Chapter Four

93.1K 1.7K 97
                                    

Ford and Cline on the media. (Credits to the rightful owners of the photos I used)

---

Lumabas ako ng kwarto at tsaka bumaba na para mag-agahan. Patalon-talon pa ako sa grand staircase namin.

"Careful sweetheart!" Suway sa akin ni mommy nang matapos niyang i-end ang tawag ng kausap niya kanina.

"Mom, I won't trip. Good morning!" Ngumisi ako tsaka dumiretso sa hapag-kainan. Nalaglag ang panga ko nang maabutan si Ford na nakaupo sa isang silya ng mahaba naming mesa.

"Nasaan po si Manong Tasyo?" Nagtataka kong tanong kay mommy nang umupo siya malapit sa upuan ni daddy. "Good morning dad!" Nag-angat ng tingin si daddy tsaka tinabi niya ang binabasang newspaper.

"Sweetie, nag-request si Mang Tasyo na kung pwede magpa- shift siya ng schedule." Kumunot ang noo ko. "Sumasakit ang katawan niya dahil sa paghabol sayo kapag tumatakas ka. Alam mo namang may edad na si Manong Tasyo." Nakonsensiya naman ako bigla. I'm guilty again. Napanguso ako tsaka nilaro na lamang ang daliri ko.

"Eh bakit po nandito si Ford?" Wala sa sariling tanong ko tsaka tumingin kay Ford. Nag-angat din siya ng tingin sa akin. Tumitig lang ako sa kanya pero nag-iwas din naman agad siya ng tingin.

"He will be your driver." Nalaglag ang panga ko. "Compared to Manong Tasyo, mas mababantayan ka niya. Tsaka isa pa siya rin yung ni-request ni Manong Tasyo." Mas lalong namilog ang mga mata ko.

"That's why kasabay na natin siyang mag-breakfast." Dagdag pa ni mommy.

Hindi na ako umangal pa at tahimik na lamang na tinusok ng tinidor ang bacon sa plato ko.

Habang nasa byahe ay tahimik lang ako. Tiningnan ko siya habang nagmamaneho. Di man lang naisip na magpapatugtog para naman hindi ako ma-bored diba? Kinuha ko na lamang ang phone at earphones ko.

Sa labas ko na lamang tinuon ang atensiyon ko. Nag-iisip ako habang nakikinig sa mga kanta. Napangisi ako ng biglang nakakita ako ng imaginary lightbulb!

Alam ko na. Since siya na ang driver ko at bodyguard, mas maganda kung maka-close ko siya para sa ganun ay malaman ko rin ang mga gusto ni Allain. Kung hindi sasabihin sa akin ni Allain pwes sa best friend niya ako kukuha ng impormasyon.

First step, syempre dapat maging mabait ako sa kanya. Kaya dapat kausapin ko siya. Tinanggal ko ang earphones ko at tsaka tinabi ito kasama ng phone ko sa aking shoulder bag.

"Ford." Nag-angat lamang siya sa akin ng tingin mula sa front mirror. "Ilang taon ka na? Ka-edad mo ba si Allain?"

"Hindi. I'm already 22. Si Amari ang ka-edad ko." Oh...parang bigla naman akong nawalan ng gana nang marinig ko ang pangalan ni Amari. I'm not bitter pero...wala lang...parang may tumutusok kasi sa puso ko kapag naririnig ang pangalan niya. Masakit kasi.

"Ah. Paano kayo nagkakilala ni Allain?" Tsaka ako mas lumapit mula sa likuran niya. Tinanggal ko rin ang seatbelt ko, nakakasakal eh.

"Hey Miss! Fasten your seatbelt." Mariin niyang sabi tsaka hininto ang kotse sa may gilid.

"Oh bakit mo hininto?" Napakunot ako ng noo sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga, tila naubusan agad ng pasensiya sa akin.

"Please fasten your seatbelt. Madidisgrasya tayo sa ginagawa mo." Nairita ako sa sinabi niya kaya sinandal ko ang likod ko sa backseat at muling kinabit ang seatbelt. I gave him a happy-now-look. Umiwas lang siya ng tingin tsaka muling nagmaneho.

"Hindi mo naman ako hahayaang mapahamak." Inosente kong sabi tsaka pinanood na lamang ang ibang sasakyan na umaandar mula sa labas.

"You're now aware of that huh?" Ngumisi siya. Hindi ko na lamang pinansin. "What were you asking again?" Hindi ko ulit siya pinansin. Okay na kasi kanina. I made up my plan that I'll be kind to him... that I'll befriend him. Kaso ito siya nagsusungit.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Where stories live. Discover now