Someone's POV
Ang sakit ng pagkawala niya. Hindi ko alam kong magagawa ko bang itago iyong sakit na nararamdaman ko pero kailangan kong magpakatatag para sa kanya.
Kailangan siya na ang bumalik sa mismong hukay niya.
Maymay's POV
"Wife.."
Nilingon ko ito at hinintay ang sasabihin nito.
"I love you.."
Everytime na sinasabi niya ang katagang iyon parang nabubuwag ang pader na itinayo ko sa pagitan namin. Oo mahal na mahal ko siya pero hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyari. Ayokong magpanggap na okay na kami at ibalik sa dati ang lahat, dahil hindi lang naman siya ang niluluko ko maging ang sarili ko mismo.
Tinanguhan ko ito saka ko ito tinalikuran.
Narinig ko ang pagbugtong-hininga nito.
"Come back to me..."
Napahinto ako sa pag-akyat nang marinig ko iyon. Mahinang-mahina lamang ang pagkakasabi nito ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko.
"Hindi lang iyong anak natin ang nawala sa'kin pati ikaw.."
Napakagat-labi ako sa binitiwan nitong mga salita.
"Kung pinarurusahan man ako sa ginawa ko sayo.. gusto kong tanungin Siya, hanggang kailan?"
Nakarinig ako ng mga yapak ng sapatos na papalayo.
Lumingon ako at tanging likod nalang ni Edwardo ang nakita ko.
Hanggang kailan nga ba?
"Ako, gusto ko ring tanungin Siya, bakit pati ako naparusahan? Wala naman akong ginawa para kunin ang sanang magiging anak natin."
Someone's POV 2
"Kakampi ko talaga ang tadhana. Biruin mo nawala memorya nung isa." Napapatawang sabi ko.
"Huwag na siya.." pagmamakaawa ng kausap ko.
"Kung sumunod ka lang sa'kin noon.. tsk! Bopols mo talaga kahit kailan! Wala ka pang utang na loob." bulyaw ko dito.
Kahit kailan talaga panira ito ng mga plano.
"Huwag mo nga akong idinadaan sa kadramahan mo!" Sigaw ko rito nang mag-umpisang tumulo ang mga luha nito.
"Oh babe ang highblood mo." Sita nang bagong dati.
Isa pa ito sa nagpapainit ng araw ko. Umiwas ako nang tangkain nitong humalik sa pisngi ko. Tumawa lang ang kumag.
"Pagsabihan mo 'yan!" Singhal ko dito.
"Oh sis bakit ang highblood ng hipag mo? Sumunod ka nalang kasi.. maging mabait ka sa ate mo." Nakangiting sabi ng kumag sa kapatid nito.
Half-sister ito ni kumag. Hindi na rin ako nagtaka pa, pareho silang mga bopols.
"Kuya.."
"Hindi naman niya gagalawin si labidabs mo eh.."
"Pero kuya, paano si May? Kaibigan ko siya. Ayaw ko siyang saktan."
"Eh tanga ka pala eh!"sabat ko dito. "Gusto mo ikaw ang saktan ko ha?! Haist ang tanga!"
"Sis naman, ano kami sayo? Ako, ano ako sayo?"
"Pero kuya.."
Bago pa magbula ang galit ko sa babaing ito, lumabas na ako. Kahit kailan hindi maaasahan.. tsk!
Maymay's POV
Pagkatapos kong dumalaw kina Mama, nagpasya akong magpunta ng opisina ni Edwardo, tagal na rin ng huling punta ko dito.
"Si Mrs. Barber ba 'yon?" Narinig ko mula sa paligid pagkapasok ko palang ng gusali.
"Oo nga noh! Di ba hiwalay na sila ni Boss at pinagpalit siya sa feelingerang Amayang 'yon!"
Haist magtsitsismisan na nga sila ang ingay-ingay pa nila.
Napailing nalang ako at itinuloy ko ang paglalakad ko papuntang elevator.
"Paano naman hindi 'yan ipagpapalit, kita mo ngang hindi makaanak in short baog."
Napahinto ako sa paglalakad. Kahit hindi ko hulaan, sa tingin ko, gusto ng taong iyon na paringgan ako.
"Oi grabe ka naman, si Mam Maymay 'yan, asawa ni boss.."
"Asawa sa ngayon.. paano nalang bukas?"
Naikuyom ko ang dalawang kamao ko sa mga naririnig ko. Hindi ako papayag na bastusin ako sa sariling kompanya ng asawa ko.
Paglingon ko napansin kong marami na palang audience sa paligid. Hinanap ng mga mata ko ang matalas na bibig na 'yon na walang pakundangang magsalita.
"Hala ka.."
"Bakit? Totoo naman ah.. saka hindi naman magtatagal.."
Napatigil ito sa pagsasalita at taas-noong tumingin sa'kin. Kulang nalang pagtaasan din ako nito ng kilay.
"Na ano Miss? Hindi magtatagal na maghihiwalay din kami ng ASAWA KO na BOSS MO?! Ganun ba huh?"
Hindi ito sumagot nanatiling nakatingin ito sa'kin.
"Kapal mo rin noh? Sino ka nga ba? Saang department ka ba? Para araw-arawin kong iparada ang asawa ko sa harapan mo."
"Sorry po Mam.." hinging-paumanhin ng mga katabi nito.
Nagbaba ito ng tingin at pansin ang pamumula ng mukha nito.
"Miss huwag ka munang umasa ha? Baka patay ka na hindi pa natupad ang wish mo." Huling sabi ko rito bago ko sila talikuran.
"Wife what do you want to eat?" nakangiting tanong ni Edwardo.
Nagulat ito sa biglang pagsulpot ko sa opisina nito. Ako rin naman, para tuloy akong naninibago.
Mula pa kaninang pagdating ko hindi mawala-wala ang ngiti nito sa labi.
"Bahala ka na.." walang emosyong sagot ko rito.
"Ok wife.."
Nagpaalam itong lalabas muna.
Sampung minuto na ang nagdaan wala pa rin ito, kaya inisip ko nalang baka ito na mismo ang bumili.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang pulang-pulang mukha ni Amaya.
"Bakit mo pinahiya ang empleyada ko?!"
Empleyada? Seryoso?
Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatawa.
"Anong nakakatawa?!" Galit na sabi nito.
"Anong ano? Dapat sino.. pfft! At ang sagot, ikaw" sabay turo ko dito.
"Anong sabi mo?!"
"Kako ikaw. Dilat naman 'yang mga mata mo. How come nahibang ka? Sabagay, mukha ngang empleyada mo, mukha ng mga makakapal."
Napatayo ako sa inuupuan ko nang akmang mananampal ito.
"Woah! Mag-isip-isip ka. Tandaan mo buntis ka baka kasi makalimutan ko mawala 'yang pinanghahawakan mo!"
Napaatras ito at napahawak sa tiyan nito. Mukhang na-gets naman nito ang sinabi ko.
"Ang lakas mong ipahiya ang empleyada ko! Bakit takot na takot ka na bang iwanan ni Ed ha?!"
Gusto ko talagang matawa sa salitang 'empleyada'
Kunwaring napakamot ako ng ulo.
"Ako iiwanan ni Edwardo? Baka namuti na mga mata mo at kumuba ka na hindi rin natupad 'yong wish mo katulad ng EMPLEYADA mo." Nakangising sabi ko rito.
Mas dumoble ang pagkapula ng mga mukha nito marahil dahil sa galit. Ang sarap niyang pikunin.
"Matapang ka lang ngayon.. bakit kaya hindi mo gamitin iyang katapangan mo para tanggapin ang katotohanang hindi mo kayang bigyan ng anak ang asawa mo?! Tignan mo, sa'kin niya nakita ang inaasam-asam nito." Birada nito.
Hindi ako nakahuma sa sinabi nito.
Biglang kong naalala ang sanang anak namin ni Edwardo.
"Ano totoo di ba? Ay mali pala, magkakaanak sana kayo, kaso di mo iningatan. Pinatay mo sarili mong anak.."
Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sa mga huling salitang binitawan nito.
"Bawiin mo ang sinabi mo.."mariing utos ko dito.
"Ang alin? Na pina.."
Hindi ko na pinatapos itong magsalita dahil agad na dumapo ang kamay ko sa pisngi niya.
"Walaghi.."
"Bawiin mo!!" Malakas kong sigaw.
Nagdidilim ang paningin ko dito. Sinampal ko ulit ito nang mas malakas pa sa unang sampal ko kanina.
Babawi sana ito, pero agad kong sinalag ang kamay nito. Pinadapo ko ulit ang kamay ko sa pisngi nito.
"Hindi ko pinatay ang anak ko!" Sigaw ko.
Napapadaing ito sa bawat sampal ko dito.
"Pina.. aray nasasaktay ako! Tama na!" Sigaw nito.
Hindi ito makaganti dahil hindi ko rin naman siya binibigyan ng pagkakataong makaganti.
"Tama na!" Sigaw nito.
Parang lumabas lahat ng galit ko sa katawan.
Hawak ko ng mahigpit ang isang kamay nito.
"Bawiin mo! Ikaw! At hindi ako! Nagkakaintindihan ba tayo!" Sigaw ko.
Napaupo ito.
"Bitawan mo ako, nasasaktan na ako!"
Biglang may tumulak sa'kin.
"What the hell are you doing wife?!"
Napahawak ako sa noo ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Tinignan ko si Amaya, umiiyak ito habang inaalalayan ito ni Edwardo para makatayo.
"For pete sake, she's pregnant!"
Napatingin ako kay Edwardo nasa mukha nito ang matinding pag-aalala. Napadako ang tingin ko sa tiyan ni Amaya.
"Amaya! Oh my ghad wake up!"
"Edwardo" mahinang tawag ko.
Tinawag ni Edwardo ang sekretarya nito. Binuhat nito si Amaya at dali-dali itong lumabas.
Biglang nanginig ang buong katawan ko.
"Mam Marydale.."
Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko, ang sekretarya ni Edwardo.
Nanginginig na itinaas ko ang kamay ko. Tinignan ko ang palad ko..
"Du..dugo. dugo!"
"Mam wala pong dugo.."
"Ang baby ko.." huling salitang nabitawan ko bago ako magdilim ang paningin ko.
Pa-epz si Totz!
Thanks po ulit ng marami. ^_^/
Spread love..
Spread MayWardnatics!