Chapter Fifteen

85.6K 1.5K 157
                                    


Tahimik ako buong byahe pauwi sa bahay. Pumayag akong magpahatid kay Allain. Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin, ni hindi ko man lang siya kinausap.

Nang huminto sa tapat ng bahay ang kotse niya ay nagpaalam na ako. "Thank you for the ride." I said without looking at him. Nang masigurado kong narinig niya ito ay tsaka ako dire-diretsong lumabas sa kotse niya.

"Cline..." Shit. Don't you ever turn around Cline! Just please don't. Spare yourself from being hurt again.

Hindi na ako nakagalaw nang siya na mismo ang sumakop sa distansiya naming dalawa. He's towering over me from my back. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.

His back hugs make me the weakest all the time. "Please, be mine again..." Ang sarap sa pandinig subalit tila binibiyak pa rin ang bawat parte ng puso ko.

"I'm done...I'm done being yours Allain..." With that, siya na mismo ang kumawala sa akin. Bawat hakbang ko palayo sa kanya ay tila may isang punyal na paulit ulit tumusok sa puso ko.

Yes, I have fall in love. I gave everything I can, everything that I almost forgot to love myself first. This is love, darating ka talaga sa punto na hindi mo na alam ang tama at mali. You'll fall in love with the feeling that you have no idea you're getting blind by it.

Allain Laurence Del Valle will always be my first love. And I think I wouldn't let myself fall for someone ever again that way. I need to control myself and emotion. I need to be mature enough.

"That's enough! I'm done here. You lied to me, Mark. How am I supposed to believe you this time?" Labis-labis ang mga luhang kumakawala sa aking mga mata. Pinaghahampas ko siya sa dibdib niya, pero tila hindi siya natitinig.

"Will you please listen to me first?" Umiling-iling ako kasabay ng patuloy na pag-agos ng luha mula sa aking mga mata. Hinanap niya ang mga mata ko, pinilit kong huwag siyang titigang muli dahil sa oras na gawin ko yun ay siguradong babalik na naman ako sa kanya. Sobrang pamilyar na ako sa ganitong sakit. "Please, maniwala ka naman sa akin oh."

"No! Just....just stop right there. I've had enough Mark...I've had enough and it's hurting me this much." Tumigil ako sa paghampas sa kanya. Pilit kong tumalikod mula sa kanya, dahan-dahan ang bawat hakbang ko. Umaasa na pipigilan niya, dahil kahit ilang beses niya na akong niloko, pakiramdam ko ay babalik pa rin ako sa kanya...

Kasabay ng paglayo ko sa kanya ay ang pagbagsak ng ulan. Sobrang lakas ng ulan at lamig na lamig na ako. Sa gitna ng ulan ay mag-isa lang ako, tila nakikisimpatya ang langit sa matinding nararamdaman ko ngayon.

"Please let me take all the pain you had." A man who towered over me said as he put his leather jacket on me. I was too dizzy I can't see his face, and before I could close my eyes I'm sure he's gonna catch me when I'm falling.

"CUT!" Pagputol ni Direk Paolo sa last scene namin para sa araw na ito. Lumapit sa akin si Kaye na personal assistant ko para ibalot ako sa towel dahil sa basang-basa ako. Ganoon din si Ivan na basang-basa na ngayon.

"Nice one!" Sabay kaming nag-apir. We've been on screen love team for almost a year. Never did I really imagine it. At kapag binabalikan naming dalawa ay pareho na lamang kaming natatawa.

"Thanks Kaye!" Inabot ko kay Ivan ang Starbucks coffee na pinabili ko sa kanya. Nire-review naming dalawa ang last scene for this day.

"You've improve a lot Ivan." Puri ni Direk Paulo kay Ivan. "And Cline you're still as great as before. Saan mo ba nakukuha yang natural na emosyon mo?" Pag-uusisa niya pa sa akin.

"May pinagdaanan lang po." Hinampas ko si Ivan sa naging sagot niya para sa akin. Others.find it that "nakakakilig daw" every time na mag-aasaran kaming dalawa. "Joke lang, wag nang sumimangot, pumapangit ka oh." Aambang susuntukin ko sana siya sa braso kaso agad din siyang umiwas, kaya napanguso na lamang ako.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Where stories live. Discover now