HELP ME GIRLALOO | Jimin

By dontkillmejeon

4.9K 177 126

"Gabi, kailangan ko ng tulong mo." "Ano ba yun?" "Kilala mo ba si Jeon Jungkook" "Ah yung may malaking... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
FINAL
고마워요 ❤

Chapter 25

103 5 3
By dontkillmejeon

Dahan-dahan akong dumilat at nakita ang puro kaputian. Nasa langit na ba ako? Malamang hindi. Buhay pa ako. Nasa hospital lang ako. Ang ingay nga eh, ng slight. Parang nasa ER ata ako. Joke asan ba ako. Ano ba nangyari kahapon? Wala na akong maalala. Ang huli ko lang naalala ay ang malapit na akong masagasaan.

Sinubukan kong tumayo pero biglang hindi ko magalaw ang aking mga paa. Sinubukan ko ulit, pero wala akong maramdaman.

"Eh...?" Hindi... Hindi pwede. Putol ba paa ko? Bakit wala akong maramadman? A-Ano.. Hindi pwede... Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa sa maputulan ng paa! Paano ko hahabulin si crush?! Jk landi.

Pero kalandian aside, ayokong makita. Ayokong malaman ang katotohanan. Natatakot akong harapin ang katotohanan. Pero sa kabila ng aking pagkatakot, sinubukan ko pa ring tignan ang aking mga paa. "Okay Gabi... You can do this..." Huminga ako ng malalim at napamura sa aking nakita.

"Putngina."

TAE NAMAN O KAYA PALA DI KO MARAMDAMAN PAA KO KASI MAY NAKAPATONG SA PAA KO. KASI MAY NAKAHIGA SA PAA KO. KASI MAY NATUTULOG SA PAA KO. TAE. AYAN TULOY NAGMANHID. HINDI DUMALOY DUGO. TAE NAMAN O AKALA KO DRAMA NA TONG STORY. AKALA KO ANGST NA GENRE NITO EH. UMASA NA AKO EH. TAPOS GANUN GANUN LANG?!!

"HOY!" Kahit wala akong maramadman, sinipa ko pataas ang taong tulog sa aking mga paa. "HOY MARGA."

"Aw!" Bigla siyang nagising. "Why do you have to kick me?!" Hindi na ako nagsalita pa at inirapan na lang siya. Salamat sa Diyos at umalis na siya sa pagkakahiga sa paanan ko. Tumayo siya at kumuha ng malapit na upuan at inilapit sa'kin. "Bakit ka nandito? Wala bang pasok? Meron diba? Asan si mama?" Okay wait. I'm starting to feel that tusok tusok na parang kinukuryente ka sa paa.

"Beshie, Sunday pa lang. Mga 3 hours ka lang tulog matapos kang dalhin ng boyfriend mong bakla dito. And speaking about your mom, nasa baba siya nagbabayad ng bills---"

"Wait. Sino kamo nagdala sa'kin dito?"

"Uh... yung boyfriend mong bakla?"

"S-Si Jimin?"

"Ay hindi! Baka si Gong Yoo? Goblin ang peg? Feeling Goblin's wife?"

"Seryoso kasi Marga! Corny mo! Si Jimin nga?!"

"Oo nga! Alanganamang si Park Bogum. Bakla ba yun?"

Hindi ako makapaniwala na si Jimin pala ang nagdala sakin dito. "Pano...Bakit..."

"Don't ask me. Hindi ako stalker mo. Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa'yo eh! Basta sabi bigla ka daw hinimatay sa pedestrian lane, tas dinala ka niya dito tas ayun tinawagan niya nanay mo tas tinawagan naman ako ng nanay mo. So ano bang nangyari sa'yo? Bat ka hinimatay sa pedestrian lane?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Marga. "Asan... si Jimin?"

"Ah, bumili lang siya ng food. Inaantay ka rin niyang gumising eh." And speaking of the devil, bigla kong nakita ang kamay ng demonyo na biglang humawak sa kurtina na naghihiwalay sa kabilang pasyente. Daliri pa lang kilala ko na. Si Jimin yun. Ang liit eh. Tas yung pinky niya na parang buntis? Siya nga yun. Agad-agad akong nagtaklob ng kumot at nagkunyaring tulog.

"O ayan na pala siya." Narinig kong sinabi ni Marga. Pero for sure naguluhan siya kung bakit ako nagtaklob bigla. Sana magets niya.

"Hindi pa ba siya gising?" Narinig kong tanong ni Jimin.

"Huh? Gising na to e----" Bigla kong nilabas ang kamay ko at kinurot si Marga. Tae ang slow niya. Di niya nagets kung bakit ako nagtaklob? Kayo ba nagets niyo?
"Awchhheuu---Ay, Hindi pala. Di siya gising. Hehehehe" 390SLKFDMLK90 hello? 911 pakipatay nga si Marga. Ampanget umarte.

Patuloy ako sa pagtataklob. Hindi ko tinatanggal kahit pinagpapawisan na ako. 

Naanigan ko naman ang pagtayo at pag-alis ni Marga. Tae ka Marga y u gotta leave me? #Ditcher Pagkaalis ni Marga, naanigan ko rin ang pag-upo ni Jimin sa katabing upuan. Agad akong humarap sa kabilang side ko at doon nagkunwaring tulog. "Gabi," Hindi ako sumagot. Malamang tulog nga dapat eh.

"Gabi alam kong gising ka. Nakita ko kamay mo" Ui galing di siya bulag.

"Gabi ui.... Bakit biglang ayaw mong makipag-usap sa'kin?" Secret.

"Gabi naman ehhhh" Naramdaman ko ang biglang pagkiliti-kiliti niya sa'kin. Pwede ba akong magmura? Kasi p*tinga mo Park Jimin. Nakikiliti ako. "Uiiii~ uiiii~" PUTEK JIMIN MAHAROT KA. MAHAROT.  

Patuloy ang pangungulit niya. Pinipigilan kong tumawa pero di ko nagawa. Natawa ako. "A-ANO BA KASI YUN???!!!" Napataas ko ang boses ko nang di sinasadiya. Tinanggal ko na ang taklob ko at tumingin sa kaniya ng galit.

"Galit ka ba sa'kin...?"

"HINDI AKO GALIT!" Pero mataas pa rin ang boses ko. Sorna napressure lang ako.

"Sorry na..."

"Hindi nga ako galit! Inaantok lang ako...Sors..." At humiga ulit ako. "Sorry sige... tulog ka na." Tinulungan niya akong ayusin unan ko pero pinigilan ko siya. "Ako na." As much as possible, ayoko na mapalapit loob ko kay Jimin. Gusto ko na siyang iwasan. Tama si Marga. Sabi niya noon, dapat tapusin ko na to. Dapat nga tinapos ko na talaga to noon pa. Hindi sana ako masasaktan ng ganito.

Tinignan ko si Jimin at hinintay kung may sasabihin ba siya, pero nakatitig lang din siya sa'kin. "Ano? May sasabihin ka ba? Kasi kung wala pwede bang iwanan mo muna ako kasi gusto ko magpahinga."

"Marami." Diretso niyang sinagot. Woah. Oki. Marami daw. Tae tulog muna 'ko. "Marami akong sasabihin."

"Ano? Sige kwento ka lang pipikit lang ako. Promise di kita tutulugan." Pinikit ko nga mga mata ko at nagsimula siyang magkwento. "Kanina... umamin sa'kin si Jungkook. May gusto pala siya sa'kin." Sabi na eh. I was right. I was so right a while ago. Confession yun ni Jungkook. Pero funny ni Jimin noh? Ngayon lang niya nalaman? Ganun siya kamanhid?

"Really? Nice! Nice! That is so great! Sabi ko naman sa'yo eh! Wala ka dapat ikatakot kay Taehyung! Ikaw lang laman ng puso ni Jungkook. Sinabi ba niya kung kailan siya nagstart magkagusto sa'yo?" Lahat ng yan sinabi ko habang nakapikit.

"Matagal tagal na rin. Bago pa tayo magpanggap."

"O diba! Pakipot lang yun! Nice one!" Habang nakapikit pa rin, nakipag-apir ako kay Jimin pero hindi siya nakipag high five back.

"..." Napadilat naman ako kasi baka wala na pala akong kausap. Pero meron pa rin naman. Nakatitig lang siya sa'kin. "Ba't ayaw mong makipag-apir? Hindi ka ba masaya? Naging successful tayo! Congrats! Nice working with you!" Nakipagshakehands na lang ako instead, incase ayaw niya makipag-apir. Nakaabang na kamay ko pero wala pa rin. Nakatitig lang ulit siya sa'kin. "Hindi ka ba masaya?!" Tanong ko sa kaniya.

"Ikaw, bakit ka masaya?" BAKIT BA NAPAKASERYOSO NI PARK JIMIN?

"H-Huh? Ano ka ba! Malamang kasi nagtagumpay tayo! We should celebrate!"

"Pano ka nagiging masaya?"

"Di ko gets..."

"Pano kung sabihin kong umoo ako kay Jungkook. Masaya ka pa rin?"

"Huh? Oo naman? Duh! Yun naman talaga ang reason kung bakit tayo nagteam up! Para maging kayo!" Siyempre hindi. Kailan pa naging masaya yung sakit.

"You're lying, aren't you?" Wow Engrish.🙊

"Why would I?" Heh engrish din aku.

"Kasi diba may gusto ka sa'kin?" Woooow kapal. Porket may gusto ako dapat ganern?---wait. How did he... "Pano mo na---E-este san mo naman napulot yan? Adik ka ba?"

"Jungkook told me." Kapal ng mukha nun ah.

"How can you be so sure that he's a reliable source of information?" ANO JIMIN TALBUGAN TAYO SA ENGLISH? ANO? LAVAN KA? Jk wag na katamad.

"I'm not! That's why I'm asking you now. Is it true?"

Medyo matagal rin ako nag-isip kung ano ba dapat ang isasagot ko. "Thank you for that very interesting  question, pero alam mo Park Jimin," Tumingin ako sa kaniya at napalunok. "Uhm.. inaantok na talaga ako ngayon. Gusto ko na lang magpahinga. Pati wag ka nang mag-English okay? Because im so damn tired thinking of English words to resbak at you. I don't have my dictionary and thesaurus with me. It's hard af u know?"

"Aalis ako kapag sinagot mo ko. Totoo ba?" Tae nakakapressure ka Jimin.

"Totoo ang alin?"

"Ano ba Lee Gabi! Please, I'm serious right now. Sagutin mo na lang ako. Totoo ba na may gusto ka sa'kin? Hindi ba ako jinojoke time ni Jungkook?" Tumaas ang tono ng pananalita ni Jimin. Para siyang naninigaw na mochi. Tae. Kalma lang naman po. Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito si Jimin. Hindi ko maintindihan... this is so not like him... mga slight.. parang di talaga siya to. Baka naman deds na kasi ako and im living in my other world na. Baka alternate universe pala itech?

Huminahon siya ng kaunti nang siguro, makita ako na naoverwhelm sa mga pinagsasabi niya. "Please... ayokong umasa..." Umasa? At bakit naman siya aasa? "Totoo ba?"

Mga ilang segundo ko rin tinitigan si Park Jimin. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko o hindi. Hindi ko alam kung makakabuti ba to sa lahat.  "Hindi. Hindi totoo." Ang pagsisinungaling ko.

Kailangan ko na atang magkumpisal. Masiyado na akong makasalanan.

"Bakit kailangan mo pang magsinungaling..." Medyo hindi clear yung pagkarinig ko pero parang ganun ata sinabi niya... Shet.

Tumango siya at nakipagshake hands sa'kin. Hindi ko maintindihan pero nakipagshakehands na lang din ako. "Thank you. Nice working with you." Tumango na rin ako. Agad niyang binitaw ang kaniyang mga kamay at umalis na. Naiwan ako kasama ng init ng aking kamay na galing sa kaniya. "Jimin," Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawag. Pero di naman siya lumingon. Nakaalis na nga siya eh. Baka di ako narinig? "Oo Jimin, May gusto ako sa'yo..." Bulong ko.

Oh well... I guess, this is a goodbye? Goodbye to my 349528524th crush, Park Jimin. 

Thank you for everything.

Continue Reading

You'll Also Like

232K 4.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...