Chapter 36

2.9K 124 24
                                    

Naisip ko na hindi na ako bata na pwede niyang diktahan. Gusto kong dito lang ako.

“Saan ang punta mo?” tanong ni Kuya kasama si Janelle sa living room.“Bilin ni Mommy na hindi ka pwedeng maglabas-labas” dagdag niya pa.

“Tulungan mo 'ko.” ani ko. Hindi lang ako ang maagrabyado, pati rin siya. Alam ko na hindi rin siya papayag sa gusto ni Daddy.


Kumunot ang noo niya, “Saan kita tutulungan?”

“Gusto ni Dad na umalis tayong dalawa. Pupuntahan ko si Hell.”

“Ano?! Hindi ako papayag!”

“Alam ko Kuya” alam ko na hindi niya iiwan si Janelle.

“Skie, kaya mo bang suwayin ang Daddy mo?” Naiinis ako kay Dad. Dahil sa gusto niya may ibang tao na nasasaktan.


“Oo. Hindi kita iiwan.”

“Kuya...” niyakap ko siya. Hindi ko nakikita ang sarili ko sa kaniya. Naisip ko, bakit ganoon nalang kadali sakin na sabihing iiwan ko si Hell?


“Magtiwala ka sakin Heaven, puntahan mo si Hell. Alam kong binantaan na siya ni Dad.” kumunot ang noo ko, binantaan? That old man! Naiinis talaga ako sa kaniya!


“Sige Kuya, bye Janelle” kumaway ako sa kanila. Nakita ko pang nagyakapan sila habang papalayo ako. Nakikita ko ang sarili ko at si Hell sa kanilang dalawa.


Kinuha ko ang susi ng kotse sa driver namin. Agad naman akong sumakay at mabilis na pinaandar iyon.


Napahinto ako sa isang park nang makita ko siyang tulala habang nakatingin sa mga batang nagtatakbuhan.

Napaluha naman ako nang bigla kong maalala yung nangyari sakin. Nanginginig ang mga tuhod ko at nanginginig din ang labi ko. Masusundan pa kaya si Angelo? Si Hell ba ang makakasama ko sa pagbuo ng masayang pamilya?

Umupo ako sa tabi niya at sinabayan siyang tumingin sa mga bata na masayang naglalaro.

“Umuwi kana” sambit niya, agad akong umiling.

“Ayoko, hindi kita iiwan.” nakangiti kong sambit habang sa mga bata parin ang tingin.

“Iwan mo na 'ko.” nanliit ang mga mata ko. Kapag ako nainis, babayagan ko siya.

“A-yo-ko” tumingin ako sa kaniya habang siya ay sakin din ang tingin.

“hahalikan kita kapag hindi ka umalis” banta niya.

“Edi makikipaghalikan ako sa'yo basta hindi kita iiwan.” matigas kong sambit.


“Dadalhin kita sa kwarto ko tapos itatali kita sa kama.” pervert! Napalunok naman ako nang tingnan niya ako sa mata.


“Maniac ka!” bulyaw ko nang tingnan niya ako sa dibdib. Shit! Bakit kita cleavage ko.

“Tss. Nakita ko na 'yan. Nahawakan ko pa nga eh.”

Hinampas ko siya ng dala kong bag dahil feeling ko pulang-pula na ang mukha ko.

“Ts,” hinatak niya ako at niyakap. Napangiti naman ako dahil alam kong hindi niya ako matitiis.


“I love you, gusto kong sumama sayo. Ilayo mo 'ko Hell.” ang sarap sa pakiramdam na nasasabi ko ang mga bagay na ito sa kaniya. Naramdaman kong dumampi ang labi niya sa aking noo

“May usapan kami ng Dad mo. Kapag hindi kita nilayuan... Tuluyan na talaga kitang hindi makikita.” sarap niya talagang kalbuhin. Paepal sa lovelife ko eh!


A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now