Chapter Thirty- Seven

58.6K 945 107
                                    

Sa epilogue na ako mag long message. Thank you for making this rank #3 in ChickLit.


---

Niyakap niya ako mula sa likuran habang pinaghahanda ko siya ng agahan. "I like seeing you wear my shirt." Pinamulahan ako ng pisngi nang dahil sa sinabi niya.

Ang boses niya malapit sa aking tainga ay nagparamdam sa akin na tila may kuryenteng dumaloy pababa sa aking sistema.

"Nagluluto ako." What a lame thing to say!

"Baby I know...but I think I'd love to eat you instead." Biglaan akong napaharap sa kanya at tsaka sinuntok ang dibdib niya. Humagalpak naman siya ng tawa.

"Allain ano ba!" Alam kong pulang-pula na ako ngayon at tila sasabog na ako sa kahihiyan. Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumisi lamang siya ng nakakaloko. Ang gwapo nakakainis!

Lumayo ako ng kaunti sa kanya, Hindi nangyari iyon dahil agad niya akong hinapit sa baywang papalapit sa kanya. In-off niya ang electric stove, dahilan para tila mapayakap ako sa kanya.

Tumitig siya sa akin ng ilang minuto, hindi ko alam...ang alam ko lang tila gustong lumabas ng puso ko sa katawan ko. Damn it! I'm already 23 and it felt like I'm still a teenager. Kinikilig dahil nasa harap si crush.

"I love staring at you. Can you see my world in my eyes?" Tumitig pa lalo ako sa mga mata niya. At nang mapagtanto ko kung anong ibigsabihin niya ay agad din akong napamulahan ng buong mukha. "You are my world."

"Ang corny mo!" But deep inside sobrang kinikilig ako. Kung pwede lang magtatalon dito ay kanina ko pa ginawa. Napailing na lamang ako sa naisip ko.

"Sa'yo lang naman ako nagiging corny." He pouted. I tip toed so I could give him a quick kiss on his lips. He didn't see that one coming so he was in shocked for a brief moment.

"Damn baby...you're making my heart fluttered so much. Isa pa nga." Yumakap siya sa akin at tsaka sinubsob ang ulo sa may leeg ko. Napatingin ako sa kabilang side, tila naestatwa ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa may leeg ko.

"Baliw." Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko ngunit hindi ko ata ito magagawa. Pakiramdam ko'y dinig na dinig niya ang tibok ng puso ko.

"Sayo lang..." Pabulong niyang sabi. "Busog na agad ako." Bahagya siyang humalakhak kaya naman agad din siyang nakatanggap ng mahinang hampas mula sa akin.

Nagbihis ako ng simpleng off shoulder top at ripped jeans, may pupuntahan daw kasi kami ni Allain, I have no idea where it is.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip kong pupuntahan namin, ilang oras na rin kaming bumabyahe at malapit-lapit na rin kami sa airport.

"Anong gagawin natin sa airport?" Nakakunot ang noong tanong ko sa kanya.

"You'll see..." He held my hand and slightly squeezed it.

Nang bumaba kami mula sa kotse ni Allain ay bumungad sa amin si Ford na naghihintay sa may entrance. Agad akong napatungo nang may mapatingin sa direksyon ko. Bahagya kong inayos ang cap ko at hinapit naman ako ni Allain papalapit sa kanya.

"This is awkward bro." Medyo natatawang ani ni Ford kay Allain. Lumapit sa akin si Ford.

Naestatwa ako nang yakapin niya ako. "Hindi pa ako nakaka- move on. But please think of this hug as  siblings hug." Hindi nagtagal ang yakap niya. "I'm gonna miss you my little sister." Ginulo niya ang buhok ko. Napanguso na lamang ako at pinalis ang luhang nanggigilid sa mga mata ko.

"Ikaw na ang bahala sa kapatid ko." Tinapik niya ang balikat ni Allain. "I will be back soon." Hindi na siya nagpatumpik tumpik pang umalis pagkatapos noon.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Where stories live. Discover now