Chapter 35

3.3K 128 19
                                    

“Sa tingin mo, tama ba ang naging desisyon mo? Hindi ba't masyado yatang mabilis?” Sambit ni Janelle at tumabi sa pagitan namin ni Mae.

“Kaysa may masaktan pa saming dalawa kaya 'yon ang gagawin koat alam kong tama ang desisyon ko.”

Nandito kami sa sala para gumawa ng requirements. Dahil sa nangyari sa'kin kinakailangan ko pang magsummer class.

“Ang daya mo naman Heaven, akala ko sabay-sabay tayong gagraduate.” malungkot na saad ni Mae.

“Okay kana ba talaga?”

Umiling ako sa tanong ni Mae. Masyado akong nasaktan sa nangyari. Kung pwede lang talaga ibalik ang buhay ng anak ko.

“Pinapaiyak niyo 'ko eh.” ani ko sabay takip ng kamay sa mukha. Namumuo na naman ang sakit sa dibdib ko. Naiinis ako dahil kahit kailan hindi ako magiging okay.

“Naiintindihan ka namin Heaven. Alam namin na sa kabila ng lahat ng ngiti mo, sa likod nito may nakatagong sakit. Para saan pa at nandito kaming mga kaibigan mo?” nagpapasalamat ako at nandito sila sa tabi ko. “Payo'ng kaibigan Heaven. Ipaglaban mo si Hell. Promise, hindi ka magiging masaya kapag sinunod mo 'yang Dad mo.” alam ko. Kaya kong magdusa para lang hindi siya pag-initan ni Daddy.

“Mahal ka ni Hell at alam kong mahal mo rin siya kahit hindi mo iyon sabihin samin.”

“Oo Mae. Mahal na mahal ko si Hell kaya hindi ko kayang makita siyang nasasaktan ng dahil lang sakin.” malaki ang kasalanan ko kay Hell. Pinabayaan ko ang anak namin. Kasalanan ko kung bakit nawalan kami ng Anghel.

“Mam Heaven, Ito na po yung Juice.” nagpasalamat ako kay Manang Nimpa nang ilapag niya iyon sa harap namin.

“Mam Heaven,” tawag pa ng isang kasambahay.“Nandiyan po yung mga kaibigan ni Sir. Skie.”

“Anong gusto mong gawin ko? Ako magpapasok sa kanila?” nakakagigil naman 'to. Hindi naman ako si Skie.

“Papasukin ko po ba?” tanong niya pa.

“Huwag! Palabasin mo.”

“Heaven, masama pa sa'yo ang maistress.” awat ni Mae.

Ilang saglit pa ay bumaba na si Kuya Skie na may hawak na Tablet.

“Oh Janelle. Nandiyan ka pala bakit hindi ka man lang nagsasabi?” lumapit siya kay Janelle at hinalikan ito sa pisngi. Ito namang kaibigan ko kinilig.

“Sige, mang-inggit pa kayo.” sambit ko. Natawa naman si Mae na nasa kabila ni Janelle.

“Mamaya na 'yan Kuya. May bisita ka raw.” Ani ko at tinulak siya paalis.

“Sandali. Kung ikaw dinidiktahan pa ng Daddy mo, bakit si Skie hindi?” takhang tanong ni Mae.

“Simple lang. Hindi niya pa kailangan si Kuya Skie. Wala pa siyang nahahanap para kay Kuya.” sagot ko. Galit ako sa Daddy ko dahil malaki ang kasalanan niya samin lalo na noong iniwan niya kami.

“Hindi mo katulad ang Kuya mo na mabilis sumuko. Kung si Hell hindi mo maipaglaban. Si Skie ipaglalaban niya 'ko.” nagulat ako sa pagtaas ng boses ni Janelle. Maski siya ay nagulat din sa sinabi niya.

Tama siya. Wala akong lakas ng loob na ipaglaban si Hell. Pero hindi niya alam kung gaano kalaki ang bagay na sinasakripisyo ko.

Sinasakripisyo ko ang kasiyahan ko. Ang pagmamahal at maski ang anak ko. Para sakin ang pagkawala ng anak ko ay mas masakit at malaking sakripisyo.
Ayokong may mangyari kay Hell na masama kaya pinili ko ang desisyon na ito.

“I'm sorr---

“Huwag kang mag-sorry. Naiintindihan ko ang side mo at alam ko na duwag ako kaya hindi ko magawang ipaglaban si Hell.” pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Sana bata na lang ako na walang pakielam sa mga desisyon. Yung naka-depende lang sa gusto ng magulang at yung walang pusong nasasaktan basta masaya lang kahit laruan lang ang hawak.

“Heaven please... Ipaglaban mo si Hell. Bilang mga kaibigan mo ayaw namin na gumawa ka ng desisyon na pagsisisihan mo sa dulo.” nauunawaan ko ang ibig nilang sabihin pero paano? Paano ko ipaglalaban kung buhay niya ang nakasalalay dito?

Napatingin kami sa pintuan. Unang pumasok si Kuya, kasunod si Demo at nasa hulihan ay si Hell.

Para akong nanlamig sa mga tingin niya. Hindi ko gusto ang ganoong tingin.

Alam ko na may sama ng loob siya sakin. Ito na ba 'yon? Ngayon palang parang gusto ko ng bawiin yung sinabi ko sa kaniya.

Pero hindi. Nakapagdesisyon na ako. Paninindigan nalang ang kailangan kong gawin. Gusto kong humingi ng tawad dahil alam kong sobra ko siyang nasaktan.

Hell...” pabulong kong banggit sa pangalan niya. Alam kong narinig niya 'yon. Nasasaktan ako dahil hindi niya man lang magawa na lingonin ako.

---

Nauna nang umuwi si Mae dahil may dinner pa sila ng family niya samantalang si Janelle naman ay nasa kwarto ni Kuya. May ginagawa raw silang project.

Pumunta akong kusina para uminom ng tubig. Nakita ko na may nagbukas ng refrigerator at naglabas ng tubig.

“Hell...”

“Mauuna na rin ako.” aniya at diretsong ininom ang basong may lamang tubig.

“Sandali,” pigil ko at hinawakan siya sa braso.

“I-i'm sorry...” hinigit ko siya at niyakap. Alam kong ito na ang huling yakap kaya susulitin ko na.

Kaya lang, “Bitawan mo 'ko Heaven.” gaya nga ng sabi niya, binitawan ko siya.

Umalis siya at iniwan akong mag-isa sa kusina.

“Skie mauna na 'ko.” sigaw niya.

“Sige Bro, ingat.”

Tumingin siya sakin at tinanguan ako. Tumango rin ako matapos nun, tuluyan na nga siyang umalis.

Tumungo ako sa kwarto para magpahinga muna. Naiinis ako dahil sa inasal ni Hell kanina pero naiintindihan ko siya. Alam kong nasaktan ko siya nang sabihin ko na huwag na niya akong hinatayin.

Kung 'yan ang gusto mo. Sige, sana maging masaya ka.

Yan ang huli niyang sinabi sa'kin. Hindi ba dapat maging masaya ako dahil pinapalaya niya na rin ako?

Gusto kong sabihin sa kaniya kanina kung gaano ko siya kamahal pero ang nakikita ko sa mga mata niya, sinusubukan niya akong kalimutan.

Napukaw ng aking atensiyon ang cellphone ko na nagriring sa side table. Tamad at bagot ko namang sinagot iyon.


“Dad?” Nakakainis! Gustong-gusto ko siyang sigawan at babaan ng tawag.

[Naayos ko na ang visa mo. Bukas na bukas aalis kana kasama ni Skie.] Fvck. Agad-agad? Ni hindi pa nga ako nakakapagpaalam sa mga kaibigan ko.

“Pwede bang sa susunod na linggo nalang Dad?” gusto kong sulitin ang araw na kasama ko ang mga kaibigan ko at gusto kong makapagpaalam pa ng mas maayos kay Hell.

[No.]

Sasagot palang sana ako ng bigla niyang binaba ang tawag. Yah! Nanggigigil talaga ako sa kaniya!


Sandali ang napahinto nang marealize ko ang lahat ng mga sinabi ng mga kaibigan ko.

Parang ayokong may pagsisisihan ako sa huli. Dapat yatang ipaglaban ko si Hell.

Bahala na! Kung pwedeng magtanan, sasama ako kay Hell.

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now