Chapter 5

4.7K 226 40
                                    


" Sino ba yung sasakalin ko? "

" Ikakasal hindi isasakal ha? "

Umirap na lang ako dahil sa sinabi niya. Sus, parehas lang 'yon.

" Isuot niyo na'to sa kaniya. " Utos sa kanila ni Kit.

Isinuot nila sa'kin yung gown na ako mismo ang bumili. Meron din silang ikinabit sa ulo ko.

" Mga sira'ulo. " pailing-iling kong sambit.

" Ano may nahuli na ba kayo? " tanong pa ni Kit. Siya kasi yung president kaya ganyan nalang kung makapag-utos.

" May natatanaw na kaming pwede hulihin pres. " sabi ng isa kong classmate. Napacrossed arms nalang ako habang naghihintay.

Hell

Wooh! Buti nalang nakahanap ako nang tiyempo para iligaw yung sinasapian na babae.

'Yan ang hirap sa kagaya kong pogi. Nagkakaproblema sa chicks.

Inayos ko muna ang makintab kong buhok at ang suot kong polo na kulay black bago bumalik kila Skie, Sigurado ako na nandoon pa si Heaven.

Hindi naman ako interesado pagdating sa ganito. Nage-enjoy lang naman ako kapag kasama si Heaven, may maaasar ako.

" Huli ka! "

Halos masuntok ko yung dalawang kaklase ko na magkabilaan na nakahawak sa braso ko.

" Bitaw! " sambit ko pero sunod-sunod silang umiling. " Ano bang kalokohan 'to ha? " tanong ko pa.

" Nahuli ka namin para sa wedding booth. " sabi nang kararating lang na si Rachel.

" Dali, dalhin nyo na si Hell, naghihintay na si Heaven d'on oh."

"S-si Heaven? "

---

Heaven

Nakita kong nagpupumiglas si Hell sa pagkakahawak nina Rommel at Adrian.

" Tang'na niyo bitawan niyo 'ko. " sambit niya na tila parang nagwawala pa.

Itinulak siya ni Rommel papasok sa loob nitong booth na ginawa ko. Pansin kong napatigil siya sandali nang makita ako.

Itinayo ako ni Kit at itinulak, sapat lang para mapalapit ako kay Hell, sinamaan ko siya nang tingin pero tinawanan niya lang ako.

" Pasalamat talaga kayo at maraming tao ngayon, kung hindi nako magsimula na kayong makipag-palit ng mukha sa aso. "

" Kung makapag-salita ka parang luging-lugi ka sa'kin ah." nakangisi niyang sambit.

" Puhunan ba kita para malugi ako? Tiyaka Fyi, luging-lugi talaga!"

" Tigas talaga ng mukha mo eh 'no."

" Aray! " daing ko dahil sa pag-kurot niya sa pisngi ko.

" Hell punta kana sa gilid ng mini altar. " sambit ni Vinia na isa sa taga-manage ng booth. " At ikaw Heaven, pumwesto kana sa dulo dahil maglalakad ka pa. "

"ts. Malamang alangan naman tumambling ako habang naka-gown." Mahina kong sambit at naglakad na nga papunta sa pwesto ko.

May ilang studyante na nakikinuod sa'min at kinikilig pa, sus, kung alam lang nila na gusto kong sipain paalis 'tong si Hell.

Nag-simula na akong maglakad papalapit sa kanila. Pwede bang mag-wheelchair tapos itutulak nalang nila? Nakakatamad kasing maglakad eh.

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ