The Weird Commoner Is A Secre...

By MmissLucy

57.8K 2.4K 576

Siya si ZAM YUIN. Isang babae hinahangaan at iniidolo nang karamihan sa kanyang kagandahan at katalinuhan. Hi... More

THE WEIRD COMMONER IS A SECRET AGENT
Prologue
Author's First Note
TWCIASA #1: New Member
TWCIASA #2 : Planning
TWCIASA #3: School Festival
TWCIASA #4: Identity
TWCIASA #5: Welcome Agent Yuin
TWCIASA #6: Livingston University
TWCIASA #7:Devil Artist
TWCIASA #8: MRank
TWCIASA #9: Kiano's Birthday
TWCIASA #10: Trap
TWCIASA #11: Attention
TWCIASA #12: Power of Livingston
TWCIASA #13: FRank
TWCIASA #14: The Owner
TWCIASA #15: Found her
TWCIASA #16: Partner
TWCIASA #17: Blue Slip
TWCIASA #18: Grayson University
TWCIASA #19: Uncle's daughter
TWCIASA #20: She's here
TWCIASA #21: Not feeling well
TWCIASA #22: Final Project
TWCIASA #23: The Truth
TWCIASA #24: Twin
TWCIASA #25: Prepairing
TWCIASA #26: Stoneheart
TWCIASA #27: Traditional Kill
TWCIASA #28: With Him
TWCIASA #29: Pretend
TWCIASA #30: He Knew
TWCIASA #31: To be mine
TWCIASA #32: Pangulasian Island
TWCIASA #33: Rival
TWCIASA #34: Motive
TWCIASA #35: Antagonist
TWCIASA #36: Target
TWCIASA #37: Her Fault
TWCIASA #38: Torture
TWCIASA #39: Mr. Knight in Shining Armor
TWCIASA #40: Use his Love
TWCIASA #41: Birthday Celebrant
TWCIASA #42: The Truth
TWCIASA #43: Blue Slip
TWCIASA #44: How to Survive
TWCIASA #45: He's back
TWCIASA #46: Fake News
TWCIASA #47: Anne
TWCIASA #48: I'm sorry
TWCIASA #49: She's mine
TWCIASA #51: Kiss and Touch
TWCIASA #52: Freedom
TWCIASA #53: I'm your...
TWCIASA #54: New Life
TWCIASA #55: Hard
TWCIASA #56: Approved
TWCIASA #57: Owned
TWCIASA #58: Justice
TWCIASA #59: Forget
TWCIASA #60: Merging
TWCIASA #61: WHO?

TWCIASA #50: Escape

540 21 14
By MmissLucy

TWCIASA #50: Escape

Sorry po sa paghihintay! :)

***

Pagkatapos nang lahat ng iyon ay nawalan na ako ng malay. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng isang kwarto. Iginalaw ko ang sarili ko pero nakaramdam lang ako ng pagkirot.

"Don't move." Isang awtoridad na boses ang narinig ko. Parang nakalimutan kong huminga.

'Bakit ako nandito? Hindi ba dapat nasa clinic ako?'

"Breathe, commoner, breathe." Sarkastikong sabi niya. Napadako ang tingin ko sa kanya. Nakaupo lang siya sa gilid ng kamang ito. Kung hindi ako nagkakamali sa kanya itong unit. Humahalimuyak ang pabango niya sa bawat sulok ng unit niya. Parang isa iyong oxygen na kailangan mo palagi para mabuhay.

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Kinakabahan ako dahil malapit siya sa akin. Para siyang judge sa isang korte na kailangan mong galangin dahil siya ang magdedesisyon kung saan ang bagsak mo. Sa kulungan ba o kalayaan. Sobrang nakakatakot ang presensya niya. Para akong nasa kulungan ng isang tigre na lalamon sa akin. At kailangan kong mag-ingat dahil isa akong pagkain para sa kanya.

Masyado kang nag-iisip Zam! Masyado mong tinatakot ang sarili mo!

Napapikit ako. Ramdam na ramdam ko ang titig niya at inaabangan ang bawat paggalaw ko.

Isipin mong wala siya sa tabi mo. Isipin mong mag-isa ka lang sa kwarto.

"Eat." Malamig na pagkakasabi niya. Naramdaman kong kumukulo ang tiyan ko. Hindi ko siya pinansin. May naaamoy akong mabango sa gilid ko. Hindi iyon pabango niya kung hindi isang lugaw. "I said eat." Awtoridad na pagkakasabi niya. Gusto kong sigawan siya.

At sabihing MUKHA BANG KAYA KONG MAKAGALAW! WAG KA NGANG TANGA! SUBUAN MO KO! Pero mas pinili ko na lang manahimik. Bakit mo iniisip yon, Zam?! Subuan? Ano ka bata?

Naramdaman ko ang paggalaw niya. Pero hindi ko na lamang pinansin iyon. May tumapat na kutsara sa bibig ko. Nagulat akong bahagya.

"Open your mouth." Narinig kong sabi niya. Nanatiling nakatikom ang bibig ko. Napalunok ako.

Ayan na Zam! Susubuan ka na! Wag ka ng mag-inarte!

Hindi ako ngumanga. Parang may nagsasabi sa loob ko na, wag Zam. Malay mo may lason yan. At diretso ka niyang patayin.

"Wala tong lason." Sarkastikong pagkakasabi niya.

Oh ayan na Zam! Wala daw lason! Pakipot ka pa!

TUMIGIL KA NGA! Bwisit kang utak ka kung ano anong naiisip mo! Puro ka kalandian.

Hindi ko pa rin sinunod ang utos niya.

Binaba niya ang kutsara.

"If you don't like to eat, I will throw it." Malamig na pagkakasabi niya. Masyado akong nagyeyelo dito. Kung hindi siya magiging cold, magiging sarkastiko naman siya. Halos kanina iniligtas niya na ako. Tapos ganito pa rin siya. Ano bang merong ugali siya? Hindi ko siya mabasa!

Inaamin kong kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Lintek kang pride ka! Bumaba ka naman!

Narinig ko ang pagtayo niya.

"S-s-sanda..li.." Nahihirapang sambit ko. Kahit hiyang hiya ako. "I-I will e-eat..." Habang nakatingin sa kanya. Bumalik siya sa pagkakaupo. Sumandok siya sa kutsara at itinapat iyon sa bibig ko. Napalunok ako at ngumanga. Dahan dahan niyang ipinasok iyon. Hanggang sa maubos ko ang isang mangkok non.

Binigyan niya ako ng tubig. Hindi ko matanggap tanggap iyon dahil nga sa hindi ako makakilos.

"Tsk." Narinig kong sabi niya.

Siya na mismo ang nagpainom sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Marami akong tama sa katawan at mabuti na lang nakabandage ako.

Nagsimula akong magsalita.

"Why--"

Pero nung dumako ang tingin niya sa mga mata ko. Parang nawala lahat ng mga gusto kong sabihin. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang titigan siya ng matagal.

"Speak." Supladong sabi niya.

"B-B-Bakit ako nandito?" Nauutal ko pang tanong.

"Nawalan ka ng malay. Dinala muna kita sa clinic at pagkatapos dinala kita dito sa unit ko." Walang pag-aalinlangan niyang sagot.

'Hindi niya sinagot ang tanong ko? Hindi ko tinanong kung anong nangyari! Tinanong ko kung bakit ako nandito?!! Mahirap bang sagutin yon!'

"Ang t-tanong ko, bakit ako nandito?" Supladang sabi ko. Pero hindi pa rin mawawala ang kaba sa dibdib ko.

"I just want to talk to you." Diretsong pagkakasabi niya.

Napatingin ako ng diretso sa mga mata niya.

'He need to talk to me? Tama ba ang narinig ko? Para san pa?'

Sandaling katahimikan ang namuntawi. Pinagmamasdan ko siya, maging ang paggalaw niya at paghinga. Pero ang pagtingin sa mga mata niya ang hindi ko magawang gawin.

"Look at yourself." Panimula niya. Hindi man ako umimik tanging pagsasalita lamang niya ang gusto kong pakinggan. "The Weird Commoner is a Secret Agent." Napatigil ako sa ginagawa kong pakikinig para akong nalugmok. Halos paulit ulit iyong nag eecho sa loob ng tenga ko. Yung mabilis na tibok ng puso ko ay mas lalo ng bumilis. "Ano bang mapapala mo? Sa tingin mo ba, makakalabas ka pa dito, Zam Yuin?" Nakangising sabi niya. Tanging lunok na lang ang nagawa ko. "This is hell, Zam. Hell." Bulong niya sa tainga ko. "Kahit tumakas ka, mahahanap at mahahanap ka pa rin namin." Bigla siya tumayo. Pero nagsalita ako.

"Kapag ako nakatakas, sisiguraduhin kong lalabas ang baho ng University niyo." Tinapunan ko siya ng masamang tingin ngunit parang wala lang iyon sa kanya.

"Kung makakatakas ka." Supladong sabi niya. "I'll make sure, you'll die here." Sabay noon ay paglabas niya sa unit niya. Napabuga ako ng mahina. Para akong gumuho sa sinabi niya.

Kinapa ko ang bulsa ko. Mabuti naman at nandito pa. Pumunta ako sa contacts ko. Hindi ako nagpaligoy ligoy at nagtipa ng mensahe

To: Ace Sanchez

Escape.

Sent!

Akala niyo ba hindi ko makikilala itong John Dale Sanchez na ito? Half Brother siya ng pinsan kong si Patricia Fhaye Sanchez. Hindi ko lang alam kung bakit niya ako tinutulungan. Hindi ko alam ang motibo niya pero malalaman ko rin yon. In the right time.

From: Ace Sanchez

When?

To: Ace Sanchez

Kapag gumaling ka na.

Sagot ko. Kamusta na kaya siya. Buti na lang buhay pa siya ngayon. Hindi na niya ako nireplyan. Pagkatapos non ay umalis ako sa unit ni Jawrence. Ilang araw kong ipinagaling ang sugat ko. Mabuti na lang at magaling akong mag-alaga. Ilang araw akong absent. Mabuti na ang lagay ko ngayon. Nakipagkita ako kay Dale para pag usapan na ang planong pagtakas.

"May ranking next week. At doon tayo tatakas."

"Paano kung mahuli tayo?" Straightforward kong sabi.

"Edi plan B. Tss. Pinapangunahan mo agad eh. Malapit na ang ranking at panigurado sa battle field lang ang lahat. Doon ang atensiyon. At hindi nila maiisip na mayroong tatakas."

Pinagtuunan namin ang planong iyon. Masyado akong nagprepare. At sisiguraduhin kong hindi ako papalya. Makakaalis ako dito. Inimpake ko na lahat ng gamit ko. Nagkulong lang ako sa unit.

At dumating na rin ang araw na iyon. Ang pagtakas ko.

Sinabi ko na rin sa mga Agent na tatakas ako. Nung una hindi sila agree pero napapayag ko din. Sasalubungin nila ako.

Naririnig kong nagpupuntahan na ang mga estudyante sa battle field. Nang nakasiguro akong wala ng tao ay lumabas na ko dala dala ang maleta ko.

Dahan dahan akong umalis. Saktong nakita ko agad si John Dale. Pero pagpunta ko agad sa kanya.

*BANG*

Tumigil ang pagtibok ng puso ko. Nahinto ako sa paggalaw. Maging ang pagkurap ko ay nasa kanya lamang.

No.

Dahan dahan siya napaluhod.

At kitang kita ko si Jawrence sa likod niya at nakatutok ang baril kay Dale.

Lumapit ako kay Dale at sinalo siya. Lumalabas ang dugo sa bibig niya. Isa na namang tao ang napahamak dahil sa akin.

"T-T-Tumakas ka n-n-naaa.." Nahihirapan sabi utos ni Dale.

"P-Pano ka??!" Kahit papaano may naitulong naman siya sa akin.

"W-Wag mo na akong a-a-alalahanin...M-Malayo to sa bituka..." Nahihirapan na talaga siyang magsalita.

"U-Umalis ka n-na.." Umiiling iling ako. Nakaramdam ako ng matinding awa. Para siyang si Cj.

"Umalis ka na!" Sigaw niya. Tinulak tulak niya ako. Nakita kong papalapit si Jawrence. Masama ang tingin niya. Para bang papatay.

Tumayo ako. Tinignan ko rin siya ng masama.

'Minahal kita. Pero hindi ko hahayaang madurog ang puso ko dahil sa dami ng pinapatay mo.'

Inilabas ko ang baril ko. Itinutok ko sa kanya iyon. Walang alinlangan kong ipinutok iyon papunta sa kanya. Wala akong pakialam kung matamaan siya o hindi. Nailagan niya ang balang iyon. Mabilis na lumapit siya sa akin. Dala dala ang mababagsik na tingin.

"Sinabi ko na sayo. Hinding hindi ka makakatakas." Malamig na pagkakasabi niya. Tinirada ko siya isang sipa sa mukha pero nailagan niya iyon. Nagsunod sunod ang pag-atake ko pero ang wala siyang ginawa kundi umilag lang ng umilag.

Napansin kon nagsisipuntahan ang mga nasa ranking nagugulat sila sa mga nakikita nila.

Sumuntok ako pero marahas niya iyong kinuha at inilapit sa kanya. Bumulong siya sa tainga ko.

"Wala ka ng laban. Commoner. Hindi ka makakatakas."

Ginamit ko ang lakas ko para mapalayo sa kanya at sinalubong ng kamao ko ang mukha niya. Natuwa naman ako dahil tumama iyon. Nang malapit na ang mga kampon niya ay hinila ko si Jawrence at idinikit ko siya sa akin ng nakatalikod. Itinutok ko ang baril ko sa ulo niya.

"Lumapit kayo, patay ko tong pinuno niyo!" Sigaw ko. 

~To be continued...

OKAY! PABITIN MUNA HAHAHA SORRY NA POOOO. 

DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE, AN COMMENT. THANKS A LOTTTTTTT!!! 

-J e y v i d i v i

Continue Reading

You'll Also Like

389K 582 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
12.1K 290 55
Si Valerina ay isang nanggaling sa Orphan ngunit may umampon dito na namatay na rin. Ang masaklap pa ay baon sa utang ang mga nag ampon sa kaniya kay...
355K 13K 44
Rival Series 1 -Completed-
219K 255 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞