HELP ME GIRLALOO | Jimin

By dontkillmejeon

4.9K 177 126

"Gabi, kailangan ko ng tulong mo." "Ano ba yun?" "Kilala mo ba si Jeon Jungkook" "Ah yung may malaking... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
FINAL
고마워요 ❤

Chapter 31

120 5 3
By dontkillmejeon

Sinara ko ang brief case sabay kuha nito at lumabas ng opisina. Sana tama 'tong gagawin ko. Sana hindi ko pagsisihan.

Pagkalabas ko ng principal's office dumiretso ako sa pinakamalapit na bintana. Binuksan ko ulit ang brief case at tinitigan for the last time ang mga pera. "Shocks. Ang dami niyo pa naman. Di bale magkikita rin tayo lahat balang araw." Gamit ang buo kong muscle strength, tinapon ko ang lahat ng pera palabas ng bintana. Oo, tinapon ko.

Tinapon ko.

TINAPON KO.

TI. NA. PON. KO.

Yung tipong para akong nagpaulan ng pera sa school. Siguro magugulat yung mga studyante na nasa may bintana nakaupo kung bakit may umuulan na pera? Siguro natupad ko pangarap nila na umulan ng pera.

Eksakto naman, pagkatapos kong magpaulan ng pera, nakita kong lumabas si Mr. Park galing sa principal's office. Siguro medyo nakita niya yung pagtapon ko ng pera. Pero sad kasi last minute na lang yung napanood niya. Sorry, ulitin ko ba? Joke ayoko. Bababa pa ako mula 5th floor tas taas ulit. Ayaw kapagod kaya.

"W-What did you do?"

"Sorry po." Nagbow ako sa kaniya. "Sorry, hindi po ako mukhang pera." Pati ayoko rin yun tanggapin in the first place kasi naman, AKO PA MAGPAPACONVERT FROM DOLLARS? WOw effort ko naman? Tae. Kapagod kaya. Pagod na nga ako sa buhay ko eh!

"What? Edi sana hindi mo na lang tinanggap! Why did you have to throw it?" Lumapit siyang naiinis papuntang bintana na pinagtapunan ko ng mga kaching kaching niya. Sumilip siya at nakitang dahan-dahang nahulog ang mga pera.

"Alam ko po. Sorry tinapon ko. Nanggigil lang po kasi ako." Besides, gusto ko ng dramatic plot twist effect eh? Bakit ba?

"Nanggigil???" Oo nanggigil ako. Nainis ako. Oo, mahal ko ang pera, at bakit hindi? Sino bang may hindi? Pero hindi ako obsessed sa pera. Wapakels kung sa pera umiikot ang mundo ng iba. Hindi ko isasakripisyo ang integridad ko para lang sa pera. Ang pera, wala man ako niyan ngayon, maiipon ko rin naman yan balang araw.  Pero ang mga pagpapahalaga na tinuro sa'kin ni nanay? Oras na sirain ko ang isa, wala na. Mahirap na ibalik sa dati. Tila parang puno na pinutol at hindi na muling maididikit sa mga ugat nito. Tila parang basong binasag na hindi na muling maibabalik sa dati. Parang, tiwala? Parang ganun lang.... Lee Gabi nga po pala. Tumatakbo para sa Halalan 2022. #GabiSaUmagaGabiPaRinSaGabi

Okay tama na. Ang weird ko. Corny aside, siya na rin ang nagsabi na same results lang naman ang kakalabasan either way. Pero still, mas gusto kong magparaya kesa sa kainin ko ang dingnidad ko.

"Sorry. Pulutin niyo na lang po sa baba, kung gusto niyo pa rin nung pera." Nagbow ulit ako at nag-walk out.

Hindi ako bumalik ng classroom. Bagkus, dumiretso ako sa pinakamalapit na banyo. Pumasok ako sa isang cubicle at nag-contemplate sa life. "Tama ba ginawa ko?" Bigla akong nakaramdam ng pagkahinayang. Shocks. Sayang yung pera. Dami ko nang mabibili dun... Shet. Pulutin ko ba? Baka nasa sahig pa yun--"Hindi! Hindi, Gabi! You're a woman of integrity! Yas! Bahala na si Batman." Binuksan ko na ulit yung cubicle at naghugas ng mukha.

-

Hindi na ako nakakain. Nakatulala na lang ako sa may bintana sa classroom nung lunch. Bigla namang lumapit sa'kin si Marga na kumakain ng pasta with breast chicken. Kadalasan, manghihingi ako pero, wala akong gana... 

"Ui Gabi nakita ko yung umulan ng pera kanina?"

"Ah.." Kanina ang saya-saya ko, pero ngayon, wala na ako sa mood. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Marga at umupo siya sa tabi ko. "Ikaw yun noh?" Lumingon ako sa kaniya at napatingin sa kinakain niya. Shet nagutom ako bigla. BAKIT BA ANG SARAP NG PAGKAIN NI MARGA?! OKAY TEKA GABI HINDI, DIET KA NGAYON.

Wala akong sinabi pero parang nabasa ni Marga ang mga mata ko. "Di ko alam kung anong pinag-usapan niyo ng tatay ni Jimin, but I'm so proud of you."

"Pano mo nalaman na tatay ni Jimin kinausap ko?" 

"Wala. Narinig ko lang kanina na nandito daw CEO ng ABC Corp. Eh bakit naman siya pupunta dito diba? Bisitahin anak niya? Wow, ang sweet naman." Hindi ko alam kung bakit ang talino ni Marga at ang dami niyang alam. Pero basta, ang galing niyang tao. 

"Marga... Tama ba ginawa ko?" Tumingin siya sa'kin sabay tango.  "Pero...Tinapon ko yung pera tapos... Tapos... Pinakawalan ko pa si Jimin..." 

"Alam mo, ngayon lang ako na-convinced na, iba nga nararamdaman mo para kay Jimin." Huh... ENdeh ko gets..

"Di ko gets... Bakit?" Nginitian lang ako ni Marga at inubos ang pasta niya. Huhu shet di man lang ako tinirhan. 

"Basta. Lumabas ka na nga dun. Kanina ka pa nun tinatawag." Napatingin naman ako sa labas ng classroom at nakita si Jimin sa may pintuan. Agad naman akong tumayo at pumunta sa kaniya. All these in slow motion. 

-

"Kinausap ka pala ni dad..." Sabi ni Jimin habang naghheart-to-heart kami sa garden ng school. Magkatabi kaming nakaupo dun sa isang parang garden chair...bench... Joke ano tawag dun basta medyo mahabang upuan na walang sandalan tapos color blue.

"Ah... Oo..." Sabi ko naman.

"Kaya pala siya pumunta dito... He bribed you with money, didn't he?" Tinignan ko siya at nakitang nakatingin din sa'kin. Kapag naaalala ko yung ginawa ng tatay niya nangigigil acoe talaga. "And you didn't accept it?" Tinignan ko  siya at tumango ng dahan-dahan.

"Sorry Jimin pero nainis talaga ako sa ginawa ng tatay mo. Ano ba akala niya sa lahat? Mukhang pera? Pakisabi sa kaniya pag-uwi mo, hindi lahat nauuto ng pera." Sabi ko striaght forwardly. 

 "Sorry, Gabi... It's just really how he does things. With money... Sorry. Pero masaya ako na hindi mo tinanggap. The more na gusto kitang ipaglaban sa kanila." Ok. Kinilig aq sa sinabi niya ajajawhawahflkdasf.

"Sa tingin mo tama ginawa ko?" Ngumiti siya at tumango. "Masaya ka pa rin ba kung dahil sa ginawa ko, magkakahiwalay tayo lalo?"

"Ha?" Biglang nagbago mukha ni Jimin. From happy calico cat to confused calico cat.

Hindi ko na in-explain sa kaniya kasi alam kong maiintindihan din naman niya pag-uwi niya, through his tatay, o basta balang araw. Hindi naman siya tanga katulad ko. 

"Jimin, thank you."

"...You're welcome?"

Tumayo ako at kinuha ang singsing sa bulsa ko na binili namin noon nung nag-mall kami with taekook. Kinuha ko kamay niya at nilagay sa palad niya. Mas na-confused siya sa ginawa ko. Kahit ako, confused. Bakit ko ba to ginagawa? Sorry gusto ko lang siguro ng dramatic ending. "Gabi? Bakit..."

"Sana maintindihan mo kung bakit ko pinili to, kung bakit ko hinagis yung pera ng tatay mo. Para to sayo. Sure ako, gaganda future mo kesa sa magpakasal ka kaagad. Kung magagalit ka man sakin, sana for 5 minutes lang. Mag-aral ka ng mabuti dun, okay?" 

"Huh? Ano sinasabi mo?"

"Sasabihin ko sana huwag mong 'kong kakalimutan pero bigla kong narealize, kung tayo naman talaga sa dulo, hindi mo talaga ako makakalimutan. Ako pa rin ang mamahalin mo."

"Huwat.."

"Basta! Pagbalik mo... Kung babalik ka man at matandaan mo pa ako.. Sisiguraduhin kong worth it na talaga ako for you. Mag-aaral akong mabuti para mapatunayan sa tatay mo sarili ko."

"Gabi---" Bigla ko siyang niyakap ng sobrang higpit like sobra. SKSMSO NANGIGIGIL AKO ANG CUTE CUTE NI PARK JIMIN. "Thank you Jimin." At naglakad na ako papalayo.

Mula noon hindi na ako nagpakita sa kaniya.

Hindi na rin siya nagpakita sakin.

O sabihin na lang natin na ang tadhana na ang gumawa ng paraan para hindi kami magkita.

Continue Reading

You'll Also Like

6M 277K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
400K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...