Chapter 19

4K 177 15
                                    


Kanina pa naka-busangot ang mukha ko dahil sa gown. Bwisit malapit na ang rampahan tapos nasira pa. Kainis!

"Bakit naka-wacky ka?" tanong ni Hell. Tss, kung Hindi niya tinapakan ang gown ko hindi 'to masisira o mapupunit.

"Paano na 'to? Mukhang hindi na ako makakasali." malungkot kong saad. Nakita ko naman na nakangisi si Mich habang nakatingin samin.

"Wag kang mag-alala. Gumagawa ako ng paraan." sambit niya,"Hintayin mo 'ko." umatras siya at parang nag-jogging palabas nitong likod ng stage.

Umupo na muna ako habang hinihintay siya. Totoo kayang makakagawa siya ng paraan? Tiyaka masyadong malayo ang Mall para bumili pa siya. Kung gagawin naman niya 'yon, mukhang hindi narin siguro aabot at kung magkataon pareho pa kaming hindi makakasali.

"Sorry po." napatingin ako sa dalawang babaeng sumisira rin nang araw ko. Ts, yung mga alagad ni Mich.

Hindi ko na sila pinansin at bumalik tingin nalang ako sa sahig para makapag-isip-isip muna.

Gusto ba talaga niya 'kong maka-partner? Kasi ako ayoko eh. Biro lang.

Ang totoo niyan, nainis din ako noong nalaman kong dapat na sila ni Audrey ang magka-partner. Ewan ko ba pero isa lang ang sinisigurado ko. Kalahi rin siya ni Mich na Demonyita. Nasa loob ang kulo.

"Heaven Bitch." siya nanaman? Sawang sawa na 'ko sa pagmumukha niyang nakakaumay.

"Mich Bitch." napangiti ako, "Taray Rhyme. Bagay."

"I don't care bitch! So paano ba 'yan mukhang hindi kana papayagang rumampa dahil diyan sa suot mong basahan na sira-sira." tumawa siya nang tumawa. Pero binigyan ko lang siya ng walang emosyon na titig.

"So?"

"Look." may box pala siyang dala hindi ko napansin. Binuksan niya 'yon at kinuha ang kulay brown na gown."Mainggit ka.dahil ako na ang ipapalit nila sayo."

"Eh? Hindi sila papayag for sure." this time ako naman ang tumawa ng malakas.

"At bakit?" tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Kasi sabi mo dis-qualified ang sira-sira na gown.".

"Ts. Kagagaling lang ng ibang bansa nito kaya kahit saan mo tingnan maayos 'yan."

"Maayos nga 'yang gown. Kamusta naman 'yang mukha mo?"

"It's perfectly fine."

"Fine? Mukhang nagrereklamo na yung balat mo sa mukha dahil sa sobrang pangit mo."

Nginitian ko lang siya habang siya ay namumula na sa sobrang inis. Well. Heaven pa ang nilalait niya? Lahat ng sinasabi niya, babanda talaga ulit sa kaniya.

"At isa pa. Ang ganda mo kapag nakatalikod." tumawa ako ng malakas para mas lalo siyang mainis.

"Natagalan ba?" napatingin ako kay Hell na naliligo na sa pawis. Shit!

Lumapit ako sa kaniya at pinunasan amg kaniyang mukha na basa na. Sobrang tirik kasi ng araw.

"Haha. I'm okay baby." kumunot ang noo ko. Baby? Feeling Justin Bieber?

"May extra kaba diyan? Magpalit kana muna."

"Yup may extra ako. By the way, ito nalang ang suotin mo. Maganda naman parang ikaw." napanguso ako dahil sa pagpipigil kong mapangiti.

"Maganda? Oo kapag wala siyang mukha." rinig kong sambit ni Mich bago umalis at lumapit sa mga alagad niyang mababaho.

"Don't mind her." tumango ako kay Hell at kinuha ang dress na mahaba. Don't mind her? Psh. Sarap lang ipaintindi na may utak monggo yung babaeng 'yon.

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now