Endless Tears in Every Hearta...

נכתב על ידי secretlychasing

3.1M 52.1K 5.8K

In which all you can do is cry because you've been fed with too much heartache. But the question is, until wh... עוד

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty- Four
Chapter Twenty- Six
Chapter Twenty- Seven
Chapter Twenty- Eight
Chapter Twenty- Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty- One
Chapter Thirty- Two
Chapter Thirty- Three
Chapter Thirty- Four
Chapter Thirty- Five
Chapter Thirty- Six
Chapter Thirty- Seven
Chapter Thirty- Eight
Chapter Thirty- Nine
Chapter Forty
Epilogue
Last Note
OTHER STORIES

Chapter Twenty- Five

48.9K 784 40
נכתב על ידי secretlychasing

It hurts so much.

"Hey...you haven't eaten your dinner last night. You want to take a vacation?" Three days before Christmas and I felt like I lived for hundred years already.

Umiling ako kay Allain at tumingin na lamang sa naglalakihang kurtina na bahagyang nililipad ng malakas na hangin. "Love, how can I make you happy? Please tell me..." Nilingon ko si Allain. That's when realization hit me, I'm being selfish again. I almost forgot I still have him. Dahan-dahan akong bumangon para makaupo.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. I traced his eyes to his nose to his lips. Nanggigilid na naman ang mga luha ko. "Wag kang mawawala sa akin please..." Halos pumiyok ang boses ko.

Kinuha niya ang dalawang kamay ko at tsaka ito paulit-ulit na hinalikan. "Hinding-hindi..." Doon pa lang ay gumaan na ang pakiramdam ko.

"Promise yan ah." Yumakap ako sa kanya. "Ikaw na lang ang meron ako Allain...ikaw na lang." I rested my head on his shoulder.

"You have me...always."

Nang lumabas ako ng mansion ay natigilan ako. Naghihintay sila mommy at daddy sa labas. Nahihiya ako. I walked out last time. I was hurt and I'm not in my right mind that time.

"I'm sorry po." Bahagya akong tumungo. "I didn't mean to walk out last time. I didn't mean to leave you like that." Nag-angat ako ng tingin kay mommy, she aged, ganoon din si daddy. Nakakaiyak isipin na hindi sila ang tunay kong mga magulang. I have treasured them a lot, until now. Pero bakit pakiramdam ko, wala na akong karapatan sa kanila. Pakiramdam ko wala na akong puwang sa pamilyang ito.

"I'm sorry sweetheart..." Naiiyak na ani mommy. Gusto ko siyang yakapin. I miss them so bad. Kaso tila dumikit na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ngayon. "She showed up one day, claiming she was our real daughter. Your real mom switch you with her. I'm sorry, you know that I love you right. We still love you." Lumapit sa akin si mommy para mayakap ako. Bumuhos ang mga luha mula sa aking mga mata.

Bata pa lang ako, I have always thanked God for giving me them. I always feel I'm the luckiest. Not because they always give me what I want but because I have always been loved by them.

"Mommy...sino po ako?" Tila may tinik na nabunot sa aking dibdib. "Nasaan po ang totoo kong mga magulang?" Mas lalong humagulhol si mommy.

I decided to meet my uncle. Tito Miguel. Yun ang sinabi ni mommy. My mom doesn't want me to meet him, wala naman daw kasing magbabago. I'll always be their daughter. I'll always be Leanna Cline Servida.

Sa isang restaurant, nagpareserve ako as one of their VIPs. May ilang nakapansin sa akin at nagpa-picture muna. Although, I'm not in good shape right now, I managed to act that I'm okay.

"Thank you Cline. Ang ganda mo talaga."

"Excited na po kami sa anniversary concert mo ate. May tickets na rin kami."

Nagpasalamat ako sa kanila bago tumungo sa VIP room. There, a man in his late 40's is waiting for me. Hindi na siya nagulat nang makita niya ako. He's wearing a simple T-shirt and maong pants. By judging his looks, I think he's a good man.

Nang umupo ako sa tapat niya at tinanggal ko ang suot kong shades, nagulat ako nang may luhang bumagsak sa kanyang mga mata. "Kamukhang-kamukha mo ang mama mo." Tila may kung anong humaplos sa puso ko nang marinig ito.

"Nasaan po si mama?" Nagbabakasakaling nandito rin siya. Subalit umiling siya sa akin.

"Wala na ang mama mo." Halos mawalan ako ng balanse nang dahil sa narinig ko. "She died 10 years ago." Napatakip ako sa aking bibig. This is just too much.

"Paanong...sino po ako? Nasaan po ang papa ko?" Hindi na ako mapakali. Tila nanlalamig ako.

"May sarili na siyang pamilya noon, you happened because of a mistake. Hindi sinasadyang may mangyari sa kanya at sa boss niya." Kinuha ko ang basong may lamang tubig at mabilisang ininom ito. "Hindi rin sinasadyang mahulog siya sa lalaking ito. Nakipaghiwalay siya sa nauna niyang asawa. She already had a son but she made this mistake. Don't get me wrong. You are not the mistake here, the action they did was." Tumango na lamang ako sa mga naririnig ko.

"Your father didn't accept you." Gusto kong matawa, like the usual dramas. Mapait akong napangiti. Tila pinaglalaruan ako ng tadhana. I have acted once to be the unwanted child. And here I am being the unwanted for real. "Iniwan niya ang negosyo dito at tumungo sa ibang bansa. Maging ang mama mo ay hindi na siya gustong makita pa. Ganoon din ako, bilang kuya niya."Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata.

"Ako ang sumuporta sa kanya noong mga panahong pinagbubuntis ka niya. Knowing your parents now, she wanted the best for you, na dapat sana'y matutupad kung tinanggap ka na lang ng papa mo. Pinagpalit ko kayo, ikaw at si Annika. Hindi ka niya masusuportahan kaya wala na siyang ibang naisip na paraan, ayaw niya ring malaman ng papa mo kung sino at nasaan ka. Ang buhay na mayroon ka simula noong pinagpalit ko kayo ni Annika ay para talaga kay Annika." Nagpakatatag ako habang tinatanggap ang katotohanan.

"Wala na po pala akong mama at papa." Tila kinakapos ako ng hininga. "Sino po ang nag-alaga kay Annika?" Pakiramdam ko ay malaki ang naging kasalanan ko sa kanya.

"Ako ang nag-alaga sa kanya habang ang mama mo ay bumalik sa dati niyang pamilya nang masiguro niyang nasa maayos kang kalagayan. Alam kong kaya mo na ang sarili mo ngayon, pero si Annika, kailangan niyang malaman ang katotohanan. You've received the love and all the things from her parents for the past 19 years, samantalang ang buhay niya sa nakalipas na 19 years ay simple lang. Dahil may sarili rin akong pamilya ay hindi ko na siya kayang suportahan pa. Hindi ko man gustong sabihin 'to pero pinagsisihan ko ang araw na pinagpalit ko kayong dalawa." Pinilit kong ngumiti.

"She deserves to know the truth."  Ani ko. Lumapit sa amin ang waiter. Nagtataka sa tagal ng pag-uusap namin. I managed to act accordingly. I know this will be a big news soon pero I need time for this.

I ordered the usual.

"Pwede po bang malaman kung saan po nakalibing si mama?" Gustong-gusto ko talagang makita si mama. May inabot sa akin na litrato si Tito Miguel.

"Elizabeth Ricaforte, that's her maiden name." Tumango ako.

"Hindi po ba sila kasal noong una niyang asawa?" Umiling si Tito Miguel. Nagulat ako roon, kung ganoon ay...

"Magpapakasal na dapat sila kaso pinagbuntis ka niya...noong bumalik naman siya sa naunang pamilya niya ay para alagaan ang anak niyang lalaki. 5 years old na ang anak niya sa una noon." Mas lalo akong na-guilty. Parang ako ang may kasalanan ng lahat. Una kay Annika, pangalawa sa half brother ko.

"Alam po ba ng isa pang anak ni mama na may kapatid siya?" Umiling ito.

"Walang nakakaalam ng tungkol sayo at kay Annika. Nagtago ang mama mo noon, mula sa una niyang pamilya. At nakiusap na wag na siyang hanapin pa." Why does my life have to be this complicated?

"Ano po bang pangalan ng half brother---" biglaang tumunog ang cellphone ni Tito Miguel.

"Sandali lang Cline hija..." Tumayo siya para kausapin ang tumatawag sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

"Saang ospital? Oh sige...pupunta na ako riyan. Hintayin niyo ako." Nagmamadaling kinuha ni Tito Miguel ang gamit niya at tsaka nagpaalam sa akin.

"Cline, pwede bang sa susunod na araw na lamang tayo mag-usap? Sinugod sa hospital ang bunso ko." Mangiyak-ngiyak na sabi niya sa akin.

"Ako na po ang maghahatid sa inyo." Tila Nabuhayan siya ng loob. I asked for our bill at mabilis ko itong binayaran kasama na ang tip ng waiter.

I asked some security para mabilis akong makalabas. Sa likod kami dumaan at pinakuha ko na lang yung kotse ko. "Thank you so much po." I gave them token for helping me out.

Nang makarating kami sa hospital ay eksaktong kinakausap na ng doctor ang sa tingin ko ay asawa ni Tito Miguel. Nalaman kong nagkaroon ng hypersensitivity ang bunsong anak niya.

"Good evening po." Inabot na ako ng gabi nang mapagdesisyunan kong lumapit sa kanila. Mabuti na lang at wala pang nakakapansin sa akin. Inayos ko ang shades and cap ko.

Nagulat ang panganay na anak ni Tito Miguel nang makita ako. "Papa...siya ba..." Agad na tumango si Tito Miguel. Nagulat ako nang bigla akong yakapin nito. "Cline! Fan na fan na ako. Tapos magpinsan pala tayo." Napangiti ako sa pagtanggap niya sa akin.

"Thank you." May tatlong anak na si Tito Miguel. Matanda ako ng dalawang taon sa panganay niya. Sumunod naman ay 13 years old, 11 years old ang bunso.

"Ako na po ang bahala sa hospital bills ni Princess." Ani ko. Laking pasalamat naman sa akin ni Tita Ally, afterall I still have them as my real family.

Past 10 in the evening when I decided to go home, I settled all of my cousin's hospital bills.

Too late to realize, that I haven't checked my phone yet since this morning. I've got hundreds of missed call. Damn! Allain's probably worried right now.

Nang bumaba ako sa kotse ay kalat-kalat ang bodyguards sa labas ng mansion. Habang si Allain ay nakakunot ang noo na hawak ang kanyang cellphone.

Nang makita niya ako ay hinagis niya ang phone niya sa kung saan. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib niya. Ni hindi na maipinta ang mukha niya.

Akala ko'y sisigawan niya ako pero sa halip ay niyakap niya lang ako. For minutes, we stayed that way. "I hope you're okay now. You made me worry a lot. I thought I'm gonna lose you again." Umiling ako.

"I'm sorry...I'm getting okay now." I honestly told him.

"Did you meet your mom?" Umiling ako. Hindi ako nagsalita. And by that he understands me. "It's okay...I love you, love." He kissed my forehead and that is more than enough.

As long as I have Allain, I have nothing to worry about. I just hope tomorrow will get better and better.

"I love you more." Ngumiti ako sa kanya.

"I love you most." He kissed my forehead again. "...and most" He kissed my cheeks. "And most..." He kissed my lips this time.


המשך קריאה

You'll Also Like

6K 793 55
VESTIBULUM ARCU SERIES no. 1 After Abigail Mendoza committed suicide that lead to her death, her boyfriend, Liam Bautista took all the blame of his...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
5.4K 208 32
"I love you with all the rain that pours in our sky." ****** Yena suffers from a speech disorder caused by an accident that made her lose her mother...
70.1K 1.7K 33
Heartbreak and failure... The moment she stepped back from the past that was supposed to be over. Before the warm winds drag her again from his longi...