Chapter 27

3.5K 144 35
                                    

Nag-iinit talaga ang mga laman-loob ko sa tuwing napapasadahan ng tingin si Mich lalo na't katabi ko siya ngayon dito sa bus.

On the way kami ngayon sa Bagiuo para sa camping na magaganap at dahil iisa kami ni Mich ng pamumunuan dapat lang daw na magkatabi kami at kahit na ayoko ay wala rin akong magagawa.

“Ano ba 'yan ang sikip-sikip!” angal niya.

“Edi sana inarkila mo nalang 'tong bus para ikaw lang mag-isa.” ang arte-arte hindi pa naman gaano masikip.

“Pakiusap, bumaba na nga mga pangit!” sigaw niya kaya napatingin lahat sa kaniya.

“Well. Ikaw lang naman ang pangit dito.” sambit ko sabay kuha sa kinakain kong piatos.“Kaya free ka ng bumaba.”

“Hindi ako pangit kaya bumaba kayong lahat dito!” Aniya kaya tumaas ang isa kong kilay.

“Dapat kasi sinabi mo, bumaba lahat ng maganda. Para sana ngayon wala ka ng katabi lahat kami bababa.” inismiran ko siya tiyaka ako nag-suot ng earphone.
----

Iminulat ko ang aking mata dahil nakaramdam ako nang pagyug-yog.

“Bitch, gising nandito na tayo.” kumunot ang noo ko at napatingin sa bintana.

'Welcome to Bagiuo city'

Dumiretso muna kami sa hotel na pagmamay-ari ng principal namin. Magpapahinga muna kami dahil bukas gagawa kami ng Activity sa camping kaya pagudan kami nito bukas.

Napatingin kaming lahat sa labas nang may dumating na dalawa pang bus.

“Hell!” tuwang-tuwa na sigaw ni Mich at lumapit kay Hell para yumakap. Uminit naman ang ulo ko nang yakapin din siya ni Hell pabalik.

Ang nakakapag-takha may dalang mangga si Hell at agad naman 'yon kinuha ni Mich.

“Heaven!” napatingin ako kina Janelle at Mae na masayang palapit sakin.

“Nakita mo ba si Skie?” tanong sakin ni Janelle.

“Ayan oh!” turo ko kay Kuya na kakababa lang sa isa pang bus na sinakyan nila ni Hell.

“LQ ba kayo ni Hell?” kunot-noong tanong ni Mae. Napatingin ulit ako kay Hell na kasama ngayon si Mich

“Tss. Una na 'ko doon sa kwarto. Aayusin ko pa 'tong mga gamit ko.”

Bakit ganoon? Hindi ko maintindihan pero parang nagseselos yata ako. Naku Heaven! Kabag lang 'yan.

--

Busy ako sa pag-tutupi ng damit ko nang maramdaman kong bumukas ang pinto.

Nagbuntong-hininga na lang ako. Umupo siya sa tabi ko at inilagay ang kamay niya sa balikat ko.

Shit! Para akong bata. Feeling ko nagtatampo ako.

“Sorry sa nakita mo.” sambit niya, halos tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan nang dumampi ang labi niya sa balikat ko.

“Bakit mo siya niyakap?” tanong ko, tinanggal niya muna ang suot niyang pang-itaas bago muling humarap sakin.

“Kasi may nagawa akong hindi maganda. Hindi ko sinasadya at hindi ako sigurado kung akin nga.”

“H-ha?” seriously? Slow lang ba ako kung bakit hindi ko maintindihan 'yung sinabi niya o sinadya niyang hindi ko maintindihan?

“May tanong ako sa 'yo.” naka-ngiti niyang sambit kaya kumunot ang noo ko. Baka kamanyakan nanaman ang itanong niya.

“Ano 'yon? Ayusin mo lang 'yang tanong mo ah!”

“Kapag ba ang dalawang pango nag nose to nose, face to face agad?”

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now