Shotgun Marriage [w/ Compilat...

By BellaEscritura

1.7M 16.8K 1.8K

Nabuntis ko kasi ang bestfriend ko at kung hindi ko sya papakasalan... papatayin ako ng Daddy nya! T___T ayaw... More

Shotgun Marriage
1: Past
2: Past (the moment)
3: Past (Dilemma)
4: Past (Positive)
5: Past (Conversation)
6: Past (Decisions) part 1
6: Past (Decisions) part 2
7: Wedding Day
9: Sugar & Spice
10: His Promise to the readers
11: Get Ready... FIGHT!
12: Jealous
13: Kiss and Make up
SPECIAL CHAPTER: Cris's POV
14: Brazil with LOVE?
15: To make the long vacation short
16: New Friend, New... Rival
TEASER.
17: Baby Chirp Chirp (Happy MOT MOT &15K reads!)
18: I think I'm starting to fall
19: Dinner Party
Special Chapter: Blair in Alfred's Dream
Special Chapter: Teenage Dream?
20: Hinahanap-hanap kita
21: Lovebug
TEASER 2
22: Insomnia
23: He doesn't know (Part 1)
23: He doesn't know (part 2)
24: Forgive... I don't forget
25: Beware: Sobrang Cheesy
26: Forever in my heart (part 1)
26: Alone
27: Tell me (Part 1)
27: Tell me... please (Part 2)
28: Surprises
29: Home
30: Weak.
31: Silent War (Kiss) Part 1
32: Silent War (It's over) Part 2
Usong Chapter! :D *winks* ALAM NAAA~~~
33: FIN (Part 1)
33: Fin (Part 2)
Epilogue
Special Chapter: Mr. and Ms. UNDERstanding (TroyxSyn)
Special Chapter: Mr.&Ms. Understanding 2
Special Chapter: Mr. & Ms. UNDERstanding 3
Special Chapter: Mr.&Ms. UNDERstanding 4
Shotgun Marriage [Compilation] No Soft Copies. Thank You

8: Conception

39.9K 382 22
By BellaEscritura

POV: Blair

Nandito ako ngayon sa bahay ng mga magulang ko. Hindi ko kasama si Alfred kasi may pasok na sya. OO, hindi na muna kami nag-honeymoon este namasyal sa kung saan dahil busy sya sa work at ako rin naman. Pero ngayon, dayoff ko kaya dito muna ako sa bahay namin.

"Ma, may sampalok ba tayo? Yung maasim talaga... gusto ko eh." naghahanap ako sa Fridge namin.

"Ano ka ba naman, Blair? Wala namang mahilig sa sampalok satin, alam mo yan. Ano ba? Dun ka ba naglilihi?" tanong ni Mommy sakin.

"Siguro. Mahilig ako sa sampalok tapos sa honey na may kalamansi. Mahilig rin ako sa hipon pero pinagbabawalan ako ni Alfred dahil ayaw raw nyang magmukhang hipon ang baby. Mahilig din ako sa... WAAAHH!!! Emily! Ang ganda naman ng suot kong ribbon! Patingin nga!" nakita ko bigla yung kapatid ko na kakababa lang sa hagdan.

"Ate, wag na! Ang hirap hirap ilagay sa buhok ko eh." pagiwas sakin ni Emily.

"Ilalagay ko na lang ulit!" natutuwa talaga ako sa ribbon nya. Kulay Orange! Ang ganda.

"Hi Ate!" bati sakin nung isa ko pang kapatid.

"Jessi! WAAAH!!! Ang cute ng shoes mo... Orange day ba ngayon? Puro kayo naka-orange... gusto ko yan! Patingin nga! Pasukat pwede?" 

"Ate naman! Ang hirap kaya ikawit ng shoes ko. Mamaya na lang pagdating ko... ha?" 

"Anak, may obsession ka ba sa orange?"

huh? Wala naman.. yata. Pero lately, pag nagoonline ako, lagi akong nagsesearch ng orang... kahit anong orange. Rooms, fruits, accessories. Basta Orange.

"Ate, gusto mo bang uwian kita ng orange?" tanong ni Emily.

"WOW! Sige sige... uwian mo ako nun ah... gusto ko seedless at lahat dapat maasim na maasim!" nalalasahan ko na agad ang asim ng orange. YUM YUM!

"Ay? Saan naman kaya ako kukuha nun? Orange Chicken na lang ate, yung galing sa Chowking! Sige na... byeeiiieee!"

HAAAA????!!!! Mahirap bang hanapin yung orange na gusto ko? Hmm... hindi naman siguro. Kay Alfred na lang pala ako magpapahanap.

"Beeeessstttt!!!!" sabi ko kaagad pagkasagot nya sa phone.

/ano? may problema?/

"Wala naman. Gusto ko lang ng orange na maasim na maasim at walang buto." yiee.. kinikilig kilig pa ako habang iniimagine yung orange na gusto ko.

/Ha?! Saan ako makakakita nun?/

"Ewan ko. Tsaka nga pala.. gusto ko rin ng hipon ngayon. Pwede?"

/Di pwede./ yan na naman sya. Ayaw na naman nya akong pakainin  ng hipon.

"Bakit? Kahapon lang kaya ang last kong kain ng hipon. Gusto ko ulit!" ^_____^

/Magmumukhang hipon si Baby. Wag makulit./

"OKIE! Ako na lang ang bibili kung ayaw mo. Bleeehhh~~~" 

/AISH! Ang kulit naman best eh! O sya.. ano pa ang gusto ng bestfriend ko?/

"Bibilhin mo ba?"

/OO na matahimik ka lang sa kakulitan mo./

 

"Uhmm... bili ka ng couple pajamas ah? Yung Orange ang kulay! As in Ponkan Orange! Please please?"

 

/huh? O sige... meron pa?/

"AH! Gusto ko rin ng daing. Pwede?"

/Ang dami mong gusto. ANg hirap mong maglihi. Grabe ka! O sya sya... nagdadrive ako. Bye na.../

"yiee! Thank you! Bye bye~ INGAT! LOVE YOU POOOOOO!!!! BEST! hihi~"

POV: Alfred

Grabe lang maglihi si Blair. Alam nyo bang ayaw nya ng amoy ng deodorant ko. Ayaw nya ng kulay pink. Ayaw nya sa lipstick. Ayaw rin nya na hindi ako naghuhugas na kamay bago ko sya hawakan. tapos ang dami pang gusto... at mukhang may bago na naman syang gusto.. Orange at daing. >.<

Maaga pa lang pero pakiramdam ko, hapon na. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ang lakas ko daw kasing maghilik kagabi... hindi daw makatulog si Blair. AISH! Ang hirap!

"Good Morning!" bati nung mga ka-officemate ko. Normal na empleyado ako dito. Taga-timpla ng kape... JOKE. Basta nromal lang.

"Alfred, pinapatawag ka ng Uncle mo." sabi nung isa kong ka-office.

Bakit naman kaya ako pinapatawag ni Uncle? Eh? Teka? Nandito na ang Uncle ko? Kelan pa sya dumating?

nagmadali akong pumunta sa office nya. SI Uncle Jerry ang paborito kong uncle sa lahat.. sya ang Daddy ni Dr. Peter... yung pinsan ko. Sila ang nagmamay-ari sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.

"Uncle!" bati ko kaagad sa kanya pagkapasok ko sa office nya.

"Alfred! BIG BOY!" Nag-hug kami. tapos ginulo nya ang buhok ko.

"You have a lot of explaining to do.. 6 months lang akong nawala sa Pilipinas tapos ngayon magkakaanak ka na at may asawa na! At talagang yung bestfriend mo pang si Blair ang natira mo ah... I knew it from the start! Iba talaga ang spark nyong dalawa..." then he laughed. Ngumiti na lang rin ako.

"Yeah right.." I said.

"By the way, hindi ako nakapunta sa kasal ng paborito kong pamangkin. So, I bought you a gift. A 1 month ship cruise sa Europe! How is it?"

 

"Talaga, uncle?! As in 1 month na pahinga.. no work pero may bayad? YES! YES!"

"Syempre naman... malakas ka sakin tsaka para sa magiging apo ko naman ang kikitain mo. Pero syempre kelangan mo ring magpahinga. kayo ni Blair. Lalo na siya... I know he's having a hard time sa pagbubuntis nya."

Napatawa na lang ako. 

"You mean, I'm having a hard time for her. Ako kaya nagpapakahirap maghanap ng mga gusto nya. Like kanina, she wants a seedless orange. Saan naman daw ako hahanap ng ganun?" 

Bigla na lang tumawa si Tito. Ano naman kayang nakakatawa?

"Hay... I guess you should have a break muna sa work mo. And start finding that orange. Hindi pa man din tag-orange ngayon. Come on Boy... alis na. And don't forget about the cruise ship. Sa isang linggo na yun. Don't you want it boy? O sya sya.. hanapin mo na yung pinapahanap sayo ni Blair."

Natatawa ako.

OK. So hahanapin ko na yun... hahanapin ko tapos bibilhin ko na lahat ng gusto nya.. YIPEE! Gay. =______=

------------

*boom

Continue Reading

You'll Also Like

879K 39.9K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
5K 241 22
Paano kung ang kasama mo ay maling tao pala para sayo. Ano ang gagawin mo? Paano kung may matinding lihim na mabubunyag. Matatanggap mo ba agad ito? ...
4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
221K 3.3K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...