Patricia Laxamana 💯

By Dream_Secretly

53K 1.1K 32

Laxamana Series 2 of 7 Patricia 'patty' Laxamana is like a happy-go-lucky-bitch. Siya iyong tipong ginagawa a... More

Patricia Laxamana
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
EPILOGUE

CHAPTER TWO

2.6K 76 0
By Dream_Secretly

KUMUNOT ang noo ko nang makita ko si lolo na prenteng nakaupo sa sofa sa sala habang nagbabasa ng dyaryo. Tiningnan ko ang dalawang maleta sa tabi niya atsaka sinundan ng tingin ang mga bodyguards niyang may binubuhat na mga kahon.

"What's going oh here, lolo?" Takang tanong ko.

Nag-angat naman ito kagad ng tingin sa'kin 'tsaka ibinaba ang diyaryong binabasa. "Goodmorning apo!" Masayang bati nito. "Mabuti naman at gising kana. Hinihintay talaga kasi kitang magising bago ako umalis."

"Aalis ka?" Napatingin ako sa dalawang maletang binuhat ng dalawa niyang bodyguards palabas ng mansiyon. "I thought you're sick?" Pinapayagan pa ba ito ng doctor niyang bumiyahe?

"I am." Ngumiti ito. "Kaya nga ako aalis para mag-pagamot at para makapag-relax na rin." Aniya.

Lumapit ako sa kaniya atsaka umupo sa tabi niya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Alam ba ito ng doctor mo? Atsaka wala akong natatandaang may usapan tayo na aalis ka at iiwan mo 'ko rito."

Natawa siya. "Syempre alam ito ng doctor ko. Atsaka malaki kana apo hindi mo na ako kailangan rito. And besides kasama mo naman dito si sandy kaya hindi ka naman masyadong mahihirapan."

Sumimangot ako. "Saan ka naman pupunta? At gaano ka katagal mawawala rito?"

"Nasa states ang mommy't daddy mo at gusto nila akong pumunta doon para matingnan nang mga doctor." Umakbay siya sa 'kin atsaka masuyong hinaplos ang off-shoulder kong buhok. "Habang wala ako dito, ikaw muna ang bahala sa lahat. You're my heir apo, alam kong hindi mo ako bibiguin." Malambing niyang aniya.

Napabuntong hininga ako at yumakap sa kaniyang baywang. "You'll be fine, right? Pagbalik mo iikutin ulit natin ang buong hacienda tulad noong dati. Tapos mangangabayo ulit tayo ng magkasama." Huminga ako ng malalim. "I miss the old days, lolo."

"I miss it too, apo." Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko bago siya humiwalay sa yakap ko at tumayo. "I promise, kapag magaling na ako ikaw kagad ang yayayain kong makipag-bonding sa 'kin." Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako.

Hindi ko alam kung ano ang sakit niya. Basta ang alam ko lang ay konektado ito sa kaniyang puso. Kung hindi pa nga ito muntik nang atakihin sa puso ay baka hindi pa namin malalaman na may sakit na pala siya. Masyado kasing malihim ang lolo ko lalo na kapag alam niyang lubos kaming mag-aalala.

"Please be fine, Lo." Hinatid ko ito hanggang sa kotseng sasakyan niya sa byahe. "Wag mo nang isipin ang mga maiiwan mo rito. I'll take care of it." Sabi ko.

Tumango naman ito atsaka matamis akong nginitian. "I know." Bago ito pumasok ng kotse ay lumingon muna ito sa 'kin. "Nga pala 'yong architect na sinasabi ko sa 'yong gumawa sa disenyo ng mansiyon ko ay dadating ngayong hapon. Ikaw nalang ang bahala sa kaniya. And I hope bago ako bumalik rito ay tapos na ang mansiyon ko." Nakangiti niyang aniya.

"Sure." Sabi ko. Wala naman siguro akong po-problemahin sa architect niya.

Kumaway nalang ako nang magpaalam na siya sa 'kin. Nanatili ako sa kinatatayuan ko hanggang sa makalabas na sila ng gate. Huminga ako ng malalim atsaka bumalik sa loob.

"Manang rose!" Tawag ko sa mayordoma.

"May kailangan kayo, Señorita?" Nakangiting tanong nito.

"Nakapag-luto na po ba kayo ng breakfast?"

"Ah, Oo. Ihahain ko nalang." Aniya.

Tumango ako. "Sige po. Bumaba na ba si sandy?"

"Iyong kasama mo ba? Kanina ay nakita ko itong lumabas mukhang magjo-jogging ata."

Tumango nalang ako at nagpasalamat sa kaniya. Muli akong umakyat sa aking kwarto at tinxt si sandy na bumalik na rito para sabay kaming kumain ng almusal.

SAKTONG katatapos lang naming kumain ng dumating si mang pedro. Ito ang nag-aayos sa mga naaning tubo, mangga at mga palay. Nasa pangangalaga rin niya ang mga truck na gagamitin sa pagde-deliver.

"Pinatawag niyo raw ho ako, Señorita?" Ani nito.

"Itatanong ko lang sana kung nakahanda na ba ang mga truck para sa darating na anihan?" Tanong ko nang yayain ko ito hardin.

"Handa na ang lahat Señorita. Parati ko pong tinitingnan ang mga truck para hindi magkaroon ng bulilyaso sa araw ng anihan." Paliwanag nito.

"Good." Tumango ako. "Bukas ay dadalaw ako sa taniman ng mga mangga at kapag may oras pa ako ay dadaanan ko na rin ang mga truck." Sabi ko.

"Sige po."

Hindi na rin ito nagtagal pa at agad na rin siyang nagpaalam. May gagawin pa daw kasi ito.

Tiningnan ko si sandy na pinag-aaralan na ngayon ang sales noong nakaraang anihan. "Dadating mamaya iyong architect na sinasabi ni lolo. Baka dito na rin iyon mag-dinner." Sabi ko.

"Okay." Aniya nang hindi man lang tumitingin sa 'kin.

Ngumisi nalang ako at napapailing sa nakikita kong ka-seryosohan sa mukha niya. Mukhang sineseryoso talaga nito ang usapan naming tutulungan niya ako rito.

Bumaba nalang din ang tingin ko sa mga papers na binabasa ko. Ito 'yong mga nagpapa-suply sa 'min. At sinasabi rito kung paano namin idine-deliver ang mga orders nila. Meron pa akong nabasa na kapag may mga sobra ay ibinebenta ito sa palengke.

"Maayos naman pala ang mga sales, eh." Biglang komento ni Sandy.

Tumango ako at ibinaba ang mga papers na tapos ko nang basahin. "Mukhang hindi naman tayo ma-mo-moblema dito, eh. I think mas magiging busy tayo sa mansiyon ni lolo." Ani ko.

"Mukha nga." Aniya atsaka bumuntong hininga. "Pwedeng ikaw nalang ang magluto ng lunch atsaka dinner natin?"

Natawa ako. "Bakit? Don't tell me hindi kana kumakain ng hindi ko luto?" Biro ko.

Natawa na din siya. "Hindi naman. Gusto ko lang ang luto mo, atsaka parati mo akong gawan ng sandwich mo, ha? Ang sarap kasi eh."

"Ginagawa mo na ata akong yaya mo, eh." Napailing ako. "Next time ituturo ko sa 'yo kung paano gawin 'yong palaman non para kapag kasal na kayo ni gabriel ay marunong ka nang gumawa ng sarili mong sandwich."

Napapalakpak siya sa tuwa. "Talaga?"

Natawa nalang ako at hindi na siya pinansin. Maya maya lang din ay nagsimula na akong magluto sa kusina. Siya naman ay sumunod pa sa 'kin at umupo sa isang stool. Gusto daw niya kasing panoorin akong magluto.

"Patty..." Tawag pansin niya sa 'kin.

"Hmmm?" Sabi ko nang hindi siya nililingon.

"What if.....makita mo siya ulit? Anong mararamdaman mo?" Nag aalinlangang tanong niya.

Saglit akong napatigil sa ginawa. Mabuti nalang at nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi niya nakita kung paano ako na-estatwa at natulala sa biglaang tanong niya.

Napabuntong hininga ako. Paano nga ba kung makita ko siya ulit? Limang taon na rin ang lumipas mula nang huli ko itong makita. "Hindi ko alam sandy. Pwede bang wag na natin siyang pag-usapan?" Mahina kong sinabi.

"Sorry..." Aniya.

Tumango nalang ako habang nakatalikod atsaka pinagpatuloy ang ginagawa. Sa totoo lang ay naisip ko rin kung ano ang magiging reaksiyon ko kapag nakita ko siya ulit. Siguro ay mahuhukay lang lalo ang galit ko sa kaniya. Siya kasi ang una kong minahal at unang nanakit sa 'kin. Noong mga panahong 'yon pa naman ay masyado pa akong bata kaya talagang nadala ko lahat ng hinanakit ko sa kaniya hanggang ngayon.

DUMATING ang hapon nang maghanda na kami ni sandy para sa darating na bisita. Pinaayos ko na kay manang rose ang table sa dining at siya na rin ang pinaluto ko. Hindi naman nagreklamo pa si sandy dahil alam niyang abala rin ako.

"Hey..." Tawag pansin ko sa kaniya nang pasukin ko ito sa kaniyang kwarto. "Bakit hindi ka pa bihis?" Takang tanong ko.

Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. "Tinatapos ko kasi itong ini-sketch ko." Aniya atsaka bumaling sa kaniyang sketch pad. "Tanda mo ba noong college pa tayo? Diba lagi kang nagagalit kasi mukha kang mataba sa drawing ko? Kaya ngayong sexy ka na ay naisipan kong gawan ka ng bago." Masayang aniya.

Natawa ako. Yes! I remember that old days. Noong college kasi ako ay medyo may pagka-chubby pa ako pero hindi naman ganon kataba, Actually sexy pa din naman ako non. At noong matapos ako ng college ay naging bonding at stress reliver na namin ni sandy ang pagja-jog at pag-g-gym kaya hindi na ako matatawag na chubby ngayon. Natunaw na lahat ng taba sa katawan ko.

"So? Sinasabi mong hindi ako sexy noon?" Biro ko.

Natawa siya. "Hindi naman hahaha I mean mas sumexy ka ngayon." Aniya atsaka itinabi ang kaniyang sketch pad. "Teka, anong oras nga ang dating ng bisita mo?"

Nameywang ako sa harap niya. "Baka mayamaya nandito na 'yon kaya magbihis ka na." Sabi ko.

Bumungisngis siya. "Opo."

Napailing nalang ako at nagpaalam na rin sa kaniya. Bumaba na ako at chineck ang tables sa dining area. Inaayos nalang ang mga pagkain para sa hapunan mamaya. Nginitian ko ang mga maid na nag-aayos roon atsaka ako sumulyap sa wallclock na hugis isda sa dingding. Ala-singko na pala dapat kanina pa nandito ang architect na 'yon, ah. Pupunta pa kayo iyon?

"Manang rose, 'yong wine po pakilabas nalang kapag tapos na kami isabay niyo nalang po sa mga dessert." Sabi ko rito nang silipin ko ito sa kusina.

"Sige Señorita." Anito.

"Salamat po." Ngiti ko rito.

Lumabas na ako ng kusina, sakto namang kakababa lang ni sandy. "Wala pa ba?" Tanong niya.

Umiling ako. "Baka hindi na iyon pupunta." Kibit balikat kong sabi.

"Hindi naman siguro. Baka na-traffic lang." Inosenteng aniya.

"Na-traffic? Saan? Sa mga tubo namin?" Irap ko. Hindi naman katulad ng sa manila ang mga daan dito. Hindi uso rito ang traffic.

Natawa siya. "Chill. Init ng ulo mo, eh."

Umirap nalang ako at napatuwid ng tayo nang may marinig akong bumisina sa labas. Kaagad naman akong hinila ni sandy palabas para salubungin ang taong kanina pa namin inaantay.

"Ano ba?! Hindi naman halatang excited ka, no?" Irita kong sabi habang hinihila niya ako palabas.

Humagikhik siya. "E sa nae-excite talaga ako, eh. Mami-meet ba naman natin ang pinaka-magaling at sikat na architect sa buong asya." Excited nitong aniya.

Ako naman ay iba ang nararamdaman, imbes na excite ay kaba ang naramdaman ko. Ewan ko ba kung bakit ganito ako mag-react.

"Wow! The 2017 latest bugatti chiron." Bulalas ni sandy nang may isang bugatti chirron ang pumarada sa malawak naming garahe.

Umismid ako. "How cheap..." Inip kong komento.

"Latest kaya ang kotseng 'yan. Anong cheap ka diyan." Ani ni sandy.

Tiningnan ko ito. "At kailan kapa nahilig sa mga latest car?" Kunot noong tanong ko.

Hindi na niya ako sinagot nang magbukas ang pinto sa driver seat nang kotse. Hinintay naming lumabas mula doon ang driver.

Bumaba ang tingin ko sa mamahaling sapatos nito hanggang sa pantalon nito pataas sa likod nito. Parang may inaabot pa ito sa loob kaya nakatalikod pa rin ito sa 'min. Nag-cross arm ako at hinintay itong humarap sa 'min.

"Hi architect!" Masayang bati ni sandy.

At nang sa wakas ay humarap na ito sa amin ay tila gumuho ang mundo ko. Kaagad lumipad ang tingin nito sa 'kin dahilan para manghina ako at mapakapit sa braso ni sandy.

Tinitigan ko ito. Limang taon na rin ang nakalipas mula nang huli ko itong makita. Marami nang nagbago sa kaniya ayon sa nakikita ko. Nag-mature na ang mukha niya pati ang mga muscles niya sa katawan. Ang mga mata niya naman ay ganoon pa rin, cold at walang emosyon kong tumingin.

Napapikit ako at sinubukang pakalmahin ang aking sarili pero sh*t hindi ko magawa lalo't alam kong nakatingin siya sa 'kin ngayon. May kasalanan ba ako sa tadhana at ngayon pa talaga kami pinagtagpo nito?!

"I'm architect Adrian Cordejo." Pagpapakilala nito sa malamig na tinig.

Nag-iwas na lamang ako ng tingin at hinayaan si sandy na kausapin ang aming bwisita este bisita. Nang marinig kong ipapakilala na ako ni sandy sa kaniya ay kagad na akong tumalikod at naglakad pabalik sa loob. Kailangan pa ba ng introduction sa aming dalawa? Kapag ba muling nagkita ang mag-ex nagpapakilala pa sa isa't isa? That's bullshit! Gawain lang iyon ng dalawang taong may magandang break up.

"No need sandy. Kilalang kilala na niya ako." Malamig ko ring aniya.

Hindi na narinig pang nagreklamo si sandy sa pag-iwan ko sa kanila doon. Tingin ko ay naaamoy na niya ang mood ko.



Hi guys!

Watzup? Musta naman po ito? Ayos po ba o hindi? Kayo na po ang humusga.

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 126K 57
Arch. Isabel Funtalva will stop at nothing to fulfill her ambitions. Even if she has to bargain her body and soul to the rebel heart breaker. **** Na...
14.2M 433K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
672K 30.6K 45
Masarap talaga ang bawal. Lalo na kung araw-araw kang sinusubok ng tadhana. The more forbidden it is, the greater the urge to have it yourself. Kay d...
7.9M 478K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."