Chapter Thirty- Six

58.8K 891 106
                                    


You should enjoy life. Treasure every moment. Tell your loved ones how much you care for them, how much you love them for we have no idea of how long we're going to live.

We will never know, maybe tomorrow, it will be our last time together with them.

Napamulat ako na medyo nahihilo pa ako. Napansin ko na lamang na walang anumang nakagapos sa akin ngayon. Malaya akong nakatayo mula sa upuan na nasa gitna nitong abandonadong gusali.

"Hello?" Doon ko naalala na kasama ko pala si Allain kanina. Akala ko'y panaginip lang ang lahat kaya't bigla akong ginapangan ng kaba sa aking dibdib.

"A-Allain..." Sa loob ng abandonadong basement na ito ay may isang sasakyan na nakapwesto sa hindi kalayuan.

Nanginginig ang mga paa ko na naglakad palapit dito.

Tinakpan ko ang bibig ko habang patuloy lamang ako sa paglalakad.

Tila may bumara sa lalamunan ko nang tuluyan na akong lumapit. Paulit-ulit na nagpatay-sindi ang mga ilaw.

It feels like I'm in a movie

"Allain..." Tawag ko sa kanya. Wala naman sanang hindi magandang nangyari sa kanya.

Sa may likurang parte ng van ay may napansin akong tila naka-usling paa. Mas lalo akong kinabahan, nang makalapit ako sa may paanan ay namatay lahat ng ilaw.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Please...

Naramdaman kong bumukas ang ilaw kasabay nito ang pagmulat ko sa aking mga mata.

Na sana hindi ko na lamang ginawa. Sana nanatili na lamang akong nakapikit. Sana...sana...Hindi si Allain na walang malay at duguan ang nasa harap ko.

I'm too shocked of what I'm seeing right now...nanginginig ang labi ko at kusang nag-uunahan sa paglandas ang mga luha sa aking pisngi.

"Allain...no...n-no..." He's covered with blood at hindi ko alam ang una kong gagawin.

Hindi ako makagalaw. For a moment I felt my whole body got paralyzed. Tila namanhid ang buong pagkatao ko.

Wala na akong maramdaman na kahit ano pa man. "Aaaaaah!!!" Kinuha ko ang ulo niya para maipatong sa binti ko.

Hinang-hina akong napalugmok kanina. "Allain...wake up....bakit naman ganito?" Hindi ko na nagawa pang palisin ang mga luha ko.

"You're still the heartless billionaire!" Tila mauubusan ako ng hangin sa katawan. Hirap na hirap na rin akong huminga habang hindi ko na mapigilan pa ang mga luha ko.

"Iiwan mo na lang ba ako ng ganito na lang?! Why are you so heartless? Hindi mo man lang naisip na lumaban. Hindi mo man lang ba ako naisip?! Nakakainis ka naman eh. Mahal na mahal kita! Pero bakit mo naman ako iiwan ng ganito na lang?! Isinama mo na lang sana ako...k-kasi...Allain...hindi ko pala kaya....hindi ko kaya na...hindi ko kayang wala ka na sa tabi ko." Niyakap ko siya ng mahigpit kahit hindi ko maatim na tingnan ang balot niyang katawan dahil sa dugo.

"Baby....love, please wake up...don't leave me like this...mahal kita. Mahal na mahal kita. Walang nagbago. Hindi man lang nabawasan. Nadagdagan pa nga." Nanghihina akong tumitig sa mukha niya. Sinong gumawa nito sa kanya? "Sobra-sobra pa..." Tila bumulong na lamang ako sa hangin.

I touched his lips. Nabuhayan agad ako ng loob ng bahagya siyang gumalaw. He caughed, mas nanghina ako nang marealize na may dugong lumabas sa bibig niya. "Allain...." Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata.

"I still have few minutes with you..." Hirap niyang wika na mas lalong nakapag-paiyak sa akin.

"Ano ka ba naman!" Hindi ko na napigilan pang humagulhol sa pag-iyak. "Dadalhin pa kita sa hospital." Nanginginig kong hinalughog ang bulsa ko para makuha ang cellphone ko. Napamura ako nang wala akong nakuhang phone sa bulsa ko.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Where stories live. Discover now