Chapter Thirty- Eight

54.1K 924 67
                                    


Nauna akong dumating sa Cafe France, isang oras na mas maaga sa napag-usapan namin ni Annika. She wanted to talk to me, and it was really a good news for me.

Kumuha ako ng tray at doon ako naglagay ng isang coffee bun at chicken pastel pie. Habang naghihintay sa kanya ay kumain muna ako, I just came from an interview.

I texted Allain that I might be home late and to not to worry about me. Habang kumakain ako ay medyo napupuno na ng tao itong Cafe France.

May ilang nililingon din ang direksyon ko. I don't have any disguise now, well my Harry Potter glasses somehow help me not to be noticed that easily.

Until a teenager approach me.

"Cline?..." She was a little bit unsure the moment she approached me. Kumuha ako ng tissue para mapunasan ang gilid ng labi ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Hi..." I genuinely smiled at her.

"Omg! It's really you..Cline!" Halos magtatalon siya sa harapan ko. "Fan na fan mo ako, pwede ba akong magpapicture?"

"Sure..." Tumayo ako para tumabi sa kanya. Matapos noon ay nagsunod-sunod na ang mga nagpa- picture sa akin. Hindi ko naman sila kayang tanggihan kaya napagbigyan ko naman silang lahat para sa autograph at picture taking.

Paupo na sana ako nang may humabol pa ulit na isa. "Ate, papicture din po ako." Nag-angat ako nang tingin sa kanya at kusang namuo ang isang ngiti sa aking mga labi.

"Sure." Natatawang pumwesto ako sa tabi ni Annika.

"First picture natin 'to. I'll keep this." This time no more jealousy, no more hatred. Tuluyang nawala ang kabang naramdaman ko kanina.

Hindi ko alam kung saan kami magsisimula. "Gusto mong sa iba na lang? Hindi ko naman alam na hindi ka magdi- disguise." Natatawa niyang puna sa akin.

"I'm kinda excited to see you." Pag-aamin ko. "And a little bit nervous."

"Why do you have to be so honest?" Kunwari'y nagtataray siya. "Let's go..." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas.

Sa pagkakataong ito ay nakasuot na ako ng cap habang magkatabi naming pinapanood ang mga batang naglalaro sa park na ito.

"You know why I hate you?" Panimula niya. Hinintay ko na lamang ang susunod niyang sasabihin. "I hate you because you're too good to be true. I hate you because I know our parents never regret of having you. Alam mo yung pakiramdam na sigurado ka namang ikaw ang tunay pero parang hindi talaga kita mapapantayan. I so hate you for that. May karapatan naman akong magselos diba?" Tumango lamang ako.

"And then there's Allain...maybe you think I liked him just because I'm jealous of you...I seriously like him. Matagal ko na siyang kilala." Medyo nagulat ako roon pero hindi muna ako nagpakita ng reaksyon.

"I'm taking business related course, I always see the youngest Del Valle everywhere. The generation's youngest billionaire, Allain Laurence Del Valle. I've read almost all the business magazine, he was all over those magazines and billboard near his company." Napaawang ang bibig ko na agad ko ring tinikom.

"I've known a lot of things about him, dahil sa mga magazine interviews niya. Halos araw- araw kong pangarapin na sana..sana...magtapo ang landas namin." Napansin kong natigilan siya.

"You already noticed him a long time ago..." Mahina kong sabi, na para lamang sana sa sarili ko pero alam kong narinig niya.

"I like him so much before...until the day I saw you with him. Our paths crossed but he's with another girl. Mas nakadama ako ng inis sa existence mo sa mundong ito." She smiled weakly.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ