" Tama ba 'tong ginagawa ko? ” napakamot ako sa aking ulo dahil sa pag-iisip tungkol dito sa binigay ng Prof. Ko, isang registration form para sa Ms, Campus.
Naka-upo ako ngayon dito sa bleachers mabuti na nga lang at kaunti lang ang mga studyante kaya medyo nakakafocus pa ako dito sa papel na hawak ko.
Busy ako sa pagkagat ng ballpen ng makarinig ako ng nagpipigil ng tawa sa gilid ko.
“ Bakit ka tumatawa? ” Seryoso kong sambit, nababaliw na 'ata ang lalaking 'to.
Pamilyar siya sakin dahil hearthrob siya dito sa school, hindi ko lang siya masyadong nababanggit kada nagkukwento ako dahil wala akong pake sa kanya.
“ Seriously ” hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa,
Inagaw niya sakin ang papel na hawak ko, binasa niya at lalo siyang natawa,
“ Sex ”
Halos mapamura ako ng sabihin niya yung salitang sex! Jusko Lord, nababaliw na 'ata siya.
“ Bastos! ” Bulyaw ko sa kanya at kinuha ko ang papel
“ Bakit sinulat mo sa Sex, Hindi kapa ready? 'Diba dapat Female ”
“ Paki mo ba? Dapat nilagay nila Gender hindi Sex! ”
Tinarayan ko siya at bumalik nalang ako sa pagfill-up ng form,
“ Dati pa kita napapansin ” Sambit niya, magtatakha pa ba 'ko? Talaga namang kapansin-pansin 'tong itsura ko.
“ Tinanong ko ba? ” Sambit ko habang sa form pa rin ang tingin.
“ Just saying ”
Unti-unti ko siyang pinakikiramdaman dahil bigla siyang tumahimik. Pansin ko na may hawak siyang cellphone.
Pa-simple kong tiningnan sa gilid ng mata ko kung ano ginagawa niya.
“ Pft...Hahahahaha”
Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ko napigilan na hindi matawa. Naglalaro kasi siya ng Pou tapos naka-pambabaeng porma.
“What?” kunot-noong tanong niya,
“Bakla ka 'no?”
“Ako bakla?!”
Halos matawa ako ng mainis siya, tinagurian nga kasi siyang Hearthrob sa campus
“Tingnan mo yung Pou mo diba dapat lalaki 'yan?”
Tumingin naman siya sa phone niya tiyaka niya 'ko pinanliitan ng mata.
“So? Ganyan ang gusto kong itsura kaya nga gusto kita e”
Nagtakha naman ako sa sinabi niya,
“Hindi naman ako ganyan pumorma ah”
“Kamukha mo kasi si Pou kaya gusto kita.”
Gustong-gusto ko siyang saktan dahil sa sinabi niya, like shit! Diba Poop si Pou?!
“Mukha ba 'kong Tae ha!” Gigil kong sambit,“Palibhasa kasi bading ka, chokla”
“What? I'm not Gay!”
“We? Bakla ka kaya”
“Hindi nga sabi ako bakla!”
“Mukha mo bakla ka!”
Patuloy ko pa rin siyang inaasar na bakla with matching belat pa para mas lalo siyang mainis.
“Shut up or else I'll kiss you!”
“Kung magagawa mo!” binelatan ko siya, hindi naman talaga niya magagawa 'yon. Lalapit pa lang siya mauuna muna yung kamao ko.
“Bak--”
“Bakla? Paano kung halikan talaga kita”
Napalunok ako dahil bigla niyang nilapit sa mukha ko yung mukha niya,
“B-bakla ka parin kahi---
OMO!
“Hahahahaha”
Halos manigas sa sahig yung mga paa ako nang i-kiss niya 'ko sa pisngi
“Gago ka!” Bulyaw ko,
“Im warning you, bakla ako? Baka hindi lang kiss ang gawin ko sayo.” Sambit niya sabay kindat.
S-seryoso siya doon? Okay sige tatahimik nalang ako.
“Are you done with this?”
Halos manlaki ang mata ko dahil sa pag-sulpot ni Hell.
Hawak niya rin yung Form niya. Tapos na kaya siya?
“Not yet”
“Inuna mo pa siya kaysa dito?” Tanong niya habang nakatingin doon kay Vince 'ata? Hindi ko alam kung tama ba yung name na sinabi ko.
“Anong inuna? Nababaliw kana ba?” Inirapan ko siya,
Ngumisi siya bago tumingin sakin, ewan ko ba sa kupal na 'yan. Hindi siguro naka-inom ng gamot kaya nababaliw na
“May kiss pa ah, tuwang-tuwa si Langit hanep.” Halatang sarcastic yung pagkaka-sabi niya.
“Baka ikaw yung natutuwa. Pst! Kiss mo nga rin siya.” Sabi ko kay Vince pero natawa lang siya
“Ano bang problema mo Hell? Teka...”
Sinagutan ko muna yung natitira na question bago ko ibinigay kay Hell yung papel,
“Girlfriend mo ba 'to?” Tanong niya kay Vince sabay turo sakin.
“Soon”
Anong soon? Gwapo siya pero hindi ko siya type 'no.
Nakita kong mahigpit na nagsara ang mga palad ni Hell.
“Iba nalang Pre. Wag si Heaven” N-nagseselos ba siya?
“Bakit naman? She's nice and pretty as well” I know right, nice talaga tapos ang ganda ko pa hindi kana lugi 'no.
“Masama ugali niyan tapos itong mukha?”
“A-aray!” @#$%&! Pinisil niya yung cheeks ko.
Akala niya ba hindi masakit? Bigwasan ko siya eh
“What's wrong in her face?” Tanong ni Vince
Oo nga, anong mali sa mukha ko? Ang ganda-ganda ko kaya.
“Walang makakatalo sa kaniya---
“I know right Hell” hindi ko na siya pinatapos pang magsalita.
“Walang makakatalo sa papangitan ng mukha!”
Nag-poker-face ako dahil sa sinabi niya. Mabuti nalang hindi tumawa si Vince sa Joke niya.
“Akala mo kung sinong gwapo”
“Okay, I have to go may next class pa kasi ako eh, hope to see you again Ms. Shin”
“Ts dapat lang!”
Siniko ko si Hell dahil sa binulong niya pero teka paano niya nalaman yung surname ko?
“Vince, how did you know my---
“Your surname?” tumango ako
“There” tinuro niya yung I.D ko, ngumiti nalang ako
Nang umalis si Vince kami nalang dalawa ni Hell dito sa Bleachers.
“San ka pupunta?” Tanong niya sakin,
“Kakain” sagot ko, that's my daily routine During my vacant time. Alam mo na pampalipas oras. Mabuti nalang at di ako tumataba.
“Sama kakain din ako.”
“Kakain ng tae?”
Hinampas niya ng mahina yung bibig ko tiyaka ako inakbayan, Well madalas naman naming ginagawa 'to dati. Noong hindi pa uso yung war samin at higit sa lahat kung hindi niya ako pinagpalit kay Mich yung dati niyang crush at sa pagkaka-alam ko may gusto parin siya don.
Malapit na sana kaming makapasok sa Canteen ng biglang may tumili, puta ang harot sakit sa tainga.
“Ikaw babae!” Turo niya sakin
“Oo nga, babae ako anong problema don?” sabi niya kasi, Ikaw babae. Tama siya kadi hindi ako Lalaki.
“Layuan mo si Hell!” sigaw pa ni Audrey,
Tinanggal ko yung akbay ni Hell at nagmadali akong pumasok sa Canteen. Nang makakapasok na ako bigla niya akong hinarangan at tinulak.
“Saan ka pupunta?!”
“Gago! Sabi mo layuan ko si Hell kaya nga aalis na ko eh.”
Tiningnan ko si Hell na nagpipigil ng tawa. Nababaliw na naman siya ts. Malala na
“Tsk.”
“Tara na Audrey diba nasa labas na yung Dad mo?” sabi nung kasama niya
“Ts. Okay fine! Be thankful bitch!” bulong niya
Oo bitch ako, makita niya taaga yung totoong bitch. Subukan niya lang ako.
“Let's go?” Aya ni Hell
“Lul. Di mo 'ko tinulungan sa lintang 'yon.”
Sabay kaming naglakad papasok ni Hell sa Canteen nang may makabangga naman siya.
“Sorry”
“Sorry miss.”
OMO! A-anong ginagawa niya dito?