Chapter 39

2.9K 103 31
                                    

“Hell, balak mo ba talagang tumuloy? Baka maihi ka sa kaba.” Hinawakan ko ang kamay niya para sandali kaming huminto sa paglalakad.

“Buo na ang desisyon ko. Gusto kitang ipaglaban sa Dad mo. Papatunayan ko na ako ang karapat-dapat para sa'yo.” Gusto ko sanang kiligin kaso kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Napakatigas ng ulo ni Hell, kailan kaya lalambot?

Hinawakan ko sa kamay si Hell nang makarating na kami sa harap ng bahay ni Dad. Nakakatakot baka bigla nalang kaming barilin dito.

Lumpit si Hell sa gate tiyaka nagdoor bell. Mga tatlong pindot lang ay may nagbukas agad na kasambahay.

“Ano pong kailangan niyo?” tanong niya, “Hindi po kasi tumatanggap ng bisita si Sir.” Sambit niya at akmang isasara na ang gate pero pinigilan siya ni Hell.

“May kailangan kaming pag-usapan. Sabihin mo importante lang.” Hinawakan ko ang kamay ni Hell para pigilan siya dahil alam kong magpupumilit siyang pumasok. Siguradong mas lalong magagalit si Daddy.

“Sa susunod nalang Hell, baka busy pa si----

“No, gusto ko ngayon!” tinikom ko ang bibig ko dahil baka magalit siya sa akin. “Gusto kong ipaalam sa kaniya na pakakasalan kita ulit.” ngumiti siya at sabay hinalikan ako sa noo.

“Oo, ipapaalam natin sa kaniya pero may ibang araw pa na---”

“Anong kailangan niyo?” napatikom muli ang aking bibig nang lumabas at harapin kami ni Dad. “Akalain mo nga naman, napaniwala mo 'ko na nakakalimot kana bata.” tiningnan ko ang magiging reaksiyon ni Hell sa sinabi ni Dad, pero nakangiti lang siya habang nakayukom ang mga kamao niya.

“Gusto ko lang sabihin na pakakasalan ko si Heaven,” halos mapantig ang tainga ko nang tumawa ng malakas si Dad.

“Meron akong gusto para sa anak ko at hindi ikaw 'yon. So back off kid!” nag-init ang ulo ko nang itaas ni Dad ang gitnang daliri niya at itinapat kay Hell.

“Hell, umalis na tayo,” hinatak ko siya pero agad siyang pumiglas.“Hell, wala tayong mapapala sa kaniya. Hindi natin makukuha ang gusto natin dahil napakaselfish ng taong 'yan!”

“Ganiyan kaba kabastos pinalaki ng Mommy mo?” nanliit ang mga mata ko.

“Kapal din ng mukha mo 'no? Matapos mo kaming iwan, umaasta ka na parang may karapatan kapa rin samin,sakin, pabayaan mo na ako!” sigaw ko. Naramdaman ko ang malakas na pagdapo ng  kamay ni Dad sa pisngi ko. Agad din naman ako niyakap ni Hell

“Anak lang kita Heaven, wala kang karapatan para bastusin ako ng ganito!” kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

“Anak mo 'ko, pero wala kang karapatang iwan at saktan ako. Anak mo 'ko kaya dapat na suportahan mo ako sa mga gusto ko, Anak mo 'ko kaya dapat maging masaya ka nalang para sakin!” napa-pikit ako nang iangat niya ulit ang kanang kamay niya.

Hinintay kong may dumapong kamay sa pisngi ko, pero wala. Dumilat ako tiyaka ko lang napagtanto na nakahiga na pala si Dad sa sahig habang nakahawak siya sa dibdib.

“D-dad...”

“Sir...” lumapit ang mga kasambahay para asikasuhin si Dad. “Mam, dadalhin na ho namin si Sir sa Hospital.” hindi pa man ako sumasagot, isinakay na nila si Dad sa kotse.

Naalala ko bigla, may sakit si Dad sa puso. “Kasalanan ko kung bakit siya inatake.” Ani ko habang sinusundan ng tingin ang kotse na kung saan nila isinakay si Dad.

“May sakit ang Dad mo?” tanong ni Hell, tumango ako bago ko siya niyakap. “Wala kang kasalanan. Siya ang gumawa ng dahilan para atakihin siya.” mahigpit niya akong niyakap sabay hinalikan sa noo.

Tahimik ako hanggang sa makarating kami sa bahay. Nakokosensya ako, gusto kong kamustahin ang lagay ni Dad.

Dumiretso ako sa kwarto namin ni Hell para magpalit ng damit. Magbabasa nalang ako ng mga libro para kahit papaano makalimot.

“Heaven, sumabay kana sakin kumain.” aya ni Hell. “Gusto mo dalhin ko nalang yung dinner natin dito?” aniya.

“Sige po,”

Humiga ako tiyaka binuklat ang libro. Nakakainis, nawalan pa ako ng gana. Muli ko ulit sinara tiyaka hinintay nalang si Hell makarating.

“Bakit may alak?” tanong ko. “May balak ka 'no?” may dala siyang isang case.

“Hindi ako kagaya mo na pervert!” aniya pa. Inilapag niya ang alak sa sahig, pumasok naman si Inday na may dalang tray.

“Thank you,” pasalamat ko kay Inday. “Ang kapal ng mukha mo Hell, huwag mong ipasa sakin 'yang kamanyakan mo ha.” inis kong saad.

Nagkwentuhan kaming dalawa, ipinagsabay na namin ang alak sa dinner namin,

“bata palang ako ng iwan niya kami. Daddy's girl ako dati dahil iniispoil niya 'ko kaya lang biglang unti-unti ng nagbago ang pakikitungo niya sakin, yun pala, may iba na siya.” ininom ko ang isang shot. “May sakit siya sa puso, ako noon ang Doctor doctoran niya. Kiss ko lang dati pinapakita niya na lumalakas siya.”

“Bakit iba ang pinapakita niya sa'yo ngayon?” tanong niya. Nagkibit-balikat ako.

“Dahil kay Mommy ako sumama,” pinunasan ko ang pisngi kong may luha. “Siya ang nagloko Hell, kaya kay Mom ako sumama. Galit ako sa kaniya dahil kung hindi siya nagloko, buo at masayang pamilya sana kami ngayon.”

Medyo nakakaramdam na ako ng hilo kaya tumigil na ako sa pag-inom ng alak. Tumayo na rin si Hell tiyaka niligpit ang mga kinlat namin. Inabot niya rin ito kay Inday na nag-aabang sa labas ng kwarto.

“Hell, nahihilo ako, huwag muna.” umiwas ako ng akmang hahalikan niya ako. Napairap nalang ako nang magpatuloy parin siya. Wala na rin akong nagawa dahil sobra na akong nahihilo.

---

Nakatulala lang ako sa kisame habang iniisip kung ano na ang lagay ni Daddy, okay na kaya siya ngayon? Kahit na nagagalit ako sa kaniya, hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-alala.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga para pulutin ang mga damit na nagkalat sa sahig. Wala pala akong suot ngayon ni isa dahil sa nangyari samin ni Hell kagabi.Speaking of Hell, pagkagising ko wala na siya sa tabi ko.

Matapos kong magshower, lumabas na ako ng kwarto. “Inday, nasaan si Sir. Hell mo?” tanong ko nang makasalubong ko siya, Pababa ako ng hagdan siya pataas.

“May pasok po siya diba?”

Napasapo ako ng noo, oo nga pala, may pasok pa. “Kumain ba siya bago umalis?” tanong ko.

“Opo Mam, napagod daw siya kagabi.” Nag-iwas ako nang tingin tiyaka siya iniwan, parang naguilty tuloy ako na napagod siya.

Nanlaki ang mata ko ng biglang parang umikot ang sikmura ko, kaya agad akong tumakbong c.r para sumuka.

“Mam buntis po ba kayo?” tanong ng isang kasambahay namin tiyaka ako inabutan ng twalya.

Napairap ako, “Hindi 'no, uminom kasi kami ng alak kagabi kaya medyo nahihilo ako tiyaka nasusuka.” ani ko tiyaka nagmumog at hilamos bago nagpunas gamit ang twalya.

“Ano ba 'yan! Ang kalat-kalat, hindi ba kayo marunong maglinis?” iritang sigaw ko sa kanila. Marami pa kasi akong kalat na nakikita at nararamdaman ko ang mga buhangin sa sahig kaya magaspang.

“Pasensiya na Mam,” nakapamewang at napairap nalang ako. Tiningnan ko ang suot kong relo, bakit kaya wala pa si Hell? Alam ko, isang subject lang ang meron siya ngayon.

Maya-maya pa may narinig akong nagdoor bell kaya tumungo ako roon para buksan ang gate.

“Josh?” napangiti ako ng makita ko siya, matagal tagal na rin noong huli kaming nagkita.

“Heaven... Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, pwede ba kita maging girlfriend?”

Eh?






A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now