Chapter Thirty- Three

54.8K 924 105
                                    

Hindi ko inakala na ganito karaming fans ang sasalubong sa akin pagkalabas ko ng airport. May ilang media na nag-cover din ng pagdating ko.

"Cline! Tingin ka dito!"

"Cline! I love you!"

"Cline!!! Cline!"

"Ang ganda mo Cline!"

Nilingon ko silang lahat at bahagyang tumungo. Kumaway din ako sa kanila at tsaka ngumiti. Nagigitgit na rin ako sa dami ng tao. Halos napapalibutan na ako ngayon kundi pa ako naalalayang mabuti ng security team ng airport.

Matapos kong paunlakan ang ilan para sa ilang picture taking ay sumakay na ako sa white van na kanina pa naghihintay sa akin.

Pagkasakay ko ay agad inabutan ako ng tubig at panyo ng sa tingin ko ay isang staff mula sa resort nila Allain. "Thank you." Tsaka ko ininom ang mineral water. Pinunasan ko rin ang pawis sa may bandang leeg at noo ko. Masyado kasi akong nagitgit kanina kaya pawisan ako pagkatapos at dahil na rin sa dami ng tao.

"Good morning Miss Cline you are expected to meet Mr. Del Valle around 4 PM in the afternoon." Tumango naman ako tsaka ngumiti. I didn't see it coming, yung makikipagkita siya sa akin.

Nang makababa ako sa resort ay sandali akong natigilan. Nilibot ko ang buong paningin ko sa buong lugar. Ang sarap tumira sa ganitong lugar. Malayo sa kung ano mang pollution.

"This way Ma'am." Sinundan ko ang staff habang ang ilan ay kinuha ang mga gamit na dala ko. Tanging shoulder bag lang ang dala ko ngayon.

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na agad sa Allain. The way he stand, the way he command others, I know it was the same Allain I knew before. May ilang nakasunod sa kanya na sa tingin ko'y mga businessman din.

Nang papalapit na sila sa may pwesto ko ay nagtama ang tingin naming dalawa. He just looked at me coldly as if he never knew me at all. I was hurt yes, but I know this would actually happen. Kailangan ko na lang sanayin ang sarili ko.

Nilampasan ako ni Allain pero may isang lalaki na sa tingin ko'y ka-edad ko lang. He stopped in front of me and genuinely smiles. "You're the famous Cline Servida!" Puno nang kagalakan ang pagkakasabi niya.

"Hi." Medyo naiilang pa akong bumati pero nagawa ko pa rin namang ngumiti sa kanya.

"Mas maganda ka pala talaga sa personal." Mas lalo akong nailang lalo pa't alam kong napatingin sa amin ngayon si Allain.

"Uh...thank you." Ngumiti ulit ako.

"Rico!" Napatingin ako kay Allain na nakatiim- bagang na ngayon. "Stop playing around." Nagkibit-balikat lamang ang lalaking nasa harap ko.

"See you around Cline." Tumango na lamang ako at sinundan sila nang tingin. He matured more than his old self.

"So ano na? Hindi ka niya pinansin?" Tumango ako kay Gale sa harap ng iPad ko. Magka- video chat kami ngayon para ikwento sa kanya ang nangyari. "Ang cold naman." Ngumuso siya at tsaka tumayo, kumuha ng unan at tsaka niyakap ito.

"I was expecting that. He has the right to be cold towards me. I keep on pushing him away remember?" Tumango-tango siya na tila ba may iniisip. "What's with Ford anyway? What he's talking about again?"

"Isa pa yun! He said I wait daw. Are we thinking the same thing here?" Muli siyang tumango. "I don't think it would be nice if he continued it." Ani ko. "I don't want to ruin the relationship we have right now."

"It wouldn't be. You still love Allain. Oh well, wala ka namang ibang minahal bukod kay Allain. Idol na talaga kita." He joked and I half laughed. But the thought of Ford liking me is really bothering me.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Där berättelser lever. Upptäck nu