END

3K 68 36
                                    


Nakangiti akong nakatitig sa anak kong mahimbing na natutulog. Sabi ng Doctor may chance na magising pa siya dahil bumubuti ang lagay niya sa hindi malamang dahilan. Ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo kapag nangyari 'yon. Kapag nagtuloy-tuloy na ang paggaling ni Angel.“Anak, sana gumising ka ha? Huwag na huwag mong iiwan si Mommy, malulungkot talaga 'ko.” bulong ko.

Bakit ba ako naiiyak? Hindi ba dapat maging masaya ako dahil bumubuti na ang lagay ng Anak ko? Bakit ganito nalang ang pagtibok nang puso ko? Hindi ko maintindihan.

Tumayo ako para kumuha nang tubig. Siguro napapraning lang ako. Magsasalin pa lang ako sa baso nang biglang may pumasok.“Mam, check ko lang po yung pasyente.” sambit nang isang nurse.

“Ah sure,” ininom ko ang tubig bago lumapit sa kanila. Napansin ko ang nurse na parang kakaiba. “May problema ba?” tanong ko.

Umiling siya, “Wala pong problema, sorry po.” aniya, bakit siya nagsosorry kung wala naman pa lang problema.

Tatanungin ko pa sana siya kaya lang nag-ring ang cellphone ko. “Sagutin ko lang ha?” sambit ko. Tumango naman siya at itinuloy ang pagtingin kay Angel.

Lumabas ako at lumayo nang kaunti.“Napatawag ka, Hell?” tanong ko sa kabilang linya.

[Sinabi sakin ni Doc. na bumubuti na ang lagay ni Angel.]

“Ay! Sorry, kasi naman sa sobrang saya ko sinarili ko na lang eh. Hindi ko na tuloy nasabi sa'yo.”

[Ts. Papunta na 'ko dyan. Anong gusto mong ipabili?]

“Burger nalang, kakakain ko lang naman.”

[Sige, hintayin mo 'ko. I love you.]

“Bye, I love you too.” binaba na niya ang tawag kaya bumalik na 'ko sa kwarto ni Angel.

Pumasok ako kasabay nang paglabas nung nurse. Nagpasalamat lang ako sa kaniya bago lumapit kay Angel.“Nak, papunta na si Daddy, sigurado ako na sobrang saya niya ngayon.” hinalikan ko siya sa noo.

Muli kong kinuha sa bulsa ang phone ko nang magvibrate ito.

From: 092917655**

Pumunta ka sa *** may dapat akong sabihin sa 'yo.

Bakit? Para saan? Sino 'to? Importante ba ito o baka naman masamang tao siya.

Mabilis kong itinago sa bulsa ko ang cellphone nang may pumasok. “Oh, Janelle!” nakakapagtakha naman at nagpunta siya rito. Alam kong marami siyang inaasikaso sa trabaho kaya ako nagtatakha.

“Nakakastress yung Kuya mo. Nagpabili ako ng shake tapos buko pa ang flavor.” inis niyang sambit.

“So?”

“Anong So? Alam mo bang masuka-suka na ako sa lasa.” natawa naman ako sa pag-irap niya. “Kamusta naman si Angel?” tanong niya.

“Umu-okay na ang lagay niya sabi ng doctor.” sagot ko. Ang sarap lang sabihin. Gumaan ang pakiramdam ko at parang nabunutan ako ng mahabang tinik sa dibdib.

“Mabuti naman kung ganon.” lumapit siya sa tabi ni Angel at umupo. “Habang tumatagal nagiging kamukha mo.” tumingin siya sakin at ngumiti kaya napangiti rin ako.“Ang malas naman niya.” dagdag pa niya at aba! Sa ganda kong 'to may mamalasin pa ba?!

“Umalis kana habang nagtitimpi pa 'ko.” sambit ko na kinatawa niya. Akala niya ba nagbibiro ako.

“Biro lang naman.” napa-iling nalang ako.

Iniwan ko muna si Angel kay Janelle dahil pumunta akong banyo. Sino kaya ang nagtext nito?

Nakatitig ako sa cellphone ko at muntikan ko nang mabagsak dahil biglang nagring.

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now