Chapter 1

11.3K 327 108
                                    

“Girl naman, hanggang kailan ba matatapos 'yang gantihan n'yo ni Hell?”

" Wala ba kayong kapaguran?"

Kahit kailan talaga 'tong mga kaibigan ko, Palaging kontra sa mga plano ko kay Hell.

" Hangga't hindi siya tumitigil. Hindi rin ako titigil." Sambit ko sa kanila.

Nandito kami ngayon sa gilid ng locker. Nasaan na ba yung lalaking 'yon? Dapat nandito na siya ah.

Evil plan. Sa part kasi ng locker niya, binuhos ko ang isang maliit na bote ng langis. Ewan ko lang kung hindi pa siya mabagok niyan.

" Malalagot tayo nito kay Hell." Rinig kong bulong ni Andie.

" Nako! Akong bahala sa inyo." Kinindatan ko sila. Siguro natunugan na niya na may kalokohan na naman akong gagawin sa kaniya.

Halos magtatalon-talon ako sa tuwa nang matanaw ko na si kupal papalapit sa locker niya.

Oh shit! Kasama niya si kuya. Pero okay lang, magsama silang mabagok.

" Hell, sunod ka nalang sa court. Bilisan mo baka umusok na naman yung ilong ni coach. " nakita kong tumango si Hell kay kuya.

Hindi mawala-wala ang ngiti ko sa labi habang ini-imagine ko kung paano at anong posisyon babagsak si Hell.

Ayan na, malapit na.

" Aray!" Daing ko. " Kuya naman, bakit ka nambabatok?!"

Kahit kailan napakaepal niya rin talaga. Sila yata yung magkapatid ni Hell. Parehas silang asungot.

" Hell. " tawag niya kay kupal, "Mukhang may masamang binabalak sa'yo 'tong panget na'to."

Ako pangit? Duh, ano pa s'ya?!

Lumapit si Hell sa'min na may dalang nakakairitang ngiti. Tss, epal kasi talaga yung kuya ko.

" Thanks Bro. " nag-apir sila ni Kuya Skie.

" Kahit kailan talaga panira kayong araw ko!" Inis kong sambit at nagdabog paalis sa harap nila.

Muli akong bumalik ng may maalala ako. Yung dalawang kaibigan ko, naiwang nakatulala sa harap ni Kuya at ni Hell. Hinatak ko na rin sila bago pa tumulo yung mga laway.

---

" Heaven!"

" Oh bakit janelle?"

" Wala lang."

"K."

Takas yata siya sa mental. Nakita lang si Kuya,nagiging abnormal na. Palibhasa may gusto siya doon sa panget na 'yon. Ano kayang nagustuhan niya kay Kuya Skie? Bukod sa magaling sa Basketball, wala na siyang ibang magandang katangian.

Umiling-iling ako at itinuloy nalang ang pagda-drawing. As usual, madalas kong I-drawing yung mga Dress na gusto ko, sapatos at mga accesories. Madalas ko din I-drawing ang sarili ko, tiyaka ko ilalagay sa aking kwarto.

" Andie, pakikuha nga nung color sa tabi mo." Konti nalang matatapos ko na ang napakaganda kong mukha.

" Oh. " abot niya kaya agad ko rin'g kinuha.

Kamuntik na 'kong malaglag sa kinauupuan ko nang biglang pumasok si Demi, pinsan ni Hell.

" Heaven!" Nagpalundag-lundag siyang kumapit sa'kin tiyaka ako itinayo. Problema nitong muret na 'to?

" Problema mo?" Tanong ko. Baka mamaya may kailangan na naman siya.

" Yung mga old pictures mo. Naka-post sa stage at talagang dinudumog ng mga studyante." Natataranta niyang sambit. Old pictures? I thought na sa bahay lang 'yon. Kaya paanong napupunta 'yon doon sa stage?

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu