The Weird Commoner Is A Secre...

By MmissLucy

57.9K 2.4K 576

Siya si ZAM YUIN. Isang babae hinahangaan at iniidolo nang karamihan sa kanyang kagandahan at katalinuhan. Hi... More

THE WEIRD COMMONER IS A SECRET AGENT
Prologue
Author's First Note
TWCIASA #1: New Member
TWCIASA #2 : Planning
TWCIASA #3: School Festival
TWCIASA #4: Identity
TWCIASA #5: Welcome Agent Yuin
TWCIASA #6: Livingston University
TWCIASA #7:Devil Artist
TWCIASA #8: MRank
TWCIASA #9: Kiano's Birthday
TWCIASA #10: Trap
TWCIASA #11: Attention
TWCIASA #12: Power of Livingston
TWCIASA #13: FRank
TWCIASA #14: The Owner
TWCIASA #15: Found her
TWCIASA #16: Partner
TWCIASA #17: Blue Slip
TWCIASA #18: Grayson University
TWCIASA #19: Uncle's daughter
TWCIASA #20: She's here
TWCIASA #21: Not feeling well
TWCIASA #22: Final Project
TWCIASA #23: The Truth
TWCIASA #24: Twin
TWCIASA #25: Prepairing
TWCIASA #26: Stoneheart
TWCIASA #27: Traditional Kill
TWCIASA #28: With Him
TWCIASA #29: Pretend
TWCIASA #30: He Knew
TWCIASA #31: To be mine
TWCIASA #32: Pangulasian Island
TWCIASA #33: Rival
TWCIASA #34: Motive
TWCIASA #35: Antagonist
TWCIASA #36: Target
TWCIASA #37: Her Fault
TWCIASA #38: Torture
TWCIASA #39: Mr. Knight in Shining Armor
TWCIASA #40: Use his Love
TWCIASA #41: Birthday Celebrant
TWCIASA #42: The Truth
TWCIASA #43: Blue Slip
TWCIASA #44: How to Survive
TWCIASA #45: He's back
TWCIASA #47: Anne
TWCIASA #48: I'm sorry
TWCIASA #49: She's mine
TWCIASA #50: Escape
TWCIASA #51: Kiss and Touch
TWCIASA #52: Freedom
TWCIASA #53: I'm your...
TWCIASA #54: New Life
TWCIASA #55: Hard
TWCIASA #56: Approved
TWCIASA #57: Owned
TWCIASA #58: Justice
TWCIASA #59: Forget
TWCIASA #60: Merging
TWCIASA #61: WHO?

TWCIASA #46: Fake News

531 27 17
By MmissLucy

TWCIASA #46: Fake News

Sorry kung matagal po akong nakakapag-update. I promise mag-uupdate ako ng mas maaga para hindi kayo mabitin agad.

P.s. Wag niyo pong aawayin ang mga characters ko dito. Lahat po ng ginagawa nila ay naaayon talaga sa tadhana. Wag niyo pong pangunahan ang takbo ng storya. Parang pagmamahal pinapangunahan mo na sasagutin ka agad niya (Hugot) Hahaha. Pero totoo po. Sana suportahan niyo pa rin! Salamat.

***

NAKAHIGA ako ngayon sa kama ko at nakatingin lamang sa kisame ko. Masyado kong iniisip ang mga pangyayaring naganap kanina.

'Bumalik na siya.'

Bakit pa nga ba siya bumalik?

Nang oras na iyon ay parang huminto ang pagpintig ng puso ko. Kitang kita ko ang pag-igting ng panga niya nang makitang ginagawa namin 'iyon'. Hindi ko alam kung bakit rin ako sumang-ayon sa gusto ni Kiano. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko. Ginusto ko yung nangyari. Pero hindi ginusto ng puso ko. At pakiramdam ko ay hindi tama.

Itinabon ko ang unan sa mukha ko. Kung pwede ko lang patayin ang sarili ko ngayon. Bakit ba ako nagkakaganito ng dumating lang siya? Yung nararamdaman ko sa kanya, kinalimutan ko na iyon.

Dapat ay gumagawa na ako ng plano. Sila ang dahilan kung bakit kami hindi naging masaya.

Wala kaming kinilalang ama at ina.

Dapat iyon lang ang nasa isip ko. Kung paano ako maghihiganti sa kanila. Hindi lang dahil ito ang misyon ko kung hindi dahil nakatadhana na ako ang kumalaban sa pamilya nila.

Napapikit ako. At sobra akong naiinis dahil pumapasok ang imahe niya sa mga mata ko at hindi siya maalis sa utak ko.

Mas naging mature siya. Tumangkad na sa tingin ko ay mas matangkad pa ito kay Kiano at humubog ng husto ang katawan. Lumalim ang boses niya.

'Dad wants to see you.'

At yung mga matang hindi mo makikitaan ng kahit ano. Mukhang siya yung tipo ng tao na kahit masaya, malungkot, o iiyak man ay walang reaksyon. Hindi mo mababasa kung ano ang nasa mga mata niya, nasa utak niya. Tanging mga galaw lang niya ang makakapagsabi nito. Ugh! I hate thinking of him!

Bakit ba siya ang palaging nasa utak ko? Kahit pumikit ako nakikita ko pa rin siya.

Aminin ko man o hindi, I really miss him. Gusto ko ulit na..yakapin niya ako ng mahigpit. At iparamdam na pwede kami. Na kaya ko siyang mahalin ulit. Pero... Parang panaginip lang yun lahat. Hindi mangyayari, hindi panaginip kung hindi bangungot.

Tumayo ako sa pagkakahiga. Hating gabi at hindi pa rin ako makatulog. Kinuha ko ang jacket na may hood ko at sinuot ko iyon. Lumabas muna ako para magpahangin.

Walang tao sa paligid.

Sana ganito na lang palagi, tahimik at walang inaalala. Payapa lang siguro ang lugar na ito paggabi. Pero mukhang nagkakamali lang siguro ako, kahit gabi ay mas panganib rin.

Pumunta ako sa field. At tiningala ko ang ulo ko, kitang kita ko ang magandang tanawin sa kalangitan. Maraming bituin ngayon. Ang alam ko hindi naman sila nawawala sa umaga nandiyan lang sila natatakpan lang. Parang sa tunay na buhay, maraming taong nandiyan para sa atin hindi lang talaga natin makita dahil mas ginugusto nating mapag-isa.

Naramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko. Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa lamig. Kahit nakajacket ako ay ramdam ko pa rin.

Saglit akong natulala sa kawalan. Naiisip ko na naman siya. Hindi siya mawala sa utak ko.

Paano na lang kaya kung hindi siya umalis ng mga panahon na iyon at nanatili siya sa tabi ko? At pinoprotektahan ako?

Sa tingin ko, hindi iyon mangyayari dahil tapos na. Maraming oras ang nasayang para sa aming dalawa. Pinikit ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko nandito lang siya, pakiramdam ko nasa tabi ko lang siya.

Iminulat ko ang mga mata ko. Napabuntong hininga na lang ako. Napatingin ako sa gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko. Pinikit pikit ko lang ang mga mata ko.

"W-W-What are you doing here?" Ang mga galaw niya ay kakaiba sa mga mata ko. Isang galaw lang niya ay parang sasabog ang puso ko.

"Hindi ba't ako ang dapat magsabi niyan sa iyo?" Pagbabalik ng tanong niya. Ang mga kamay niya ay nakasilid lang sa magkabilaang bulsa niya. Dahan dahan siya tumingin sa akin. Iyang mga mata niya, hindi mo mabasa.

"N-Nagpapahangin lang." Nahihiya kong sabi at napatungo.

Kaming dalawa lang ang nandito.

"You should go back to your unit." Malamig na sabi nito at tahimik na tumingin sa kawalan.

Ilang oras ang lumipas at wala man lang nagsasalita sa amin. Tanging mga alitaptap lang ang nag-iingay sa malalim na gabi.

"I will allow you to stay in the University. But if you plan to runaway, I kill you." Malamig na sabi nito. Nagtaasan ang mga balahibo sa sinabi niya. "You'll suffer first ." Dagdag nito. Parang may nabasag sa loob ko. Naramdaman ko ang yabag niyang aalis na pero...

"Are you still mad at me?" Halos pabulong na nasabi ko iyon. Naramdaman ko ang paghinto niya sa paglakad niya.

"Dapat alam mo na ang sagot dyan." Diretsong sabi nito.

'Yes. He's mad.'

"If you really want to live longer, Just make sure na walang magbubungang bata sa tiyan mo na galing sa pamilya namin." Parang unti unting dinudurog ang puso ko sa sinasabi niya. Hindi iyon matanggap ng sistema ko. Gusto ko siyang sampalin at sigawan na walang nangyari sa amin ni Kiano. Pero hindi ko magawang makasigaw dahil masyado akong nasasaktan at pati boses ko ay napiligilan kong magsalita.

"Huwag mo lang iaako sa mga kapatid ko ang responsibilidad na ikaw rin naman ang gumusto." Hindi ko na napigilan. Sinampal ko siya sa pisngi niya. Nararamdaman ko ang nagbabadyang luha na tumutulo sa gilig ng pisngi ko. Nagtiim ang panga niya sa ginagawa. Kita ko ang reaksyon ng mga mata niya.

'How dare him?!'

Wala siyang karapatan para magsalita ng ganoon sa akin. May pakiramdam pa rin ako. Nasasaktan pa rin ako. Ang laki ng pinagbago niya. Sobra. Hindi na siya yung dating Jawrence.

"Kung may magbubunga man, ako na mismo ang lalayo sa inyo. Kaya kong buhayin ang anak ko, kahit wala ang kapatid mo." Sabi ng bibig ko.

PINAMUKHA MO LANG SA KANYA NA MALANDI KANG BABAE, ZAM! Pano kung gusto ko na ikaw ang tatay? May magagawa ka ba Jawrence?! Tss!

"Siguraduhin mo lang dahil hindi ako magkakamaling patayin ka at yang batang dinadala mo ." Nanghihina ang tuhod ko. Naramdaman ko ang pag-alis niya. Napaluhod ako. Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa iyak. Lumalandas ang mga luha sa mata ko. Pinipigilan kong hindi na umiyak pero patuloy pa rin ang pag-agos nun sa mga mata ko.

'Siguraduhin mo lang na walang magbubungang bata sa tiyan mo na galing sa pamilya ko. Huwag mo lang iaako sa mga kapatid ko ang responsibilidad na ikaw rin naman ang gumusto.'

Parang sinasaksak ako ng paulit ulit.

Walanghiya siya!

Tumayo ako ng dahan dahan.

"SANA HINDI NA LANG KITA NAKILALA! SANA HINDI NA LANG KITA MINAHAL NG GANITO! GAGO KA! NAPAKALAKI MONG GAGO! WALA KANG KWENTA!" Sigaw ko sa kawalan. Malayo naman ang lugar na ito sa mga unit namin kaya hindi ako maririnig dito.

Ilang taon siyang nawala at ito ang ipapasalubong niya sa akin. Ngayon na nga lang nagmahal ng totoo, sablay pa. Tumingin ako sa langit.

"ITO BA YUNG KARMA NA BINIBIGAY MO SAKIN ????!!! ANG ILAYO SA AKIN ANG LALAKING PINAKAMAMAHAL KO?! SANA PINATAY MO NA LANG AKO!" Sigaw ko. Gusto kong ilabas lahat ang galit ko. Hanggang sa mapagod at maging manhid na ako at wala na akong maramdaman. Yung mawala yung nararamdaman ko sa kanya. Ilang taon na, mahal ko pa rin siya. Gusto ko na siyang kalimutan! Gusto ko ng makawala sa sakit na ito!

KINABUKASAN ay nakamulat pa rin ako. Hindi man lang naalis sa utak ko yung nangyari kagabi. Hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip. Pumasok na ako ng klase. Magdamag ding nakalutang ang utak ko.

"Ms. Amphere! Are you listening to me?" Napatalon ako sa upuan ko ng maranig kong sumigaw ang pinakaterror naming teacher. Napatayo ako bigla. Nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Y-Yes, Miss." Nahihiyang sagot ko.

"Get out!" Sigaw niya. Napatungo ako. Kinuha ko ang bag ko atsaka umalis na. Nagtatawanan pa yung mga kaklase ko.

"Tama lang sa kanya yon!" Sabi nung isang babae.

"Pabayaan mo na, palibhasa malandi nagpabuntis pa kay Kiano!" Sabi naman nung isang babae. Nakalabas na ako ng pintuan at naisarado na iyon. Parang binalibag pa iyon dahil sa inis sa akin pero ang hindi ko makalimutang sinabi kanina lang...

'Palibhasa malandi nagpabuntis pa kay Kiano!'

'Palibhasa malandi nagpabuntis pa kay Kiano!'

'Palibhasa malandi nagpabuntis pa kay Kiano!'

'Palibhasa malandi nagpabuntis pa kay Kiano!'

'Palibhasa malandi nagpabuntis pa kay Kiano!'

'Palibhasa malandi nagpabuntis pa kay Kiano!'

'Palibhasa malandi nagpabuntis pa kay Kiano!'

'Palibhasa malandi nagpabuntis pa kay Kiano!'

O_____O

Saan nila nakuha ang chismis na iyan?!!

Pumunta ako sa locker ko para ilagay doon ang bag ko pero pagtingin ko ay puro papel. Pinagbabasa ko iyon.

MALANDI KA! MAMATAY NA SANA IYANG ANAK MO!

SUCH A BUTCH! SLUT! WHORE!

MALANDI KANG BABAE KA! PATI SI KIANO INAHAS MO! MALANDI!

MAMATAY KA NA SANA!

UMALIS KA NA LANG DITO AT YANG BASTARDO MONG ANAK!

NAKAKADIRI KA!

Kinuha ko ang lahat ng papel na iyon sinarado ko ang locker ko at pagkatapos ay inilagay ko sa basurahan ang lahat ng mga paninira nila sa akin.

Biglang may humila sa akin. Dinala ako nito sa locker room ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko.

"Sino ka ba?!" Sigaw ko.

"LUMABAS KAYONG LAHAT!" Nanlaki yung mga mata ng ibang lalaki na na nakatapis lang ang towel sa bewang nila. Pero sa pantaas ay hubad lahat. Lahat sila ay lumabas lahat. Pagkatapos nun ay binalibag niya ang pintuan at sinara ito para walang makapasok. Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata niya. Tinalikuran niya ako at bigla akong itinulak sa pintuan. Sinuntok niya ng malakas ang gilid ko na malapit sa mukha ko. Sobra akong kinakabahan sa gagawin niya sa akin.

"Ano na naman itong ipinagkakalat mo sa University?" Galit na tanong niya.

"A-Anong pinagkakalat?" Napakunot ang noo ko.

"Na...nabuntis daw kita!" Sabi niya. "Walang nangyari sating dalawa! Wag kang mag ilusyon na meron!" Nanlaki ang mata ko at sumalubong ang palad ko sa makapal niyang mukha.

"Ang kapal ng mukha mo. Sa tingin mo, Kiano. Kaya kong gawin na ipagkalat na may nangyari sa atin at may nagbunga? GANUN BA?!" Galit na sigaw ko.

"Oo dahil--" Hindi ko na hinintay na magsalita siya. Sinampal ko siya sa kabila. Tinulak ko siya ng malakas napaatras naman siya. Sinubukan kong buksan ang pintuan pero agad niyang nahila ang kamay ko at sinandal sa pinto. Napaaray ako dahil ibinalibag niya ako doon.

"Kaya mong magpanggap! Ikaw lang ang pwedeng gumawa non! Wala ka na ngang pakialam sa ginagawa sayo ng iba kaya siguro okay lang na sabihin mo na meron nangyari sa atin! Tayong dalawa lang ang nandoon sa kwarto! Tayong dalawa lang ang nakakita sa ginagawa natin!" Sigaw niya sa pagmumukha ko. Hindi ko na napigilang umiyak.

"Hindi ako ganung babae! Mas lalong wag mo akong igagaya sa mga babaeng ikinakama mo lang!"

Sinalubong ng mga labi niya ang labi ko. Sinakop niya iyon at idinidiin ang sarili nito sa akin. Hindi ko magawang makagalaw sa ginawa niya. Marahas niya iyong ginawa hindi katulad ng mga halik niya sa tuwing hinahalikan niya ako.

"Gusto mong gawin na nating ngayon. Para hindi ka na nag-iilusyon na may nangyari sa atin! Bibigyan pa kita ng anak kung gusto mo--" Tinulak ko na siya ng malakas.

"Tumigil ka na Kiano!" Sigaw ko. Pero sinakop niya pa rin ang labi ko. Tinulak-tulak ko pa rin siya. "K-Kiano- Ano ba!" Naiiyak na sabi ko. Pumipiyok piyok na ako. Hinawakan niya papalapit ang bewang ko sa kanya. Habang ako nagpupumiglas. Isinasaliwa ko ang mukha ko para hindi niya ako mahalikan. "T-Tumigil ka na!" Sigaw ko. Pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niya hanggang mapunta ang halik niya sa leeg ko. Binuhat niya ako. Nagpupumiglas lang ako para makawala sa kanya. Binalibag niya ako pahiga at dumagan siya sa akin.

"K-Kiano!!" Naiiyak na sabi ko.

Biglang bumukas ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ng pumasok ito. Hinila niya si Kiano palayo sa akin at binigyan niya ito ng suntok ng napalakas.

"C-Cj.." Sabi ko. Pumunta siya sa akin at niyakap ako.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.

Hindi ako sumagot. Nagbitiw kami. Nandoon si Kiano sa sahig at nakangising pinupunasan ang labi niyang nagdudugo.

"Pakilamero ka pa rin hanggang ngayon." Sabi nito.

"Tarantado ka, Kiano. Baka nakakalimutan mong si Zam ang ginagawan mo ng ganyan! Gago!" Sigaw na sabi nito.

"Yes. She is Zam but she will never be my Andrei." Nagulat ako sa sinabi niya. Punong puno ng hinanakit ang mga mata niya.

"Nirerespeto kita. Pero sana nirespeto mo yung babae!" Sigaw niya.

"Walang respetuhan kung ginagago ka rin naman." Malamig na sabi nito. Tumayo ito. "Maglaban tayo sa battlefield, kung sino ang matalo.. papatayin..." Seryosong sabi nito atsaka umalis na. Nakikita kong may sumisilip na ibang mga estudyante sa amin sa loob.

"Hindi mo kasalanan, Cj. Kaya wag kang pumunta." Pagmamakaawa ko.

"Kailangan, Zam. Kailangan." Sabi nito. Nilagay niya sa akin ang coat niya at lumabas na kami. Napakarami pang nagsabi na kung ano ano sa amin bago kaming makarating ng unit ko.

~To be continued...

DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE AND COMMET! THANKS A LOTTTTT!!

-J e y v i d i v i

Continue Reading

You'll Also Like

130K 421 16
This story is not mine credits to the rightful owner 🔞
68.1K 90 25
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
181K 268 45
I don't own this story Credits to the rightful owner 🔞