Chapter Twenty- Six

46.8K 729 51
                                    

"Okay lang sayo?" Tanong ko kay Allain habang nagmamaneho siya. "Wouldn't Ninong and Ninang mind if sa amin ka magpasko?" Umiling siya at tsaka hinawakan ang kaliwang kamay ko.

"It's okay. Don't worry. I just wanted to stay with you. Ito na ang pinakamahabang panahon na magkasama tayo." Tumango ako sa kanya. Earlier, I received a gift from Ivan. Alam kong hindi yun nagustuhan ni Allain.

Nang kausapin ko naman si Ivan tungkol dito ay mismong entertainment company na raw namin ang nagsuggest sa in a relationship status namin. Ito rin ang dahilan kung bakit mas mabilis na sold out ang anniversary  concert tickets namin kumpara noong first anniversary concert namin.

Gusto ko sanang magreklamo pero patapos na rin naman ang kontrata ko sa kanila. I don't plan on renewing my contract anymore.  I can just release a statement about us breaking up right after.

Tahimik naming tinahak ang daan papasok ng mansion habang nakahawak siya sa kamay ko. Napansin kong kami-kami lang din pala ang magce-celebrate ng pasko, kasama ang bodyguards, mga kasambahay at iba pang trabahador dito.

"Cline sweetheart!" Agad tumakbo si mommy palapit sa akin para mayakap ako. Medyo nailang ako nang mapansin ko ang matalas na titig ni Annika sa akin. I know my limitations so I step backward after mom hugged me, ganoon din si daddy.

"Merry Christmas Mo-mommy, d-daddy..." Inabot ko sa kanila ang mga regalo ko na noong November ko pa talaga nabili. Samantalang bumili rin ako ng para kay Annika, although I wasn't prepared ay mabuti na lamang at tinulungan ako ni Allain makahanap ng regalo para sa kanya.

"Annika...Merry Christmas." Akmang yayakap at bebeso sana ako sa kanya kaya lang ay umiwas siya kasabay ng pag-ismid niya. Maybe she doesn't like me for now. Maybe she'll like me soon. "Here, for you."

"Thanks. But I don't have something for you.". There's no hint of gladness from her voice. Ngumiti na lamang ako sa kanya. I'm not here to compete with her anyway.

"It's okay. I don't expect anything from you naman." Tila namangha siya sa sinabi ko, pero agad din siyang nag-iwas ng tingin.

"I love to see that both our daughters are getting along with each other." Ani mommy kay daddy. Yumakap pa si mommy kay daddy.

"Ma, I'm the real daughter here." I felt a stabbed right on my chest. I don't think she's mad at me, coz she's just stating the fact.

"Annika..." Suway ni daddy sa kanya pero nagkibit balikat lamang siya. Samantalang si Allain ay lumapit sa akin, ipinulupot niya ang kamay niya sa baywang ko.

"It's okay dad. She's telling the truth. I'm fine with it." I assure mom and dad, samantalang si Annika ay tinaasan lamang ako ng kilay. I don't think mom and dad saw that too.

Habang kumakain kami ng mga inihanda nila mommy sa tulong ng mga kasambahay, ay kanina ko pa napapansin ang paulit-ulit na pagsulyap niya kay Allain. The way she looked at him is the same way every time I'll look at Allain, and I'm certain that she might like Allain too.

"Gusto mo nito? Hindi mo nagalaw yang kinakain mo." Napatitig lamang ako sa mukha ni Allain. Damn! Why does he have this strong effect with women?  "Hey...love?" Tumango na lamang ako.

Hindi ako mapakali habang nag-uusap si Annika at Allain. Hindi ko alam kung paanong nangyari na nag-uusap sila ngayon. "How was the wedding preparation? And sweetheart, totoo ba itong boyfriend mo na si Ivan? Naguguluhan kami ng daddy mo." I calm myself and took a sip of my tea.

"Mom...that's. Well, hindi naman po talaga kami ni Ivan. It's the entertainment company's idea." Pag-amin ko. Bumuntong hininga lamang Ako habang ang mga mata ko ay hindi maiwasang mapatingin kina Allain at Annika. They seem comfortable with each Other.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Where stories live. Discover now