Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy)...

By YorTzekai

560K 13.7K 1.2K

BOYXBOY YAOI BROMANCE - Si Khalil Pantoja ay isang probinsyano,nakatira sa isang probinsya sa north cebu,ang... More

Pangarap Ko'y Ikaw
01. Khalil > The good gay :)
02. Sad Goodbye >
03. The Housemates >
04. The Boys! One by one >
05. Movie & Jai > First day!
06. Instant Sikat! >
07. Crayon the new guy! And the offer!
08. Desisyon!
09. Bagong bahay! Bagong tukso!
10. First day with Flexter!
11. First time with Cross!
12. Gabi ng Kilig!
13. Paghaharap : Pag amin!
14. Ulan! Halik! Desisyon!
15. Sweet Escape!
16. Cant fight this feeling.
17. Labad sa ulo!
18. Plaza Independencia!
19. Undecided : Unexpected!
20. Pagbabalik sa maynila!
21. MAGKABILANG MUNDO a collab with ElixirJohn!
22. ANG LALAKI SA DAGAT a collab with @agentbreak
23. Pagtalikod!
24. Cross my heart!
25. Two become One!
26. Ang muling pagkikita!
27. Unexpected event
28. Dilemma : Pagsisisi
29. PRE FINALE: Forgiveness and Letting Go!
EPILOGUE

30. WAKAS: Pangarap ko'y Ikaw

14.6K 381 74
By YorTzekai

AN/ Hello! Ito na po ang huling chapter. Maraming maraming salamat po sa inyong suporta sa kwentong ito. Hindi ito aabot dito kung hindi dahil sa inyo. Magkita kita po tayo sa iba ko pang kwento. Enjoy reading and dont forget to vote and comment. =)

---

Ganon na lang ang hagalpak ko ng makita ko sa newsflash ang pangalan ng coffee shop ni Auntie Emy. Nadawit kasi ito sa gulo,yung artistang si Flexter Tuazon may sinapak na crew.

Pero ng makita ko ang picture nung crew na sinapak ay parang may naramdaman akong kakaiba. Parang kinabahan ako na ewan,parang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Nagawa mo pang tumawa,na eskandalo na nga ang shop ng tita mo." ani Mom na nakalapit na pala.

Kunot noo ko syang tiningnan. "Mukha pa ba akong tumatawa Mom? Sino yung waiter na yon? Bago lang ba?" ang sabi ko naman.

"Siguro. Kina Aya yon nakatira. Probinsyano." ani Mom. "at isang bakla." dagdag pa nito. Nakaramdam tuloy ako ng inis kay Mom.

"Gago talaga yang Flexter na yan!" ang sabi ko at tumayo.

"Syempre ijo,showbiz,kailangan ng sympathy ng mga fans."

"Hindi na sya makakaulit." ani ko at tumayo. Pupunta ako sa kwarto,dun ko tatawagan si Tita Emi.

"Oh,san ka pupunta?"

"Sa kwarto po Mom." sagot ko at tinungo na ang kwarto. Pagkapasok pa lang ay tinawagan ko agad si Tita Emi.

"What do you want?" anito. Halatang nag aalala.

"I heard about the news." ang sabi ko naman. Hindi ko alam kung paano ko maipapasok sa usapan yung crew nya. Kinakabahan ako.

"Yeah. At uminit ang ulo ko sa Flexter na iyon. My god,hindi ko na sya idol! Mabuti na lang at nandito sina Aya,Jaii at Japhet para alagaan si Khalil. Kung pwede lang kasuhan yang--"

Khalil pala ang pangalan nya,cute.

"How was he?" ang pagputol ko sa tuloy tuloy na pagsasalita ni tita Emi.

"Who's he? Flexter?"

"No! Kailan pa ako nagkainteres sa lalaki?" ang agad kong sabi.

Ngayon pa lang. Ang bulong ng pag iisip ko.

"Sino ba?"

"Yung bago mong crew." ang mahina kong sabi.

"Huwaatt? My god Crayon! Kailan ka pa nag alala sa mga empleyado ko? Anong nakain m--wait?! Type mo ba si Khalil?"

Napalunok ako bigla dahil dun,kaya nasamid ako sa sarili kong laway.

"Y-yeah. Kamusta sya? Anong buo nyang pangalan?" lakas loob kong tanong. Saka na ako magpapaliwanag pag nakasigurado na ako.

Kaya simula ng araw na iyon,lagi ko ng naiisip si Khalil. Hindi ko alam kung ano na bang nangyayari sa akin. Nahihiya naman akong magtanong kina Mom and Dad,baka isipin agad nila na bakla ako.

One day,I was in the Mall,roaming,sight seeing. Ng bigla akong may nakitang pamilyar na mukha,bumilis agad ang pintig ng puso ko,hindi ako mapakali,gusto kong lumapit pero hindi ko alam ang sasabihin.

Nasa loob sya ng isang shop ng mga cellphone. Nagdadalawang isip ako kung lalapit ba o hindi. Hindi pa ako naging ganito katorpe,kilala akong kilabot ng mga babae,at ngayon natorpe ako sa isang binabae.

Ano ba ito? Gusto ko na ba talaga siya? Bahala na nga.

"Hi!" ang pagkalabit ko dito ng agad akong makalapit. Inihanda ko agad ang pamatay kong ngiti. At ng humarap ito ay parang nakakita ng multo,parang nataranta.

"B-bakit?" ang nauutal nitong sabi. Napangiti ako. Ang cute nya,lalo tuloy tumambol ang puso ko.

"Ikaw yung sa Tv diba? Yung waiter na sinapak ni Flexter Tuazon?" ang agad kong sabi para mas makasiguro pa. Iba ang pakiramdam na kaharap ko na sya. Parang nabibingi ako sa tibok ng puso ko.

"H-hindi ako yon! Nagkakamali ka" ang taranta nyang sabi na ikinangiti ko. Aalis na sana sya pero hinarangan ko sya,gusto ko pa syang makausap.

"Hahahaha! Ang cute mong mataranta at ang cute ng mukha mo! Tama nga kutob ko sayo ng makita kita sa Tv,kaya ka siguro sinapak ni Flexter" Ang nakangiti kong sabi. Kahit na sa loob ko ay naiinis ako kay Flexter.

"Hindi nga ako yon! Sikaran taka dyan! Daplin na! Mu agi ko!" ang agad nyang depensa na ikinatawa ko,bisaya pala sya? Ang cute talaga.

"Hahaha! Bisaya ka pala? Basta ikaw yun cute! O sige na! See you soon!" ang sabi ko na lang at umalis na. Nakita ko kasing papalapit na si Cross at ang sama ng tingin nya sa akin. Siguro gusto din nya si Khalil? Ibig sabihin may karibal na pala agad ako.

At mula ng araw na iyon,tinanggap ko na sa sarili ko na nagmamahal na nga ako,na nagmamahal na ako ng kapwa ko lalaki. It doesn't really bothered me,gusto ko yung nararamdaman ko.

Isang beses,dahil sa kagustuhan kong mapalapit kay Khalil ay nakiusap ako kay Tita Emi na magtatrabaho din ako sa shop,at dun na din ako titira kina Khalil.

"Binabalaan kita Crayon. Dalawa ang makakabangga mo,si Cross at Flexter." ang sabi ni Tita Emi.

"Edi may the best man win! Sila lang ba may karapatang magmahal kay Khalil?" ang seryoso ko pang sagot noon. Pero nagkamali ako,kalbaryo ang inabot ko.

Malinaw pa sa mineral water na wala akong lugar sa puso ni Khalil. Masakit,araw araw akong nasasaktan,pero nagpakamanhid ako,kahit hindi na nya masuklian ang pagmamahal ko ay ayos lang,basta nandito lang ako palagi para sa kanya.

At ng dumating ang araw na nabigo si Khalil kay Flexter ay gusto ko ng pumatay ng tao. Bakit hindi? May pagkakataon na sana ako,ngunit si Cross naman ang nakakuha ng pagkakataon na iyon,muli akong nagparaya,hindi ko tatraydurin si Cross.

Biglang nawala sina Cross at Khalil. Malakas ang hinala ko na pumunta sila ng Cebu. Kaya agad akong sumunod,kaso nagkasabay kami sa airport ni Flexter.

Nang makarating sa Cebu ay dun mas tumindi ang pagmamahal ko kay Khalil,halos kaming dalawa ang magkasama,nawili din ako sa dalawa nyang kapatid,lalo na sa mga magulang nyang itinuring kaming mga parang totoong anak.

Umalis si Flexter at Cross,ngunit ako hindi. Hindi ko kayang iwanan si Khalil sa ganong kalagayan. Ginawa ko ang lahat para sumaya sya kahit papaano. Alam ko ang kabiguang nararamdaman nya kay Flexter at Cross,dahil ang kabiguang iyon ang araw araw kong nararamdaman.

"Sigurado ba kayo dyan?" ang diskumpyado kong tanong sa mga mokong. Nandito ako sa ospital,nakaratay at hindi mapakali dahil alam kong naghihirap si Khalil,alam kong nabulag sya sa aksidenteng iyon. Mabuti na lang talaga at naalimpungatan ako nung gabing tumakas sya.

"Oo. Napansin kasi naming,parang hindi naman wagas ang naramdaman nya kina Cross at Flexter. Alam naming ikaw ang mahal nya,kaya palalabasin natin ang pagmamahala nyang iyon." ang sabi ni Tita Emi.

Napangiti ako. Ang isiping mahal din ako ni Khalil ang nag uudyok sa akin para magpatuloy lumaban.

"Pero bakit kailangang patayin nyo ako sa paniniwala nya?" ang tanong ko po din.

"Gusto mo bang makatuluyan si Khalil o hindi?" ani Jaii.

"Oo naman! Pero paano si Cross?" ang nag aalangan kong sabi. Alam ko kasi kung gaano kamahal nito si Khalil.

"Huwag mo syang intindihin. Idea nya ito. Mag uusap din kayo pag magaling ka na. Sa ngayon pabayaan natin syang magbantay kay Khalil. Pagkatapos ng operasyon,magsisimula ulit tayong lahat." ang mahabang sabi ni kuya Aya. Ngumiti na lamang ako. Sana nga ako talaga ang mahal ni Khalil,sana nga.

Katatapos lang daw ng operasyon ni Khalil at nagpapahinga ito. Gusto ko syang puntahan pero hindi ako pinayagan ng mga impakto,ikinulong nila ako dito sa bahay.

"Kahit sino o ano pa man ang mahal mo anak,susuportahan ka namin,yon ang gusto namin,ang lumigaya ka." ang sabi ni Dad habang nagpapahangin kami dito sa Lanai.

"Okay sa akin si Khalil. I want to meet him and his family pagkatapos ng plano nyo." nakangising sabi ni Mama.

"Kung ako talaga ang mahal nya matutupad yang gusto nyo." ang sagot ko naman. Hindi na ako makapag hintay na dumating ang araw na muli kaming maghaharap ni Khalil. Sobrang nananabik na ako sa kanya. Gusto ko syang yakapin at halikan.

"Nandyan na si Cross,dun muna kami ng Mom mo sa loob." ani Dad at sabay silang pumasok sa loob ng bahay.

"I want to clear things to you Crayon." ang panimula ni Cross ng makaupo na sya. Inihanda ko na ang sarili ko. "Alam nyong lahat kung gaano ko kamahal si Khalil. Mahal ko sya kaya pinapalaya ko sya." dagdag nya.

"Pero hindi tayo nakakasigurado na ako talaga ang mahal nya kuya." ang sabi ko naman.

"Sigurado na kami. Kitang kita naman. Gusto kong magpakasaya kayo. Paligayahin mo sya. Hindi ko na kekwestyunin ang pagmamahal mo sa kanya dahil naging saksi naman ako. Pero sa oras na saktan mo sya,pag umiyak sya,babawiin ko sya sa iyo and you wont get him back!" ang mahaba nyang sabi. Nginitian ko sya,humahanga ako sa katapangan nya na magparaya,alam ko ang pakiramdam ng nagpaparaya.

"Salamat kuya. Salamat at inintindi nyo ako. Masaya ako na kayo ang naging kaibigan ko,maraming salamat talaga. Pero hindi ko mapapangako na hindi sya iiyak,pero ang pag iyak nyang iyon ay hindi dahil nasaktan sya,kundi dahil sa sobrang kaligayahan." ang sagot ko naman. Ngumiti si kuya Cross at nagkamay kami. Usapang lalaki sa lalaki.

"Tulala? Aba! Malapit na tayo mag take." ang biglang pagtapik sa akin ni Janna na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Wala naman. Inaalala ko lang ang mga pinagdaanan namin ni Khalil. Nasan nga pala asawa mo?" ang sagot ko naman. Nandito kami para sa final taping. Ang huling eksena sa pelikula. Natuloy ito makalipas ng ilang buwan at binago ang pamagat.

"Sus! Ang isipin mo,yung ngayon at ang future. Anyway,nandun si Flexter kausap ni Direk. Eh si Khalil nasan? Hay! Akalain nyo yon? Kayo ang ginawang bida dito sa movie. Nakakainggit." ang sabi pa ni Janna at humalukipkip kaya natawa ako.

"Okay lang yon. Ilang pelikula na naman na naging bida kayo ni Flexter eh. Ang Khalil ko? Wala pa nga,yon din ang iniisip ko,baka kung ano ng ginawa ni Tita Emi dun." ang sagot ko naman at napa pout. Grabe kasi yon si Tita Emi,nag ala manager namin ni Khalil,pero parang lugi ako dahil si Khalil ang lagi nyang pinapaburan.

"Malapit ng mag take! Nasan si Khalil!" ang sigaw ng direktor namin. Nagkatinginan tuloy kami ni Janna.

"Kami na kakausap ni Flexter kay Direk. Tawagan muna si Khalil." ani Janna,tumayo at lumapit kina Direk at Flexter.

Agad akong tumayo,lumayo saka kinuha sa bulsa ang cellphone ko at tinawagan ang aking pinakamamahal.

"Nasan ka na?" ang nag aalala kong tanong ng sagutin nito ang tawag.

"Nasa puso mo." ang sagot nya. Yung inis at pag aalala ko ay biglang natunaw. Napangiti ako at kinilig. He really never fails to make me feel this way. Araw-araw nya akong pinapatawa,pinapasaya at pinapakilig.

"Kinilig ako." ang sabi ko agad. Pakiramdam ko ang ngiti ko umabot na sa tenga sa sobrang pagkakilig.

"Haha! Halata nga eh. Kitang kita ko kung paano ngumiti ang mga mata mo,ang mga dimples mo."

"Teka! Nasan ka ba talaga? Hinahighblood na si Direk."

"Uyy,umiiwas. Lingon ka sa likod mo."

Pinatay ko agad ang cellphone at humarap sa likuran. And then I saw him. My everything,my life,my love.

"Mahal na mahal kita. Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin nila,ang mahalaga sa akin,ikaw ang nagpapasaya sa akin,ikaw ang nagpapaligaya sa akin. At ikaw ang nagpapatibok nito." ani ko,kinuha ko ang kamay nya at inilapat sa aking dibdib,sa tapat ng aking puso,na tuwing kasama ko sya. Nagtitigan kami,titigang punung puno ng pagmamahalan.

"Mahal na mahal din kita. At kahit huli na ng marealize ko ito ay inilaban ko pa din." hinawakan nya ang kamay kong nakahawak sa kamay nya,dinala nya sa kanyang dibdib. "At itong puso ko,tanging pangalan mo lamang ang isinisigaw. Paulit ulit,nakakabingi ngunit hindi nakakasawa." ang dagdag pa nya.

"Matagal kong itinago ang damdamin ko. Matagal kitang pinangarap. Pangarap ko'y ikaw Khalil. At ngayong kapiling na kita,hinding hindi na kita papakawalan pa." ani ko at siniil ko ang labi nya. Ang labi nyang walang kasing tamis,ang labi na noon ay pinapangarap ko lang na mahagkan.

"Khalil? Wait! Cut! Cut! Hindi Khalil ang pangalan niya sa pelikulang ito! Cut! Cut!" dinig kong sigaw ni Direk,ngunit patuloy naming pinagsaluhan ang halik ng aming pagmamahalan ni Khalil.

"Pangarap Ko'y ikaw Khalil,mula noon,hanggang ngayon." sabi ko ulit ng maghiwalay ang mga labi namin. Nakikita ko sa mga mata ni Khalil kung gaano nya din ako kamahal. At muli,inangkin ko ang labi nya.

"My gaaawwwddd! Cuuuuttt!!!"

---

WAKAS :)

Continue Reading

You'll Also Like

720K 11.9K 41
I won't give up easily
6.7K 242 18
Paano maging Bakla? Ito ang tanong ni Jared sa sarili, dahil sa isang pangyayari na nagpabago sa kanyang pagkalalaki.
161K 5.5K 60
"Would you ever forget?" Si Klair ay isang gay ngunit mahiyain. Wala siyang pakialam sa mundo, at alam din niyang wala ring pakialam ang mundo sa kan...
75.2K 2.6K 59
Book Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.