihim 3: Chapter 20- End means New life...
Special Chapter: Luke Conde
Totz epz!
Soon!

Lihim 3: Chapter 12- Resto..

1K 59 30
By ghetotzkie

Amaya's POV

"Bwisit talaga ang Maymay na 'yon! Muntik ng mawala ang anak ko!" Nanggagalaiting sabi ko.

"Hindi ka nag-iingat."

"Anong di nag-iingat?! Sa batang ito nakasalalay ang lahat! Alangan namang hindi ko ingatan! Tanga!"

"Pfft! I swear ang pangit mo na babes.." tumatawang sabi nito.

Inabot ko ang mansanas sa ibabaw ng katabi kong mesa at ibinato dito. Nakailag naman ang kumag.

"Lumayas ka na nga sa harapan ko!" Singhal ko dito.

Tumatawang lumabas ito ng private room na kinuha ni Edwardo dito sa hospital.

"Haist kaasar! Paano ba ididipatsa ang isang iyon! Peste!"

"Amaya..may.. may kausap ka?"

Bigla akong napaangat ng tingin ng may magsalita.

"Huh? Wa..wala. Ahm? Kanina ka pa ba diyan Ed?" kinakabahang tanong ko.

Sino ba ang hindi kakabahan?

Umiling ito. May itinaas itong supot, sa tingin ko'y pagkain ang mga dala nito.

Bigla akong napangiti. Mula nung malaman nitong magkakaanak na kami nag-iba na ang trato nito sa'kin. Noong una, nahirapan akong paniwalain siyang siya ang ama ng pinagbubuntis ko.

Bata lang pala ang makakabitag sa taong matagal kong pinangarap.






Maymay's POV

"Mary..."

Napalingon ako bigla ng marinig ang boses na 'yon.

"Anong ginagawa mo dito? Di ba da.."

"I thought this place is mine.. so?" Putol nito. "Ikaw? Di ba dapat nagpapahinga ka?"

"Okay naman na ako.." hindi ko mapigilang malungkot.

Tinitigan ako nito saka ngumiti ng matamis.

"Sabi nila Mama ang tagal ko raw natulog, kaya pala di na ako nagtaka na masakit ngayon ang likod ko pffp!" Nakatawang sabi nito.

Parang bumabalik na sa dati ang kaibigan ko.

Wala sila Fenech at Kisses ngayon may kanya-kanyang mga lakad ang mga ito kasama ang kani-kanilang pamilya. Pilit nila akong isinasama ngunit tinanggihan ko ang mga ito. Pakiramdam ko malulungkot lang ako at ayokong makaabala sa mga ito.

"Mary.." untag ni Conde sa'kin.

"Huh?"

"Gusto mo ice cream.. alam mo ba nakakapaggaan iyon ng bigat ng loob."

Nakangiti ito sa'kin kaya napangiti na rin ako. Kahit nabura na ako sa alaala nito pakiramdam ko nanatili pa rin iyong dating siya, na hinding hindi niya ako iiwanan.







Pagkauwi ko ng bahay dumiretso agad ako sa silid ko. Wala pa si Edwardo siguro nasa hospital ito at binabantayan si Amaya.

Nang malaman kong maayos na ang lagay ni Amaya, nabawasan ang paninisi ko sa aking sarili sa pwedeng mangyari dito dahil sa pananakit ko dito.

Tinignan ko ang oras sa suot kong relo, ala-siyete palang naman. Matapos kong maligo at magbihis ng pantulog ay binuksan ko ang selpon ko at naghanap ng pwedeng pagkaabalahan. Nang wala akong makita, binuksan ko ang telebisyon at naghanap ng magandang palabas ngunit sampung minuto na ata ang nakakalipas ay nakadiin lang ang daliri ko sa pagpindot ng channel sa remote control.

Hanggang sa maasar ako inihagis ko ang remote sa kung saan.

Nagdesisyon akong lumabas ng bahay para maglakad-lakad.

Dinala ako ng mga paa ko sa may maliit na parke dito sa'ming subdivision. Umikot-ikot lamang ako hanggang sa mapagod. Napili kong maupo sa may swing para magpahinga.

"Tsk! It's already late."

Napalingon ako nang marinig ko boses na 'yon.

Naglakad ito palapit sa'kin.

"Wife.."

"Ha?.. ahm kamusta si.."

"How are you wife?" Putol nito.

"O..okay lang ako.." sagot ko dito.

Lumuhod ito sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko.

"I am very sorry about yesterday. Wala man lang ako sa tabi mo ng mawalan ka ng malay..."

Kahit medyo madilim sa parteng kinaroroonan namin, kitang-kita ko sa mga mata nito ang sinseridad sa mga sinasabi nito.

".. hindi man lang kita nasalo.." pagpapatuloy nito. Nanunubig na ang mga mata nito. "Ayokong maramdaman mo na nahahati na ako sa dalawa, dahil hinding-hindi iyon mangyayari. Nasasaktan ako kapag nakikita ko ang mga sakit sa mga mata mo.."

Napakagat-labi ako para pigilang maiyak sa harapan nito.

"Ang sama sama kong asawa sayo!"

"Edwardo.."

"Hindi ko alam ang gagawin ko Marydale.. paano ko ba mababawasan ang sakit na nararamdaman mo?" Umiiyak na sabi nito.

Nakayuko ito habang nakapatong ang ulo nito sa mga tuhod ko. Hawak-hawak pa rin nito ang mga kamay ko.

"Bakit ganito iyong kailangan nating pagdaanan?" Patuloy nito sa kabila ng pag-iyak.






Kinabukasan maaga akong nagising, hindi ko alam kung anong oras na kami nakauwi ni Edwardo. Wala na kaming ibang napag-usapan pa bukod sa mga sinabi nito. Hinayaan kong ilabas nito ang lahat ng bigat nito sa loob.

Matapos akong makapag-ayos, bumaba na ako, naabutan ko si Edwardo na nakaupo sa may sala. Hindi ata nito naramdaman ang presensya ko dahil mukhang malalim ang iniisip nito.

Pinagmasdan ko ito. Nangingitim ang ilalim ng mga mata nito at ngayon ko lang napansin na ang laki na ng pinayat nito.

Mukhang nahalata nitong may nakatingin dito dahil napatingin ito. Tarantang tumayo ito at binati ako. Lumapit ito sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.

Ngumiti ako ng tipid dito.

Hindi ko masasabing okay na kami dahil gaya ng nasabi ko wala kaming napag-usapan.

Linggo ngayon at wala itong pasok sa opisina.

"Marydale.."

Pakiramdam ko gusto kong mailang.

"Can.. can we go out?" Alanganing tanong nito.

Tinitigan ko ito. Tumango ako dito.

Bakit nga ba hindi? Ang tagal na rin ng huli kaming lumabas. Kailangan namin ito, kailangan naming ibalik iyong dati.

"Date ba ito Dong? Ang pangit mo naman.."biro ko dito.

Parang nagliwanag ang mukha nito.

"Yes! I mean no, yes.. of course! Argh! Just wait a minute wife!" Tarantang sabi nito.

Natawa ako ng biglang tumakbo ito papanik sa itaas.


Matapos kaming magsimba nagpasya kaming maglibot-libot sa isa sa mga sikat na Mall sa Pilipinas.

"Dong naman, kulang nalang pati itong buong Mall bilhin mo na. Aba ang dami ko ng damit oh. Pagkain gusto ko, nagrereklamo na mga anakonda ko sa tiyan oh!" Reklamo ko.

"Pfft! Okay wife. Kiss me then.." nakangising sabi nito.

Sumimangot ako at ibinato dito ang hawak kong paper bag. Tumawa lang ng malakas ang lolo niyo.

Matapos nitong bayaran mga kinuha nito naghanap na kami ng makakainan. Nagpasya kaming kumain sa may resto na nasa loob lamang ng Mall.

"Dong ikaw na bahala.. tamad akong magbasa."

Natatawang napailing si Edwardo.

Nang maibigay ni Edwardo ang order namin sa waiter, nagpaalam itong pupunta sa may restroom.

Pinili kong maglaro muna sa selpon ko habang hinihintay ko si Edwardo.

Napaangat ako ng tingin ng may biglang umupo sa may harapan ko.

"Malandi ka!" Galit nitong sabi.

Hanga ako sa babaing ito. Hinanap pa ata kami para lang sabihing malandi ako. Sinong nilandi ko? Ang asawa ko ba?

Sumandal ako sa kinauupuan ko at bagot na tinignan ito.

"Tapos?"walang ganang tanong ko rito.

Namula ang mukha nito na mukhang mas nadagdagan ang galit nito sa'kin.

"Talagang pinagpipilitan mo pa rin ano?! Baka nakakalimutan mong magkakaanak na kami!" Malakas nitong sabi.

Napapalingon na sa'min halos lahat ng kumakain dito sa resto dahil sa pag-iiskandalo ng baliw na 'to. Para atang gustong ipalabas ng baliw na 'to na asawa nito ang asawa ko.

Nagsimula ang mga bulung-bulungan sa paligid. May iba, ang sama ng tingin, akala siguro nila kabit ako ng asawa ko, may kabuteng-buntis ba namang biglaang lumitaw.

Pinanatili kong ikalma ang sarili ko.

"Ngayon kung magkakaanak kayo? Ikaw, baka nakalimutan mong ako ang ASAWA at siya ay ASAWA KO." Mariing sabi ko.

Napasinghap ang mga tao sa paligid. Mga tsismosa't tsismoso nga naman.

Namula ang mukha nito at alam kong napahiya ito.

Napalingon ito sa likuran at biglang parang maiiyak na ito.

"Wife..."

"Ed!" Sigaw ni Amaya.

Tumayo ito at patakbong pumunta kay Edwardo.

Desperada na nga, asumera pa. Tsk!

Hindi na akong nag-abalang lumingon pa.

"What the hell are you doing here?" Narinig kong tanong ni Edwardo dito.

"Ed inaaway niya ako. Sasaktan niya kami ng anak mo!" sumbong nito.

Napakamot na lamang ako ng ulo sa naririnig ko.

Nakita ko sa sulok iyong waiter na kumuha ng order namin, may hawak itong tray na naglalaman siguro ng pagkaing inorder namin. Senenyasan ko itong lumapit sa table namin.

Alanganing lumapit ito.

"Hay akala ko kuya bukas ka na darating. Gutom na gutom na talaga ako."

"Ah eh.. kasi po Mam.." nagkakamot-ulong sabi nito.

"Get off me!" Sigaw ni Edwardo.

"Ed huwag mo siyang paasahin! Di ba sabi mo sa'kin, pananagutan mo kami ng anak natin. Kaya hangga't maaga pa sabihin mo na sa kanya!"

Napatigil ako sana sa pagdampot ng kubyertos ko.

"Amaya.." may himig bantang boses ni Edwardo.

Dahan-dahan akong tumayo at lumingon dito.

"Anong sabi mo?" Tanong ko dito.

"Hindi ka naman bingi di ba? Iiwan ka rin ng sinasabi mong asa.."

Baka nitong matapos ang sinasabi nito agad kong kinuha ang baso ng may laman na juice sa lamesa namin at isinaboy sa mukha nito.

Akmang susugurin ako nito ng hawakan ito ni Edwardo.

"Walang hiya ka!" Sigaw nito.

"Ano gising ka na ba ha?! Mukha kasing tulog iyang utak mo! Mali pala ako, wala ka palang utak!!" Galit sigaw ko dito.

Mas lalong namula ang mukha nito sa galit.

"Bitawan mo ako Ed.. sabihin mo na sa kanya!" Pagwawala nito

"Edwardo pakisabi nga sa baliw na babaing iyan na kung anu-ano pinagsasabi niya." Utos ko.

Tinignan ko ang asawa ko, blangko ang mukha nito. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba, hindi ko alam kung bakit.

"Ed..edwardo.." untag ko dito.

"I'm.. i'm sorry.." mahinang sabi nito.

"Anong sabi mo Dong?"

Hinawakan nito ang kamay ni Amaya saka nito hinila.

Parang bumagal ang takbo ng paligid ko. Maging ang pagdaan at paglagpas ng mga ito sa harapan ko, bumagal.

"Dong.."mahinang usal ko. Lumingon ako sa mga ito.

Bigla akong natauhan ng makita kong malapit ng lumabas ang mga ito. Hinabol ko ang mga ito, nang maabutan ko sila, agad kong hinatak ang braso ni Edwardo at pwersahang paharapin ito sa'kin.

"Sandali.. Edwardo! Teka.. ano iyon?!" Singhal ko dito.

Nanatiling blangko ang mukha nito.

"Ano Edwardo?! Anong palabas ito ha?!"

Niyugyog ko ito ngunit nanatiling tikom ang bibig nito.

"Magsalita ka! huwag mo akong gawing tanga!" Bulyaw ko.

"Bitawan mo nga siya! Oo tanga ka!" sabat ni Amaya.

"Ikaw ba kausap ko?!!" Sigaw ko dito. "Edwardo ano 'to ha?! Sumagot ka!"

"Ano ba?! Tumi.."

Sa sobrang init ng ulo ko sa sumasabat, sinapak ko ang mukha nito.

"Marydale..."

"Kailangan lang pala sapakin ko siya para lang kibuin mo ako!"

"Tama na.." may himig pakiusap na sabi ni Edwardo sa'kin.

"Tama na ha? Akala.. akala ko ba ayaw mo akong nakikitang nasasaktan? Pero.. pero.."

Hindi ko na mapigilang mapaiyak. Tumingin ako sa paligid puros awa ang nakikita ko sa mga taong nakakasaksi ng mga nangyayari.

"Bakit Edwardo?"

"I'm sorry.."

Parang gumuho ang buong mundo ko sa isinagot nito.












Hindi ko na alam kung saan lupalop na ako napadpad. Matapos niyang sabihin ang katagang iyon pinili kong tumakbo, lumayo. Akala ko maibabalik namin sa dati ang lahat. Umasa ako..

Bakit ganun? Pinaparusahan ba Niya ako? May nagawa ba akong kasalanan?

"I thought I could relax myself here.. tsk!"

Napatigil ako sa pag-iyak at lumingon sa may likuran. Sinalubong ako ng nakabusangot na mukha ng isang koreanong hilaw. Sa tingin ko adik ito at werdo pa.

"Wala kang paki!" Sigaw ko dito.

Bahala siya sa buhay niya kung naintindihan niya sinabi ko. Pakialamerong adik na koreanong hilaw!

Tinalikuran ko na ito at ipinagpatuloy ko ang pag-iyak.

Biglang may nagsalpak ng earphones sa tenga ko, sisinghalan ko sana ang walang mudong naglagay ng earphone sa tenga ko ng sumalubong sakin singkit na mga mata na sobrang ganda.

"Ugly.. now shut up and listen to that song!"

Napatanga ako dito.

Nginisihan ako nito saka nito ipinikit ang mga mata nito.










Someone's POV

"Can we just end this drama?!" Asar na sigaw ko dito.

Tinignan lang ako nito.

"Konting tiis nalang.." sagot nito.

Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ko. Gusto kong patayin ang sarili ko.

"Bro.." untag nito sa'kin.

"Tsk!"


Pa-epz si Totz!

New character? Sino nga ba siya?

Thanks ulit ng marami-rami. Pagpasensyahan niyo na mga mali-mali ko diyan.

Dahil super love ko kayo nag-update ako. Hehehe Restday ko ngayon, nakakaiyak ang tagal kong hinintay ito, almost one month din.

Iyang new character, kami din ang magkakatuluyan niyan 😂😂

Spread love..

Spread MayWardnatics!

Continue Reading

You'll Also Like

107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
2.7K 239 34
Totoo ngang walang mabilis o mabagal sa pagibig dahil isang araw ay mararamdaman mo nalang na nahuhulog kana lang sakanya. WARNING: "MASAKIT SA PUSO...
153K 5.4K 48
Crush is paghanga, iyon ang sabi nila. Oo, nagsisimula ang lahat sa paghanga hanggang sa lumalalim. Paano kapag malalim na? Crush pa rin ba ang tawag...
3.6K 994 9
She's Tres the mysterious assassin of Àn'clan, A great Assassin who always follow the command from highly ranked in their clan. She was a servant, w...