Patricia Laxamana πŸ’―

By Dream_Secretly

53K 1.1K 32

Laxamana Series 2 of 7 Patricia 'patty' Laxamana is like a happy-go-lucky-bitch. Siya iyong tipong ginagawa a... More

Patricia Laxamana
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
EPILOGUE

CHAPTER THREE

2.4K 70 1
By Dream_Secretly

HINDI AKO manhid para hindi maramdaman ang mga titig niya sa 'kin habang kumakain kami ng hapunan. Nagpapa-salamat nalang talaga ako at kasama ko ngayon si sandy, dahil kung hindi ay baka kanina pa ako nag-walk out sa pesteng dinner na 'to.

Galing sa pagkakayuko ko ay nag-angat ako ng tingin para uminom ng tubig. Ayoko sanang tingnan siya pero hindi ko maiwasan lalo na't nasa harapan ko lang siya.  Ni hindi man lang nga siya nag-iwas ng tingin nang mahuli ko ang mga mata niyang nakatuon lamang sa 'kin imbes na sa kaniyang pagkain.

Napatiim bagang ako. Pinakita ko ang pagkairita ko sa presensiya niya pero wala man lang akong nakuhang kahit na anong reaksiyon mula sa kaniya. At ang kapal pa nang mukha niyang makipag-laban ng titigan sa 'kin pagkatapos ng ginawa niya noon.

Inilihis ko na lamang ang atensiyon ko kay sandy nang kunin nito ang atensiyon ko. "Okay ka lang patty? Bakit parang wala kang ganang kumain? Ayaw mo ba sa mga niluto ni manang rose?" Takang tanong nito.

Bumuntong hininga ako. Sino ba namang hindi mawawalan ng ganang kumain kung kasama mo si ex sa hapagkainan? Kung hindi lang kabastusan ang sumuka sa mismong harapan niya baka ginawa ko na kanina pa. "Wag mo nalang akong pansinin. Just focus on your food and eat." Malamig kong aniya.

"Why the sudden change of mood?" Takang tanong niya sa mahinang tono na kaming dalawa lang ang nakakarinig.

Napapikit ako at huminga nang malalim. Ngayon nagsisisi na ako kung bakit tanging pangalan lamang ang binigay kong impormasyon sa kaniya tungkol sa lalaking kasama naming kumain. My God! He is my Ex sandy!  Makiramdam ka naman! Hindi pa ba siya nakakuha ng ideya sa pangalan pa lang nito O di kaya sa biglaang pagbabago ng mood ko at sa pagtrato ko rito ng masama nang dumating ito.

Hindi ko nalang siya pinansin. Pinilit kong ituon ang atensiyon ko sa pagkain at pilit hinahanap ang lasa nito. Pero wala talaga akong malasahan! Nawalan na talaga ako ng gana! I wonder kung maayos ba ang pagkain nito, kasi kung Oo....Mabulunan siya sana!

"Patty, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni sandy.

Umiling ako. Ayokong magsalita o tumingin man lang sa kaniya. Natatakot kasi ako na baka may mabasa siyang kakaibang expression sa mga mata ko. Kilala ako ni sandy, madali nalang para sa kaniya na basahin ako. At ayokong mabasa niya ako sa harapan ng t*rantad*ng bwisita namin.

Nang matapos na kaming kumain ay kaagad na inilabas ng mga maid ang mga desserts. At sa oras na 'yon ay nagsisimula nang mag-usap ang dalawa samantalang tahimik naman akong nakikinig sa kanila. Mabuti nalang at madaldal itong si sandy.

"Pwede ba naming makita ang disenyo ng mansiyon Architect?" Rinig kong tanong ni sandy.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kahit na kay sandy na ang atensiyon niya ay parang hindi pa rin nakakaligtaan ng mga mata niya ang tapunan ako ng tingin kahit saglit lang, at parang wala lang sa kaniya kahit nahuhuli ko siyang nagmamasid sa 'kin. Napairap nalang ako sa kawalan.

"Sure. Pero pwede bang sa libruary nalang? Pangit kasi kung dito pa sa hapag." Pormal nitong sagot.

Tumawa si sandy. "Okay."

Umingos ako at tiningnan iyong maid na tinatanggal na iyong pang-huling ulam sa lamesa. Nakasanayan na kasi rito na tanggalin ang mga ulam at kanin tuwing nasa dessert na para wala nang masyadong sagabal, ayon kay lolo. "Si manang rose?" Tanong ko rito.

"Nasa kusina po, Inaayos iyong wine na pinapahanda ninyo. May kailangan pa po ba kayo?" Anito ng nakangiti.

Tumango ako. "Wala na. Salamat nalang." Sabi ko nang hindi sinusuklian ang ngiti nito. Magalang namang nagpaalam ang kasambahay sa 'kin bago ito lumabas ng dining area.

Uminom nalang ako ng tubig nang makita ko kung ano ang mga dessert na hinanda ni manang rosa. Isang bilog na chocolate cake at fruit salad ang hinanda niya, mukhang nakalimutan nito na umiiwas muna ako sa mga matatamis.

"Gusto mong ikuha kita ng pasta? May natira pa naman ata sa niluto ko kanina." Tanong ni sandy nang mapansin niyang wala akong balak kumain sa hinandang desert ni manang rose.

Umiling ako "Hindi na. Hihintayin ko nalang iyong wine." Sabi ko nalang.

Tiningnan ko ang isa pa naming kasama sa hapag nang hindi ko na matagalan ang titig nito. Gusto ko man kasing balewalain ang nakakapasong titig nito ay tila hindi na kaya nang sistema ko. Pakiramdam ko ay natutunaw ako sa mga titig. I wonder kung napapansin iyon ni sandy.

Dumating si manang rosa kasama ang dalawa pang kasambahay, dala na nila iyong mga wine glass at wine. Ngumiti ang matanda sa 'amin at nakita ko pang tinapik nito sa braso ang architect pagkatapos niyang bigyan ito ng wine glass at salinan iyon. Napangiwi nalang ako nang saglit na mag-usap ang dalawa at nagtawanan. Mukhang hanggang ngayon ay close pa ang mga ito.

"Salamat nanay rosa." Matamis ang ngiti ang ginawad nito sa matanda bago bumaling sa 'kin.

Umiwas lang ako ng tingin atsaka biglang napatayo nang mabasa ang sout ko nang wine. Gulat akong napatingin sa natulalang kasambahay.

"Hala!" Napatayo rin si sandy atsaka mabilis na lumapit sa 'kin. "Basa na ang dress mo patty." Anito.

Huminga ako nang malalim. "Obviously sandy." Sarkastikong sabi ko atsaka umirap.

"Neri, bakit hindi ka nag-dahan dahan? Nabasa mo tuloy ang Señorita mo." Sita ni manang rosa sa nakayukong kasambahay.

"Sorry po." Paumanhin nito.

"Magbihis ka na muna patty." Ani ni sandy.

Tumango ako at sinulyapan ang aming bisita. "Magkita nalang tayo sa libruary." Malamig kong ani dito sabay hila kay sandy paakyat sa kwarto ko.

"Teka patty! Iiwan lang ba natin si Architect doon?"

Napairap ako. "Si manang na muna ang bahala sa kaniya tutal ka-close niya naman iyon." Sabi ko nalang.

Nang makapasok na kami sa kwarto ko ay kagad na akong pumasok sa loob ng banyo para maligo ulit. Nanlalagkit ako. "Hintayin mo 'ko dyan mag-uusap tayo." Sabi ko bago binuhay ang shower.

Mabilisan lang ang pagligo ko. Nang lumabas ako ng banyo ay naabutan ko si sandy na nakadapa lang sa kama ko habang hawak ang Cellphone niya. Katxt nito si Gabriel, sigurado ako. Parang kiniliti kong kiligin eh.

Napailing nalang ako at dumiretso sa kabinet ko para maghanap ng susuotin. Pambahay nalang siguro ang susuotin ko tutal hindi naman pala kagalang-galang ang haharapin namin. Makapal naman ang mukha non siguro wala lang sa kaniya kung ano ang susuotin ko.

"Short at t-shirt ang susuotin mo? Baka nakakalimutan mong Architect ang kausap natin patty. Malaking tao 'yon." Sermon kagad nito.

Umirap ako at nameywang sa harapan niya habang nagsusuklay ng buhok. "Sandy, wala ka bang napapansin sa 'kin?"

Kumunot lalo ang noo niya. "Bukod sa pagbabago ng mood mo? Wala na."

"Tingin mo, bakit biglang nagbago ang mood ko?"

"Ewan ko. Bakit ba?" Takang tanong niya.

Napailing ako at umirap. "Isipin mo." Sabi ko.

Umupo naman siya sa kama ko atsaka nag-isip. "Ano nga bang dahilan?" Tumingin siya sa 'kin ulit. "Wala akong maisip. Ano ba kasing problema mo? Bakit mula nang dumating si Architect ay nag-iba mood mo?"

"Exactly!" Inis kong sigaw. "Nagbago ang mood ko pagdating nung Architect!" Nanggigil kong ani.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "A-Anong ginawa naman niya sa 'yo?"

Napahilamos ako nang mukha. Kanina pa ako nagtitimpi. Nakakainis na. "Ano bang sinabi ko sayong pangalan ng Ex ko?" Nagtitimpi kong tanong.

"A-Adrian." Naguguluhang aniya.

Napapikit ako at napahilot sa 'king sintido. "At anong pangalan ng letcheng Architect na 'yon?"

Matagal siyang hindi nakasagot na para bang pina-proseso niya pa sa utak niya ang mga tanong ko. Napabuntong hininga ulit ako atsaka tumalikod at humarap sa salamin.

Naiinis ako sa sarili ko, ang tagal na kasi nang nangyari sa 'min pero naaapektuhan pa rin ang buong sistema ko. Pakiramdam ko babalik na naman ako sa dating patty na mahirap makalimot at mahina.

"Ibig sabihin si Adrian Cordejo ang..." Hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya nang saglit ko siyang nilingon at tinanguan. "Oh my god!" Gulat niyang bulalas.

Tuluyan ko na siyang hinarap nang matapos ko nang ayusin ang sarili ko. Yes sandy....Oh my god talaga! At mapapatay siya ni kuya Patrick kapag nalaman nitong nandito siya.

"Ngayong alam mo na...sana naman wag mo munang idaldal ito kahit kanino, kahit kay Ark baka magsumbong iyon kay kuya patrick." Sabi ko sa kaniya.

Lalo namang nanlaki ang mga mata niya at napatakip pa nang bibig. "Patay..." Ngumiwi siya.

Pinandilatan ko siya. "Wag mong sabihing chinika mo na agad iyon kay Ark habang naliligo ako?"

Napakagat labi siya. "S-Sorry patty..Hindi ko a-alam." Ngiwi niya.

Napatampal nalang ako ng noo. "Nako naman sandy, oh! Kapag iyon dumaldal kay kuya tiyak na susugod iyon dito."

"Hindi naman madaldal si Gabriel patty. Atsaka hindi rin naman niya alam na Ex mo 'yon, eh." Pangangatwiran nito.

Napailing nalang ako. May mas bibigat pa ba sa kalagayan ko ngayon?! Diyos ko! Ano bang kasalanan ko sa inyo at ginaganito ninyo ako?!

Tok! Tok!
Tok! Tok!

Sabay kaming napalingon sa pinto nang bumukas ito makalipas ng ilang katok. At mula doon ay pumasok ang isang katulong na nakayuko.

"Señorita, pinapatanong po ni Architect kung may balak pa po ba daw kayong puntahan siya sa libruary? Kanina pa po daw niya kayo inaantay, sinasayang niyo lang raw po ang oras niya." Ani nito.

"Sinabi niya iyon?!" Nanggagalaiti kong sigaw. "Ang walanghiyang 'yon!" Napasabunot na lamang ako ng sarili sa sobrang inis.

"Patty, puntahan na muna natin siya para matapos na 'to." Mahinahong ani ni sandy.

Tumango nalang ako at tahimik na sumunod sa maid palabas. Pababa na kami ng hagdan nang tumunog bigla ang phone ni sandy. "Una kana patty. Sasagutin ko lang 'to." Aniya.

Napipilitang tumango nalang ako. Ayaw ko man ay wala naman akong magagawa. Mukhang kailangan ko talagang harapin ang lalaking iyon ng mag-isa. Napabuntong hininga ulit ako. Kailangan kong tatagan ang loob ko baka magmukha lang akong katawa tawa sa kaniya.

"Ako na ang bahala. Bumalik kana sa trabaho mo." Utos ko sa kasambahay ng ihatid ako nito sa libruary.

Tumango naman ito at magalang na nagpaalam bago sinunod ang utos ko. Ako naman ay huminga muna ng malalim bago ako pumasok sa loob ng silid na halos naging opisina na rin ni lolo. Lampas sa sampo na ata ang mga nakahilerang matataas at malalaking shelf ni lolo kung nasaan ang kaniyang mga kolektor.

Dumiretso akong papasok sa loob. Huminto lang ako ng makita ko itong nakaupo sa pang-isahang sofa habang matamang nakatingin sa 'kin. Mukhang kanina pa nga ako nito inaantay batay sa pwesto nito at galaw ng mga kamay. Palihim nalang akong natawa ng mapait dahil alam ko pa pala ang mga ibig sabihin ng simpleng galaw nito.

"Tapusin na natin ito at nang hindi masayang ang oras mo. Hindi ko na kailangang makita ang design ng mansiyon dahil na-approve na naman iyon siguro ni lolo. Nasabi niya na rin sa 'kin na maayos na ang lahat at ako na lang ang magde-desisyon kung kailan sisimulan ang construction." Malamig kong aniya. Hindi siya sumagot kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pagsasalita. "Kung maaari ay gusto kong simulan ang construction a day after tomorrow. Gusto kong matapos ito ng maaga."

Hinintay ko siyang sumagot pero hindi man lang siya nagsalita. Leche! Tinitigan niya lang ako na para bang isa akong manika na kapag kinausap niya ay iisipin ng iba na baliw siya. Akala ko ba sinasayang ko lang ang oras niya? Bakit ngayon parang bumaliktad ata?

"Wala ka bang sasabihin? Dahil kung ayos na naman pala sa'yo ang mga sinabi ko ay makakaalis kana." Matigas kong sabi.

Huminga siya nang malalim atsaka tumayo at lumapit sa 'kin. "Patricia..." Buntong hininga niya. "I miss you..." Paos niya pang aniya.

Umawang ang labi ko. Tila nanigas ako sa aking kinatatayuan at ang mga mata ko ay natuon lamang sa kaniya. Ano bang sinasabi niya? Ano bang ginagawa niya sa 'kin? Bakit ginugulo na naman niya ang sistema ko?!

"U-Umalis kana." Nanginginig kong sabi sa kaniya. "Hindi naman na siguro kasama sa trabaho mo ang mag-stay rito ng matagal Architect Cordejo." Malamig kong aniya.

Lumambot ang expression nang mukha niya. Sinubukan niyang hawakan ang dalawang kamay ko pero iniwas ko lang iyon sa kaniya. Ano pa bang gusto nang lalaking 'to?!

Huminga siya nang malalim atsaka ako tiningnan nang seryoso. "You've change...a lot." Halos pabulong na niyang sabi. "Pero sigurado akong hindi ang nararamdaman mo sa 'kin. You still love. I feel it."

Di makapaniwalang tinitigan ko siya. Ang kapal talaga ng mukha niya! Hindi ko alam na kasama pala sa natutunan niya sa kaniyang pag aaral ay ang kayabangan. Lechugas! Ang lakas ng loob niyang sabihin sa akin iyon ng harap harapan. Anong tingin niya sa 'kin patay na patay sa kaniya? Akala niya ba habang buhay akong magpapakatanga sa kaniya?! Aba! Gag* ata siya! Hindi lang siya ang lalaking gwapo sa mundo.

"Naka-move on na ako Architect, sana ikaw rin. Let's be professional at nang matapos na natin ang mansiyon ni lolo bago pa siya bumalik." Matalim kong sabi sa kaniya. "At huwag kang maniniwala sa pakiramdam mo baka mapahiya ka lang."

And Cut! HahahaxD.

See you po next chapter :)

Continue Reading

You'll Also Like

257K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
MAGBALIK By JVDS

Fanfiction

89K 2.3K 32
......aasa kaba sa walang kasiguraduhan? pero panu?panu ka mag uumpisa?saan?kailan😒😒😭? o tatanggapin mo nalang ba na nawala na talaga sya?pero pa...
392K 17.4K 63
(Completed) Luna is a 28 year old girl living with her normal life. But what if she wokes up in a dark place and she have a 1 mission so she can go b...
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...