Patricia Laxamana 💯

Par Dream_Secretly

53.2K 1.1K 32

Laxamana Series 2 of 7 Patricia 'patty' Laxamana is like a happy-go-lucky-bitch. Siya iyong tipong ginagawa a... Plus

Patricia Laxamana
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
EPILOGUE

CHAPTER NINE

1.9K 49 4
Par Dream_Secretly

DAHIL MAAGA akong nagising ngayon kaya ako na ang nagluto nang breakfast, si manang naman ay pinamalengke ko nalang. Napansin ko kasing may kulang na sa mga stocks namin.

"Señorita? Kailangan niyo po ba nang tulong?" Magalang na tanong nang isa naming kasambahay.

Umiling lang ako at ngumiti. "Kaya ko na 'to. Ituloy mo nalang iyong paglilinis mo sa sala. Tapos, kapag dumating na ang Señorita sandy mo ay papuntahin mo nalang siya kagad dito." Sabi ko pa.

"Sige po." Tugon nito bago lumabas ng kusina.

Pinusod ko na muna ang buhok ko bago ko tinuloy ang aking pagluluto. Gumawa na rin ako nang salad para sa'min ni sandy. Gagawan ko nalang siguro nang fried rice si Adrian atsaka bacon. Magpi-prito na rin ako nang hotdog at itlog dahil naalala kong paborito niya pala itong almusalin sa umaga.

I still remember noong una ko siyang ipagluto noon nang hotdog at itlog, hindi pa ako marunong noon kaya ang kinalabasan nang niluto ko ay sunog na sunog na hotdog at itlog. Pero, para namang wala lang iyon sa kaniya dahil kinain niya pa rin. Napangiti nalang ako. Ngayon, siguradong hindi na sunog ang ipapakain ko sa kaniya.

Siguro naman wala na siyang masasabi sa'kin. Wala na naman siguro siyang maisusumbat sa'kin. Now that, i literally change. I hope this change is enough.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang ma-realize ko kung ano ba ang mga iniisip ko. Umiling iling ako. Hindi ko na dapat iniisip ang bagay na 'to. Ano naman kung maraming nagbago sa'kin? May pakialam ba siya? Haist! Itigil mo nga itong kahibangan mo patty! Baka nakakalimutan mong minsan ka nang winasak nang lalaking iyon.

"Goodmorning."

Napakurapkurap ako at napatingin kay sandy na kararating lang galing sa pagja-jogging. Tinanguan ko siya. "Morning."

"You should join me on a run sometimes." Aniya atsaka umupo sa isang stall.

"Sige. Pag may time." Sabi ko habang naka-focus sa pagluluto.

"Kailan kaya ang 'pag may time' na 'yan? Baka bumalik nalang ako nang manila hindi mo pa ako nasasamahan." May pagtatampo sa tinig na sabi nito.

Napairap nalang ako sa hangin. Here we go again sa pagtataampo niya. "Fine. Sige bukas sasama na ako."

Napapalakpak naman ito sa tuwa. "Yehey! Buti naman at baka tumaba ka na naman." Natatawang aniya.

Sinamaan ko lang siya nang tingin atsaka sinimangutan. "Shut up. Don't say bad words." Matalim kong sabi sa kaniya.

Lalo naman siyang natawa. "Opps...sorry. Nadulas lang." Napahagikhik siya. Kunwari pa niyang tinatakpan ang bibig habang natatawa.

Inirapan ko nalang siya. "Watever sandy." Inis kong sabi.

Hindi ko nalang siya pinansin pagkatapos non kahit na naiirita na ako sa mga tawa niya. Hindi ko nga alam kung anong nakakatawa sa mga  pang-aasar niya. Tsk! Ganito ba talaga kapag ikakasal na?

"Goodmorning po!"

Napatingin ako kay jake na kakapasok lang nang kusina. Tulak tulak nito ang wheelchair nang nakasimangot na si Adrian. Mukhang maaga palang masama na ang mood nito, ah.

"Goodmorning jake! Mukhang masama ang gising niyang alaga mo, ah." Ngisi ni sandy.

Kinunotan ko lang ito nang noo. Pinatay ko na ang stove at inayos sa lagayan ang mga niluto ko. Atsaka ko sila muling hinarap.

"Ayaw po kasi niyang mag-wheelchair, eh." Sabi nang nurse.

"Shut up, jake." Malamig naman niya suway rito.

Lalong kumunot ang noo ko. "Sumasakit ba ang paa niya, jake?" Sabi kasi nang doctor na kapag sumasakit ang paa nito ay gamitin nalang daw ang wheelchair kesa ang saklay nito.

"Yes po/No." Sabay nilang sagot.

"I think ayaw ipaalam ni loverboy sa'yo ang kalagayan niya." Sabat ni sandy.

"Shut up sandy!" Inis kong sabi rito.

Tumawa lang siya atsaka naiiling na binitbit ang fried rice. Di pa siya nakuntento at nagpatulong pa siya kay jake na ayusin sa hapag ang mga niluto ko.

"Sandy, kinuha kong nurse iyang si jake hindi utusan mo." Sigaw ko.

"Watever patty." Sigaw nito pabalik. "Asikasuhin mo nalang si loverboy diyan."

Napabuga nalang ako nang hangin sa inis. Tama ba namang iwanan nila kaming dalawa rito. Seriously? Dito talaga sa kusina?! Napahilamos nalang ako nang mukha atsaka ko siya nilapitan.

"Kumain kana muna para makainom ka nang gamot." Sabi ko. Nang akmang itutulak ko na ang wheelchair niya palabas nang kusina nang bigla niyang hawakan ang kamay ko dahilan para mapahinto ako. Ramdam ko ang tindi nang elektrisidad na dumaloy sa buong katawan ko sa simpleng hawak niya lang.

"Paano kung sabihin ko sa'yong masakit nga?" Tanong niya.

"H-Ha?" Tanging nasambit ko lamang. Naghuhuramentado ang puso ko sa lakas nang kabog nito.

Tiningala niya ako. Mula roon ay nakita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya. Punong puno rin iyon nang sakit at kakaibang emosyon na hindi ko mabasa. Ramdam ko ang paghigpit nang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Ang sakit patty. Ang sakit sakit." Aniya. Sa tono nang boses niya ay ramdam na ramdam ko talagang nasasaktan siya.

"G-Gusto mo bang dalhin kita sa doctor mo?" Nag-aalalang tanong ko. Umupo ako sa gilid nang kanang paa niya atsaka ko ito hinawakan. "K-Kaya mo pa bang mag-antay? G-Gusto mong papuntahin ko nalang ang doctor mo dito para hindi kana bumyahe?" Tanong ko pa.

Umiling siya atsaka mapaklang tumawa. "Hindi kaya nang doctor na gamutin itong sakit na nararamdaman ko. Walang makakagamot nito." Sabi niya.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Kumunot ang noo ko. "Gusto mo ba nang pain reliever?" Tanong ko.

"Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi kasi iniisip ko iyong mga narinig ko sa'yo kahapon sa kotse." Aniya. Naguguluhang tiningnan ko siya. "Kailangan mo ba talagang iparinig sa'kin ang mga iyon? Kailangan mo pa bang ipamukha sa'kin? Ha?!" Puno nang hinanakit at galit niyang sabi.

Umawang ang labi ko. Gusto kong magsalita. Gusto ko siyang sagutin pero tila napipi na ako at wala akong mabigkas na salita.  Hindi ko alam na big deal pala iyon sa kaniya. I thought hindi na siya magiging affected. I thought wala nalang sa kaniya. And why the hell i can't utter any freaking word infront of him?!

"Bakit kailangan mo pang iparinig sa'kin na pagkatapos nito ay iiwan mo na ako. Paano mo nagagawang sabihin sa harap ko na hindi rin magtatagal ang kung anong meron tayo ngayon!" Hindi ko alam na sa sinabi ko kay kuya kahapon ay magkaka-ganito siya. At akala ko kahapon ay ayos lang sa'kin na marinig niya...pero, ngayon ko lang naisip na dapat pala hindi ko nalang iyon sinabi nang nandon siya para hindi ko siya nakikitang nasasaktan ngayon. "You know what? Kagabi naisip ko rin na baka ito na ang ganti mo sa'kin sa ginawa ko noon. So, I deserve this anyway kahit sobrang sakit na." Sabi niya pa.

Dahan dahan akong napatayo at mabilis na nagpunas nang luha. "No one deserve to be hurt." Madiin  kong sabi sa kaniya. "No one. Even me." Malungkot ko siyang tinitigan. "I never plan to take revenge, Adrian. Hindi na ako ang childish na patty, noon."

"Oo nga pala," Malungkot siyang napangiti. "Paulit-ulit mo nga palang sinasabi na nag-matured kana. Pero, para sa'kin ikaw pa rin iyong makulit, masayahin at cute na babaeng nakilala ko noon. Iyong babaeng mah--"

"--Stop it, Adrian." Putol ko sa anumang sasabihin niya. Ayoko nang maguluhan pa. Ayoko nang lokohin niya pa sa pangalawang pagkakataon. "Tama na, please? Ayoko na." Sabi ko sa kaniya.

"Patricia," Nagsusumamo ang mga mata niyang tinitigan ako. Inabot niya ang kamay ko atsaka ito hinawakan nang mahigpit. "Hayaan mo akong makabawi sa'yo. Give me a second chance, please? This time hindi na kita sasaktan." Pagsusumamo niya pa.

Napailing ako. "No, adrian." Sabi ko. "Ayoko na."

"Please? Ayokong lumayo ka sa'kin. Ayokong mawala ka ulit sa'kin." Aniya.

"May kaniya kaniya na tayong buhay, adrian. Mula nang saktan mo ako noon ay pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako babalik sa'yo." Ayoko nang masaktan ulit. Baka hindi ko na kayanin sa pagkakataong ito.

"But you are my life! Damn it!" Nanlaki ang mga mata ko sa sigaw niya. Paniguradong narinig iyon nila sandy. "I'm hurting too! I hurt myself too!"

Pinilit kong bawiin ang kamay ko sa higpit nang pagkakahawak niya. Napahikbi ako. Bakit kailangan niya pang buksan ang tungkol sa'min ngayon? Bakit hindi nalang siya nanahimik! Lalo niya lang akong pinahihirapan.

"Ayoko na Adrian! Intindihin mo naman itong nararamdaman ko!" Hindi ko napigilang sigaw.

Umatras ako nang subukan niyang lumapit sa'kin. Napailing nalang ako atsaka ko siya tinalikuran. Humakbang na ako palabas nang bigla siyang magsalita ulit na lalong nagpasikip sa dibdib ko.

"Come back to me baby, please? I'm begging you...hindi ko na kaya itong sakit. Ang sakit sakit na kasi, hindi itong puny*tang paa ko kundi itong puso ko. I miss you, patricia. And please believe me that i truly love you. I am still f*cking inlove with you, baby."

Ansabe? 😢😢

Hi. Ito lang po ang nakayanan ko sa ngayon. I hope habang tumagal ay lalong mag-improve ang writing skills ko. Thanks for reading this! Godbless 😇

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

245K 10K 36
Mula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na in...
389K 25.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
472K 7.8K 26
Si Allahna ay may kakambal na kamukhang-kamukha niya pero walang nakakaalam na may kakambal siya, except sa boyfriend niyang si Darren, masaya siya s...
26.2K 720 25
Dasha Aitana Gonzales Scott came back to the country after she encountered bitterness in life five years ago. Revenge? It's not what she desired, wha...