Someone's POV
"Bumubuti na raw ang kalagayan niya."
"Ngayon?" Tinatamad kong sabi.
"Hindi ka ba nababahala?"
"Ang dali lang naman ng solusyon diyan. Para namang di ka nanunuod ng mga pelikula.." nakangising sabi ko rito.
Napangisi din ito.
"Kamusta kayo ni baby?"
Tinapik ko agad ang kamay nito ng balakin nitong hawakan ang tiyan ko.
"Bakit ba?! Akin naman iyan!"
"Sinong may sabing sayo ito?" Galit kong sabi dito.
Namula ang mukha nito.
"Sa'min ito ni Ed.."
"Akin 'yan.." sabi nito bago ako talikuran at maglakad paalis.
"Ikaw na ang bahala kay Luke.. alam mo na ang gagawin.." malakas na sigaw ko dito.
Maymay's POV
"Conde?! Oh my ghad! Teka..teka.." nanlalaking mata na sigaw ko ng makitang kong gumalaw at nagmulat ito ng mga mata.
Agad akong tumakbo palabas para magtawag ng doktor at nars sa labas. Dali-daling pumasok ang mga ito sa loob at naiwan akong humahabol sa mga ito pabalik rin sa loob ng kwarto ni Conde.
Tinawagan ko agad ang mga magulang ni Conde para ibalita ang nangyayari. Ako kasi ang nagbabantay ngayon sa kaibigan ko.
Nakikita kong kung anu-anong pagsusuri ang ginagawa sa kaibigan ko.
"This is good sign.." nakangiting sabi ng doktor.
Kung anu-ano pa sinabi ng doktor hanggang dumating ang pamilya ni Conde. Marami pa kaming napag-usapan na may kinalaman sa bumubuting kalagayan ng kaibigan ko.
"Hija umuwi ka muna, kami ng bahala sa anak namin. Sige ka baka hindi ka na ipahiram sa'min ng asawa ko." sabi sa'kin ng ina ni Conde.
Nakangiting umiling ako dito. "Hindi po, okay lang po."
Hindi lingid sa kaalaman ng mga ito ang nangyari sa'min ni Edwardo at sa pagkawala ng anak namin. Pinapayuhan ako ng mga ito bukod sa pamilya ko, kaya hanggang ngayon magkasama pa rin kami ni Edwardo. Sobra ang galit ng pamilya ko kay Edwardo ng malaman nila ang nangyari sa'min. Nagpaliwanag si Edwardo sa harap ng pamilya ko, ikwenento nito ang mga nangyari nung hinatid nito si Amaya. Malaki ang galit ng pamilya ko kay Amaya. Pati ako pinagalitan ng mga ito. Bakit daw ako nag-alaga ng ahas. Ilang beses nagpaliwanag si Edwardo sa pamilya ko. Maging amg pamilya nito galit na galit din sa mga nangyari.
Nanatili akong nagbantay sa hospital hanggang sa makatulugan ko na rin. Nagising ako bigla nang may marinig ako na ingay. Hindi lang simpleng ingay, kundi may nagwawala...
"Sino ba kayo?! Nasaan ako!" Pagwawala nito.
Tatlong tao na ang may hawak dito at isa na doon ang ama nito.
"Hijo, anak huminahon ka.." umiiyak na sabi ng ina ni Conde.
Hindi ko magawang magsalita sa nakikita ko. Bakas sa mukha ng kaibigan na sobra itong nahihirapan.
"Bakit ang tagal ng doktor?!" Sigaw ng ama nito.
Natatarantang lumabas ako para magtawag pa ng aawat sa nagwawala kong kaibigan.
"Huwag niyo akong hawakan!!"sigaw pa rin ni Conde.
Kahit nasa labas ako rinig na rinig ko pa rin ang pagwawala nito.
Kasama kong pumasok ang doktor nito at mga nars. May itinurok ang doktor sa kaibigan ko na sanhi ng unti-unting paghina ng boses nito. Hanggang sa tuluyan itong pumikit. Inalalayan nila itong humiga ng maayos.
"Doc.."
"Mrs. Conde.. susuriin po muna namin ang anak niyo.. mukhang nagkaroon ng trauma ang anak niyo.."
Hinawakan ko ang balikat ng ina ni Conde ng humagulgol ito.
Napatango ang ama ni Conde.
"Ang anak ko... ang kawawa kong anak.." umiiyak na sabi ng ina ni Conde.
Hindi ko na rin mapigilang mapaiyak.
Tinapunan ko ng tingin ang kaibigan ko, ang laki na rin ng pagbabago ng mukha at katawan nito.
"Hija tinawagan ko na ang asawa mo para sunduin ka.."
"Pero tito, kailangan.."
Umiling ito. "Kailangan mo ring magpahinga. Tinawagan ko rin mga kapatid ni Luke, para iuwi ang tita mo." Paliwanag nito.
Hindi na ako nagprotesta pa. Ayokong makaabala pa.
Tumango ako dito. Ilang minuto ang nakalipas dumating nga si Edwardo. Nagpaalam na rin kami.
"Wife.."
Napatigil ako sa paglalakad ng huminto din ito.
Tumingin ako dito at di ko na mapigilang yumakap sa kanya.
"Hindi ko alam kong magiging masaya ba ako dahil sa nagising na ang kaibigan ko.. pero.. pero iyong nangyari kanina.. wala siyang maalala.. hindi niya kami kilala.." umiiyak na sabi ko.
"Sshh. Don't be sad wife and please don't cry.." pagpapatahan nito. "Maybe he's in trauma.. everything will be okay. Ang mahalaga nagising na siya.. don't think too much..."
Pakiramdam ko kumalma ako sa mga sinabi nito.
Kumalas ako ng yakap dito at pinunasan ang mga luha ko. Tumango ako dito.
Kinabukasan agad akong bumalik ng hospital. Nabalitaan kong nagkaroon ng temporary amnesia ang kaibigan ko dahil daw sa nangyari. Wala rin naman daw problema sa pagsuri dito at babalik din daw ang alala nito.
Tinignan ko ang kaibigan ko. Kung kahapon, nagwawala ito, ngayon naman hindi ito kumikibo. Ang likot ng mga mata nito. Tuwing tatangkain naming kausapin ito, tinatalikuran niya kami.
"Conde.. tara kain tayo." nakangiting alok ko ng pagkain dito.
Tinitigan ako nito at mukhang inaalala nito kung sino ako.
Napakunot-noo ito at nagkamot ng ulo nito. Nginitian ko ito at ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.
Sabi ng doktor huwag daw namin pilitin ipaalala kung sino kami o kung ano kami sa buhay nito.
"I felt I lost something.. someone.." bigla nitong sabi na ikinalingon ko.
Biglang pumasok sa isip ko ang isang tao na nawala.. gusto kong maiyak pero pinigilan ko.
"Where's??? Sino nga ba??" nasa mukha nito na parang may gusto itong sabihin pero di nito maituloy-tuloy.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak. Agad akong tumayo at lumabas.
Paano na kapag naalala na nito ang lahat? Paano nito tatanggapin ang pagkawala ng isa sa mga mahal nito? Ang pagkawala ng matalik nitong kaibigan... Paulo.
Nang mahimasmasan ako bumalik ulit ako sa loob. Naabutan ko ang pamilya nitong nakikipag-usap kay Conde. Natuwa ako ng makitang nakikipag-usap na rin ito sa wakas.
"Ma..ma.." alinlangang-tawag ni Conde sa ina nito.
"May kailangan ka ba anak?" nakangiting tanong ng ina nito.
"Pwede po ba kayong magkwento pa tungkol sa'kin?" nasa mukha nito ang deteminasyon na gusto na nitong makaalala.
Walang nang alalahanin ang pamilya ni Conde nang malaman ng mga ito na wala naman daw problema ang kaibigan ko.
Masayang tumango ang ina nito.
Pinili kong lumabas nalang muli para mabigyan ng pagkakataon ang mag-anak na makapag-bonding.
Naglakad-lakad na lamang ako sa may hospital hanggang sa napatigil ako nang makita kong may umiiyak na batang babae. Agad ko itong nilapitan.
"Baby bakit ka umiiyak?" Tanong ko dito.
"Be..because.. I can't see my mom.. I don't know where she is.." umiiyak nitong sabi.
"Tahan na.. lika hanapin natin ang mama mo.. saan ka ba kanina? Nandito ka lang ba?"
Umiling-iling ito habang panay pa rin ang iyak nito.
"Lika turo mo sa'kin kung saan ka kanina. Baka nagpunta ang mama mo dun, tapos ikaw wala na. Paano ka niya hahanapin?"
Bigla itong napatigil sa pag-iyak at mukhang pinag-iisipan ang aking mga sinabi.
Sumisinghot-singhot na nagpunas ito ng luha. Napangiti ako sa kakyutan nito.
"Maybe.." sabi nito.
Agad ko na itong binuhat at tinanong kung saan-saan ito dumaan. Halos nalibot na ata namin ang buong pasilyo ng hospital.
"Sabie.. Sabie baby.."
"Mom!" biglang sigaw ng buhat-buhat kong bata.
Gumalaw ito na parang gusto nitong bumitaw sa pagkakabuhat ko sa kanya. Agad ko naman itong ibinaba. Tinakbo nito ang isang ginang sa di kalayuan, nasa mukhang ng babae ang matinding pag-aalala.
"Sabrina anak.. I'm sorry baby if I left you there.."
"No mom.. it's okay.. I'm sorry mom.."
Napangiti ako sa nakikita ko.
"Thanks to her. She help me to find you mom.. she's my new friend but I don't know her name yet. You always say that I should never trust stranger. But one look at her.. somethings telling me to trust her.." paliwanag ng bibong bata sa ina nito.
Gusto kong matawa sa sinabi nung bata sa ina nito. Magkahawak-kamay na lumapit sa'kin ang mag-ina.
"Thank you Miss.."
"Maymay nalang po.. saka wala po iyon, kahit sino naman po gagawin ang pagtulong sa bata.. lalo na kung ganyan ka-cute sa anak po ninyo." nakangiting sabi ko rito.
"Naku makulit nga itong anak ko.. pero maraming salamat pa rin Maymay.. ang swerte ng mga anak mo sayo, muk.."
"Wala na po akong anak Ma'am.." putol ko dito.
"Ay bakit naman?"
"Na..namatay po kasi.. nung.. nung nasa tiyan pa po siya.."
"Ay sorry.. kinalulungkot ko ang nangyari.."
"Okay lang po.." ngumiti ako ng tipid dito.
Matapos ng ilang pag-uusap nagpaalam na rin ang mag-ina. Dinala naman ang mga paa ko sa may infant ward. Lagi nalang akong napapadaan dito. Hindi ko alam kung bakit ngunit dinadala ako ng mga paa ko dito tuwing nagpupunta ako ng hospital.
"Kamusta anak? Alam mo anak, hindi pa rin matanggap ni mama ang pagkawala mo. Kung ingatan lang siguro kita.. kung alam ko lang..." hindi ko na rin napigilan ang sarili kong umiyak.
Siguro kung nalaman ko lang nung una, baka ngayon may umbok na rin ang tiyan ko.
"Pangit ng view.."
Napatigil ako sa pag-iyak ng marinig ko ang boses na 'yon. Bigla akong napalingon dito.
"Conde.. anong ginagawa mo dito?"
Lumapit ito sa'kin at tinignan din nito at tinitignan ko kanina.
"Alam mo bang bawal mag-ingay sa hospital? At napili mo pa talagang mag-ingay sa tapat ng infant ward.." sabi nito habang hindi pa rin nito inaalis ang mga mata nito sa mga sanggol.
Napakagat-labi ako. Bumabalik na ba ang kaibigan ko?
"Conde na..naalala mo na b.."
Umiling ito nasa mukha nito ang pagkabigo. "Pakiramdam ko nang makita kita kanina, para bang.. hindi ko alam.. haist ang gulo."
"Okay lang huwag mo ng piliting alalahanin.. mahihirapan ka lang.."
"Pero Miss alam mo ang pangit talaga ng view.."
Napatawa ako ng biglang sumagi sa isip ko ang una naming engkwentro, ganun din ang sinabi nito sa'kin noon. Siraulo talaga ang Condensadang ito.
Pa-epz si Totz!
Hello po ulit! Thanks po ulit ng maraming-marami. At pagpasensyahan niyo po ulit mga mali-mali ko diyan, sadyang ambobo ko lang talaga.
Oh hayan ginising ko na si Conde. Masyado na siyang maraming tulog
^_^> kaso tulog pa ang kanyang utak.
Sino ba talaga si Amaya?
Spread love...
Spread MayWardnatics...