Chapter Nineteen

60.7K 1K 40
                                    

Nakatitig lang ako sa kanya habang patuloy sa pagkawala ang mga luha ko. Dahan-dahang lumapit sa akin si Ivan. "Pagod na rin ako..." Bungad niya sa akin nang sa wakas ay nakalapit na rin siya sa akin.

"Ayoko na Isabelle...I love you. But I can't make you love me." Umiling-iling ako. No. "Let's end this. Aalis na ako. Aalis na ako sa buhay mo..." Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya.

"Joseph..." Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan niyang tinanggal sa pagkakahawak. "Mahal na k-kita...please, wag naman ganito...wag ganito na mahal na mahal na kita, na hulog na hulog ako sayo..." Bumuhos ang luha sa aking mga mata.

"Mahal mo lang ba ako, dahil nasanay kang nandiyan ako sa tabi mo, na hindi mo ako kayang pakawalan? O mahal mo ako dahil mahal mo ako...kasi Isabelle kung yung una ang dahilan..." Napapikit siya ng mariin. "Pakawalan mo na lang ako, hayaan mo na lang akong umalis sa buhay mo..." Tila may kung anong bumara sa lalamunan ko.

Umiling-iling ako habang pinipilit niyang tanggalin ang kamay kong nakahawak na ngayon sa mga kamay niya. "Huwag naman ganito, mahal na kita...Mahal na mahal na kita Joseph..." Pumikit siya ng mariin bago tuluyang maglakad palayo sa akin.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang muli siyang humarap sa akin at tsaka bumalik sa akin. "Shit. Hindi ko kaya...hindi ko kayang umalis sa buhay mo." Nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa labi. Wala yun sa script! At ang mas ikinagulat ko ay si Allain na nanonood pala ngayon.

Mataman lang siyang nakatingin sa akin, habang ako ay hindi alam ang gagawin. Sa ganitong sitwasyon, mahal ko rito si Ivan bilang si Joseph. I should kiss him back! Pero hindi ko alam kung paano, first kissing scene namin ito at wala pa sa script.

Allain...Allain... Inisip kong si Allain ang humalik sa akin kaya hinalikan ko siya pabalik. Ipinikit ko ang aking mga mata, I kissed him back wholeheartedly...I put my arms around his nape. Kasabay nito ang paglandas ng luha sa mata ko. "Mahal kita...mahal na mahal kita..." Allain.

"Cut!" Halos mabingi ako sa palakpakan ng nakapalibot sa amin mula sa mga nanonood kasabay nito ang pagtalikod ni Allain. Hindi ko siya nagawang sundan dahil masyadong maraming nakaharang na sa dapat dadaanan ko, kabilang na rito ang mga fans namin ni Ivan.

"CliVan! CliVan!" May ilang nagsimulang magcheer kaya gumaya na rin ang iba.

"That wasn't in the script. But wow!" Napapalakpak na muli si direk. "Kumain na muna kayo..." Namilog ang mga mata ko nang makita ang ilang box ng pizza... Hawaiian Pizza pa, favorite ko 'to.

At naalala ko yung sinabi ko kay Allain kagabi na gusto ko, na favorite ko ang Hawaiian Pizza.

Nakonsensiya ako. "Galing yan kay Mr. Del Valle...alam niya bang wala sa script yung kissing scene niyo?" Nag-aalalang tanong ni Kaye habang pinapaypayan niya ako. Napakagat ako ng labi tsaka tumango.

Shit! Alam niyang wala pa kaming kissing scene ni Ivan dahil nag-practice kami kahapon, tinulungan niya akong kabisaduhin ang lines ko.

I tried to call him. He's not answering my calls.

Nag-take pa kami ng ilang scenes. 10 PM nang matapos kami. "Ivan, una na ako..."

Hinawakan niya ako sa braso...ngumiti lang ako sa kanya. "About the kiss."

"It's okay...I'm fine with it." Ani ko tsaka sumenyas na gusto ko nang umalis.

"I'm sorry." Ngumiti ulit ako sa kanya. It's not his fault. "Nadala ako...I'm sorry not about the kiss, I'm sorry because I won't regret it." Kasabay nito ang flash ng camera. The photo probably caught me smiling. At tiyak nasa SNS na naman ang balitang ito ngayong gabi pa lang.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt