Chapter Eight

75.1K 1.4K 107
                                    


"Si Allain ang susundo sa iyo mamaya." Ani Ford nang sabay kaming bumaba sa kotse.

"Yup. He texted me." Na siyang ikinagulat niya. "I told you. I'm gonna make him fall for me." Ngumisi pa ako sa kanya tsaka kumindat.

Tumikhim lang siya at hindi na nagbigay pa ng komento.

Mabilis lumipas ang oras. Huling subject na rin kasi namin. Kaso may activity kami na by group kaya kailangang mag-extend. Strikto pa naman ang teacher ko ngayon.

Palihim kong kinuha ang cellphone ko. 15 minutes na ang nakakalipas sa napag-usapan naming oras ni Allain.

Hubby:

Where are you?

Hubby:

I'm already here at the parking lot.

Hubby:

What's taking you so long?

Kasabay ng messages ang maraming missed calls mula sa kanya. I forgot he's short tempered. Nakakainis naman. Last group kami na magpre-present kaya wala akong kawala dito.

To Hubby:

We have to extend another 30 minutes. If you can't wait magpapahatid na lang ako kay Ford sa bahay. I think he's still here. :)

Although labag sa loob ko iyon ay kailangan kong maghintay. Syempre dapat maisip niya na hindi na ako masyadong makulit since I think he's giving me a chance to prove myself.

Agad kong tinago ang phone ko. Mahirap na at baka mahuli pa ako ng teacher ko.

Nasunod naman ang 30 minutes extension. Dahil natapos ang lahat na group sa pag-present.

"Class dismissed." Mga katagang kanina ko pa hinihintay. Naayos ko na rin ang mga gamit ko.

"Gale...I'll go ahead na." Nagtataka siyang nakatitig sa akin. "Kwento ko na lang sayo bukas..." At tsaka ako nagbeso sa kanya.

"Allain na naman." Ngumisi ako. "Ingat." Kumaripas ako ng takbo papuntang parking lot. May mga bumati sa akin habang tumatakbo ako kaya ngiti na lang ang nagawa ko.

Malapit na ako sa parking lot nang natumba ako. Napadaing ako sa sakit nang biglaang pagbagsak ko. "Sorry." Inalalayan ako nung nakabunggo ko.

"O-okay lang." Tsaka niya ako inalalayang makatayo. Siya na rin ang pumulot sa mga gamit kong nagkalat na sa daan. Ang clumsy ko kasi! "Thank you---" natigilan ako nang nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Ivan?"

"Yup. It's me." Ngumisi siya sa akin at pinagpag ang palda ko. Nahiya ako kaya agad din akong lumayo sa kanya.

"Thank you ulit." Naramdaman kong medyo kumirot yung kaliwang paa ko.

"You okay? Bukas pa ang clinic ng ganitong oras." Umiling agad ako.

"Hindi na. May naghihintay kasi sa akin." Although I'm not sure kung nandoon pa rin siya. Hindi ko na kasi na-check pa ang phone ko kanina.

"I insist."

"Hindi na talaga. Thank you na lang. And sorry sa abala." Ngumiti ako sa kanya. Tsaka pinilit maglakad pero kumirot ang kaliwang paa ko kaya agad din akong natigilan.

"I think I should bring you to the clinic. Mukhang---"

"She told you she doesn't want to. So why bother?" Nakaigting ang panga ni Allain habang lumalakad palapit sa amin. Nailang ako sa posisyon namin ni Ivan. He's holding my waist for support.

Nang makalapit agad si Allain sa amin ay mabilis niya akong kinuha mula kay Ivan. Hinapit ni Allain ang baywang ko para siya naman ang umalalay sa akin ngayon.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Onde histórias criam vida. Descubra agora