ELISA
"Stop it, Marco! Kanina ka pa tawa ng tawa ah." Sita ko sa kanya kahit nagpipigil siya ng tawa.
"I'm just so proud of you, Elisa. That's why I'm laughing." Sabay halakhak niya ulit.
I rolled my eyes.
Proud daw. Eh, alam ko naman na natatawa siya sa nangyari kanina. May nakakatawa ba doon? Oh maybe, si Leslie ang nakakatawa. Yeah, right. Nakakatawa naman talaga siya.
"Stop it, Marco. Baka mapagkamalan ka pang baliw! See? Pinagtitinginan na tayo kanina pa. Let's go home." Sabi ko na lang.
"Okay, okay. I'm sorry." Napa-iling na lang ako bago ako pumasok sa sasakyan.
👔👗
Nasa byahe na kami ng mag-ring ang cellphone ko.
It's Eric.
I answered his call.
"Hi, baby!"
"Ma!"
Napatawa ako.
"Oh sorry! Bakit ka napatawag anak? What are you doing? Have you eaten? Bakit 'di ka natutulog? Paano ka tatangkad." Sunod-sunod na tanong ko.
"Ma, I'm okay. Kumain na po ako. And ma! I'm tall, you know." I chuckled.
"I know baby. What I mean is para MAS tumangkad ka pa," Nilingon ko si Marco. "Right tito Marco?"
"Yes! Your mama was right!" Napa-ngiti ako.
"You're with him mama?" I nod.
"Yes, baby. Kauuwi lang ni tito Marco mo. Why?"
"Nothing mama! Hi tito Marco!"
"Hey boy!" Napatawa ako.
Close kasi ang dalawa kahit na nag-aasaran sila minsan. Dati kasi 'di talaga siya pinapansin ng anak ko. Pero ng tumagal-tagal na, okay na.
"Eric, hintayin mo kami okay? Uuwi na 'ko." I said.
"Yes, mama."
"Okay, bye. I love you!"
"I love you too po!" Binaba ko na ang tawag.
Sumandal ako sa headrest at pinikit ang mga mata ko.
"Are you tired?" Tanong sa'kin ni Marco.
I simply nodded.
"Yeah..."
"Rest for a while. Gigisingin na lang kita kapag nasa inyo na tayo."
Nginitian ko lamang siya.
👔👗
"Elisa, we're here." Gising sa'kin ni Marco.
Nag-unat muna 'ko bago umayos ng upo. Ilang minuto din akong nakatulog sa byahe.
"Thanks, Marco."
"How's your sleep?"
"To be honest, inaantok pa 'ko." Napatawa kami pareho.
"Sorry, dapat pala 'di na muna kita niyaya." Umiling ako agad.
"No Marco! It's alright. Tsaka nag-enjoy naman ako eh."
He stopped.
"You enjoyed it?"
"Oo."
Ngumiti siya sa'kin.
"T—Thanks."
"No, problem."
"Saan ka nag-enjoy Elisa? Sa pagsama sa'kin or dun sa babaeng 'yon?" Napatigil ako sa tanong niya.
Ako? Nag-enjoy sa babaeng 'yon?
Well...
"Both."
"I see," He nodded. "What's her name?"
"Bruha."
"Huh?"
Napatawa ako.
"Her name is Leslie."
"Oh, okay."
Tiningnan ko siya.
"Crush mo?"
"What? NO! Ayoko sa babaeng war freak."
"Paano mo nalaman na war freak siya?"
"Because I know her?"
Huh, kilala niya 'yon?
"Kilala mo siya?"
Tumango siya sa'kin.
"Eh bakit mo pa tinanong sa'kin kung ano pangalan niya?" Sumandal ako.
"Confirmation?"
"Ganon?"
"Yeah. Napanood ko siya once, I mean kayo."
Kumunot ang noo ko.
"Napanood? Where?"
"Uh, Facebook?"
Napa-isip muna ako sa sagot niya bago ko ma-gets.
"Napanood mo?"
"Yes."
"And sa Facebook mo napanood?"
"Yeah. Don't worry, 'di ko naman shinare."
"Dapat lang 'no!"
"1 million views? Not bad. Sikat ka na talaga."
Hindi na 'ko nagulat sa sinabi niya. People nowadays, basta chismis hindi talaga magpapahuli!
"Don't worry honey, marami ang mas pabor sa'yo."
Napalingon ako sa kanya.
"Siya naman kasi ang nauna."
"I know."
"You know Marco, ayoko na talagang bumalik dito. You know that right?"
"Yeah. Because you're avoiding them."
Napatitig ko sa kanya bago ako mag-iwas ng tingin.
"Elisa, hindi mo sila maiiwasan. At hindi habang buhay, magtatago ka."
"Sinaktan nila 'ko Marco. Silang dalawa. Alam mo 'yan." May diin na sabi ko.
"You've really changed." Sabi niya.
Hindi ako naka-imik.
"Not just your physical appearance. But you've also turned into a fierce woman." Nakatitig lang ako sa kanya.
"Why Marco? Hindi mo ba gusto ang bagong ako? Kahit naman maraming nagbago sa'kin, may mga bagay na HINDI pa din nagbabago."
"At ano pa ang bagay na 'yon?" I stared at him.
"Tell me, do you still love that guy?" I held back.
"M—Marco..."
"Mahal mo pa din ba siya? Ang lalaking nanakit sa'yo?" Hindi ako naka-sagot agad.
Mahal?
Hindi ko alam. Ang lalaking 'yon ang una kong minahal. Buong buhay ko, siya lang. Pero ang sakit ng ginawa niya. Kaya ng makita ko siya ulit, puro sakit at pagka-muhi ng ang nararamdaman ko. Pagmamahal pa ba 'yon?
"Answer me. Mahal mo pa din ba?"
"Galit ako sa kanya Marco. 'Yon ang alam ko. At isa lang ang ibig sabihin nun diba? H—hindi ko na siya mahal. Pagkamuhi na ang nararamdaman ko kay Dominic. Lalo na sa babae niya."
Niyakap niya 'ko bigla.
"Marco..."
"Are you sure?"
"Sure about what?"
"Na hindi mo na siya mahal?"
"Why?"
"Just answer me."
"No. S—sigurado ako."
"Liar."
"Marco?"
"I can hear and feel your heartbeat. And you're stuttering. You're not sure, I guess."
"Marco, no—"
"I'm always here for you Elisa. I'm HERE." I stopped.