Chapter 8

4.7K 209 22
                                    

" Dalawang linggo na rin pala mula nung foundation day. " sambit ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin.

Simula noong tulungan ako ni Hell sa panget na kamatayan na 'yon, mas lumala yung pagiging pangalan niya. Kasi mas naaasar niya na 'ko.

" Nget, may bisita ka. " Sambit ni Kuya mula sa labas nitong kwarto ko. Pansin ko lang, kapag nasa kwarto ako, palagi nalang niya 'ko tinatawag.

" Tanga, tulog ako h'wag kang istorbo!"

" Sige ka, sasabihin ko kay Hell yung nakalagay sa Dia------

" Tangina, eto na lalabas na!"

Hindi niya pwedeng malaman 'yon. Magpapalamon na 'ko sa lupa kapag nangyari 'yon.

Lumabas ako ng kwarto kahit na may twalya sa harapan. Hindi kasi ako naglalagay ng bra kapag nasa bahay, palagi lang naman akong nasa kwarto e.

" Girl! " Sigaw ni Mae sabay yakap sakin, akala mo ngayon lang kami nagkita e,

" O? Bakit kayo napadpad dito? " tanong ko sa kanila.

" Ganito kasi 'yon Heaven. " Nae-excite na sambit niya. Hays, buti pa si Janelle kalma lang.

" Ganito kasi 'yon... " aba, nagawa pang mambitin, 'di naman maganda.

" Ikaw kasi yung napili ni Ma'am Abines bilang Ms.Campus! " Sambit ni Janelle.

" Yak! Talo na tayo n'yan. " Sambit ni Kuya habang umiinom ng tubig.

" Bakit gan'on? May nagsasalitang tae. Narinig niyo ba?" Epal kasi e, sabat ng sabat akala kausap.

" Tss! Ikaw nga mukhang utot na bilog eh. " aba lumalaban.

"Ikaw mukhang manok na walang balahibo! "

" Pogi naman! "

" Mangyayari lang 'yon kapag nagkaroon na ng araw sa gabi!"

" Gago, imposible 'yon!"

" Exactly!"

"Mag-aaway nalang ba kayo diyan?" biglaang singit ni Janelle.

"Tss!" Inismiran ko si Kuya at bumalik nalang sa pakikipag-usap sa dalwa.

" So ano Heaven payag kana ba?" tanong ni Janelle

" Oo naman, lalo na't malaki ang chance na manalo tayo. "

" Ang hangin! Nilipad yung Brief ko."

" Hindi ka nga nagbi-brief, wag kang assuming. " kadiri naman kasi e, ang daming pwedeng lumipad brief pa.

" Yey! So pwede bang maki-c.r?" parang tanga 'tong si Mae, natatae sa sobrang excited.

" Mamaya na, may tumatae pa. " Sambit ko " Joke lang, tara na."

Pumunta kami sa Cr at iniwan namin si Janelle at Kuya sa sala. Jusko mahabagin! Baka nira-rape na ni Janelle ang Kuya ko.Syempre biro lang, siguro ang Oa ko lang masyado.

" Bakit dito pa iyan umabot?" tanong ko kay Mae

" Yung alin? "

" Bakit dito kapa natatae?"

" Gaga, biro lang 'yon. Hayaan mo ng ma-solo ng kaibigan natin yung Kuya mo. "

" Taray, kinonchaba mo pa talaga 'ko, pero sige na nga. "

Sumilip kami sa sala at nakita namin yung dalawa, tss! Hindi naman sila nag-uusap e,

Nakasandal si Kuya sa wall namin habang si Janelle naman ay nakaupo sa sofa at kunwaring nagte-text sa cellphone. Pa'no ko nalaman? Kumain ako ng gulaman. Okay ang korni ko.

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن