HELP ME GIRLALOO | Jimin

By dontkillmejeon

4.9K 177 126

"Gabi, kailangan ko ng tulong mo." "Ano ba yun?" "Kilala mo ba si Jeon Jungkook" "Ah yung may malaking... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
FINAL
고마워요 ❤

Chapter 13

122 8 0
By dontkillmejeon

"Kung bakla lang ako magkakagusto na ko rito eh! Diba Jungkook?"

Nagulat ako sa tanong ni Kim Taehyung. Fck sht Kim Taehyung. Anong klaseng tanong yan?! Bakit mo kailangang itanong yan! Di mo ba talaga alam ang nangyayari? Oo di niya alam kasi wala nga siya. Nagkasakit siya. Wala siyang kamuwang-muwang sa nangyayari.

Napatingin ako kay Jimin na inaantay ang sagot ni Jungkook. Napatingin din tuloy ako kay Jungkook. Napalunok ako. Ano sasabihin niya? Aaminin na ba niya? Sht!

"Ah----"

KRIIIING.

Biglang nagbell. Nagbell... Oo nagbell... Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa bell. "Hala bell na! Sht! May isusubmit pa pala ako! Oh my gaaaahdd! Sige bye muna!! Nice meeting you Gabi!!!" Nauna nang pumasok si Taehyung sa loob ng building habang nagsisitakbo papuntang staff room.

Naiwan ako, si Jungkook at si Jimin. Bale ang awkward lang naman. "Ah sige, ako rin papasok na rin." Sabi ni Jungkook. Nasa loob na siya ng building nang bigla siyang pinigilan ni Jimin. "Jungkook,"

"Yeah?" Tanong ni Jungkook sabay harap sa'min. Nanlaki ang mata ko. Bakit mo siya tinawag Jimin? Gusto mo ba talaga malaman ang sagot niya? Huwag mo nang alamin...please. Teka bakit ba ayaw ko? Ano ba Gabi! Hayaan mo na sila! Kung aaminin na ni Jungkook edi umamin siya!

"Ah...wala wala..."

"Ah? Hahaha okay" At dumiretso na sa loob si Jungkook. Nakita ko ang mukha ni Jimin. Hindi ko mabasa mukha niya. Hindi ko alam kung nalulungkot ba siya? Nagseselos? Nanghihinayang o ano? Naka straight face lang siya.

"Huy, pasok na rin tayo." Sabi ko sabay palo sa braso niyang batak. Oh sht man.

"Ah...oo..." At sumunod siya sa'kin.

---

"Margaaaaa Tulong!!!" Pag-ungol ko. Pumunta ako sa desk ni Marga na kumakain ng payapa.

"Wala akong pera." Pagsagot niya. Wow ah wala pa nga akong sinasabi! Grabe siya ah! Kapag ba hihingi ako ng tulong pera agad hinihingi ko? Ay anong klase tong kaibigan!

"Grabe ka! Manghihingi lang ako ng pagkain!" Dumukot ako ng isang hibla ng pasta na kinakain niya. Ever since talaga healthy living tong babaeng to. Biruin mo yun pasta with fresh tomato sauce? Wow... Gayahin ko kaya siya? Diet na rin kaya ako? Eh wag na katamad.

"Hoy Gabi! Kadiri ka! Gumamit ka nga ng tinidor! Pati binigyan ba kita? Hay! Sabi na eh kaya dapat di ako nagpapakita sa'yo pag kumakain ako!" Di ko naman po kasi kasalanan na palaging masarap baon niya noh! Nakakatakam kaya!

Kinuha ko yung upuan na nasa tabi niya at inilapit sa desk niya. Kumuha ulit ako ng isang hibla. Bigla naman niyang pinalo kamay ko. "Ano ba! So unsanitary! Ew!" Wow arte nito ah! Ewew-an ko mukha mo.

"Edi paheram na lang ng tinidor!"

"Yoko nga! *LC ako!" At inilayo niya sa'kin yung pagkain niya. Aghh! Ang damot talaga nito! "Kung gutom ka, magpalibre ka na lang sa boyfriend mong bakla!"

"Gaga!" Pinatong ko na lang tuloy yung ulo ko sa desk niya habang pinapanood ko siyang kumakain. Ayokong bumili ngayon, nag-iipon ako. May baon ako, pero panglunch ko na yun. Ayokong magpalibre kay Jimin, kotang-kota na ako. Marunong din naman akong mahiya noh!

"Bakit ka ba nandito? Bumalik ka na nga dun sa table mo!"

"Grabe ka! Masama bang puntahan kaibigan ko? Grabe tinataboy mo ko..." Umupo ako ng maayos at nagcrossed legs habang naka crossed arms. Lol ano daw. Basta ayun. Gets mo na yun.

"Kataboy-ka naman kasi talaga!" Kaibigan ko ba talaga to? Mukhang hindi. Witch to! Witccccchhhhhhh.

"Ano ba! Huwag mo naman akong itaboy may problema ako."

"Ano nanaman yan?" Napabuntong hininga ako at sumandal sa upuan.

"Nahihirapan na ako Marga...Di ko na alam gagawin ko... Misyon kong mapunta si Jungkook kay Jimin, pero ngayong malapit na, parang gusto ko naman silang ipaglayo..." Napatigil sa pagkain si Marga. Tinignan niya akong mabuti. "Gabi...Huwag mong sabihing nafafall ka kay Jimin?"

Nafafall? Kay Jimin? Ako? Dun sa bayot? HAHHAHAHHAHAHAHHA.

Oo nga.

Baka nga.

Oo eto nga yun feeling na pagnafafall ka. Leche kasi yang Jimin na yan eh. Di ko mawarian kung bakla ba talaga. Ampogi pogi. Ambait bait. Tapos pag naglalandian kami pinapakilig ako ng todo! Pero...agh leche lalaki rin hanap.

Umoo ako sabay pasimpleng dukot ng isang hibla ng pasta, pero bago pa ako makadukot, inilayo agad ni Marga yung baunan niya. "Ewan ko sa'yo Gabi! Lagi ka na lang ganyan! Nung isang buwan lang, sabi mo parang nafafall ka na rin dun sa customer mo...sino yun si...Seok.."

"Seokjin."

"Oo yun si Jin! Yung bakla rin! Tapos bago yun yung na fall ka sa mas bata sa'tin? Sino ulit yun? Si... Mako? Ma.."

"Mark."

"Oo yun! Tas may isa pa yung savage na tae na mapapa-"burn baby burn" ka na lang? Si..."

"Jinyoung."

"Yeah, tas may isa pa eh...yung new student. Yung batang may brace. Sabi mo pa nga pogi points niya yun...yung si..."

"Sanha."

"Yeah! Tas wait may isa pa yung rapper na singkit?"

"Si Bobby."

"Oo! Oo! Yun! Tas! Yung ano! Yung akala natin bakla pero di pala! Si ano yung Beak...Beak..Bae...Bae"

"Baekhyun."

"Oo! Korak! Tapos may isa pa yung may girlfriend na weightlifter?! Tas yung bestfriend niya gusto mo rin shotain? Si...Si Joohyuk---"

"SIGE NA ISA ISAHIN MO PA."

"Wait! May isa pa! Si Bogum! Tama diba? Bogum yun? Park Bogum ba----"

"OO NA TAMA NA. ALAM KO NA. ALAM NA ALAM KO NA!"

"Hahaha ang dami mo palang boylets. Ni isa walang napunta sa'yo. Kawawa ka naman" Sinubo niya yung last na hibla ng pasta at nginuya. Edi wow. Ingudngud ko kaya sa kaniya baunan niya. Grr.

"Tss ewan ko sa'yo."

"Itigil mo na nga kasi yang 'sideline' mo. Ikaw lang nahihirapan diyan eh!"

"Oo alam ko mahirap makipagtalo sa emosyon pero naoovercome ko na naman eh."

"Oo nga. Pero mahirap. Hirap kang mag-overcome! Kaya dalian mo na diyan sa kaso ni Jimin, kasi pagnagtagal pa yan, mas mahihirapan kang maka-move on."

"Oo na sige na." Tumayo ako binalik ko na yung upuan na inupuan ko sa tamang desk. Paalis na sana ako pero bigla akong lumuhod sa harapan ni Marga. "Pero Marga, iba tong nararamdaman ko kay Jimin! Like...iba talaga...compared dun sa ibang nahawakan kong case? Sobrang iba...parang di lang ata to basta crush... Parang love na ata to...!!!"

"Ewan ko sa'yo! Impatsyo lang yan! Lagi mo na lang yan sinasabi. 'Marga iba talaga tong kay Jin. Kahit bakla siya parang tanggap ko siya.' 'Marga iba talaga tong kay Mark kahit may syota na siya kasi ablahlblahblah' Pareho pareho lang sinasabi mo bawat kasong hinawakan mo!"

"Eh pero Marga! Legit na iba na talaga to!"

"Tapusin mo na yan Gabi, ikaw lang din mahihirapan. Isa pa, bakla si Jimin. BAKLA. Kailangan ko pa bang ispell? B.A.K.L.A. Hindi ikaw gusto nun! Si Jeon Jungkook!" Sige ipamukha mo pa sa'kin! Masakit po ang katotohanan. Sobrang sakit. Tagos buto!

"Pero—" Di ko na natuloy pag-angal ko kasi biglang nagvibrate ang phone ko.

Jimin: Gabi! Nasaaan ka? Huhuhu! Naoop na ako sa Taekook. Yung puso ko...di ko kaya...naiiyak na ako. I need you gurrrr!

Wala pang isang segundo, napatayo ako at umalis. "O, san ka pupunta?" Tanong sa'kin ni Marga.

"Kay Jimin." Bago ako makalabas ng classroom binalaan ako ni Marga, "Hoy Gabi, tandaan mo, tapusin mo na yan. Pag ikaw nasaktan. Huwag kang iiyak-iyak sa harapan ko."

---

*LC : Laway conscious(incase u dont know but ofc u know it na)

Continue Reading

You'll Also Like

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
115K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
43.7K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]