Chapter 31

3K 123 23
                                    


Kahit hirap na hirap na kami sa paghila ng lubid ay hindi pa rin kami sumusuko, lalo na ako gayong si Audrey ang nasa unahan.

Kahit sobrang pawis na ang noo ko patuloy parin ako sa paghila. Tug of war kasi ang isa sa mga activities at lahat ng nakalagay na palaro ay sinalihan ko kaya medyo pagod at hilo narin ang nararamdaman ko.

“Shit!” mura ko nang kamuntik na akong matalisod at masama sa paghila. “Ano ba! H'wag nga kayong lalampa-lampa.” bulyaw ko sa mga kasama ko. Naramdaman ko naman na mas lumakas ang paghila nila kaya napataob namin sina Audrey at ang mga kakampi niya.

“Oh tubig.” kinuha ko naman ang inabot ni Hell at agad na ininom iyon. “Nakakapagod pero masaya.” aniko at nagpunas ng pawis gamit ang towel na inabot ulit ni Hell.

Umupo kami sa mga upuang bato. Ang sakit ng tiyan ko. Itatae ko nalang ito mamaya.

“Hell, kain muna tayo parang kumukulo yung tiyan ko.”

“Marami ka ng nakain kanina ah?”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Nagugutom nga 'ko eh. Tiyaka hello? Nakakapagod kaya yung mga activities na nilaro natin.” inis kong sambit. Bakit niya kasi kailangan pang i-question pati pagkain ko.

“Fine. Anong gusto mong kainin?” tanong niya. Nag-isip naman ako saglit habang nakahawak sa tiyan ko.

“Gusto ko ng... Kanin tapos kape yung paghahaluin.” shiz. Iniimagine ko palang natatakam na 'ko.

Natawa naman siya kaya kumunot ang noo ko. “Seryoso ka? Akala koba hindi ka umiinom ng kape?”

“Bakit? Hindi ba pwedeng magpalit ng gusto?” ani ko. Bakit ganoon naiiyak ako. Ganito lang ba kababaw ang luha ko para iyakan ang walang kwentang bagay?

“Oo na. Huwag ka ngang umiyak.” aniya at tumakbo sa kung saan man.

Dumiretso ako sa tent namin para makapagpahinga. Bukas na pala kami uuwi at kailangan ko ng makilala ang ipapakasal nila Dad sakin.

Err--- nahihirapan akong mag-isip lalo na kapag gutom. Madalas ko narin nararamdaman ang pagsakit ng tiyan ko kaya pagka-uwing pagka-uwi ko didiretso agad ako sa family doctor namin.

“Heaven...” napatingin ako kay Hell na hingal na hingal na akala mo nakipaghabulan sa kabayo. “Ito na yung gusto mong kainin.” sambit niya at inabot sa akin ang isang malaking tasa na may lamang kape. Hinalo ko iyon at tiyaka lang naglitawan ang mga kanin.

“Thank you Hubby.” minsan lang ako maglambing lalo na kapag sobrang nakakatulong ang isang tao sakin.

“Tss. Walang forever.” sambit niya na ikinatawa ko. Oo nga pala malapit na kami magdivorse kaya hindi ko na dapat siyang tawagin na Hubby.

“Noong nakaraang araw, gusto mong ulamin yung toyo lang na may halong kaunting mantika. Hindi ko maintindihan takbo ng sikmura mo Heaven. Para kang naglili---” napatigil siya sandali at kunot noong napatingin sakin. “Para kang naglilihi.”

“Huh? Kung hindi mo maintindihan takbo ng sikmura ko. Hindi ko naman maintindihan takbo ng utak mo! Tse.” nakakainis ang isang 'to. Naalala ko lang si Mich na binuntis niya. “Oh, sayo na 'yan. Wala na akong gana!” inis kong sambit at binigay sa kaniya ang kape na may halong kanin bago siya iniwang mag-isa sa loob ng tent.

Naglakad-lakad lang ako hanggang sa may bwisit na humarang sa daan ko.

“Hey,” tiningnan ko lang siya sabay inirapan. Akala mo ang gwapo kung makangiti.

“Nagkita na naman tayo.” nakangiti niya pang sambit. Siya si Vince yung hearthrob sa school kaya lang wala nga akong pakielam sa kaniya.

“Oh? Masaya kana niyan?” inirapan ko lang siya tiyaka nilagpasan na.

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now