Chapter Ten

80.9K 1.5K 132
                                    


Allain on the media 💕
---
I stared at the window while our class adviser's announcing few things before our class ends.

Nakapag-entrance exam na ako at sa kaparehong university ni Allain ako magco-college.

Last week, we had our final exams and by the first week of April ay pagtatapos na namin. Sobrang na-e-excite na ako na sa wakas ay magko-kolehiyo na ako. Idagdag pa ang nalalapit kong debut.

Finally, I will be no longer that same kid before.

Sa nakalipas na buwan ay paulit-ulit lamang ang nangyayari, si Allain na ang palaging sumusundo sa akin, samantalang si Ford ang naghahatid sa akin. Malaking bagay yun kay Ford dahil sa inaasikaso niya ngayon ang kanyang thesis.

"Gale, ito na yung invitation mo. Pakibigay na lang kina Tita yung iba." Ani ko kay Gail at inabot sa kanya ang mga invitation ko para sa buong pamilya niya.

"Thanks Cline...Excited na ako." Impit siyang tumawa kaya natawa't nailing na lamang ako. "Kahit hindi ako boto riyan kay Allain, ay pwede na rin sa akin ngayon. Ang effort niya recently." Lihim akong napangiti.

Hindi ko alam kung para saan pero lubos kong ini-enjoy ang mga araw na kasama ko si Allain. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari kinabukasan. He never said he loves me or he already fell for me...ang mahalaga...nakikita ko yung effort niya para sa akin. And that is more than enough.

Sobra-sobra pa nga.

Nakangiti akong nagtungo sa parking lot kung saan naghihintay si Allain. Nakasandal siya sa kanyang kotse at pinilig ang ulo patungo sa aking direksyon nang mapansin niya ang presensiya ko.

"Let's go..." Aniya tsaka ako pinagbuksan ng pinto. Lihim akong napangiti. Kinikilig na naman ako. Kailan ba ako masasanay?

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya sa akin habang inaayos ko ang seatbelt ko. Nahirapan pa akong mag-ayos ng seatbelt...ayoko kasi talaga...parang nasasakal ako. Kaya tulad ng dati ay siya ulit ang nag-ayos nito para sa akin.

"The usual..." Ani ko tsaka siya tumango at pinaandar ang kotse. Tahimik lang kami buong byahe. Nagpatugtog siya kaya nawala na rin ang katahimikan.

🎶 And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh, and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me 🎶

Bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko ang pagsulyap niya sa akin dahilan kung bakit namula ang pisngi ko. Sana lang ay hindi niya nakita ang pamumula nito.

Niliko niya ang kotse sa parking lot ng isang mall para makapag-park at tsaka niya ako pinagbuksan ako ng pinto. "Thank you..."

He extended his hand for me. Nag-aalangan pa ako kung dapat ko pa ba itong tanggapin. Nang mapansin niya ang pagkalito ko ay siya na mismo ang kumuha sa kamay ko.

Hindi ako makatingin sa kanya. Pigil na pigil ang ngiti ko. Halos lahat nang nakakasalubong namin ay pinagtutuunan kami ng pansin.

May ilan pang nakakakilala kay Allain, lalo na yung mga college student na mukhang kapareho niya ng university. Chin up Cline...so I did.

Kitang-kita ko ang panghihinayang sa mukha ng mga kababaihan. Napasinghap ako, marahil ay hindi lang ako ang baliw na baliw sa kanya. Marahil sa dami ng babaeng nililingon talaga siya ay may isang tulad ko.

"Baby...stop pouting...we're already here." Halos mapatalon ako sa bulong niya. Hinapit niya pa ako sa baywang papalapit pa sa kanya.

"This way Ma'am, Sir..." Ani ng isang lalaking waiter na mukhang kasing edad ko lang, o matanda sa akin ng isa pang taon. "Table 5 po."

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon