"Hi Ate." Bati ni Amaya ng makasalubong ko ito sa may hallway.
Nginitian ko ito at binati pabalik.
Tinignan ko ang mga papel na hawak-hawak nito.
"Tulungan na kita sa mga dala mo." Alok ko dito.
Bago pa ito makatanggi kinuha ko na ang ilang mga bitbit nito.
"Ay ate naman nakakahiya." Nahihiyang sabi nito.
Umiling ako at ngumiti dito.
"Kamusta naman ang work? Nahihirapan ka ba?"
"Ate naman eh.. nag-po-photocopy lang naman ako ng mga papel-papel dito, saka taga timpla lang naman ako ng mga kape nila." Natatawang sabi nito.
Natawa nalang din ako. Sabi ko kasi kay Edwardo, bigyan lang siya ng magaan na trabaho. Mag-iisang buwan na rin ito dito sa kompanya ng asawa.
"Ate akin na 'yan.. baka may makakita pa satin, at sabihing pinagbibitbit ko po kayo."
"Hayaan mo sila Amaya.."
"Ate naman eh..."
"Dong sige na please.." kunwaring pagmamakaawa ko kay Edwardo.
"No.. ayokong araw-araw nalang naroon tayo!" masungit na sabi nito.
"Ice cream lang naman eh! Hmp! Damot!" Naka-ingos na sabi ko. Nagdadabog na umupo ako sa may malaking sofa dito sa loob ng opisina nito.
"Wife..."
Hindi ko ito pinansin. Kakasama talaga ng loob. Iyon lang naman eh.
"Wife.." tawag ulit nito.
Tinalikuran ko ito at nagkunwaring tinignan ang selpon na hawak-hawak ko.
"Marydale..." may diing tawag ulit nito. "okay.. tapusin ko lang mga ginagawa ko saka tayo magpunta sa ice cream house ni Conde.."
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Humarap ako sa asawa ko at binigyan ng malaking ngiti.
Hindi talaga ako matitiis ng gwapo kong asawa.
Edward's POV
"Sir Ed, may kailangan pa po ba kayo?" Untag sakin ni Amaya.
Umiling ako dito at sinenyasan na maaari na itong lumabas.
Ngunit lumipas na ata ang limang minuto, nanatili pa rin itong nakatayo sa harapan ko kaya nagtaas ako ng tingin.
Nahuli ko itong nakangiti habang nakatingin sakin kaya napakunot-noo ako.
"Ah.. sir gusto niyo pagtimplahan ko kayo ng kape?"
Dumoble kunot-noo ko dito. Tinignan ko ang lamesa ko kung saan naroon pa ang kapeng kakagawa lang nito na hindi ko pa nababawasan.
Nakarinig ako ng impit na tawa.
"Ah.. sorry sir kakatimpla ko palang pala ng kape niyo. Sorry po ulit."
Isa sa mga napansin ko dito ang pagkamakulit nito.
"Masahe ko nalang kayo. Naku kung di niyo lang natatanong, ako po ang pinaka.."
"My wife can take care of it. And you may go home now Miss Castillo.." putol ko dito.
"Ho? ah... opo.. sige ho.."
Nang sa wakas lumabas na rin ito sa opisina ko ibinalik ko nalang ulit ang pansin ko sa mga ginagawa ko.
Biglang tumunog ang cellphone ko senyales na may dumating na mensahe.
Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ng maganda kong asawa.
Kanina kinulit ako nito na magpunta ulit kami ng ice cream house ni Conde. Halos araw-araw ata kaming naroon.
Binuksan ko ang mensahe ng asawa ko at mas lalo akong napangiti ng mabasa ko ang mensahe nito.
Kahit hindi ko pa tapos ang mga ginagawa ko, iniligpit ko na ang mga ito. May bukas pa naman para dito.
Pagkalabas ko palang ng elevator sumalubong na sakin ang mga empleyadong nasa may entrance.
Ngayon ko lang napansin na umuulan pala.
"Sir! Sir! Sir Ed!" Sigaw ng pamilyar na boses.
Nakita kong patakbo ito papunta sa may gawi ko.
Naghahabol ito ng hininga nang nasa harapan ko na ito.
"Sir Ed payungan ko na kayo papunta sa parking lot.." nakangiting sabi nito.
"No need Miss Castillo.."
"Pero sir.. baka maba.."
Bago pa nito matapos ang sasabihin ko itunuro ko ang sasakyan kong nakaparada na sa labas na sakto sa harap ng entrada.
"Ay sige po.."
Tumango ako dito at nag-umpisa nang maglakad ngunit nakailang hakbang palang ako ng may humawak sa braso ko.
"Sir Ed.. ano po.. pwede po.. pwede po bang makisabay.."
Tinitigan ko ito para tignan kung nagbibiro nga lang ba ito.
Pasimpleng tumingin ako sa paligid, mangilan-ngilan nalang narito sa gusali.
"Ah kung ayaw niyo po.. sige po huwag nalang po.. sorry po.. empleyado lang pala ako." May himig tampong sabi nito.
Hinayaan kong lagpasan ako nito at nagtuluy-tuloy itong lumabas ng gusali.
Itinuloy ko na rin ang paglalakad ko palabas para makauwi na rin ako. Sabik na akong makita ang asawa ko.
Nang makalabas ako nadatnan ko si Amaya sa labas na nakikipag-usap sa mga ilang mga empleyadong nasa labas pa rin na mukhang hinihintay tumila ang ulan.
"Grabe Amaya, akala ko nung una ikaw si Mrs. Barber nung una.. naalala mo 'yon, binati pa kita pfft!" Tawa ng tawa na sabi nung kausap nito.
"Oo nga eh, ang laki din ng pagkakahawig niyo.. nagkakatalo na nga lang sa boses pfft! Unique kay Mrs. Barber eh." Sabi nung isa.
Napailing nalang ako sa mga naririnig ko at tuluyan na akong pumasok sa sasakyan ko.
Amaya's POV
Kanina pa daldal ng daldal ang dalawang babaeng katabi ko, ne hindi ko matandaan ang mga pangalan nila.
Nakita ko ang pagsakay ni Ed sa kotse nito.
"Hoy Amaya nalunon mo na ata ang dila mo. Pagod na kami sa pagsasalita wala ka man lang sinasabi diyan." Untag nung nasa kaliwa ko.
Tinitigan ko ito at pinagtaasan ng kilay.
Mukhang nagulat ang mga ito at natawa. Iniwan ko nalang sila nang makita ko ang hinahanap ko. Mukhang kanina pa nila ako hinihintay.
Maymay's POV
"Dong musta work? Napagod ka ba?" Tanong ko sa asawa ko habang minamasahe ko ang likod nito.
"Tired but it's okay.. because of you. I love you so much wife."
"Dong naman!" Kinikilig na hinampas ko ng malakas ang likod nito.
"Tsk! Wife!"
"Ay sorry! He he peace bro!" Biro ko dito. "Dong teka, kunin ko lang 'yong ice cream sa fridge.." paalam ko sa asawa ko.
May gayuma ata ang ice cream ni Conde, naaadik ako eh.. pfft!
Hindi ko na hinintay magsalita ang asawa ko nagtuluy-tuloy na akong lumabas at bumaba.
Nang makarating ako sa kusina agad kong binuksan ang predyeder para kunin ang pakay ko. Halos punung-puno ng ice cream ang fridge namin.
Kasasara ko palang ng predyeder nang maramdaman ko ang pagvibrate ng selpon ko sa may bulsa.
Ibinaba ko muna ang ice cream sa lamesa at inilabas ang selpon ko.
Amaya's calling..
Agad ko itong sinagot ng makita ang pangalan nito.
Hindi pa ako nakakapagsalita nang marinig ko ang paghikbi nito sa kabilang linya.
"Amaya..."
[Ate May.. ate..] umiiyak na tawag nito sa'kin.
"Anong nangyayari?" nag-aalalang tanong ko dito.
Puros iyak lang naririnig ko mula dito.
"Amaya.." untag ko.
[Wala a..ate.. sorry po sa isturbo..]
Pagkasabi niya nun nawala na ito sa kabilang linya.
Mas dumoble ang pag-aalala ko dito kaya sinubukan kong tawagan ulit ito ngunit hindi ito sumasagot. Ilang beses kong tinawagan ang numero nito ngunit ayaw pa rin nitong sagutin.
"Wife.. anong nangyayari?" Nag-aalalang tanong ni Edwardo.
Hindi ko napansin ang pagpasok nito sa opisina lalo na ang paglapit nito sa'kin.
"Dong si Amaya... umiiyak.. baka.. baka may nangyaring masama na sa kanya."
"Ano bang nangyari? "Tanong ulit nito.
"Hindi ko alam Dong.. nung tumawag siya. Iyak siya nang iyak. Dong nag-aalala ako na.. na baka may.."
"Sshh.. stop thinking that way wife. She will be fine.."
Umiling ako dito. "Hindi Dong.."
Napagbugtong-hininga ito. Hinila ako nito at kinulong sa mga bisig niya.
"You worried to much wife. Don't worry, tomorrow we're gonna talk to her."
Tumango ako sa asawa pero hindi pa rin naiaalis sa'kin ang mag-alala masyado sa kalagayan ni Amaya.
Biglang kumulog ng malakas kasabay ng pagpatay ng mga ilaw.
"Dong!" Sigaw ko.
Narinig ko ang pagtawa ng asawa ko. Agad din bumalik ang liwanag.
Bigla akong may naalala.
"Dong puntahan natin siya.. si Amaya."
"No.." mariing tanggi nito.
"Edwardo.."
"Ang lakas ng ulan sa labas Mayang.."
Napasimangot ako dito at kumalas sa pagkakayakap nito.
"Puntahan natin siya! Ngayon din!"
"I said no! And that's final!"
"Dong alam kong dito siya banda nakatira eh."
Kanina pa kami paikot-ikot sa kalyeng ito kung saan namin hinatid noon si Amaya. Sobrang dilim ng paligid, mukhang hindi pa nagbabalik ang ilaw dito.
"Nah.. I think we're lost wife.."
"Lost ka diyan! Ano ka nasa jungle? Dito 'yon eh.. baka doon banda."
Mahina lamg ang pagmamaneho ng sasakyan ni Edwardo para maaninag namin ang mga nadadaanan namin.
"Tsk!"
Sungit talaga ng asawa ko.
"Dong tigil!" biglang sigaw ko.
Itinigil din naman ng asawa ko ang sasakyan.
"You don't need shout like that wife. Tsk! Magkatabi lang tayo." Reklamo nito.
Hindi ko na pinansin ang pagrereklamo nito.
"Dong ilawan mo nga 'yong doon banda. Sa may waiting shed ata 'yon." utos ko kay Edwardo.
Agad naman sumunod si Edwardo.
Tama nga ako, napansin kong may pigura ng tao doon banda kahit na medyo malayo ito ng konti. At nakakatuwa nun, ang taong pangay namin ang nakaupo doon.
Nakita ko itinaas nito ang kamay nito sa may bandang mukha nito. Mukhang nasilaw ito.
"Dong lapitan natin.."
Tumango naman si Edwardo.
Nang makalapit ng ang sasakyan namin sa may waiting shed agad akong bumaba ng sasakyan para puntahan si Amaya.
"A..ate.."
"Amaya!"
Agad ako nitong sinalubong ng yakap. Gumanti naman ako ng yakap dito.
"Anong nangyari sayo?
"Pinalayas na ako ni Manang Estella ate.. malaki na raw ako." Umiiyak na sabi nito.
Dumako ang tingin ko sa kaninang inupuan nito. Napansin ko ang dalawang malaking bag sa may ibaba.
Tumingin ako kay Edwardo, iyong tingin na may gustong iparating.
"Okay wife.."
"Thank you Dong.."
Inalalayan kong sumakay si Amaya sa kotse habang kinuha naman ni Edwardo ang mga gamit ni Amaya.
Nang makasakay na kami, umalis din kami agad sa lugar na 'yon.
"Amaya doon ka muna sa'min, okay? Tutal kami lang naman ng kuya mo naroon."
"Talaga ate? Salamat.. hayaan niyo hahanap din ako nang matitirhan ko bukas na bukas.." narinig kong sagot nito. Nasa backseat ito.
Sasagot pa sana ako ng magsalita ang katabi ko.
"Wear this wife." untag sa'kin ni Edwardo.
Ngayon ko lang napansin na tinanggal pala nito ang suot nitong jacket.
Kinuha ko naman ito at agad na isinuot.
"Ate.. pwede bang pakipatay ang aircon. Nilalamig po kasi ako." Narinig kong pakiusap ni Amaya.
Nilingon ko ito napansin kong basa pala ang suot nitong blouse. Pinatay ko ang aircon at hinubad ang binigay ni Edwardo na jacket at iniabot dito.
"Ay ate huwag na po.."
"Kunin mo na.. sanay naman na ako sa malamig." nakangiting sabi ko dito.
May pag-aalinlangan kinuha nito ang jacket, tinignan pa nito si Edwardo.
"Huwag kang mag-aalala mabait niyang si Edwardo." natatawang sabi ko.
"Wow ate ang laki naman ng bahay niyo." Manghang sabi ni Amaya pagkapasok palang namin sa loob ng bahay.
Natawa lang ako sa sinabi nito at hinila sa magiging silid nito.
"Ate dito ba ako matutulog? Ang ganda naman dito."
Tumango ako dito at ngumiti ng malapad. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng kapatid na babae.
"Tara labas muna tayo para makakain ka muna, bago ka magpahinga." yaya ko dito.
Umiling ito. "Huwag na ate, kumain na po ako ng lugaw malapit sa tinitirhan namin ni Manang."
Gusto ko mang pilitin ito para kumain ulit, tumango na lamang ako.
"Wife.."
"Ah sige maiwan ka na namin ng kuya mo Amaya para makapagpahinga ka na. Maligo ka muna, may sariling banyo itong silid mo. Huwag kang mahiya kapag may kailangan ka okay? Nasa itaas lang kami ng kuya mo. Sa bandang kaliwa ang kwarto namin, sa may pangalawang pinto. Good night." Paalam ko dito.
"Thank you ate at kuya. Marami pong salamat."
Inilapitan ko ito at niyakap ng mahigpit.
Agad na rin kaming lumabas ng silid nito nang matiyak na ayos na ito.
"You're so kind wife.. you have a big heart for everyone." Nakangiting sabi ng asawa ko.
Ngumiti ako dito. "Thank you Dong. Ikaw din naman. I love you so much Edwardo."
"I love you more wife..."
Pa-epz si Totz!
Sorry tagal ng update, dami ko lang ginagawa ngayon. (Malapit na kasi ang school opening..super duper ang dami ng tao.)
Sorry sabaw ng update ko ^_^'>
Thank you po ulit ng marami. Hope magustuhan niyo po ulit. Pagpasensyahan niyo na mga mali-mali ko diyan.
Hulaan time sa susunod na chapter.
Spread love...
Spread MayWardnatics