Spirit Of The Glass 2

By jeric719

51.7K 1.3K 203

Mga magkakaklase na gumamit ng ouija board upang magspirit of the glass, at di nila alam na ito pala ang magi... More

Author's Note
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
15 Survivors Left
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
10 Survivors Left
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Author's Note
Game Of Life And Death

Part 21

796 27 1
By jeric719

Charlene's POV

Nung medyo malalim na ang gabi at alam naming wala nang natitira sa skul kundi ang guard ay nagpuntahan na kami sa skul. Pero hindi na kaming lahat ang mga bumalik pa. May mga ilan na ayaw na talagang sumama, tulad nila Alfonso, Janine at Aud. Nang nakarating na si Justin ay kinausap nya na agad yung guard na umalis muna at bigyan kami ng oras. Kinwento ni Justin sa kanya ang kilangan naming gawin kaya pumayag naman sya. Tapos ay pumasok na kami sa loob. Ang mga kasama ko ay sina Jane, Colai, Kenneth, Bob, Raven, John, Col, Carl, Justin at Juds.

Bago umalis yung guard ay binigay nya muna kay Justin yung susi sa mga pinto, tapos ay pumunta na kami sa classroom.
Pero bago kami magsimula sa gagawin namin ay may sinabi si Kenneth.

"Kanina ay nagresearch ako tungkol sa school natin, at mayron akong nalaman" kwento ni Kenneth

"Ano yung nalaman mo?" Pagtataka namin

Nanatiling tahimik sa loob ng classroom at inaantay lang namin ang sasabihin ni Kenneth.

"May report sa skul na to, dalawang taon nang nakakalipas. May dalawang babaeng estudyante dito ang bigla nalang nawala. Si Larah at si Maria. Inireklamo ng magulang ni Larah ang skul na to dahil sa pagkawala ng anak nya. At hanggang ngayon ay di parin sila nahahanap" patuloy na kwento ni Kenneth

Lahat kami ay nagkatinginan dahil sa kinwento ni Kenneth

"sigurado ka ba Kenneth?" Tanong ni Carl

"Oo sigurado ako" sagot ni Kenneth

"Pero asan na kaya sila?" Napapaisip na tanong ni Bob

"Di kaya naglayas lang sila?" Tanong ni Carl

"Pero paano kung isa pala sa kanila ang natawag natin sa spirit of the glass?" Natatakot na tanong ni Jane

"So sa tingin mo patay na silang dalawa?" Pagtataka ko

"Siguro, dahil imposible namang hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung nasan sila" sagot ni Jane

"Pero paano kung may alam pala ang prinicipal sa nangyari sa dalawa?" Paghihinala ni John

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ni Colai

"Sa tingin ko kailangan natin sya makausap at matanong tungkol dito" sagot ni John

"Pero ang mas kailangan natin gawin ay ang malaman ang pangalan ng kaluluwang nagambala natin" sabi ni Col

"Oo nga, para malaman din natin kung isa pala ito kaila Maria o Larah" pagsangayon ni Juds

Kaya naman ay sinimulan na namin ang spirit of the glass

Gwynel's POV

Si May ay hindi parin nagigising hanggang ngayon. Kasama ko ngayon sa kwarto sina Alonds at Claire. Nagulat kami dahil may narinig kaming isang malakas na kalabog, pero hindi naman namin alam kung ano yun.

"Guys ano kaya yung kumalabog na yun?" Sabi ni Alonds na ngayon ay hindi mapakali

"Alam mo wag mo nang isipin kung ano yun" sabi ko sa kanya para kumalma pero sa totoo lang ay nagaalala ako kaila Marc at Daniel

"Panong di ko iisipin?! Paano kung tayo na pala ang susunod?!" Natatarantang sabi ni Alonds

"Wag ka namang magsalita ng ganyan!" Pagkainis na sabi ni Claire kay Alonds

"Kumalma ka nga lang Alonds" utos ko sa kanya

"Walang mabuting idudulot kung matataranta ka ng ganyan" dagdag ko

At maya maya pa ay bumukas na yung pinto at nakita namin na ang pumasok dito ay si Marc. Pawis na pawis sya at parang takot na takot.

Tatanungin palang namin sya tungkol sa nangyari ng magulat kami sa kanyang sinabi.

"Patay na si Daniel!"

Tila tumigil ang oras sa mga sandaling yun. Di ako makapaniwala sa aking narinig. Patay na si Daniel na isa sa mga naging matalik kong kaibigan.

"Anong nangyari?! Kailangan natin syang balikan! Baka buhay pa sya" natatarantang sabi ko, lalabas na dapat ako ng pigilan ako ni Marc

"Wag na! Wala ka nang magagawa!"

Nagpumilit parin ako ng ilang beses pero talagang pilit nya rin akong pinipigilan.

"Kailangan natin syang puntahan!!" Medyo nagagalit ko ng sabi

"Patay na sya Gwynel! Kitang kita ng dalawa kong mata." Paliwanag ni Marc tapos ay kinwento nya pa kung ano ang nangyari

Kaya wala na kong nagawa kundi ang manahimik nalang sa tabi

"Kailangan itong malaman nila Col" sabi ni Claire

"Peram ako nung phone mo Gwynel" sabi nya

Binigay ko naman agad ito sa kanya at tinawagan nya na sila Col.

Col's POV

Magsisimula na dapat kaming magspirit of the glass nang biglang tumunog yung phone ko. At nakita ko na si Gwynel ito

"Hello Gwynel" pagsagot ko tapos ay nilagay ko to sa speaker phone para marinig ng mga kasama ko ang pinaguusapn namin.

"Hello Col, si Claire to" sabi nya

"O Claire, bakit ka tumawag? Nagising na ba si May?" Tanong ko

"Hindi pa rin sya nagigising, pero may mas kailangan pa kayong malaman" sagot nya, ramdam na ramdam ko ang lungkot at kaba sa pagsasalita nya kaya medyo kinakabahan ako sasabihin nya

"A.... ano yun?" Pagtataka ko

"Patay na si Daniel"

Nagkatinginan kaming lahat sa classroom at di makapaniwala sa narinig namin. Lahat kami ay nalungkot dahil may isa na naman sa aming nawala. Tapos ay nakita ko yung iba sa mga kaklase ko na tinext agad at tinawagan ang iba pa naming mga kaklase na wala dito para masabihan. Tapos ay sinabi ko kay Claire na ibababa ko na yung tawag dahil kailangan na namin matapos ang spirit of the glass.

"Isa isa na tayong nauubos" may pagkatakot na sabi ni Jane

"Kaya ngayon kailangan na natin tong tapusin para wala nang kahit sino pa ang mawalan ng buhay" sabi ni Charlene

Kaya naman ay sinimulan na namin ang spirit of the glass. Ang mga nakahawak dito ay kami nila John, Charlene, Carl, Justin, Colai, at Juds. Habang sina Jane, Bob, Raven ay Kenneth ay nakatayo lang at nakatingin.

"Natatakot ako" sabi ni Jane sabay hawak sa braso ni Bob

"Dati di ka naman takot ha?" Sabi ni Raven

"Dati kasi di ko naman alam na mapapahamak tayo nang dahil sa spirit of the glass na yan" sagot nya

At nakita kong lahat naman kami ay mga kinakabahan din, lalo na't gagawin na naman namin ito. Ito ang dahilan kung bakit kami napahamak, kaya sana ay maayos na namin ito.

"Tinatawag namin ang ispiritong nagambala namin" wika ni John

"Spirit of the glass, andito ka na ba?" Dagdag nya

"Spirit of the glass andito ka na ba?"

Sobrang tahimik sa classroom, nagkakatinginan lang kami at mga ilang minuto na pero di parin gumagalaw yung glass

"Spirit of the glass, andito ka na ba?" Patuloy na tanong ni John

Hanggang sa gumalaw na yung glass at tumapat ito sa Yes. Tapos ay tinanong ko na to agad.

"Anong pangalan mo?"

Muli ay gumalaw yung glass at tumapat ito sa L-A-R-A-H

"Larah" banggit ni Colai

"Tama nga yung hinala ni Jane na isa sa kanila ang nagambala natin" sabi ni Juds

"Ano nang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Carl

"Larah, humihingi kami ng tawad dahil ikaw ay nagambala namin" sabi ni John

"Sana ay matahamik na ang kaluluwa mo at tigilan mo na kami" patuloy na sabi nya

Tapos ay igagalaw na dapat namin yung glass papuntang goodbye nang biglang magiba ang kinikilos ni Colai at sya ay naging tulala. Kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Colai...." pagtawag ni Charlene sa kanya pero di sya sumasagot

"Colai.. anong ...nangyari ...sayo?" Utal utal na tanong ko

Lahat kami ay kinikilabutan na dahil sa mga nangyayari. Nagsimula nang magpatay sindi ang mga ilaw at katulad dati ay naggalawan na ang mga upuan. Sobrang ingay sa loob ng classroom. Di na namin alam ang gagawin namin hanggang sa nagulat nalang kami ng biglang sumigaw ng napakalakas si Colai. Tumigil ang pagbukas sara ng ilaw at ang paggalaw ng mga upuan.

"Co..colai" pagtawag ni John

Hanggang sa lalo kaming nagulat ng biglang maging puti lang ang dalawa nyang mata. At nakakapangilabot ng magsalita sya sa ibang boses

"Wala kayong matatakbuhan!!!"

Dahil sa takot ay nakita ko si Jane na biglang tumakbo papalabas ng classroom.

"Walang bibitaw!!" Biglang sabi ni John

"Kami nalang ang susunod kay Jane" sabi ni Bob

"Tapusin nyo na ang kailangan nyong tapusin" sabi ni Kenneth

Tapos ay lumabas na silang tatlo ni Raven para sundan si Jane.

Jane's POV

Kinilabutan ako ng marinig si Colai na kakaiba ang boses. Para syang sinasapian nung mga oras na yun. Dahil sa takot ko ay napatakbo ako sa labas. Ayoko nang makita ang mga mangyayari dahil lalo lang akong matatakot. Nung dati ay malakas ang loob ko dahil ang akala ko ay si kuya Renz ang tinatawag namin pero yun pala ay ibang kaluluwa.

Pagkatakbo ko sa labas ay nagpatay sindi ang mga ilaw dito. Kaya lalo akong napatakbo sa kung saan. Sinusubukan kong buksan ang ibang mga kwarto pero halos lahat ito ay nakalock. Hanggang sa naptakbo ako sa isang hallway kung saan pinagbabawal ang mga estudyante. May mga room din dito pero ayaw din nito bumukas. Hanggang sa napasigaw nalang ako ng biglang may humawak sa braso ko.

"Ahhhhhhhhhh!!!!!"

At napapikit nalang ako dahil sa sobrang takot ko. Pero nang nagsalita ito ay napadilat ako at nakitang si Kenneth lang pala ito. Kasama nya sina Raven at Bob. Dahil dito ay nakahinga na ko ng maluwag at napayakap agad sa kanila.

"Guys sorry, natakot lang talaga ako" habang sinasabi ko ito ay nanginginig parin ako dahil sa takot

"Wag ka nang matakot, nandito na kami" pagpapakalma ni Kenneth

"Oo nga Jane" pagsangayon ni Raven

"Pero teka lang, san ba tayo napunta?" Pagtataka ni Bob at napalingon pa sa paligid

"Nandito tayo sa lugar kung saan pinagbabawal tayong mga estudyante" sagot ni Kenneth

"Mayron din palang mga room dito" sabi ni Raven

Tapos ay nakita ko si Kenneth na lumapit sa isang kwarto na may padlock pa. At nagulat kami ng may nilabas syang pantusok mula sa bulsa nya at pilit binubuksan yung padlock

"Anong ginagawa mo Kenneth?" Pagtataka ni Raven

"Bakit mo binubuksan yan?" tanong din ni Bob

Pero hindi sya sumasagot, hanggang sa ilang saglit lang ay nabuksan nya yung padlock at ganun din yung pinto. Nang pumasok sya sa loob ay nagkatinginan muna kami nila Raven pero sumunod rin naman kami. Pagkabukas ng ilaw ay medyo mabaho sa loob. Parang tambakan ang kwarto na pinuntahan namin.

"Tara na lumabas na tayo" pagaya ko sa kanila

"Sandali" pagpigil ni Kenneth

"Bakit ba?! Ano bang tinitignan mo dito?" May pagkainis na sabi ko sa kanya

"Nagtataka lang ako kung bakit kailangan nilang ilock itong kwarto na to" sagot nya

Kung ano ano ang hinahalungkat ni Kenneth na para bang may hinahanap. Hanggang sa pagalis nya ng carpet sa sahig ay nagulat kami ng mayron ditong parang pinto pababa. Pero ano kaya ang meron sa baba nito? Tapos ay nakita namin si Kenneth na sinubukan din itong buksan.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 545 44
[COMPLETED] From 2019 to 1998. Siya si Ereneo Tesorio Laurente, isang Grade 10 student. After being rejected and left behind from his first ever onc...
12.7K 1.2K 45
Abaddon School (Part 1) - Completed Abaddon School (Part 2) - Completed Abaddon School: The Last Fight (Part 3) - Soon Best in Horror - WritersPh...
33.1K 883 39
Sa isang mamahalin na paaralan may isang seksyon ang kinakatakutan hindi dahil sa kayaman kungdi sa paano sila ka brutal pumatay Sa tuwing silay map...
8.2K 745 23
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...