Chapter 25

3.5K 155 29
                                    

Marahan kong iminulat ang aking mata nang marinig ko ang pag-tunog ng alarm clock ko sa ibabaw ng maliit na table katabi ko.

Hindi pa sapat ang tulog ko dahil napuyat ako sa kababasa kagabi ng paborito kong libro. Isama mo pa na umalis si Hell dahil tumuloy siya sa reunion nila kaya hinintay ko siya at mga alas tres na nang madaling araw siya nakauwi.

Niyakap ko ang katabi kong unan at isinubsob ko ang mukha ko. Ang sarap sa feeling lalo na't antok na antok pa 'ko.

Kumunot ang noo ko nang gumalaw ito kaya bumagsak ang ulo ko nang kaunti.

Dumilat ako at ang nakapagtatakha wala namang unan na nakalagay sa gilid ko. Tanging si Hell lang na nakatalikod sakin.

Hindi kaya?

“Hindi ako makahinga sa yakap mo.” wika niya at humarap sakin. Ngumisi siya kaya pumikit ako at nagpanggap na tulog.

“Uminom kana naman ng gatas.” kumunot ang noo ko. Ang aga-aga nang iinis agad.

“Panis na laway 'yan. Ikaw kaya mapagod?”

“Wala naman tayong ginawa kagabi ah?”

“Tulog ka pa yata kaya kung anu-anong pinagsasasabi mo diyan.”

“Sorry.” sambit niya. Umupo siya at hinalikan ako sa pisngi.

Tumayo siya at pinagmasdan ko lang na kumukuha siya ng gamit pang-ligo. Kumunot naman ang noo ko dahil naguguluhan ako sa kaniya. Bakit siya nagso-sorry? May ginawa ba siyang kalokohan?

----

Habang nagda-drive siya, hindi ko maiwasan na hindi magtanong tungkol sa sinabi niya kanina.

Papunta na kaming school pero hindi kami nakauniform. Sa gym lang kami at manunuod ng mga magpeperfom galing ibang school.

“Hindi mo gugustuhing malaman Langit.”

“Tatanungin ba kita kung ayaw kong malaman?” loko rin itong Impyerno na 'to eh.

“Basta” inirapan ko nalang siya. Wala rin naman akong balak pilitin siya.

Itinabi niya ang kotse sa gilid nang gate at sabay naman kaming bumaba.

Nauna na akong pumasok dahil ibinilin niya pa kay Manong Guard yung kotse.

“Heaven!” gigil na banggit ni Audrey sa pangalan ko. Mukhang gagawa nang iskandalo ang isang to.

“Oh?” walang gana kong tanong. Hindi ba siya naiilang sa suot niya? Kita yung pusod at nakaskirt pa para siyang sasayaw.

“Nabalitaan ko yung kasal niyo ni Hell.”

“Oh ano ngayon?”

“Huwag kang magpakampante na sa 'yo na talaga siya.” ngumisi siya. Hindi naman sakin si Hell. Kung gusto niya sa kaniya nalang.

“Hindi ako magpapakampante.” boared na sabi ko at akmang lalagpasan na siya.

“May alam ako na hindi mo nalalaman.” lumingon ako sa kaniya. Gusto kong masuka dahil kinindatan niya ko.

May alam siya na hindi ko nalalaman? Well. Kung puro kalandian lang hindi ko talaga alam kaya hindi na ako magtatakha kung iyon ang tinutukoy niya.

“Hindi mo magugustuhan kapag nalaman mo.” bakit parang parehas sila ng sinabi sakin ni Hell.

Lumapit siya sakin at bumulong.

“Hindi sila gumamit kaya hindi ko alam kung safe 'yon.” ngumisi siya at nilagpasan ako. Hindi gumamit? Infairness naku-curios ako lalo na't hindi ko alam kung anong tinutukoy niya.



A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now