Chapter 20

3.8K 184 14
                                    


Nakasimangot ako nang makabalik na kami sa backstage. Balak ko sanang i-bulgar din ang ka-sexyhan ko, kaya lang bigla akong hinatak ni Hell at sinabing nababaliw na ako.

"Ano bang trip mo Heaven? Gusto mo bang pag-piyestahan ka don?"

"Oh bakit ka naiinis? Noong ikaw ba nag-hubad pinigilan kita?"

Kinuha ko ang sunod kong susuotin para sa talent portion. Dumating kasi sina Mommy at Tita Joyce na may dalang Dress na blue. And guess what? Tuwang tuwa pa sila na nag-hubad si Hell.

Oo nakakaakit siya pero tama ba na i-share niya yung Abs niya? Kailangan bang marami kaming makakita? Damn you Hell!

Dapat ako lang.

"Heaven. Ano bang kinagagalit mo diyan?" tanong niya at talagang sumunod pa siya sakin.

"Nagagalit ako kasi walang makaka-talo sa kagandahan ko." walang gana kong sambit at patuloy nalang sa paglalakad papunta sa C.r

"Tss. Tama na ang Joke, seryoso ako." Aba't, mukha ba akong nagjo-joke?!

Hindi ko na siya pinansin at pinagsaraduhan ko nalang siya ng pinto.

Nang matapos na akong mag-bihis, lumabas na agad ako. Balak ko sanang bumalik sa loob dahil nabadtrip nanaman ako nang makita ko yung mukha niya eh.

"Hindi ko alam yung problema mo pero sorry." tiningnan ko siya saglit bago ko muli iniwas. "Mga babae nga naman ang hirap intindihin."

"Tungkol ba 'to sa Abs ko? Wag kang mag-alala. Iyong-iyo lang 'to." kunot noo akong tumingin sa kaniya pero kinindatan niya lang ako.

"Okay sige, magjo-joke nalang ako."

"Siguraduhin mo lang na havey 'yan. Kung hindi babasagin ko eggs mo." banta ko. Halos matawa ako nang mapalunok siya ng bahagya.

"Fine. Heaven."

"Hmm?"

"Ang ganda mo."

Kikiligin na sana ako nang may kasunod siyang sinabi,

"Joke lang."

Binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin pero tumawa lang siya. Ia-angat ko na sana ang paa ko at ready na siyang sipain nang umilag siya.

"Just kiddin', Ano ang tawag sa maliit na tsunami?"

"Ano?"

"Edi tsunano hahahaha!"

"Binabadtrip mo ba 'ko?!"

Akala ko ang nakakatawa ang joke. Nakakabadtrip pala. Lalo na nang si Hell ang gumagawa.

"Ts. Okay na tayo?" inakbayan niya ako at pinisil ang pisngi ko gamit ang kaliwang kamay.

"Oo na," inalis ko ang pagkaka-akbay niya. "Amoy pawis kakadiri." sambit ko, pero ang totoo kahit na naliligo siya sa pawis, ang hot niya parin. Lalo na't wala siyang suot na pang-itaas ngayon. Hindi niya rin alam na konti nalang matutunaw na yung abs niya sa titig ko.

"Heaven tapos na sila Macy, mag-ready na kayo." sambit ni Rachel habang may hawak na mga papel. Napakasipag naman nito."Ikaw Hell, isuot mo na 'yang t-shirt mo at baka kumuha nalang bigla ng palaman si Heaven diyan."

Inirapan ko si Rachel dahil sa pinagsasasabi niya. Hindi na siguro kailangan ng palaman, mukhang masarap naman kahit tinapay lang eh.

"Hell tinatawag na tayo. Ano bang kakantahin natin?" tanong ko. Shit! Hindi pala namin napaghandaan 'to.

"Ako nang bahala. Makisakay ka nalang sakin." sambit niya. Nauna na siyang maglakad papuntang stage. Syempre mas inayos ko pa ang sarili ko bago sumunod sa kaniya.

Bumulong si Hell kay Rommel na nakatoka sa speaker or sa music.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang Intro ng kanta. Nakakapagtakha nang biglang pumunta si Vinia sa stage at may dalang upuan.

"Pinlano na ito ni Hell. Makisakay ka nalang Heaven." bulong niya sakin at hinawakan ako para umupo.


"When you feel the sunlight
Fade into the cold night
Don't know where to turn
Don't know where to turn
And all the dreams you're dreaming
Seem to lose their meaning
Let me in your world
Baby, let me in your world

All you need is someone you can hold
Don't be sad, you're not alone♪♪"

Nakakunot ang noo ko habang pinapanood si Hell na kumakanta. Para ba sakin 'yon? O kasama lang talaga sa talent portion na ito.

"I will be here for you
Somewhere in the night
Somewhere in the night
I'll shine a light for you
Somewhere in the night
I'll be standing by
I will be here for you ♪"

Lumapit siya sakin at hinawi ang buhok ko. Inilagay niya rin ang aking natitirang buhok sa harap at inilagay sa aking tainga.Ang ganda nang boses niya. Ang sarap pumikit at pakinggan siya.

" In this world of strangers
Of cold, unfriendly faces
There's someone you can trust
Oh there's someone you can trust
I will be your shelter
I'll give you my shoulder
Just reach out for my love
Reach out for my love

Call my name
And my heart will hear
I will be there, there's nothing to fear♪♬♪"

Ngumiti siya sakin. Tumitili na rin ang mga studyante. Ano bang eksena nitong si Hell? At wala akong ka-alam alam.

Nagulat siya nang tumayo ako,

" I will be here for you
Somewhere in the night
Somewhere in the night
I'll shine a light for you
Somewhere in the night
I'll be standing by
I will be here for you ♪♩"

Nang kumanta ako, mas lalong lumakas ang tilian. Mas maganda ba ang boses ko kay Hell?

Umirap siya at parang sinasabing bakit pa ako tumayo at naki-kanta. Siguro iniisip niyang dagdag pogi points yung pag-kanta niya at nasira ko ang plano niya. Dahil baka hindi siya makapagpa-impress sa mga babaeng ka-batch namin.

Inismiran ko siya nang hilahin niya ako para mapa-upo ulit.

"Oh, yeah!♪♪"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumuhod siya at may hawak na maliit na box.

"A-ano yan? " nagawa ko parin magtanong kahit na kinakabahan ako.

" I will be here for you
Somewhere in the night
Somewhere in the night
I'll shine a light for you
Somewhere in the night
I'll be standing by ♪"

Binuksan niya iyon at nakita ko nga na may lamang sing-sing. Kahit alam ko kung bakit at kung anong dahilan. Hindi ko naiwasan na hindi lumuha.

" I will be here for you...
I will be here for you♪♪"

Huminga siya nang malalim at tumingin sakin nang diretso.


"Will you marry me?"

"Tinatanong mo pa kahit alam mona ang isasagot ko."

Inilahad ko sa kanya ang kamay ko tiyaka niya isinuot ang sing-sing.

Tumingin ako sa Audience na shock na shock sa nangyaring scene. Nakangiti naman sina Mommy at Tita Joyce. Ganoon din si Kuya, Demo at ang mga kaibigan ko.

Tinakpan ni Hell ang dalawang tainga ko ng magsimula nang mag-tilian ang mga tao.

Kahit expected ko na ang wedding. Na-surprise parin ako. Damn you Hell!

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now