Chapter 23

4K 158 36
                                    


Nandito kami ngayon nina Janelle at Mae sa cafeteria para kumain muna bago pumasok sa unang klase. As usual may activities kaming gagawin two weeks ago na kasi ang nakalipas matapos ang Mr and Ms Campus.

"Bakit hindi mo parin ginagalaw 'yang pagkain mo?" tanong ni Janelle kay Mae na minumurder ang chocolate cake gamit ang tinidor.

"Kung may buhay lang 'yan, namura kana niyan." natatawa kong sambit bago isubo ang cake kong ube flavor.

Nagkibit-balikat siya at kinuha ang bag na nasa tabi niya. Mahigit dalawang linggo narin mula nang mapansin namin ang pagiging tahimik niya kaya sigurado kami ni Janelle na may problema siya na ayaw niyang sabihin samin. Well, hindi naman namin siya pipilitin. Hihintayin namin na siya mismo ang mag-open.

Pinagmasdan lang namin siya na nagkakalkal sa bag niya na parang may hinahanap.

"Skie!" tawag ni Janelle kay Kuya kasama si Demo at yung girlfriend niya na si Shane.

Lumapit sila samin. Nagkatinginan kami ni Janelle nang nagmadaling tumayo si Mae at parang hindi mapakali.

"Guys, naiwan ko yung I.D ko sa rest room balikan ko lang." paalam niya at patakbong lumabas nang cafeteria.

I sigh,

Mukhang alam kona ang dahilan kung bakit nagiging balisa siya nito nakaraang linggo. Hindi niya tanggap ang ginawa ni tadhana para sa kanilang dalawa ni Demo. Like what i've said. kung sila, sila talaga.

At isa pa, magpapalusot nalang siya obvious pa. Suot niya kaya yung I.D niya.

"Heaven. It's been a long time nang huli tayong magkita." nakangiting wika ni Shane. Ngumiti rin ako sa kaniya. Hindi naman siya Bitch. Maaaring naiinis ako sa kaniya dahil sa pag-iwan niya kay Demo, umasa ang kaibigan ko. Pero wala naman siyang alam na may nililigawan na si Demo kaya may karapatan pa siyang balikan ito lalo na't wala namang break-up na nagaganap sa kanila.

"Oo nga eh. Ano nga palang nangyari sa 'yo?" tanong ko. Mahigit isa or dalawang taon yata siyang nawala.

"May sakit ako, kaya kinailangan kong magpagamot sa America."aniya at ngumiti. Mabait si Shane sa katunayan nga tinutulungan niya ako sa mga homeworks ko dati.

" Okay kana ngayon?"

"Yup. Actually a year ago pa simula nang makarecover ako. Medyo nagkaproblema lang sa bisa ko kaya medyo natagalan din ang pagbalik ko rito sa pilipinas. Naintindihan naman ni Demo 'yon." hindi ko naman masisisi si Demo sa ngayon. Pero ang saktan ang kaibigan ko ang kinaiinisan ko sa kaniya ngayon. Hindi niya man lang kinausap si Mae para humingi ng sorry. Psh.

"I'm happy for you." ngumiti ako sa kaniya. Kahit papaano naman may pinagsamahan kami.

"Thank you Heaven. Balita ko ang maldita mo raw. Thankful ako dahil hindi mo ako minamaldita ngayong araw." aniya habang natatawa kaya tinaasan ko siya ng isang kilay at inirapan. Pabiro lang naman kaya pati ako ay natawa rin.

"Kuya pakisabi naman kay Mommy papuntahin niya si Inday sa bahay. Tambak na kami ng labahin ni Hell."saad ko, ang hirap talagang mag-asawa lalo na't patigasan kaming dalawa ni Hell sa gawaing bahay.

Kinasal na kami last week pero sa West lang. Ang sabi kasi ni Tita---err Mommy Joyce ulitin nalang daw namin sa simbahan kapag tuluyan na raw kaming nahulog ni Hell sa isa't isa. Tss, ang plano ko nga kung paano kami magdi-divorse eh.

"Hindi raw pwede. Pero dahil naaawa na ako sainyo. Padadalhan ko nalang kayo ng dalawang Maids mamaya." napayakap ako kay Kuya dahil sa himala niya. Kahit obvious naman na nagpapalakas siya kay Janelle ay natutuwa parin ako dahil makakapag-basa ako ng paborito kong mga libro.

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora