Chapter Twenty- Seven

45.2K 724 98
                                    

January came and I got a more hectic schedule. Sunod-sunod ang endorsement and interviews ko. Idagdag pa na cover ako ng iba't-ibang magazine for this month and the following month. Plus the fact that Ivan and I are having rehearsals for the concert.

"Okay from the top! 1, 2, 3!" Signal ng dance instructor namin habang sabay naming sinasabayan ng saway ang remix na kanta na usong-uso ngayong taon. "Okay. Good! Ivan mas hawakan mo pa siya sa may baywang, baka ma-out of balance si Cline. Okay. That's good! Better!"

Paulit-ulit naming sinayaw iyon hanggang ma-satisfy siya sa amin. This will probably be my last concert on stage so I should give my best.

Inuna namin ang rehearsals para sa sayaw, next week naman ay ang mga kakantahin namin. Yung tracks ng album namin last year ay kasama rin sa kakantahin namin.

"Ihahatid na kita." Umiling ako tsaka ngumiti sa kanya. Napatingin ako sa mga taong nakapalibot sa amin. They were obviously curious sa kung ano mang pinag-uusapan namin ni Allain.

I deeply sighed and smiled at him again. "Okay. Pero sa company ni Allain ang diretso ko." Tumango siya sa akin, not minding what I actually said.

"Sorry that I have to trapped you with us being in a relationship." He opened up. Nakinig lamang ako sa mga sasabihin niya. "It was our company's...and I kinda agree without you knowing it." Naiintindihan ko na naman. Kaso habang tumatagal tila bumibigat ang pakiramdam ko. Maraming masasaktan kapag nalaman ng mga fans na walang kami.

"I'm not gonna renew my contract anymore after my contract expiration." Huminto ang kotse dahil sa stoplight. "I'm gonna release a statement of our break up, weeks after the concert." Tumingin lamang siya sa akin habang tinitimbang ang mga sinasabi ko.

"I don't think it's a good idea. Are you planning to settle with him at that age? 20? And he's just 23..." Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata. "I know he's the youngest billionaire of today's generation. Yes, he got the money and looks. But settlement at that age, isn't it too early for that?" Nag-isip ako.

"I love him." Sagot ko tsaka nag-iwas ng tingin. Pinagmasdan ko na lamang ang labas.

"Wag mo naman akong saktan ng mas sobra pa rito." Hindi na ako nakasagot nang eksaktong umandar ang kotse niya. Ito na naman. Pakiramdam ko ang dami-dami ko na talagang kasalanan sa kanya.

Nang makarating kami sa tapat ng matayog na building nila Allain ay sinuot ko na agad ang cap at shades ko. "Thank you and I'm sorry. I really am." I told him before going out of his car.

"Ford!" Good thing at nakita ko si Ford na kasama ang iba pang employees. Napatingin sila sa akin kaya agad din akong tumungo. Si Ford naman ay lumapit sa akin para maharangan ako.

"Mauna na kayo sa akin." May ilang natigilan muna bago tuluyang nauna na kay Ford.

"What are you doing here?" He asked with his usual serious tone. Nagkibit ako ng balikat tsaka ngumisi. "Tsk. Let's go." Sinabayan ko siya sa paglalakad. Kilala ako ng security team nila Allain kaya hindi na ako nahirapang makapasok.

May ilan ding nacu-curious sa presensiya ko kaya kung saan-saang direksyon na lamang ako tumitingin.

Nang makarating kami sa tamang palapag ay bumungad sa akin ang tawanan nina Allain ...at Annika. What is she doing here? Tila may kung anong pakiramdam ang gumapang sa dibdib ko, I can't name it!

Naglakad ako dire-diretso palapit sa kanila. Medyo may kalayuan pa ako mula sa kanila kaya hindi pa nila ako napapansin. Dire-diretso lang ang lakad ko at tsaka tinanggal ko na rin ang cap at shades ko.

"Thanks!" Annika said and kissed his cheeks. Dahilan kung bakit natigilan ako. Ganoon din si Allain, maging si Ford na nasa gilid ko lang. Tumingin si Allain sa paligid niya at eksaktong nahanap niya ang mga mata ko.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Where stories live. Discover now