Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy)...

Od YorTzekai

560K 13.7K 1.2K

BOYXBOY YAOI BROMANCE - Si Khalil Pantoja ay isang probinsyano,nakatira sa isang probinsya sa north cebu,ang... Více

Pangarap Ko'y Ikaw
01. Khalil > The good gay :)
02. Sad Goodbye >
03. The Housemates >
04. The Boys! One by one >
05. Movie & Jai > First day!
06. Instant Sikat! >
07. Crayon the new guy! And the offer!
08. Desisyon!
09. Bagong bahay! Bagong tukso!
10. First day with Flexter!
11. First time with Cross!
12. Gabi ng Kilig!
13. Paghaharap : Pag amin!
14. Ulan! Halik! Desisyon!
15. Sweet Escape!
16. Cant fight this feeling.
17. Labad sa ulo!
18. Plaza Independencia!
19. Undecided : Unexpected!
20. Pagbabalik sa maynila!
21. MAGKABILANG MUNDO a collab with ElixirJohn!
22. ANG LALAKI SA DAGAT a collab with @agentbreak
23. Pagtalikod!
25. Two become One!
26. Ang muling pagkikita!
27. Unexpected event
28. Dilemma : Pagsisisi
29. PRE FINALE: Forgiveness and Letting Go!
30. WAKAS: Pangarap ko'y Ikaw
EPILOGUE

24. Cross my heart!

12.9K 329 27
Od YorTzekai

"Cross!" ang gulat kong sabi at nag rigodon na naman ang puso ko. Sa sobrang pagkasabik ko sa kanya ay niyakap ko sya. Lahat ng sama ng loob ko sa kanya at mga iniisip ko ay biglang naglaho. Hindi ko na din napigilan ang maiyak. "Bakit mo ako iniwan? Iniwan na ako ni Flexter,akala ko mahal nya ako,pero hindi pala."

"Sshhh..." ang pagyakap din nya sa akin. "Hindi ako umalis para iwan ka. Umalis ako dahil may gusto akong siguraduhin,at may mga bagay akong inayos." aniya habang hinihimas ang likod.

"Patawarin mo ako kung naguluhan ako. Kasi hindi ko pa alam kung sino ang dapat. Pero ngayon alam ko na. Naisip ko kasi na hindi naman porket naipakita at naiparamdam na sa akin ni Flexter ang pagmamahal nya ay tatagal iyon,hindi pala,hindi sapat ang pagmamahal nya,inilaban ko sya kasi akala ko ilalaban nya din ako hanggang ngayon,pero hindi." ang umiiyak at mahaba kong sabi. Mabuti na yong masabi ko na lahat.

Humiwalay ng yakap si Frost at nakipagtitigan sa akin. Ngayon ay lumaban ako ng pakikipagtitigan,hindi gaya dati na una akong nagbabawi ng tingin.

"Gusto kong sagutin mo ang itatanong ko. Yung totoo at galing sa puso." aniya. Tumango lamang ako bilang pag sagot. "Narealize mo bang mahal mo ako talaga dahil iyon ang nararamdaman mo o dahil hindi ka na mahal ni Flexter?" mabigat ang tingin nya,seryoso at naghihintay ng totoong sagot.

"Mahal kita Cross,pero maging ako ay nagduda sa sarili ko,pero gusto ko itong patunayan,gusto kong magsimula ulit tayo,yung mas kikilalanin natin ang isa't isa. Hindi maganda ang pagmamadali." ang sagot ko habang nakatitig pa din sa kanya.

"Kung ganon ang gusto mo. Sige,magsimula uli tayo." aniya at ngumiti. Nakakagaan talaga ng loob ang ngiti nya at saka pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

"Reunion? Together again?" boses iyon ni Crayon kaya nilingon namin. Nakangiti sya but I can see the pain in his eyes.

Haay sana lang makahanap na sya ng para sa kanya. Ilang beses ko na syang nasasaktan ng hindi sinasadya.

"Nandyan ka na pala. Nasan sila?" ang sabi ni Cross.

"Padating na,nauna kasi ako,akala ko kasi wala pang kasama si Khalil." ang sagot ni Crayon at naglakad na papunta sa sala.

Tahimik kaming sumunod ni Cross sa kanya. Pagdating namin sa sala ay bukas ang tv at iniinterview sina Flexter at Janna.

"So kamusta naman ang upcoming movie nyo?" ani ng nag iinterview.

"Hindi pa namin alam ang title,pero nabasa na namin ang script at kakaiba ito." nakangiting sagot ni Janna. Ang galing talaga nyang umarte.

"At saka ang pagiging kakaiba nya ay talagang pag uusapan. Baka next month mag shooting na kami." ang sagot naman ni Flexter. Kita ko pa kung paano ako tingnan nina Cross at Crayon.

"Paanong kakaiba? Binigyan na ba kayo ng rights na magbigay ng clue?"

"Its a quadruple love a story at may gay na bida." sagot ni Flexter. Parang alam ko na ang magiging kasunod na tanong kaya tiningnan ko si Crayon. Nagets naman nya at inilipat ang channel.

"He's back where he truly belongs." ang komento ni Cross. "Dyan lang kayo,magbibihis ako." dagdag nya at naglakad na paakyat sa hagdan.

"Alam ba niya?" ang bulong ni Crayon sa akin. At dun ko lang narealize na hindi ko pa nga nasasabi. Magagalit ba si Cross pag nalaman nya? Sasagot na sana ako ng biglang lumingon si Cross.

"Magbihis na kayo at pakisabi sa kanila pag dumating,magbihis din. Mamamasyal tayo,treat ko." at tuluyan na itong umakyat. Muli kaming nagkatinginan ni Crayon.

"Manlilibre dahil bumalik ka na. Sige na magbibihis na din ako at magbihis ka na."

"Sige." sabi ko lang tapos umakyat na din ako sa kwarto ko,pero hindi pa din ako mapakali kasi pano pag nalaman nyang papasok ako sa showbiz,iisipin nya na para kay Flexter yon.

Kailan ba ako mauubusan ng problema? Nako naman.

Nagpunta kami sa isang amusement park. Hindi ko maipaliwanag yung saya ko. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar. Madami pa talaga akong hindi napupuntahan at nakikita.

Kumakain na kami ng mag ring ang cellphone ko. Pagtingin ko unregistered number,nakatingin sila lahat sa akin. Pero sinagot ko pa din.

"Hello? Sino po ito?"

"Si Khalil ba ito? This is Gilbert." sagot nito na ikinagulat ko.

"Sir Gilbert! Napatawag po kayo?" at lahat sila tumingin sakin,tinitigan ko naman si Crayon.

"Gusto ko lang ipaalam sa inyo ni Crayon na tuloy yung movie,mag start ang workshop nyo next week. But this saturday contract signing kasama ng ibang cast."

"Ganon po ba?" ang kinakabahan kong sabi. Iba na kasi ang tingin ni Cross,nagtatanong pero nakakatakot.

"Yon lang. Aasahan ko kayo ni Crayon. Bye." at naputol na ang tawag.

"Sino yon?" ang halos sabay sabay na tanong nina Jai,Aya,Japhet at Cross.

"Si sir Gilbert." sagot ko at napatingin ulit kay Crayon.

"Kanina pa kayo nagtitinginan ni Crayon. May dapat ba kaming malaman?" seryosong ani ni Cross.

"Sa bahay na lang namin sasabihin mga tol." sagot ni Crayon.

"Siguraduhin nyo lang na okay yan." sabi naman ni Japhet.

"Mamaya na yan,ituloy muna natin ang pagkain at pagsasaya." pagsingit ni Aya at tiningnan ako.

"Tama! Magsaya na lang tayo! Woohh!" pagsingit din ni Jaii.

Kaya ang nangyari ay nagsaya na nga lang kami. Tutal ngayon lang kami nakapag bonding ng ganito,ngayon lang kami nakumpleto.

Pauwi na kami ng may tumawag kay Crayon.

"Si auntie Emi. Saglit kakausapin ko lang." aniya at lumayo kaya hinintay namin sya.

"Nililigawan ka din ba ni Crayon? May dapat ba akong ikaselos?" ang bulong ni Cross na hindi ko man lang namalayang nakalapit na.

"Huh? Hindi no. Alam naman natin lahat na ako tataluhin ni Crayon,at hindi mo sya dapat pagselosan." ang sagot ko naman at tiningnan si Crayon na busy sa kausap sa cellphone.

"Make sure of that. Ngayong binigyan mo na ako ng karapatan,hindi mo dapat ako pinagseselos,dahil matagal na akong nagtiis sa pagseselos sa inyo ni Flexter. Sisiguraduhin kong akin ka lang." mahaba nyang sabi. Napatingin ako sa mga mata nya na nagpapakita kung gaano katotoo ang sinasabi at nararamdaman nya.

"Oo naman." maikli kong sagot,nakita kong palapit na si Crayon sa amin.

"Good. Mag uusap tayong dalawa mamaya." ani Cross at bumaling na din kay Crayon na nakalapit na.

"Anong sabi ni Emi?" ang agad na usisa ni Japhet.

"Kung pwede ba daw na mag sleep over sa kanya si Khalil,namiss daw nya,girl bonding." sagot ni Crayon.

"Payag ako,basta kasama ako." ang sabi ni Cross na ikinanganga ko.

"Huwag kang KJ,Cross! Girl bonding yon." sita ni Japhet dito.

"Ipahiram naman natin si Khalil kay ate Emi,kuya." dagdag pa ni Jaii.

"Sang ayon ako sa kanila. Pabayaan natin silang magbonding." pahabol ni Aya. Napapangiti na lang ako dahil hindi na maipinta ang mukha ni Cross,kinikilig tuloy ako.

"Okay! Panalo na kayo! Sige mauna na kayo at ako maghahatid kay Khalil kina Emi." ani Cross at hinila ako papunta sa motor nya.

"Ang daya mo!!" sigaw ni Crayon na napakamot pa sa ulo.

"Mag uusap pa tayo Crayon! May sasabihin ka pa sa amin kaya huwag mo akong sigawan!" ani Cross at sinuot na namin ang helmet at pinaandar na ang motor palayo sa apat.

Ramdam ko yung lamig ng hangin dahil gabi na. Mas hinigpitan ko pa ang yakap kay Cross. Gusto ko kasi yung init ng katawan nya.

Tahimik kami sa byahe,hindi kami nakapag usap dahil pareho nga kaming naka helmet. Kaya pagdating kina Emi ay agad syang nagsalita hindi pa man ako nakakababa sa motor.

"Pag uwi mo na lang tayo mag usap. Enjoy your night with Emi. Gusto ko sana ngayon eh."

"Promise pag uwi ko,mag uusap tayo." nakangiti kong sabi at bumaba na. Iniabot ko sa kanya ang helmet at tinanggap naman nya ito.

"Talaga lang ah? Baka hindi?" sabi nya na parang nanunubok.

"Oo nga promise! Cross my heart!" natatawa ko ng sabi. Gusto ko ang nakikita ko kay Cross,pero namimiss ko din ang pagka badboy nya.

"Naniniwala na ako. Sige na! Alis na ako,nandyan na si Emi." at nahalikan nya ako sa pisngi ng ganon kabilis,kaya kahit naka alis na sya ay malakas pa din kabog ng dibdib ko at tulala pa din ako.

"Alam kong patay na patay sayo si Cross,pero hindi ko alam na ganyan sya ka sweet ah? Infairness,ang cute nyo together! I just cant believe na sa isa't isa kayo babagsak." mahabang sabi ni Emi na nasa tabi ko na pala.

"Huh? Uhm..Ano kasi--"

"Sus! Kinikilig ka na eh! Ikaw talaga! Nag improve ka na." pagputol sa akin ni Emi sabay siko.

"Aray!"

"Ay! Sorry,tara na sa loob. Madami kang dapat ichika! My god,namiss kita Khalil!" aniya at niyakap ako.

"Namiss din kita." ang sagot ko at mahigpit syang niyakap. Pagkatapos ay pumasok na kami sa napakalaki nyang bahay. Direderetso kami hanggang sa kwarto nya na may mga nakahanda na agad na junkfoods at softdrinks.

"No hard drinks tayo. Lets just pretend na high school tayo." ani Emi na ang sigla pa din,samantalang ako ay pagod na.

"Ganito ba pag high school? Hindi ko ito naranasan sa Calamboa dati." ang sagot ko at umupo na din sa carpet.

"Ganon? Pwes,ipaparanas ko sayo ngayon." nakangiti nyang sabi. "Ganito,magtatanong ako at sasagutin mo? Huwag kang mahiya,diba nga ate mo na ako? I just want to know kung anong mga nangyare nung hindi na tayo nagkikita." dagdag pa nya at nagbukas na ng junkfood,inabutan din nya ako ng softdrink.

"Sige. Gusto ko din naman may mapagkwentuhan." ang pag sang ayon ko. Kaya ganon nga,ang bawat tanong nya ay tapat kong sinasagot at sinasamahan ko pa ng kwento.

"Grabe! Wala akong masabi Khalil! Dinaig mo pa ang babae. Talbog sila lahat sayo. Haay! Sana lang happy ending." manghang komento ni Emi matapos akong magkwento.

"Hindi naman. Pero sana nga happy ending." ang sabi ko naman.

"Magiging happy yan kung mas magpapakatotoo ka. Pangit ang may nililihim." ang biglang nagseryosong sabi ni Emi kaya natigilan ako sa pag nguya.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" ang taka kong tanong.

"Pamangkin ko si Crayon,sobrang close kami nun diba? Lahat sinabi nya sa akin,pati ang pag a-artista nyong dalawa." wika ni Emi na ikinayuko ko. Parang bigla ako nakonsensya dahil sa paglilihim ko.

"Pasensya na,hindi ko naman ginustong maglihim. Nagkataon lang talaga."

"Its okay,pero ang tanong,kailan mo sasabihin? At itutuloy nyo ba? Kasi,you see masasaktan si Cross,iisipin nyang niloko mo sya at si Flexter pa din ang mahal mo dahil nag artista ka,parang hinahabol mo sya sa mundo nya at unfair iyon kay Cross." litanya ni Emi na talagang nakapag patigil sa akin,para akong batang pinapagalitan,nahihiya ako.

"Sasabihin ko din sa kanya ate Emi." ang tangi ko lang na nasabi.

"Sige. Pero ang tanong. Sino talaga ang mahal mo? Si Cross o si Flexter? Yung totoo."

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

53.4K 2.3K 16
Kahit Hindi Mo Ako Mahalin A boys' love story. Written by: mikzylove Dahil sa malaking kasalanang nagawa ni Shane kay Ravi ay kinailangan niyang pagb...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
304K 12.3K 43
Highest Ranked: #1 boyxboy #2 androgynous #8 bl Ako ay simpleng bakla na laging napapagkamalang babae dahil sa angkin kong kagandahan, ako ay college...
180K 5.5K 24
Kwento ng isang Beki na masiyahin,matapang,palaban na dumanas ng iba't ibang dagok ng tadhana,sa isang tulad nya,makatagpo kaya sya ng pag-ibig? Pano...