Chapter 24

3.7K 154 31
                                    

Nakakailang gawa na ako ng bag gamit ang news paper at magazine samantalang si Mae ay wala paring nagagawa. Nakatulala lang siya habang hinahaplos-haplos lang ang mga hawak niyang papel.

“Gusto mo na bang magkwento?” tanong ko sa kaniya. Hindi ako sanay na tahimik siya. Ang sakit niya sa bangs.

“Not now Heaven.” marahan akong tumango. Naiintindihan ko siya.

Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko. Ibibigay kasi namin itong mga bag sa mga prof. Nakakainis nga eh, sila yung gagamit tapos kami gagawa psh. Sana kapag gamit nila 'to biglang umulan ng malakas.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Janelle sakin sabay lapag ng orange juice na pinasabay ko sa kaniya.

“Ang haba ng pila sa baba. Nakisingit nalang ako sa mga kaibigan ni Skie hehe.”

Kinuha ko ang juice ko tiyaka sumip-sip. Ngumiti nalang ako sa kaniya at itinuloy ko nalang ang ginagawa ko.

“Nasan yung Asawa mo?” tanong sakin ni Janelle

“Nasa Zoo kumakain ng saging.”

Natawa naman siya bago mag-umpisa sa ginagawa niya. Sosobrahan ko na nga itong ginagawa ko. Mukhang wala namang balak si Mae gumawa.

Speaking of Hell. Nagpaalam siya sakin na malalate siyang umuwi pero hindi siya nagpaalam na hindi siya aattend sa klase.

Nang magdismiss na sabay kaming tatlo na lumabas as usual si Janelle ay sasabay kay Kuya, si Mae na nagpasundo sa Driver nila dahil hindi na nga siya hinahatid ni Demo at ako na dapat kay Hell na sasabay pero wala siya. Kaya Commute ako pauwi. Kung same way lang kami nina Janelle at Mae pauwi e'di sana may kasabay ako.

Ilang beses narin naman akong nagcocommute pero doon ako sa may Aircon hindi kasi ako sanay na maraming kasama sa isang sasakyan.

Habang naghahanap ako ng masasakyan bigla nalang may humatak sakin.

“S-sino ka?” nauutal kong tanong nang takpan niya ang mata ko.

“Hulaan mo.”

“Spongebob?”

“Nope.”

“Barney?”

“Tss. Nope.”

“Mickey mouse?”

“Are you kidding me?”

Ako pa ngayon ang nanloloko. Eh siya nga yung nantitrip sakin.

“Ang hirap mo namang hulaan.” irita kong sambit. Pero natawa lang siya kasabay non ang pag-alis niya ng kamay niya sa mata ko.

Kumunot ang noo ko nang makita siya. T-teka, pamilyar siya. I bit my lower lip nang mapagtanto ko kung sino siya.

Feeling ko nangingilid na ang luha ko. Since five years noong huli kaming magkita. I miss him. I miss Matthew.

“Miss me?”

Agad akong tumango at sinunggaban siya ng yakap. “Sobra! Buti naisipan mong bumalik dito.” pinunasan ko ang pisngi ko na may luha. Masaya ako at bumalik na ang kakampi ko.

“Namiss ko kasi ang kakulitan mo.”

“Aray.” hinawakan ko ang ilong ko na pinisil niya. Hindi talaga ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko. Galing kasi siya sa Australia at doon nag-aral. Matanda siya sakin ng dalawang taon at graduate na siya last year.

“Inaaway ka parin ba nila Skie?” ngumuso ako at tumango. Feeling ko nagiging bata ako kapag kaharap ko siya. Gustong-gusto kong magsumbong sa kalokohan nila Hell sakin dati. “Hayaan mo nandito na 'ko” niyakap niya ako at hinalikan sa ulo. Yayakapin ko sana siya pabalik ang biglang may humila sakin.

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now