Chased (In Luv Series #1)

By chinieanne

27.3K 1.4K 290

CHASED (BTS JIMIN FANFIC) In Luv Series #1 chinieanne's storyline allrights reserved 2016 "You chose to chase... More

Chased (In Luv Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanta 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
a/n
Chinieanne's other stories

FALL (New Story Alert)

328 9 0
By chinieanne

Hi, Guys!

May bago akong story na pinublish. Pangalawa ito sa series na Boy In Luv, which means kasunod ng story na ito. Ang title nito ay FALL. This time, it's the story of our beloved CLARENCE ADRIAN LOPEZ! Yes, you read it right! And I'm looking forward for your support on this story. Sana magustuhan niyo. 😊

I will post here the STORY SYNOPSIS and the SIMULA/PROLOGUE of FALL. Hope you'll support this too. Thank you in advance!

-chinieanne

---

STORY SYNOPSIS

Fall Francheska Del Monte is one of the famous international model. Others think that she almost got it all--money, beauty, wealth, education, fame--but what they didn't know, her family is a mess.

Unica hija si Fall kaya responsibilidad niya ang alagaan ang kanyang nakababatang kapatid na si Forest habang ang kanyang mga magulang ay hiwalay na't may sari-sariling buhay. Nakayanan niyang alagaan ang kapatid niya sa loob ng ilang taon. Iyon nga lang ay nakalimutan niya ang kanyang sarili. Nakalimutan niyang maging masaya.

And then she met a guy who is a total opposite of her. Isang lalaking happy go lucky, bad boy, playboy at may kompleto't masayang pamilya--si Clarence Adrian Lopez. Kilala bilang miyembro ng boy group na Boy In Luv sa kanilang paaralan, mayaman at may koleksyon ng mga babaeng napaiyak.

Hindi kailanman gugustuhin ni Fall na mapalapit at makipagkaibigan sa ganoong klase ng lalaki. She wants the serious type and matured guy na kayang akuin ang responsibilidad bilang lalaki at boyfriend. Pero patay na patay si Adrian si kanya. Lahat ay kayang gawin ng binata upang mahulog sa bitag ang dalaga.

May posibilidad kayang ma-fall si Fall sa playfull charms ni Adrian? Mapabilang kaya siya sa koleksyon nito?

---

Simula

"You can place your bag here, Fall. Ako na mamaya ang magbubuhat." Turan ng aking kapatid pagkababa namin sa eroplano. Tumango ako sa kanya bago nilagay sa tabi ng kanyang maleta ang akin.

Sinuot ko ang aking shades bago nilibot ng tingin ang lugar. Tirik ang araw ngunit malamig ang hangin. Nagkalat na rin ang iba't ibang kulay ng yellow at brown na dahon sa daan. Taglagas na rito. At pansin na pansin iyon.

Nang dumating ang sasakyang susundo sa amin ay agad na binuhat ni Forester—aking nakababatang kapatid—ang mga bagahe namin at nilagay sa likod ng sasakyan. Dumiretso lamang ako sa likuran ng sasakyan para matawagan na rin si daddy. Ipapaalam ko sa kanya na nakasakay na kami sa sundong sasakyan. Sa loob ng mga kalahating oras ay nasa town house na kami.

"Okay, dad. See you later." Narinig ko pa ang pagbagsak ng kung ano sa kabilang linya bago tuluyang binaba ni daddy ang tawag. Naguguluhan kong binaba mula sa aking tenga ang aking cellphone.

"Anong sinabi ni daddy? Bakit kunot ang noo mo?" Tanong ng nakababata kong kapatid.

"Dad sounds pissed. May narinig pa akong malakas na kalabog. I don't know what's happening." Kibit-balikat kong sagot sa kanya. Matapos kong ibalik sa loob ng hand bag ang aking cellphone ay pinahinga ko ang aking ulo sa balikat ng aking kapatid. Malayo ang naging tingin ko sa tinatahak naming daan.

"Nasa bahay ba si daddy? Wala siyang trabaho?" Bakas ang kyuryosidad sa boses niya. Umiling-iling ako.

"Nasa bahay daw siya. Hindi ko alam kung galing trabaho at umuwi dahil nga parating na tayo."

"Maybe. Hindi naman kayang magtagal na magkasama iyong si mommy at daddy sa iisang lugar." Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Tuob na mesa at nakakalat na mga basag na gamit sa sala ang natagpuan namin pagpasok ng bahay. Taliwas sa nakikita namin ay tahimik ang buong kabahayan. Kung ano-anong bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Nanakawan ba kami? May masasamang loob bang pumasok sa bahay namin?

Nawala ang pag-iisip ko nang padabog na nagbukas sara ang pinto ng kwarto sa itaas at lumabas mula doon si daddy na nagpupuyos sa galit. Bitbit ang isang bag na may nakalaylay na damit. Nagulat ako. Kasunod niya ay si mommy na umiiyak at tila hinahabol si daddy.

"Tumigil ka na, Christina! Nakakasawa ka na! Ilang beses na 'diba? Ayoko na! Sawa na ko!" Sigaw ni daddy habang pababa ng hagdan. Sa kalagitnaan ng pagbaba niya ay napansin niya kami. Sandaling nawala ang galit sa kanyang mukha. Ngunit agad din itong nagbalik.

"Daddy..." Mangiyak-ngiyak kong tawag sa kanya. Tinapunan niya ako ng nag-aalalang tingin. Nagtiim ang bagang niya atsaka niya hinarap si mommy na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Franz, ano ba? Tigilan mo na ito. Nandito na ang mga bata." Sinubukan ni mommy na hawakan ang braso ni daddy pero agad niya itong hinawi. Biglang bumigat ang pakiramdam ko.

I hate seeing them like this.

"Dad!" Sigaw ni Forest pagkakita sa ginawa ni daddy. Agad na lumapit ang aking kapatid sa tabi ni mommy at inalo ito. Masamang tingin ang binaling niya kay daddy.

"Hindi niyo kailangang ganituhin si mommy, dad! Kung ayaw niyo na, you can leave this house. Bakit kailangan pang saktan si mommy?" Nakita ko kung paanong nagkuyom ang kamao ni daddy sa tinuran ng kapatid ko. Agad ko siyang dinaluhan para pigilan ang panibagong emosyon.

"Wala kang alam, Forest! Damn." Hinawi rin ni daddy ang kamay kong nakahawak sa kanya at mabilis na sinikop ang bag na kaninang hawak niya at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Napaupo ako sa sofa dahil sa bigat na nararamdaman ko. Tiningnan ko kung paanong parehong nanatili ang mata nina mommy at Forest sa pinto na pinaglabasan ni daddy. May luhang kumawala sa mga mata ko.

"Are you okay, mom?" Alalang-alalang tanong ni Forest kay mommy. Tumango si mommy at niyakap ng mahigpit ang aking kapatid habang patuloy siya sa pag-iyak.

Ang sakit. Ang sakit makakita ng ganitong pangyayari.

Akala ko pa man din pagkarating namin dito sa Amerika ay maayos na ang lahat. Muli nang maayos ang relasyon ni mommy at daddy. Ngunit akala ko lang ang lahat. Hindi iyon pwedeng mangyari. Bakit ba umasa pa ako?

Ilang taon na ring away-bati sina mommy.  Noong nasa Pilipinas ay madalas ang sigawan at hindi pagkikibuan ng dalawa. Hindi ko alam ang rason ng pag-aaway pero alam ko sa sarili ko na mag-kakaayos din naman agad sila. Hanggang sa isang araw, dumating sa punto na maghihiwalay na sila pero napigilan naming magkapatid. Hindi namin pare-parehong gusto ang sirang pamilya kaya nanatili pa rin kaming magkakasama. Buo pa rin naman kami pero ibang-iba na. Wala na ang dating masayang hangin sa loob ng bahay. Wala na ang mga ngiti tuwing araw ng pamilya dahil hindi na kami nagsasama-sama. Wala na ang bagay na nakasanayan namin dati. Pero mas maigi na ito. Kaysa tuluyang masira ang pamilyang dating kinaiingitan ng lahat.

Nitong isang buwan bago matapos ang school year ay naisipan ni daddy na dito sa Amerika manatili para mapagtuunan ng pansin ang negosyo niya rito. Pumayag kaming lahat kaysa makitang pareho silang nahihirapan na magkasama ni mommy. Susunod din kami sa kanya matapos ang klase. Isang linggo bago tuluyang magtapos ang klase ay nauna na si mommy dito para makipag-ayos kay daddy. Umasa akong maayos pa nila kaya sabik na sabik ako na makarating dito.

Pero iba ang nadatnan ko...

Hindi kami nagkibuan matapos umalis ni daddy. Wala ni isa samin ni Forester ang nagtanong kay mommy kung ano ba talaga ang problema. Sanay kaming hindi makialam sa problema nilang dalawa. Pero sa tingin ko'y hindi ko na kaya pang magsawalang kibo ganitong sira na pamilya namin.

Sira na. Dahil ayoko nang umasa pa. Sira na. Dahil alam kong hindi na makikipag-ayos pa si daddy.

"Mom, ano po bang nangyari?" Tanong ko kay mommy habang pareho kaming nasa hapag at kumakain ng almusal. Tulog pa rin si Forest hanggang ngayon. Sa tingin ko'y ito ang tamang oras para malaman ang totoo.

Tiningnan ako ng namumugtong mga mata ni mommy. Ang lalim at ang itim ng kanyang mga mata. Nawala na rin ng tuluyan ang kakaunting saya sa kanyang mga mata. Wala ng buhay ang mga ito. Hindi tulad noon.

"Fall..." Turan niya sa malalim na boses. Ramdam ko ang muling paglabas ng emosyon sa kanya. Nag-iwas ng tingin.

Ayokong makitang nasasaktan si mommy. Ang sakit-sakit tingnan.

"I'm sorry if I failed you in keeping our happy family..." Nabasag ang boses ni mommy kaya napatingin ako sa kanya. Nagsimulang maglandasang muli ang luha sa kanyang mga mata.

"My... don't say that. Walang may kasalanan." Kinuha ko ang kamay niyang nasa mesa at pinisil ito. "Hindi niyo po dapat sisihin ang sarili niyo."

"Pero kasalanan ko. Hindi sana ganito." Awang-awa kong tiningnan ang aking ina. Labag man sa kalooban ko ay mukhang hindi ko pa malalaman sa ngayon ang nangyari. Masakit pa para kay mommy ang lahat. Hihintayin kong maging handa siya na sabihin ang lahat. At hindi pa iyon ngayon.

Ilang araw matapos kong mawalan ng komunikasyon kay daddy ay sa wakas tumawag siya sa akin. Tuwang-tuwa kong sinagot ang tawag. Gusto niyang makipagkita ako sa kanya sa isang coffee shop malapit sa kanyang negosyo at huwag ipaalam sa kapatid ko lalo na kay mommy.

"I missed you, dad." Bungad ko kay daddy pagkakita sa kanya. He looks fine. Kumpara kay mommy na hanggang ngayon ay lumong-lumo pa rin.

"I missed you too, anak." Hinalikan niya ang noo ko habang mahigpit kaming magkayakap sa isa't isa. How I missed to be hug like this. A father's hug is absolutely uncomparable.

"I'm sorry if we need to be like this, Fall." Tumango ako.

"I understand, dad. Alam ko pong nahihirapan na kayong dalawa ni mommy. Nananatili lang po kayo sa amin dahil sa amin ni Forest. Dapat pa nga po akong magpasalamat."

"Salamat at naiintindihan mo ako." Ngumiti ako sa kanya. Ngunit alam kong hindi ngiti ng purong saya iyon. Hindi mawawala na nanghihinayang ako. Dalawampung taon ang pinagsamahan nila. Nakapanghihinayang talaga.

"Hindi niyo na po mahal si mommy, dad?" Umaasang tanong ko.

Matagal bago tuminging muli sa akin si daddy. Seryoso ang mga mata niya. May halo ring lungkot.

"Sorry, Fall anak. Pero hindi na. Matagal nang wala..." Bumagsak ang mga mata ko sa mesa matapos marinig iyon mula kay daddy.

Nagbabadyang tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ako ang sinabihang hindi na mahal pero nasasaktan ako. Paano pa kaya kung sa akin mismo sinabi iyon? Si mommy? Ano na lang ang magiging reaksyon niya kapag narinig niya ang mga ito?

Naaawa ako sa sarili ko. Ang lungkot na pinakita ni daddy sa akin kanina ay para sa akin. Lungkot dahil alam niyang masasaktan ako.

Namumuo man ang luha ay matapang kong sinalubong ang tingin ni daddy.

"Daddy, pwede ko po bang malaman kung bakit? Bakit kailangang mawala ang pagmamahal mo kay mommy?"

---

Read FALL (In Luv Series #2). Story of one of the member of Boy In Luv.

Boy In Luv members and their respective stories:

1. Rhein Gabriel Alcantara - Their Mischievous Heartbeats & Just One Day (TMH book II)
2. Niccolo Angelo Delos Santos - CHASED (In Luv Series #1)
3. Clarence Adrian Lopez - FALL (In Luv Series #2)
4. Suga Tolentino - COFFEE (In Luv Series #3)
5. Rendel John Ravena - Broken Promises (Soon)
6. Jefferson Sandoval - appearance on Just One Day & Royalties' Hearts
7. Vlademir Montareal - apperance on Just One Day

Continue Reading

You'll Also Like

21M 514K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
593K 41.1K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...