Chapter 16

4.1K 187 9
                                    

Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa amoy ng panyo na ipinangtakip nila sa ilong ko. Feeling ko ako si Wonder woman dahil nakaya ko pang makawala sa pagkakahawak nila.

“Sino ba kayo? Bakit amoy utot 'yang ipinantakip niyo sakin?!” Inis kong sambit bago punasan ang ilong ko.

“Nakikita mo ba 'to?” Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay na may hawak na kutsilyo.

“Hindi naman ako bulag para hindi makita 'yan.”

“Nakuha mo pang mag-biro eh nasa bingit kana ng kamatayan.” Sambit niya sabay tutok ng kutsilyo sa leeg ko. Lumang style na 'to. Hindi ko kailangang matakot dahil alam kong hindi pa 'ko mamamatay.

“Ibaba mo nga muna. Kakamutin ko lang kili-kili ko, nangangati eh.” at dahil uto-uto siya. Ibinaba niya ang kutsilyo kaya hindi na ako nag-aksaya ng segundo para makatakbo.

Matulin at parang nililipad ako sa hangin. Abnormal ba 'ko? Nakangiti kasi ako habang tumatakbo eh.

“Swerte!” Lumingon ako at nakita ko nga yung mga lalaki na humahabol sakin. Hindi ko sila kilala at lalong ngayon ko lang sila nakita.

Tumakbo ako papuntang kotse namin at nakita  ang Driver namin na nakasandal doon.

“Manong bilis!” nagulat naman si Manong pero agad din siyang pumasok sa Driver seat habang ako naman ay nasa likod.

“Ma'am sino po sila?”

“Mamaya kana mag-tanong.”

Sumilip ako sa likod at nakita ko sila na sumakay narin ng kotse. Ano bang kailangan nila sakin?

“Manong Takbo nandiyan na sila dali...” natatarantang sambit ko dahil umaandar na yung kotse ng mga kikidnap sakin.

“Manong, san ka pupunta?” napa-facepalm nalang ako nang lumabas siya ng kotse at kumaripas nang takbo. Katangahan 101.

Halos pumalakpak ako sa tuwa nang pumasok bigla si Hell.

“Sinaktan kaba nila?” tanong niya sabay start ng kotse at pinaandar ito.

Umiling ako, “May pina-amoy sila sakin. Hindi ko nga alam kung amoy putok o utot eh.” kadiri naman sila, hininga nalang kulang para himatayin ako eh.

“Tss, chemical 'yon kaya mabaho.”

“Ah, sinusundan ba nila tayo?”

Sumilip siya sa side-mirror sabay umiling.

“Mukhang hindi na, kasi wala namang sumusunod satin.” inihinto niya ang kotse sa may tabi.

Bumaba kami ng kotse at tila nakaramdam ako ng lamig. Naka-off shoulder pa naman ako at hating gabi na rin.

Napatingin ako sa kaniya ng hubarin niya yung suot niyang Jacket. Humarap siya at tiyaka niya ito ipinatong sakin.

“Sino kaya yung mga 'yon?” tumingin siya sakin habang nakakunot ang noo,

“Hindi ko alam. Baka nakita lang nila akong nag-iisa kaya nagbabalak silang kidnapin ako at manghingi ng pera sa Mommy ko.”

“Pwede rin. Ma-iba tayo. Sabi pala ng Mommy mo at ng Mom ko, next week na raw ang kasal.” nag-iwas siya ng tingin habang ako ay naka-pout lang. Hindi ba't masyado pa akong bata maaga para mag-asawa?

“Hayaan mo na. Sumunod nalang tayo sa kanila. Alam mo naman na kahit hindi tayo pumayag, wala parin tayong magagawa.” Sambit ko, parehas naman kaming tumahimik at tanging kuliglig nalang ang aming naririnig.

Nagulat ako nang yakapin niya ako patalikod at nang ipatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat.

Pipiglas sana ako pero, “Stay please.”

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now