Chapter 41

2.3K 84 6
                                    

Hell

Inabot ulit ako nang dalawang oras sa pagba-bake. Hindi ko maintindihan kung bakit mainit ang dugo sa akin ni Heaven ngayon. Wala naman akong masamang ginawa. Kasalanan ko bang kainin 'yong cupcake niya? Pasalamat nga siya dahil nasasarapan ako sa pagkain ng cupcake niya eh.

“Ayoko ng mango!” sigaw niya. Pinalayas na naman ako sa kwarto.“Gusto ko ng chocolate!” minsan nakakaloko rin siya. Naiinis nang walang dahilan.

“Bumili ka mag-isa mo!” bumalik ako sa kusina at saka ko kinain ang cupcake na ginawa ko. Alam kong hindi makakatiis si Heaven, bababa at bababa pa rin siya.

Dalawang linggo ang nagdaan puro kami away. Hindi ko na siya maintindihan, palagi nalang siya nagagalit sa akin. Minsan kapag umuuwi ako ng late pinaghihinalaan niya akong nambababae, minsan naman kapag may pinabibili siya tapos hindi ko nabili o wala akong mabilhan hindi ko na siya makausap. Ang nakakainis pa, madalas na akong matulog sa sala dahil ayaw niya 'kong makatabi sa kama. Baka raw may gawin akong masama sa kaniya kunwari pa siya, gusto naman niya 'yong ginagawa ko.

Kinabukasan, galing akong school at umuwi na naman akong late dahil sa thesis namin. As usual, galit na naman siya. Iniisip niya na babae ko 'yong madalas pumunta rito na kaklase ko. Ts, natapos na 'yong problema namin si Daddy niya dahil sa tulong ni Mommy at Tita Hermina tapos si Heaven, gumagawa ng way para may pag-awayan kaming dalawa.

“Hell naman! Hindi na tayo mag-asawa para ako pa ang kumuha ng susuotin mo.” hindi ko naman hinihiling na kuhaan niya ako ng susuotin pero ginagawa niya pa rin. At talagang nagagalit pa siya. Tangina! Hindi ko na siya maintindihan.

“Magpahinga kana Heaven, huwag kang gumawa ng ika-iistress mo.” gusto ko siyang intindihin pero sa anong rason? Nagagalit at naiinis siya nang walang dahilan.

“Then, umayos ka sa mga kinikilos mo.” binato niya sakin ang damit at boxer ko. “Huwag kang magtangkang tumabi sa'kin. Babasagin ko 'yang itlog mo!” napa-iling nalang ako dahil sa sinabi niya. Ang lumalabas ako ang may problema.

“Hindi ko na siya maintindihan.” nandito kami sa bar na malapit sa school. Kasama ko sina Skie at Demo tiyaka sina Mae at Janelle. Gusto kong sabihin 'yong sitwasyon namin ni Heaven sa kanila. Kaibigan namin sila baka maintindihan nila kami.

“Baka naman kapag umuuwi ka, amoy babae ka.” sinamaan ko nang tingin si Demo,“Biro lang.” uminom ako ng isang shot.

Kinwento ko lahat sa kanila. Pinagtawanan pa nga nila ako dahil sa cupcake na akala ni Heaven dark chocolate tapos mango pala.

“Kahit sino naman magagalit kapag pinakain mo ng sunog.”

“Iyon na nga Janelle, ako ang kumain non. Gumawa ako ng pangalawa tapos nagawa ko naman ng tama dahil hindi na sunog tapos---”

“Tapos?” tanong ni Skie nanagpipigil ng tawa habang nakikinig.

“Tapos ako pa rin kumain dahil ayaw niya ng mango.”

“Parang may kakaiba kay Heaven, what do you think guys?” kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mae. Kakaiba? Oo may kakaiba talaga. Noon madalas ng maglambing sa akin si Heaven pero ngayon kahit segundo lang wala.

“Nabanggit niyo yung name ko, anong meron?” nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagsulpot ni Heaven sa tabi ko. “Huwag kang magulat. Pinapunta ako ni Janelle dito.” inismiran niya 'ko atsaka inagaw ang hawak kong baso na may lamang alak.

Pinigilan siya ni Mae, “Huwag!” nagtakha si Heaven maski ako. Kami naman ang kasama kaya walang masama kahit uminom pa siya. “May dapat lang kaming siguraduhin.” sambit ni Janelle.

“Saan kayo pupunta?” tanong ni Skie nang hilahin nung dalawa si Heaven.

“Basta! Hintayin niyo nalang kami sa labas.” sigaw ni Mae nang medyo nakakalayo na sila. Nakakatawa lang yunv hitsura ni Heaven dahil halatang naiinis siya sa inasal ng mga kaibigan niya.

“Ano kayang binabalak nung dalawa kay Heaven?” mahinang tanong ni Demo sa sarili.

“Baka may pag-uusapan lang.” sambit ko.

“Baka---”

“Baka ano?” tanong ko kay Skie, umiling-iling siya.

“Wala naman. May naalala lang ako.”

Mahigit kalahating oras kaming naghintay. Balak sana naming bumalik sa loob kaya lang natanaw na namin na papalapit yung tatlo.

Umiiyak si Heaven habang nakangiti naman yung dalawa. Masaya pa sila na pinaiyak nila yung Heaven ko?

“Hell...” medyo napaatras ako nang yakapin niya ako ng mahigpit dahil narin sa binaon niya ang kaniyang ulo sa dibdib ko.

“Bakit?” hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

“Buntis ako...” ngumiti siya pero patuloy pa ring bumabagsak ang mga luha niya. “Magkakaanak ulit tayo.” halos paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi niya. Magkakaanak ulit kami. Magiging Daddy na ulit ako.

“Sobrang saya ko... Salamat Heaven mahal ko... Sobra mo 'kong napasaya”

“Congrats!” inakbayan ako nina Skie at Demo. Niyakap naman nina Mae at Janelle si Heaven.

“Salamat, sobrang saya ko. Sorry Heaven kung hindi ko maintindihan kung bakit ka nagsusungit nitong mga araw. Pangako iintindihin na kita.” sambit ko sabay hinalikan ko siya sa noo.

“Sorry din. Hindi ko ma-control 'yong sarili ko.”

“Okay lang, pero mag-iingat ka sa bawat kilos mo ah?”

“Opo...”

“Okay guys! Let's celebrate!”

----*

“Heaven mahal, may gusto kabang kainin?” lumapit ako at umupo sa sofa katabi niya.

“Hell, lumayo ka nga, hindi ko gusto amoy ng pabango mo.” aniya at umaktong nasusuka kaya pumanik ako sa taas para magshower at magpalit ng suot.

“Nagbake ako ng cake. Chocolate flavor. You want?” alok ko, ngumiti naman siya at tumango. Sobrang saya ko dahil bilang lang sa isang araw ang ngiti na nailalabas niya kaya masaya ako na nakangiti siya ngayon.

Humiwa ako ng isang slice at nilagay sa platito tiyaka ko binigay sa kaniya. Nagpasalamat naman siya at agad na tinikman ang gawa ko. “Ang sarap!” lumawak ang ngiti ko nang biglang magshine ang mga mata niya. Nagustuhan niya yung binake ko.Bumalik ako sa kusina para kuhaan siya ng juice.

“Uminom ka muna baka mabulunan ka.” kinuha niya ang juice at agad itong ininom. Pinalapit ko si Inday para ipaligpit ang pinagkainan ni Heaven.

“F*ck!” mura ko nang maibuga ni Heaven sa mukha ni Inday ang juice. Tumakbo siya papuntang c.r kaya agad ko siyang sinundan. Hinimas ko ang likod niya dahil suka siya nang suka.

Pinunasan ko ang mukha niya gamit ang bimpo na binanlawan ko para maginhawaan siya. Nagpaiwan naman siya sa c.r dahil magto-toothbrush lang daw siya.

“Sir...” tawag ni Inday na nagpupunas ng mukha.

“Bakit?” tanong ko

“May bisita po kayo. Nasa sala na po siya dahil tuloy-tuloy siyang pumasok.” bisita?

Pumunta akong sala kaya nakita ko nga siya. Lumingon ako para tingnan kung tapos naba si Heaven.

Binulungan ko si Inday na kahit anong mangyari huwag palalabasin si Heaven sa C.r

Ayokong magkita sila ni Mich dahil baka may mangyari na namang masama sa magiging anak ko.

“Hell, may gusto akong sabihin sa'yo. Sainyo ni Heaven...” aniya kaya napangisi ako.

“Hindi mo na 'ko mauuto. Hindi ko hahayaang makalapit ka kay Heaven at sa magiging anak namin.” sambit ko. Pinatawag ko ang guard para mapaalis siya. Tama na 'yong isang beses niyang sinaktan ang taong mahal na mahal ko.

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now